Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 62 - Don't Fear Love

Chapter 62 - Don't Fear Love

Chapter 62: Don't Fear Love

Reed's Point of View 

Magaganap ang School Festival bukas at dalawang araw na kaming busy ngayon para sa paghahandang event. Ang sabi ng bawat adviser ay rito raw kami matutulog ngayong gabi para rin sa isa pang curricular activities. May consent naman na kami sa mga magulang namin-- nila kaya wala ng problema.  

6:03 PM na't marami pa sa mga babae kong kaklase ang nagtatahi. 'Yung iba naman ay na sa auditurium para ayusin ang set up na hindi pa natatapos. Habang nagme-memorize naman kaming mga cast ng mga lines, break kasi namin sa pag acting dahil pagod na 'yong iba.

Napatingin ako kay Haley na nag i-illustrate ng kung ano sa isang malaking illustration board kasama ang dalawa naming kaklase. Habang ginagawa niya iyon ay hindi nawawala ang kwentuhan at ang tawanan nila.

Napangiti na lang ako saka bumalik sa pagsasaulo. Noon, hindi siya masyadong tumatawa kapag iba ang kasama niya, kasi kadalasan ay sa amin lang n'ya 'yon naipapakita. Pero habang tumatagal ay nakikisama na rin siya sa iba. She knows how to interact compare before. 

Bumuntong-hininga ako at sinarado na ang folder. "Done!" animo'y pagod kong sabi at biglang napatingin sa gawi ni Mirriam na kapapasok lang ng classroom. May dala siyang tarpaulin at mukhang may hinahanap. "Ano 'yong hinahanap mo?" taka kong sabi habang papalapit sa kanya.

Nagulat siya kaya nabitawan niya 'yong mga hawak niya, "Ah! Sorry!" Pahinging paumanhin ko at kinuha ang mga nahulog na tarpaulin 

Dali-dali niya ring pinulot ang mga gamit sa sahig, "Hindi okay lang, wala naman akong hinahanap" sagot niya. Pinagpapawisan si Mirriam kaya binigay ko ang panyo ko sa kanya. Dalawa talaga palagi kong dalang panyo, iyong isa na para sa akin habang ang isa naman ay para sa taong pwedeng mangailangan nito. 

'Lagi kasing nakatatak sa utak ko 'yong sinasabi ni mommy sa akin noong nabubuhay pa siya. 

Palagi raw akong magdala ng extra para kung may babae mang umiyak o kaya'y mangailangan ng panyo ay iaabot ko na lang. 

"Gamitin mo muna" abot ko sa panyo ko.

Tumitig pa muna siya sandali sa inaabot ko nang iwagayway niya ang kamay niya sa harapan ng dibdib niya bilang pagtanggi, "Okay lang, may panyo ako" saka niya kinuha ang panyo sa bulsa niya at ipinunas sa mukha niya na puno rin ng pawis. 

Ibinalik ko na lamang ang panyo ko sa pouch ng sleeve ko. 

Tumayo na kaming dalawa nang makuha lahat ng tarpaulin. "Tulungan na lang kita, wala naman akong ginagawa" pagbibigay alok ko.

Tumango siya't saka lumabas ng classroom, sumunod naman ako. "Saan ba 'to dapat dalhin?" tanong ko habang nakatingin sa mga tarpaulin na hawak ko. 

"Sa table ni miss Kim, ipapaskil pa 'to ng ibang boys sa labas ng building mamaya para mas makita ng mga visitors." sagot n'ya. Ayokong magdikit ng posters. Bahala na sila diyan. 

Nakarating na kami sa faculty kaya pumasok na kami, "Dito na lang" ipinatong  namin 'yong tarpaulin sa table ni miss at lumabas na ulit sa faculty. "Reed" tawag niya kaya lumingon ako sa kanya, "Ano'ng balita? Ano raw'ng sabi ng police?" nagsalubong ang kilay ko, "Nahanap na ba nila 'yong pumatay sa kapatid mo?" concern na tanong n'ya. 

Pumaharap ako ng tingin at yumuko, "Hindi pa... Hanggang ngayon, hindi pa" tumingin na lang din si Mirriam sa harap at wala ng sinabi.

Pumunta ulit ako kahapon sa police station, may nahanap na raw silang clue at ngayon ay tina-track nila kung saan p'wedeng magtago ang taong 'yon kaso may pakiramdam daw sila na malapit lang s'ya sa lugar na 'to.

