Chereads / Arcane Vampire: A Fabled Fiend / Chapter 28 - Battle on Moonlit Night!

Chapter 28 - Battle on Moonlit Night!

Blood XXVII: Battle on Moonlit Night! 

Zedrick's Point of View 

"I just received the report" Panimula ng kasamahan namin at ipinakita sa akin ang ilan sa mga photos mula sa isang lugar. Makikita rito ang ilan sa mga pagsabog, ilang aircrafts na nagbababa ng bomba para wasakin ang makapal na pader gamit ang military fire arms. 

"...The military-- Vampire Slayers are already on their move to eliminate all Class-A Vampires at the Prison of Atlante." Litanya nito. "Kung itutuloy nila 'yung plano, maraming maaapektuhan sa ibaba." Naipaliwanag noon ni Savannah na ang lokasyon ng Prison of Atlante ay na sa pinakaitaas ng bundok ng bansang ito na hindi kailan mang pwedeng bisitahin ng kahit na sino. Maliban sa mataas ito ay mayro'n itong transparent barrier na inilagay ang previous vampire hunters upang 'di ito matagpuan ng kahit na sinong ordinaryo. 

Pumasok kami sa loob ng Underground Basement para kunin ang mga gagamitin samantalang ang iba namang vampire hunters ng K.C.A. ay pumasok sa Prison of Atlante kung saan sila in-assign. 

In-activate ni Mr. Okabe ang security system para maisara lahat ng p'wedeng labasan. Pinaghandaan daw talaga ito para sa ganitong emergency pero hindi naman niya inaasahan na magagamit niya ito ngayon. 

Kinuha ko ang Jian Sword na nakasabit sa pader habang kinuha naman ni Savannah ang Anti-Vampire Weapon na Double Handed-Gun. Napatitig ako roon dahil hindi ito 'yung madalas niyang ginagamit. Kulay itim ito with pattern design. Nakarinig kami nang malakas na pagsabog sa itaas ng U.B dahilan para manginig sandali ang lupa. "Tayong dalawa lang ba ang mag-aasikaso ng mga nakawalang Class-A? Nasa'n iyong iba?" Hanap ko sa pwede pang tumulong sa amin. 

 Kinasa na ni Savannah ang kanyang baril na may matalim na tingin sa kanyang mata. "Hindi gano'n karami ang Vampire Hunters sa K.C.A gaya ng iniisip mo. Mas kailangan sila sa Prison of Atlante kaysa rito. Huwag kang mag-alala. Iilan lang sila kaya mahahanap kaagad natin sila." Wika niya at humarap sa pintong lalabasan namin mamaya. "Sa ngayon, unahin natin 'yung field. Baka nandoon ang isa sa kanila." Tukoy niya sa mga Class-A Vampires saka mabilis na umalis sa U.B.

Dumiretsyo kami sa field kung saan nagkakagulo ang mga kabayo't nagtatatakbo paikot sa field. Nai-stress sila sa ingay nung paligid dahil mayro'ng pumutok na building na malapit lang dito.

 Iginala ko ang tingin sa paligid tapos in-activate ang vampire instinct para mas tumaas ang accuracy at agility ko. "Dalhin natin sila sa stal--" Matinis na tili naman ang narinig namin mula sa Horse Stall gayun din ang ungol ng bampira. 

"Sinabi na nga kasing mag-evacuate, eh." Kalmado pero hindi maaalis sa mukha ni Savannah 'yong pagkairita. Tumakbo kami kung saan namin narinig ang boses na iyon. 

Pumasok kami sa Horse Stall, doon namin nakita ang lalaking Class-A Vampire habang nandoon sa pinakagilid ang babae't takot na takot na umaatras kahit wala na itong pwedeng pag-atrasan. Lumingon siya sa amin at humingi ng saklolo, pero bago pa man namin siya mapuntahan ay mabilis na itinusok ng Class-A Vampire ang matalim niyang kuko sa puso nung estudyante. 

