Chapter 24 - Zoe!

Blood XXIII: Zoe! 

Zedrick's Point of View 

Umalis na 'ko sa kama ko para makapaghanda. Naabutan kong wala na si Vermione dahil umuwi na muna sa kanila para maligo't makapag-ayos. Sina Savannah at Zoe na lang ang naabutan ko sa sala pagkarating ko.

 Naghahanda si Savannah ng pagkain and because I like her, I see her as my wife. How lucky am I to have her? "Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto?" Umupo ako sa pwesto ko't tiningnan ang nakatakip na ulam. Aalisin na sana ang nakapatong na plato nang paluin ni Savannah ang kamay ko dahilan para ilayo ko ito at hinawakan. "B-bakit?" Naguguluhan kong tanong.

Sinimangutan lang n'ya ako at nilingon si Zoe na ngayon ay nanonood ng TV. "Zoe, kain na." Lumingon naman ito saka patalon talong pumunta sa table.

Umupo s'ya sa tabi ko at nginitian ako, ngumiti lang din ako pabalik at inilipat ulit ang tingin kay Savannah na bored lang na nakatingin. Mayamaya lang nung bumuntong-hininga s'ya at umiwas ng tingin. "Sige, puwede mo ng buksan." Labas sa ilong na sabi. 

Sabik ko namang inalis ang platong nakapatong at laking panghihinayang nung makita ang laman nito. "Bakit puro gulay?" Tukoy ko sa mga cabbage na nando'n sa plato. Sa ibabaw nito ay naka spread naman ang mayonaise. 

 Hindi naman ako diet, ah?! 

Namula naman ang mukha n'ya. "B-Baka kasi diet kayo, 'di ba? K-kaya iyan na lang ang inihanda ko." Tila nahihiya nitong paliwanag at dikit-kilay na ibinaling ang tingin sa 'kin. "And why are you even complaining? Healthy nga sa katawan 'yan, eh." 

Ngumiti ako ng pilit. "But I need iron."

"Kung ayaw mo, okay lang naman." At inurong n'ya iyong plato kay Zoe na panay kuha lang sa gulay. Vegetarian, eh?

 "Walang pumipigil sa 'yo, magutom ka d'yan." Now, she's using a reverse psychology to me?

Kumurap kurap ako at malapad na ngumiti. For some reason, kahit ang cheeky niya. Ang cute pa rin niyang tingnan. 

 Kinuha ko ang tinidor at patusok na kumuha ng cabbage para isubo iyon. 

Nakakaiyak, hindi ako mahilig sa gulay kaya parang gusto ko na lang din masuka. Pero nag effort si Savannah na magising ng maaga para makapaghanda ng umagahan kaya hindi ko dapat 'to palagpasin. 

Binigyan ko ng thumbs up si Savannah. "M-masarap..." Napipilitan kong sabi.

"Shut it, napipilitan ka lang." Pagtataray niya sa 'kin sabay subo ng cabbage. Pero laking gulat noong mapaubo siya. Nasamid ba o hindi rin mahilig sa gulay? 

***

INAYOS KO ang pagkakasuot ko ng sapatos at nilingon si Zoe na hinihintay kaming umalis. "Maiwan ka muna namin d'yan, babalik din kami pagkatapos." 

Umabante s'ya para lumapit sa akin. "B-babalik ba ulit kayo sa lugar na 'yon?" Tukoy ni Zoe sa Prison of Atlante. 

Humarap ako sa kanya at tumango. "Yeah, we have to." Tugon ko. Niyakap n'ya ako bigla dahilan para mapasigaw ako sa gulat.

Sinubsob niya ang mukha niya sa bandang leeg ko. Naramdaman ko tuloy 'yong bawat paghinga niya. Ah! Nakakakiliti! Huwag! 

"Take care of yourself, okay?" Sambit niya na may malambing na boses. Nataranta naman akong napatango saka tiningnan nang kaunti si Savannah nang maramdaman ko ang aura'ng pumapaligid sa kanya.

Wala s'yang emosyon pero iba 'yung vibes na binibigay n'ya kaya inilayo ko na si Zoe sa akin. "May pagkain diyan sa refrigerator kung sakaling magutom ka, pero hangga't maaari lang. 'Wag ka ng umalis dito, ha? Babalik din kami." Hindi siya sumagot pero tumalikod na ako para lumabas.

Sinarado ang pinto at sinundan si Savannah na nauunang maglakad. Sumasabay 'yung buhok n'ya sa paggalaw ng katawan niya. 

"..."

Tinakpan ko ang mukha ko at naglabas ng hangin sa ilong. Sumabay ako sa paglalakad ni Savannah. "Savann--"

"Just call me, Sav." Biglang sabi niya ng nakabusangot. 