Kinuyom ko ang kamao ko. Sino ba talaga ang pakay niya? Ano ang intensiyon niya't nagawa niya 'yon sa kapatid ko? 

"Nag-aaral ba ng marial arts si Rain?" naalala kong tanong ni Haley sa akin na nagpalaki sa mata ko. Bakit niya nga rin natanong 'yon? 

***

SA PAGLALAKAD namin ni Mirriam ay nadaanan namin ang isang room kung saan may bigla kaming narinig na patiling ungol dahilan para mapatigil kami sa paglalakad. Tumingin muna kami sa isa't isa ni Mirriam bago lumapit sa pinto kung sa'n namin narinig 'yong ungol na iyon at palihim na nakikinig sa usapan ng dalawang estudyante na nasa loob ng classroom na 'to.

"Ano? Ready ka na?" tanong ng isang lalaki sa loob.

"Anong ready!?" pabulong na pasigaw ni Mirriam na parang hindi makapaniwala sa tanong no'ng lalaki mula sa loob ng classroom. Inangat ko ang tingin, class 1-C.

"Ingatan mo ako, ah?" mainhin na udyok ng babae.

"Ako bahala sa'yo" mahina pero proud na sagot naman ng partner niya.

Hindi na naiwasan ni Mirriam ang mapatakip bibig habang napalunok lamang ako. Gagawin talaga nila 'yan dito?!

"B-baka kasi masakit, eh" sambit ng babae na mahahalata mo sa boses ang takot. Gagawin gawin ninyo tapos matatakot ka lang?! Ituloy n'yo na! Sinisimulan n'yo na nga, eh!

"Sus! Sa una lang masakit 'yan, basta ako bahala sa'yo" pagpapanatag ng lalaki sa babae. Napatingin muli kaming dalawa ni Mirriam sa isa't isa. Gagawin na kaya nila?

Medyo madilim sa parte ng lugar na ito at ang loob lang ng classroom nila ang may ilaw. Na sa kalagitnaan lang kami ng pakikinig nang dumating bigla ang maingay na si Jasper. "Heyow! Ano'ng ginagawa n'yo--" hinila ko kaagad siya paupo kasabay ng pagtakip ko sa bunganga niya habang nakaluhod ang isa kong paa.

"Shhh! Ang ingay mo! Manahimik ka nga!" sita ko sa kanya na tinanguan lang niya ng mabilis.

Inalis ko ang kamay ko sa bibig niya, "Ano ba'ng mayroon?" mahinang tanong ni Jasper sa akin. 

"May nagla-love making sa loob" sagot ko habang nakikinig pa sa susunod na mangyayari. Bigla naman niya akong binatukan dahilan para mapahawak ako ro'n at tangka sanang gantihan siya nang hawakan na ako ni Mirriam.

"Stop it!" pagpapaawat ni Mirriam sa akin.

"Tanga! Dapat pigilan natin 'yan! Bawal 'yan! Bad!" tatayo na sana siya para pigilan 'yong dalawang estudyante sa loob noong sikmurain siya ni Mirriam dahilan para mapadapa siya sa sahig habang hawak-hawak ang tiyan niya. 

"So, ano na?" tanong ng lalaki

"Hindi ko alam. Pero sige, sabi mo, eh."

"Sige, ipapasok ko na"

Lumapit kami sa pinto nang maramdaman namin ang kakaibang tense mula sa loob ng kwarto. Muli akong napalunok ng laway. Gagawin na ba nila? Mas mauuna pa sila kaysa sa akin?

"Dahan-dahan lang, Ran" natatakot pa ring sabi ng babae.

"Pero masakit dahil biglaan kong ipapasok" 

"Ayoko ng maraming dugo ang lalabas"

"Shh, ipapasok ko na"

Nilapit pa namin lalo ni Mirriam ang mga tainga namin sa pinto para mas lalo pa naming marinig. "A-aray! Ang sakit!" mabilis na kaming tumayo at sabay na binuksan ang sliding door para pumasok. 

"Hoy! Anong kababalaghan 'yang-- Huh?" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko ngayon. What the f*ck?

"Ayan may hikaw ka na, ang arte mo seryoso" ngiting wiki ng nagngangalang Ran saka kami tiningnan ni Mirriam na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanila. "Ano po'ng kailangan n'yo?" tanong nito habang nakatulala lang kaming pareho ni Mirriam.