Pareho kaming nagulat ni Savannah pero 'agad ding bumalik sa wisyo't inatake ang bampira. Ini-swing ko ang Jian Sword habang ipinuputok naman ni Savannah ang mga baril niya rito na inilagan lang din nung bampira. Kumpara sa baril na ginagamit niya noon ay may asul na apoy na kasama sa bullet na lumalabas sa kanyang baril.

"Zedrick! Don't kill him!" Tukoy niya sa Class-A at paalala niya sa akin saka ako pa-tumbling na umatras noong kamuntik muntikan na 'kong matamaan. 

 

 "But he just killed a student!" Sambit ko nang lumingon ako kay Savannah. 

Nag-iba ang itsura niya, lungkot at paghihinagpis ang makikita sa kanyang mukha. "I know, but," Muli kong tiningnan ang bampirang na sa harapan namin. Kaibigan din ba niya ito? 

 Napapikit ako nang mariin at malakas na nagbuga ng hininga. "Argh! Fine!" Matulin akong tumakbo papunta sa kanya, napanganga siya noong mapagtanto niyang na sa harapan na niya ako. Mabagal lang ang paggalaw niya kaya ipinukpok ko ang handle sword sa ulo niya dahilan para mapahawak siya rito't asar akong tiningnan. 

 Dahan-dahan naman akong umatras. "Easy." pagpapakalma ko at nilingon si Savannah. Tinuro ko itong Class-A. "Who is he?" Curious kong tanong kaya napaawang-bibig siya. "Hindi mo naman siguro 'to boyfriend, 'di ba?" Sumimangot siya bigla at bumuntong-hinigna. 

 Itinapat din niya ang mga palad niya sa akin. "Huwag mo 'kong kausapin, mas pino-problema ko 'yung namatay na estudyante." Parang napapagod nitong sambit kung saan ako naman ang napasimangot. 

 Ako nga ang dapat mamoblema dahil ako nanaman 'yung pag-aasikasuhin ninyo sa pagbura ng mga alaala ng kamag-anak niya! 

"Sorry, Sav…" Pareho kaming napatingin sa Class-A noong bigla siyang humingi ng paumanhin. Tila hindi makapaniwala si Savannah nang marinig niya itong magsalita. 

 "Jaxzon." Banggit ni Savannah sa pangalan nito. 

 "I tried to stop myself, but I can't--" Humawak siya sa ulo niya't mabilis na pumunta sa harapan ni Savannah. Sinipa niya ito sa sikmura dahilan para tumalsik siya palabas. 

"Sav--" Hindi ko naipagpatuloy 'yung pagtawag ko sa kanya nang bigla naman akong atakihin ng bampirang ito. Sinipa ko naman ang sikmura niya na nagpaatras sa kanya. "Ano ba, p're! Huwag mo naman akong pahirapan dahil mapipilitan talaga akong patayin ka kapag hindi mo 'to tinigil--"

"Please do." Nahihirapan na sagot nito, namilog ang mata ko. Patalon kaming umatras sa isa't isa nang magkaroon ng impact ang atake naming pareho. "Huwag mong hayaan na magpatuloy pa 'to at dumating sa punto na masaktan pa ang kaibigan namin." Ikinalmot niya ang mga kuko niya na na-block ko naman kaagad.

Ngumiwi siya, bakas sa mukha niya na hirap siyang magsalita upang makausap lang ako. "May kumo-kontrol sa amin. Kapag nawala ang spell na, magiging abo rin kami. Kaya pata--" Tumigil siya bigla at walang buhay akong inatake. Dumaplis iyon sa braso ko dahilan para mapahawak ako pero mabilis na umatras noong muli nanaman siyang umatake. 

 "Sino 'yung kumo-kontrol sa inyo?!" Tanong ko pero nakatungo lang siya. Nang tumingala siya upang makita ako ay wala na 'yung kaninang tingin niya noong kausap niya ako. Nawala na siya. 