Bumilog ang mata ko sa nabanggit. "What?" 

 Narinig ko naman siya pero hindi ko maiwasang tanungin 'yung sinabi niya. Para na rin sure. 

Nagsalubong ang kilay niya at medyo iniyuko ang ulo nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "I-I said call me, Sav." Ulit niya at inis akong tiningnan. "What? Do I have to repeat it again or something?" Iritable niyang tanong noong ilapit niya ang mukha sa akin. 

 Humawak ako sa bibig ko dahil sa sobrang ka-cute-an n'ya. Lumayo ka sa akin! Hindi mo ba alam kung ano ang pwede kong gawin sa 'yo kung ganyan kalapit ang mukha mo?! 

 Pero ngayon ko lang napansin. Mas mahaba pala ang mga pilik mata niya kumpara kung titingnan ko siya ng malayuan. Napakaganda rin ng purple eyes niya, tila parang kumikinang ito habang nakabaling sa akin. 

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong nanikip. "Krr!" 

 Napaawang si Savannah. "Ze--" Nagulat siya noong mapaluhod ako. "Zedrick!--" 

Tumawa ako at muling tumayo na para bang wala lang. "Joke lang! Nag-alala ka 'no?!" Nagawa ko pang mag joke sa lagay na 'yon. 

 

 Kita ko ang kaunti niyang panginginig subalit nagawa niya ring palitan ng naiinis na mukha at piningutan ako sa tainga para ilapit ako sa kanya. "Huwag mo 'kong niloloko ng gano'n!" Binitawan naman niya ako pagkatapos. Humalakhak lang ako nang unti saka siya nagpatuloy sa paglalakad. 

Napahawak naman ako sa dibdib ko't napakuyom. 

What was that? 

Vermione's Point of View 

Dali-dali akong lumabas ng bahay matapos kong makapag-ayos. Nakarating na si Lolo at sa ngayon ay nasa kusina siya't nagluluto ng umagahan n'ya.

Hindi na ako sasabay dahil baka kailangan na ako nila Savannah sa U.B.

Inayos ko ang school shoes ko't hahakbang na palabas ng gate nung tawagin niya ako."Hoy, ikaw!" Tumigil ako't lumingon sa kanya-- ang lolo ko. 

 Lukot ang mukha niya't magkasalubong ang mga kilay.

Palapit na siya rito habang hawak-hawak ang stick ng bamboo. "A-Ano nga ang pangalan mo, ha?" Turo niya sa akin. "Bakit wala ka rito kagabi?!" Sabay hampas niya ng kawayan sa lupa. Hindi ako umimik at nakatingin lamang sa mata niya. 

 What does he want from me? 

"Huwag mo 'kong titingnan ng ganyang babae ka, sumagot ka! Ako ang nagpapalaki sa 'yo tandaan mo 'yan! Baka naman nakikipag laplapan ka na sa mga lalaki kaya ka madalas umuwi ng gabi?" Is he concern? I don't know. 

 Gumuhit na ang ngiti sa labi ko kaya lumabas na ang ugat sa sintido niya. "Ano'ng nginingiti ngiti mo riyan, ha?! Nasaan ka?!" Singhal pa niya na kaunti na lang ay halos mapatay na ako. 

 Pakiramdam ko, bumabaliktad ang sikmura ko.

 Umismid siya at akmang bubuhatan ako ng kamay nung magpasya siyang hindi iyon ituloy. Kumamot lamang siya sa ulo niya't inis ding ibinagsak ang mga kamay. "Hindi naman kita masisisi, eh. Ganyan 'yung nanay mo, mana mana lang 'yan! Letche kayong lahat!" 

 Yumuko ako. "Kailangan ko na pong umalis." Magalang kong paalam. Being too nice can be a dangerous thing sometimes... 

Umismid ulit siya. "Hindi ka makasagot kasi nga tama ako? Tama! Lumayas ka na lang dito! Wala ka namang kwenta!" At padabog s'yang naglakad paalis.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pumasok na ito sa loob ng bahay. Kinuyom ko ang kamao ko at tahimik lamang na nakatingin sa malayo, mayamaya pa noong mabilis kong sinuntok ang pader na nasa likod ko. 

 Blanko lang din ang tingin ko sa ibaba. Sa halip na masaktan ang kamao ko'y mas nangangati pa itong manuntok ulit ng pader upang mabawasan ang galit sa aking dibdib. 

 Hinawakan ko lang ang aking kamay at pasimpleng huminga ng malalim bago ibaba ang mga kamay ko. Tinalikuran ko na nga lang ang bahay na iyon at nagsimulang maglakad palabas ng gate upang dumiretsyo sa K.C.A. 