'Yung isa namang nasa likod namin, halos mamatay na sa katatawa. Hinahampas hampas niya pa nga 'yong pader. "Shet! Ang... Epic! Ang ge-green ng utak n'yong dalawa! Wala akong masabi!" sinasabi niya 'yan habang hindi makahinga sa katatawa. Nahinto lang nang malakas namin siyang sinikmuraan ni Mirriam. 

Halos lumabas ang kaluluwa niya dahil sa ginawa namin. Muli siyang bumagsak sa sahig na iniwanan lang namin ni Mirriam doon at lumabas. "Baka may gagawin ka pa mamaya? Tulungan na kita" ngiting alok ko kay Mirriam habang palabas sa kwarto.

"Lalagyan ko ng lason 'yong pagkain ni Jasper, ano? Sama ka?" aya niya naman na tinanguan ako.

"Sige, ako maglalagay"

At tumawa kami nang tumawa, nabilaukan lang ako noong may pumasok na lamok sa bunganga ko. Ang bilis nga naman ng karma.

Jasper's Point of View 

Napahawak ako sa ulo't tiningnan ang papalayong sina Reed at Mirriam. "Mga baliw!" sigaw ko saka umalis sa classroom na iyon. Pamulsang naglalakad pabalik sa classroom namin nang may makita akong bagay sa sahig. Patakbo akong pumunta roon para kunin iyon.

Mira?

Basa ko sa pangalan ng taong na sa I.D, "Hindi ba't si Nerd 'to?" taka kong sabi saka lumingon lingon. "Nahulog n'ya siguro?" tukoy ko sa Employee's I.D saka ibinulsa't nagpatuloy sa paglalakad.

Haley's Point of View 

Ini-stretch ko ang katawan ko matapos kong gawin ang Map ng E.U kaya ngayon ay ramdam ko na 'yung pananakit ng likod ko. Pero sa wakas! Makakatulog na rin ako ng maayos nito ngayon, maliligo lang lang ako't kakain, then tulog!  

Tumayo na ako at nagpaalam na sa mga kaklase ko kasabay ang paglapit ni Kei sa akin sabay yakap. "Ano nanaman?" naiirita't nahihiya kong tanong.

Lumayo siya ng kaunti sa akin at parang naiiyak, "May nakita akong multo sa labas." kumunot ang noo ko tapos nilayo siya sa akin.  

"Ghost doesn't exist." walang gana kong wika. I also don't want to believe them. 

Nanlumo ang mukha niya, "Pero 'di ka pa lumalabas ng classroom, 'di ba? Nakita kita sa may bandang hallway. Hahabulin sana kita pero noong paliko ako, wala ka na." tumaas ang balahibo ko sa kwento niya.

Humalukipkip ako't tumagilid, umaarteng parang wala lang. "Y-you're imagining things. Baka kahawig ko lang 'yon." naglakad na ako para sana kunin ang gamit ko nang makaligo na ako't lahat lahat, pero pumasok si miss Kim at miss Tim. Magkaibigan talaga itong dalawang ito kaya palagi ring nagsasama ang klase niya sa klase namin.

"Okay, time's up everyone!" pagpalakpak ni miss Tim kaya umayos na kami. Ibinaba ko muna ulit ang gamit ko 'tapos tumabi kina Mirriam at Kei. Umupo kami sa sahig 'tapos nakinig sa kaunting announcement ng advisers namin.

"Just like what we said, we have an activity before the day ends, bring your neccesities before kayong lumabas ng classroom. Sa labas natin gagawin. Wala munang maliligo." sabay tingin sa akin ni miss Kim na parang alam niya ang gagawin ko. 

Wala tuloy akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. 

***

LAHAT NG MGA kaklase ko't kaklase nila Harvey ay nandito na rin sa field malapit sa Mini Forest dahil doon din isasagawa ang gagawin namin para sa gabing ito. Sinimulan ng ipaliwanag ni miss Kim ang activity na gagawin namin, partner partner 'yon. Boy and Girl.

Kailangan daw naming mahanap 'yong 6 eggs na may naka-mark na "X" base sa "mapa" na ibinigay sa amin sa loob ng 50 minutes. Kapag nakumpleto namin lahat ng 'yon ay may prize.

'Di ako interesado pero bawal KJ. Kasali ang lahat, eh.