 Muli nanaman itong umatake gamit ang matutulis niyang kuko. 

Kinuha ko kaagad ang kahoy na nandoon sa kaliwa ko't iyon ang ginamit bilang protection. Tumagos ang kuko niya na kakaunti na lang ay matutusok na ang ilong ko. Ginamitan ko siya ng upper kick kaya bumagsak na siya. Pumikit ako nang mariin at seryosong tiningnan ang nagngangalang Jaxzon. "Poprotektahan ko 'yung kaibigan mo. Pangako." 

 Nakapasok na si Savannah kasabay ang paggamit ko ng abilidad ko nang mapasok ko ang utak ni Jaxzon. Nandoon pa 'yung alaala na nagawa nila Savannah kasama ang iba pa nilang kaibigan. Masaya sila at sama-sama kapag may mga problema silang kinahaharap. Ngunit may isang bagay na tinatago ang lalaking ito kay Savannah. 

 "Assisted Suicide-- take your own life as you will meet your eternal slumber." I command. His eyes widened but was able to smile in a last minute, he whispered, giving his thanks before he killed himself. 

Nanlaki ang mata ni Savannah at nanginginig na nakatingin kay Jaxzon, hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. "Until we meet again, Sav." Ume-echo na pagpapaalam nito bago mawala ng tuluyan. 

 "I want to marry her and protect her at all cost!" Naalala kong sabi ni Jaxzon sa alaala niya kasama ang isa pang babae. Lumingon ako kung nasa'n si Savannah na ngayon ay napaluhod na. 

 Lumapit ako sa kanya at niluhod ang kanang tuhod upang pantayan siya ng tingin. Ipinaliwanag ko sa kanya 'yung nalaman ko kay Jaxzon, I'm trying to convince her pero mukhang mahirap. "You're telling me to kill all of them?! How am I supposed to do that?! They are my friends!" Umurong kaunti ang ulo ko dahil sa bigla niyang pag flinch. Kunot na kunot ang noo niya at animo'y walang ideya kung ano ang gagawin.

 Lumunok ako at sinubukan siyang pakalmahin. "Savannah. Your friends doesn't want to hurt yo--" 

 "That again? I don't wanna hear it, Zedrick!" Pagmamatigas niya kaya napaawang ako ngunit nagsalubong ang kilay para pilitin pa siya sa gusto kong mangyari. 

 "Kung hindi natin 'yon gagawi--" Pinutol nanaman niya ako. 

 "Bakit ako na lang ang palaging pino-protektahan?! Ba't 'di n'yo ako pabayaan na iligtas kayo?!" Iritang irita na tanong ni Savannah. Unti-unti niyang sinabunutan ang buhok niya. Gusto ko siyang hawakan at ihila palapit sa akin upang yakapin pero ang hirap. "Kung hahayaan ko silang mamatay, edi parang wala rin akong nagawa para sa kanila." Nanginginig nitong pagkakasabi na nagpapungay sa aking mga mata. 

 

 Hindi na rin ako nagdalawang-isip na kunin ang kamay niya para ihila sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit. 

 Savannah, she's trying her very best and will do everything for the people she cared about even if it cost all of her own life. This woman, she's making me want to cry. 

 Hinawakan ko ang likuran ng kanyang ulo at kahit hindi niya nakikita ay gumuhit ng linya na ngiti ang aking labi. You're just too perfect all the time. It's fine to screw up sometimes, you know? 

 "Not being able to make them stay alive doesn't mean you didn't do anything for them. In fact, you save them-- from sufferings they've going through." Hinimas-himas ko ang ulo niya kasabay ang isa pang pagsabog sa kung saan na hindi lalayo rito. 

 Pumikit ako. "This time, let them rest. Hindi lang sila, kundi pati sarili mo. You did your best." Pumikit ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Naramdaman ko na ang basa sa likod ko, senyales na tuloy tuloy na sa pagbagsak ang kanyang luha. 