 To be honest, this issue of mine is nothing but pathetic. Hindi ko lang maiwasang magalit dahil dinamay nanaman ng mapanghusga kong lolo 'yung ina kong walang kamalay-malay sa mga pinagsasabi niya. 

 My mom was raped by a vampire 6 years ago. Naging alila for how many months bago mawala sa katinuan. Now, I have to visit her twice in a month to check her. Iyong tatay ko? He died in a war-- a vampire hunter that serves to protect its people. Kami lang ang naiwan ng ina ko. How did I know about those things? 

 Diary. 

 My Dad left me the diary about what happened during the war. The other story behind it, and a bit weaknesses of every vampire types that exist in Earth. 

 As I read those, I came to hate vampires. They're nothing but a blood thirsty assh*le na walang ibang ginawa kundi ang gawin ang gusto nila. 

Because they have the power, ia-under ka nila. Kung wala silang ibang magawa, paglalaruan ka nila. 

 

 Napatigil ak sa paglalakad nang mapansin ko ang isang babae sa hindi kalayuan. Nakaharap lang siya sa 'kin. Suot ang Black Cape Hood at nakalinya ang ngiti sa labi. 

 Ngumiti ako. "I wonder why you're here?" 

 Humagikhik ito na may mapang-asar na tono. "Vermione, isn't. I have proposal to you." Panimula niya. "Why don't you join the vampire community and help us out?" Tanong niya na mabilis kong inatake. 

 Tumambling ito paatras 'tapos napatingin sa kaliwang braso niya na natamaan ko ng patalim. Galing iyon sa ilalim ng skirt ko, may nakatagong maliit na kutsilyo. 

 "I see, that's your answer?" Tanong niya. 

 Pinaikot-ikot ko ang patalim ko sa aking daliri at mas lumapad ang ngiti. "Tinatanong pa ba 'yan?" 

 Humagikhik siya. "Kahit sabihin ko sa 'yong buhay pa 'yung ama mo?" Nanlaki ang mata ko pero ibinalik din sa dati. She's trying to provoke me. "Van Heim Velasco. That is the name of your father, isn't?" Napapitlag ako nang marinig ko ang pangalan na 'yan. 

 Nawala na ang ngiti sa aking labi at seryoso siyang tiningnan. "I don't know where you got the name. But my father was already dead. If you're just trying to trick me, it's useless." 

 Nagkibit-balikat siya. "Sayang. Magagawa n'yo pa namang makapag reunion ng tatay mo." Iiling-iling niyang sambit at nginisihan ako. "But oh, well. Sa huli ang pagsisisi, Vermione." Hindi lang ako umimik. Pero parang na-trigger ako sa sinabi niya. "Tell Savannah that I will meet her again. So, be ready." At nawala ito na parang bula. 

 "Tsk." 

Savannah's Point of View 

Halukipkip kong pinapanood si Zedrick na pinupunasan ang Jian Sword niya noong pareho kaming napatingin sa dumating. "You're finally here." Sambit ko't tumayo kasabay ang paglapit ni Vermione sa akin. 

She smiled. "Sorry, am I late?" Tanong niya na inilingan ko bilang sagot. Inabot ko sa kanya 'yung susuotin niyang anti-vampire clothes na katatapos lang kani-kanina ng mga scientist.

 "Siya nga pala, Vermione. Wala ka bang ginagamit na Anti-vampire weapon or any weapon sa I.A.A?" I asked. Ibinaba niya 'yung dala-dala niyang bag ng gitara, ba't nga siya may dala niyan? 

Binuksan niya iyon at kinuha ang laman, isa lang siyang maliit na scythe nung una nang may pindutin siya rito at lumaki. It is the Ruby Crescent Rose with the High Velocity Sniper-Scythe. 

 Napatayo si Zedrick habang kumikinang ang mga matang nakapukaw ro'n sa armas ni Vermion. "Ang ganda naman!" Manghang wika ni Zedrick na nginitian ni Vermione. 

"I got this from my late father. Pinamana kumbaga." Tugon niya saka ito lumiit. Inilagay niya iyon sa Concealment Guitar saka naglakad paalis para magpalit ng damit. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya nang ibaling ko na lamang ang tingin sa Fusion Gate. Hinintay ko 'yung dalawa na gawin ang dapat na ayusin. 

Ilang minuto bago sila maging ready. Seryoso, ang bagal nilang pareho. "Wala na kayong nakalimutan?" Paninigurado ko at umiling naman sila bilang sagot. Tinuon ko ang tingin kay Vermione. "You ready? Sanay ka naman siguro sa gravity ng Fusion Gate, right?" 

 Tumango siya. "Pareho lang din sa U.B ng I.A.A." Tukoy niya sa skwelahan niya noon. Inihanda na nga namin ang sarili't tumalon na roon sa Fusion Gate. 