Nilingon ko si Reed na ngayon ay ngiting nakikipagtawanan sa mga kaklase namin. Sino kaya 'yong makaka-partner niya?

"Boys, bunot!"

Reed's Point of View 

Kasalukuyan kaming bumubunot kung sinong babae ang makaka-partner namin. Inilabas ko na ang kamay ko sa kahon at binuksan ang papel. Kung minamalas ka nga naman!

Itatapon ko sana 'yong papel nang malaman kong si Tiffany ang nabunot ko kaso dahil sa hindi ko napansin na nakasilip pala siyar ro'n sa papel ko ay alam na niya kung sino ang partner ko.

Tumili si Tiffany, "Si Reed 'yong ka-partner ko!" nakatingin ang mga estudyante sa kanya na animo'y naiingayan sa malaki niyang bunganga. Halos mabagsakan naman ako ng langit at lupa. Tulong!

"Go to your partners if you guys already got it!" kumapit siya sa braso ko na parang isang linta, "Lucky" and final blow! Idinikit niya 'yong mala-water melon boobies niya. Arghh-- Okay, wow!

"Miss, wala akong ka-partner!" mabilis kong nilingon si Haley na nakataas ang kamay ngayon. 

Tiningnan ko kaagad 'yong adviser nila Harvey at itataas sana ang kamay para mag volunteer nang hawakan iyon ni Tiffany, "Ano ba'ng ginagawa mo?" halata sa boses ko ang irita.

"Hindi ko na gagawin 'yan kung ako sa'yo" wala akong nagawa hindi dahil sa may idea ako sa sinasabi niya. Ang totoo niyan, hindi ko alam. Hindi lang ako makatanggi sa kanya kasi lalaki ako. Mahirap ipaliwanag pero, 

...Basta ganoon. Bilang isang lalaki, hindi mo rin kasi magagawang pabayaan ang babae kahit pa na sabihin nating 'di mo siya gusto o ano. 

"Hindi ko ba nasabi na kapag solo may +0.5 sa card?" nag react ang lahat at mas prefer na mag-isa na lang. Malakas na sumipol ang dalawa naming advisers namin at pinagalitan kami. "Kung sino ang nabunot n'yo, ayun na 'yon! Wala ng pabago bago! Magsimula na kayo!" gumalaw na ang mga ka-batch ko habang nanatili lang kami ni Tiffany sa pwesto namin.

Nakatingin lang sa akin si Haley habang nakahalukipkip noong pataray siyang tumalikod at nagsimulang maglakad. What's with that? Is she saying na dapat siya ka-partner ko? 

Tinarayan nanaman ako, eh! 

"What are you doing? Let's go, baby!" at malakas akong hinila ni Tiffany.

Mirriam's Point of View 

Nakatingin ako sa mapa namin, ang sabi rito ay makikita namin 'yong itlog kapag pumunta kami sa kanan sa ilalim ng bushes. Tinuro ko 'yong daan, "Doon daw" at naglakad na kami. Si Harvey 'yong ka-partner ko habang si Kei naman ang partner ni Jasper.

Laking tuwa ko nga rin kasi okay na sila. Kasi kung hindi? Ang laking awkwardness no'n for the both of them. 

"Bakit hindi ka pa nakipagpalit kay Jasper kanina?" tanong ko. Kasi no'ng nalaman niya na si Kei ang nabunot ni Jasper, wala siyang ginawa.

"Hindi naman pwedeng makipagpalit" pinutol niya 'yong kahoy na humarang sa mukha niya. Pwede naman niyang gawin ng patago. "Pero kung sinabi mong gusto mong makipagpalit para maka-partner si Jasper, sinabi mo sana sa 'kin kaagad" at ngumisi pa ang loko. Sa'n ba niya nakuha itong pang-aasar niya na 'to sa 'kin?! 

Malakas ko siyang binatukan. "Gag*! As if namang gusto ko!" inis na wika ko saka pairap na nagmartsa para mauna. Sumunod siya ngunit napahinto noong tumigil ako. Tinuro ko 'yong itlog na nakasabit sa hindi kalayuan, "Iyong egg!" nagulat ako nang mahina niyang kinarate ang ulo ko.

"Idiot, hindi 'yan itlog, gumamit ka kasi ng flashligh--" itinutok ni Harvey ang flashlight do'n. Laking gulat ko nang makita ang pugot na ulo.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!" sigaw ko habang patakbong lumalayo.