***

HAWAK-HAWAK ko ang sugat ko nang mawala na ito matapos kong gumamit ng cure. Tumayo na ako nang maayos at tiningnan si Savannah na kino-compose pa ang sarili. "Zedrick, will you let me do the work?" Tanong niya nang hindi humaharap sa akin. 

 Mas nilingon ko siya't hindi inimikan samantalang humarap naman siya sa akin. "Ako ang tatapos lahat ng mga 'to. Wala kang ibang dapat na gawin." Tinutukoy niya 'yung mga kaibigan niya. 

 Humarap na rin ako sa kanya. "If you want to cry, nandito lang ako." 

 Namilog sandali ang mata niya bago tumalikod ulit. "Hindi mo kailangang sabihin 'yan sa akin." Pagtataray pero nahihiya lang na sambit niya. Pagkatapos ay tumungo kasabay ang pagbaling niya sa kaliwang bahagi. "I will…" Dagdag niya't marahan na tumango. 

 Labas sa ilong akong ngumiti saka nagsimulang maglakad para lumabas sa Horse Stall. "Tapusin na natin 'to."

 Walo lahat ng mga nakawalang Class-A Vampire na isa-isa naming pinaghahahanap sa bawat lugar ng K.C.A. 

Hindi naging madali kay Savannah na pagpapatayin ang mga ito gamit ang sarili niyang kamay. Habang ako ay na sa gilid lamang at nakatayo, pinapanood siya. 

Malalim na huminga si Savannah habang matalim na nakatingin sa bampirang na sa harapan niya. Nandito kami ngayon sa Science Laboratory. Basag na lahat ng mga gamit dito sa loob samantalang patay sindi naman ang ilaw. 

 Nababasa rin kami ng tubig mula sa fire sprinkler. Nakikiramdam 'yung bampirang na sa harapan namin nang marahan na itutok ni Savannah ang kanyang baril sa kaibigan niya. "If someone will kill those people I love. I'd rather do it myself." Pinutok na niya ang baril na saktong tumama sa noo nung pampitong bampira. Ngunit bago siya mawala, tulad nung iba ay binanggit din niya ang pangalan ni Savannah na may ngiti sa labi. Sabay sabing, "Salamat." 

 Bumaba ang magazine sa dalawang baril ni Savannah at bumagsak sa simento na nakagawa ng pag echo sa paligid. Ibinaba naman niya 'yung mga kamay niya at tumungo. May kinuha siya mula sa bulsa ng skirt niya at may inilabas. Iyon 'yung bracelet na nawala noon sa kanya. 

 Medyo matagal tagal ang pagtitig niya roon nang ikuyom n'ya iyon at humarap sa akin para maglakad. Nilagpasan niya ako kahit makikita mo sa mukha niya iyong sobrang pagod. 

 "Wait, don't strain yourself too muc-- Savannah!" Bumagsak siya bigla na mabuti na lang ay nasalo ko kaagad. Dahan-dahan akong lumuhod upang masuportahan siya pero pinilit niyang tumayo na pinigilan ko lang. "Listen, kung itutuloy mo pa 'to. Babagsak na 'yung katawan mo!" Na-drain ng emosyon niya 'yung lakas na mayroon sa katawan niya. 

 "Bitawan mo 'ko, Zedrick. Okay lang ako." Kalmado niyang sambit at inalis pa ang pagkakahawak ko sa kanya pero ibinalik ko lang sa balikat niya't iniharap siya sa akin. Pagod na pagod na 'yung mukha niya. 

 "You're not okay, you're not okay." Pag-iling ko. 

 Nanliit ang mata niya. "Let go." Udyok niya.  

 Umiling pa ulit ako. "Savannah. It's okay, you don't need to pretend anymore." Sinuklay ko ang itim niyang buhok pa-brush sa pamamagitan ng mga daliri ko para makita ng maaliwalas ang mukha niya at ibinaba ang tingin papunta sa kanyang mga mata na wala ng kabuhay-buhay. 