Wala pang ilang segundo noong makarating kami, pero tumambad sa 'min ang iba pang mga vampire hunters na ngayon ay inaatake na rin ang mga Class-A. 

 Eh? Ano'ng nangyayar-- 

 Tumunog ang round watch ko, senyales na nasa alert level ang Prison of Atlante. Bumuka ang bibig ko't dali-daling lumapit sa leader ng Platoon 11 (XI) na nagle-lead sa mga ka-grupo niya. 

 "Bakit biglang nag berserk 'yung mga Class-A?" Kalmado pero marka sa boses ko ang pag-aalala.

Kinasa na muna niya ang baril niya. "Ba't kayo nandito?!" Sigaw niya dahil maingay na nga 'yung paligid. "Bumalik kayo sa U.B!" 

Nagtaka naman ako. "Huh?" Naguguluhan kong reaksiyon. 

"Wala rito 'yung bampira na nakakapaglabas ng spirits! Nakalabas na siya!" Nanlaki ang mata ko't nilingon sina Zedrick na tinutulungan ang iba pang mga Vampire Hunters na patayin ang ibang mga Class-A na nagkakagulo.

 

 "Teka, naguguluhan ako. You mean nakalabas siya ng Prison of Atlante?" 

Lumingon siya sa akin na may takot sa kanyang mata. "Na-detect ng system mula sa main lobby ng U.B. ang existence nung bampirang umatake sa 'yo nung nakaraang araw sa rooftop ng K.C.A. at nasabing na sa area ni Zedrick iyon-- mukhang nakasalubong n'yo na rin ito." Napaawang-bibig ako, pumasok din sa isip ko si Zoe kaya nagdikit ang kilay ko. 

 I knew it! 

 Kung ang rason ng pagpunta namin ni Zedrick nung nakaraan sa Destination Area 3-F ay ang mahanap ang bampirang may abilidad makapaglabas ng spirits dahil sa na-sense niya ang presence nito. Maaari pa naming matagpuan ro'n ang bampirang iyon. Ngunit imbes na bampira ang nagpakita nung araw na iyon, Hindi. Kundi isang batang babae. 

 Nandoon na 'yung instinct ko na may mali. Dahil kung matagal-tagal na si Zoe rito sa Prison of Atlante. Una pa lang, patay na siya. May posibilidad kasi na makita siya ng ibang Class-A vampires. Malakas ang pang-amoy ng mga bampira kumpara sa mga ordinaryo lalo na kung nauuhaw sila't kinakailangan ang dugo ng tao. 

 Saka nung araw na natagpuan namin si Zoe. Mayro'n akong nakitang itim na usok mula sa kanya. Subalit inaakala kong guni-guni ko lang iyon dahil sa pagod kaya hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. 

 

 Mabilis akong pumunta kung nasa'n sina Vermione. "Sumama kayo sa 'kin!" Hinila ko ang likod ng kwelyo ni Zedrick para bumalik ulit sa U.B. 

Nakasunod lang sa 'min si Vermione. "Kailangan nating bumalik sa condo mo, Zedrick." 

"Huh? Kararating lang natin dito--" Pinutol ko ang sasabihin niya. 

"Si Zoe, siya 'yung bampira." 

Zoe's Point of View 

Binitawan ko na ang babaeng estudyante matapos kong ubusin lahat ng dugo sa katawan niya. Sa harapan ko naman ay nandoon ang nanginginig na lalaki na kahalikan ng malanding babae sa madilim na eskenito na ito. 

Pinunasan ko na nga ang bibig ko gamit ang likuran ng aking palad saka dahan-dahan na umabante papunta sa kanya. Inilabas niya 'yung rosary n'ya habang nagtititili. Animo'y nakalimutan na isa siyang lalaki. "Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death..." Paulit-ulit niyang sinasabi iyon kaya hindi ko mapigilan ang matawa. 

"You know what? You really looked stupid." Natatawa kong sambit at mas lumapit sa kanya para kunin ang rosary niya. Hinablot ko iyon sa kanya at idinikit sa pisngi ko. "Tingin mo masusunog ako ng walang kwentang kwintas na 'to?" Tukoy ko sa rosario at hinagis iyon sa pagmumukha niya kaya ngayon naman ay naihi siya sa pantalon niya. Mas lalo akong natawa, hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng ganitong klaseng tao sa lugar na 'to. 

Dinilaan ko ang ibaba kong labi, mas nanginig naman ang lalaking ito at halos mahimatay habang papalapit na ang kamay ko sa kanya. "Let me,

...suck your blood." Ibinuka ko ang bibig ko't inilabas ang pangil para atakihin siya.