 

 Nasasaktan ako, nasasaktan ako na wala akong magawa kundi ang makita siyang mahirapan. Ito siguro 'yung nararamdaman niya habang nakikita 'yung mga kasamahan niya na nagiging abo isa-isa. Sa tagal na nandiyan siya para sa kanila, ilang beses na ba siyang umiyak?

Iisipin ko pa lang, parang mas tinatagos 'yung puso ko ng ilang saksak ng patalim, parang gusto kong maiyak. Gusto ko ng umiyak ngayon. 

 

 Ipinatong ko ang noo ko sa noo niya nang hindi pumipikit. "I'm sorry for letting you do this alone. Pero kaunti na lang, matatapos din 'to." 

*** 

 NANATILI PA KAMI ng ilang oras dito sa science laboratory. Tumingala ako kung nasaan ang wall clock para tingnan ang orasan. Mag-aalasais na rin pala ng gabi at hindi na namin namalayan. 

 

 Nagbuga ako ng hininga at tumingin sa hindi kalayuan. Nakaupo ako ngayon sa stool at nag-iisip isip ng mga bagay bagay. Lalo na sa kalagayan ni Savannah na ngayon ay nakatayo sa harapan ng malaking bintana't nakatingin sa labas. Nakabukas ang sliding window kaya pinapasukan kami ng malamig na hangin.  

 Kanina pa kami hindi nag-uusap at tahimik lang si Savannah, wala rin akong balak magsalita dahil wala rin naman akong sasabihin. I have no rights, kahit na sabihin kong alam ko ang nararamdaman niya, 'di ko pa rin masasabing naiintindihan ko iyon lalo na't hindi naman ako ang nakaranas. Wala naman akong kaibigan noon na pilit kong pino-protektahan ngayon, eh. 

 Kung ibubuka ko rin ang bibig ko para bigyan siya ng comfort. Baka mas lalong gumulo ang utak niya. Hindi naman lahat ng mga magagandang salita, may magandang naidudulot. Kaya mas maganda kung mananahimik lang ako rito at hintayin siya na maging okay kahit papaano. 

 Pero kumusta kaya 'yung sitwasyon sa Prison of Atlante? Wala pa rin kasing bumabalik ni isang vampire hunters, ganoon din si Mr. Okabe na nasa kabilang organisasyon para ayusin ang isa pang issue tungkol sa Senaca Guns. 

 Namuo pa ang kaunting katahimikan nang magpasya akong tumayo para sana kumuha ng maiinum sa Vending machine na hindi lalayo rito nang magsalita si Savannah. "Where are you going?" Tanong niya dahilan para lingunin ko siya. 

 "Bibili lang ako ng maiinum. Dadalhan kita, ano ba gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Ibinaba niya ang tingin niya't umiling. 

 "Sige, lemona--" Napatigil siya sa pagsasalita niya samantalang mabilis kong nilingon ang presensiya na bigla kong naramdaman. Sumulpot ang spirit sa harapan ni Savannah-- ang Salamander kung titingnan. Malakas na inihampas nung salamander ang buntot niya kay Savannah na sa sobrang bilis nito, hindi ko na siya magawang maialis doon kaya ang nangyari ay tumalsik si Savannah palabas sa bintana kung saan nabasag pa ang salamin nito. 

 

 Kinuyom ko ang kamao ko't mabilis tumakbo patalon sa labas ng bintanang iyon upang saluhin si Savannah na nahuhulog na pababa. Pilit ko siyang inaabot gayun din siya. "Krr, Sav…" Mas inabot ko pa siya nang makuha ko na ang kamay niya't sumabit sa puno bago pa man kami mahulog ng tuluyan. 

 Ibinaba ko na si Savannah sa simento pagkatapos ay muli nanamang umilag nang tumalon din pababa ang spirit. Nang makalapag kami ay napatingin na kami sa taong nakatayo sa tuktok ng ulo nung Salamander spirit. "Zoe…" Tawag ko sa pangalan niya. Taas-noo naman siyang nakatingin sa amin habang nakalinya ng ngisi ang kanyang labi. Paano siya nakawala?! 

 May isang lumitaw sa ibaba ng spirit ni Zoe-- ito 'yung babaeng may abilidad na Pyrokinesis. Nakasuot lang din siya ng hood pero hindi ako pwedeng magkamali, siya iyon kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita ng mukha. 

 I clenched my teeth. 'Di ako pwedeng magkamali, siya may kagagawan lahat ng mga ito. Siya rin ang nag-alis sa pagkakagapos kay Zoe. "It's been awhile, huh?" Bati niya sa amin na animo'y nang-aasar pa. 

Nagsalubong ang kilay ni Savannah. "Why do you keep on hiding?" Savannah asked the girl with the hood. Inangat nang kaunti nung babaeng iyon ang kanyang ulo para makita kami.

 "Because I want you too look for me." Hindi seryosong sagot nito saka natawa nang kaunti. "Just when I thought you guys were on the other side. 'Di ko tuloy nagawa kung ano ang pinaka plano ko." Pagkibit-balikat niya. 

Umabante si Savannah at inilabas ang isang baril para itutok sa babaeng iyon kung saan biglang tumalon si Zoe mula sa tuktok ng spirit para pumunta sa harapan ng babaeng bampira na iyon na tila parang pino-protektahan niya ito. 

 Ibinaling ko ang tingin sa manika ni Zoe na nakasabit lang sa balikat niya. Bakit ba palagi niyang dala iyan? 

"I won't let you kill her." Mariin na sabi ni Zoe at pumikit. "Guebv Makhi Uzen Khasg!" Isang spell ni Zoe kung saan biglang lumiwanag ang katawan niya sa kulay kahel (orange), pagkatapos ay bigla niyang iminulat ang dalawang mata, "Agares!" Umatake ang Salamander papunta sa amin. Kinuha ko kaagad si Savannah para mailagan ang buntot na muling hahampas. Natamaan nung spirit ang punong sinabitan ko kanina kaya mabilis itong nasira't bumagsak. 

 Lumapag na kami nang hindi ko pa rin binibitawan si Savannah sa pagkakabuhat sa kanan kong kamay ngunit bumaba ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang bumigat. "Savan--" Umilag pa kaming pareho. I clicked my tongue and gave it a glare. "You're mine." In-activate ko na ang aking vampire instinct. Tatapusin ko na ito.

Unti-unti kong binitawan si Savannah saka siya lumuhod sa malamig na simento. Mataas naman akong tumalon para atakihin si Zoe. Nakasunod lang ang tingin niya sa akin pero hindi niya nababasa ang galaw ko. Pumunta kaagad ako sa likuran niya na talagang ikinagulat niya, lumingon ito sa akin na siya namang kasabay sa malakas kong pagsipa sa mukha niya. 

 Tumalsik ito't nag bounce ang katawan sa simento. Lalapitan ko pa sana siya nang magulat na lang din ako na tumama sa braso ko ang itim na apoy. Tapos ang sunod na nangyari ay malakas na tumama ang kamao sa mukha ko kaya bumagsak ako sa simento. 

Bumubuka sara ang mata ko habang umiikot ang paningin ko. Seryoso ka ba? Isang suntok lang 'yun… 

Savannah's Point of View 

"Zedrick!" Nag-aalala kong tawag sa kanya nang malakas siyang bumagsak sa simento. Hinawakan ko ang tuhod ko bilang pagsuporta sa pagtayo kaso biglang tumalon papunta sa akin ang babaeng may Pyrokinesis kaya sa kanya ko rin inilipat ang tingin. 

 Tumapat siya sa maliwanag na buwan. Unti-unti itong namumula dahil sa Rayleigh Scattering. Eclipse. "I will wake the beast inside you, Princess." Lumabas ang matalim nitong pangil kasabay ang pag glow ng mata niya sa pula. 

"Krr."