"Hoy! DECOY lang 'yon!"

Jasper's Point of View 

Rinig naming pareho ang mga paniking nagsisiliparan kasama ang sigaw ng isang babae. "Ano 'yon?" tanong ko habang nakatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Iyong ano?" tanong naman ni Kei habang kinakain 'yong pangalawang itlog na nakuha namin.

Humawak ako sa ulo ko gamit ang dalawang kamay, "Huwag mong kainin 'yan!" hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang s'ya sa pagkain no'n. Napabuntong-hininga ako, bakit kasi boiled 'yong itlog? Kinakain tuloy ng kasama ko!

May kumaluskos sa may damuhan dahilan para mapalingon ako roon kasabay ang pagpunta ko sa likod ni Kei. "A-ano nanaman 'yon?" takot at alerto kong tanong.

Natawa si Kei, "Wow, you're scared?" napatingin ako sa kanya saka mabilis na lumayo sa kanya't tumikhim.

"Hindi, acting lang talaga 'yong ginawa k--" may muli nanamang kumaluskos kaya tumaas na ang balahibo ko't halos atakihin sa puso. Taka akong tinawag ni Kei, mukhang nag-aalala na sa akin.

"A-alam mo, mas maganda siguro kung bumalik na tayo--" may nagpakita sa may damuhan. Nakatabingi ang ulo nito habang lumuluha ng dugo, inilagay ang kamay sa pisnge at saka malawak na ngumiti.

"Boo"

"Ahhhhh!!!" malakas na sigaw ko't mabilis na umalis sa lugar na ito. Walang nagsabing may multo sa school na 'to!

Kei's Point of View 

"Hala, wala na 'kong kasama" malungkot na sabi ko habang nakatingin sa papalayong si Jasper. Nilingon ko si Rose, siya ang gumanap bilang panakot sa activity na ito. "Saan nanggaling 'yang fake blood sa mata mo?" sambit ko habang turo-turo ang fake blood tears niya. 

Bumilog ang bunganga niya sa mangha, "Nakilala mo pa 'ko sa lagay na 'yan, ah?" sabay patay ng flashlight na nakatapat sa chin niya. "Artificial Color 'to, pero safe naman kaya no worries." sagot niya sa tanong ko kanina 'tapos sinuot ang eye glasses niya. "Pero pa'no mo nga 'ko nakilala?" tanong niya. 

Humagikhik ako't tinuro ang necklace niya, "Your necklace, bigay 'yan ni John, 'di ba?" alam ko lang dahil pinagmamalaki ni John 'yong necklace kila Reed. Ta's nakwento lang din sa akin ni Harvey at ipinakita pa 'yong litrato.

Ibinaba niya ang tingin para makita ang necklace 'tapos biglang nag react, "D-don't get me wrong! Suot ko 'to kasi--"

Kinuha ko ang boiled egg sa basket na hawak niya, "Akin na lang, ah?" paalam ko't naglakad na paalis. Grabe, nakakabusog ang activity na 'to, ang sasarap pa ng itlog. Saan kaya makakabili ng tubig?

Reed's Point of View 

Kinuha ko na ang itlog na nandoon sa loob ng box at inilagay na sa maliit na bag na dala ko. "Reed, c'mon let's take a break, I'm so tired na.." maarte na udyok ni Tiffany na nahuhuli.

"Magpahinga ka kung gusto mo, hahanapin ko 'yung natitira para matapos na 'to." wika ko't naglakad na. Ramdam ko naman ang pagtayo niya.

"Wait u--!" tumili siya kaya ako naman itong napatingala't napabuntong-hininga.

Walang gana ko siyang nilingon, "Now, what?" walang ganang tanong ko. Hawak niya ang tuhod niya habang namimilipit sa sakit. Natalisod kasi sya. "Kung bakit naman kasi hindi ka nag-iingat." lumapit ako sa kanya, niluhod ang isang tuhod matapos tumalikod. 

"Bubuhatin kita hanggang sa matapos natin 'to." ayoko 'tong gawin pero kailangan. Kaysa naman iwan ko siya mag-isa rito? 

Kaagad naman siyang umaangkas sa likod ko, ang likot pa nga. "Mmh ~ Ang bango mo naman" at inamoy pa niya ang leeg ko't hinalikan.

Ngunit hindi lang iyon, sinusubukan pa niyang lagyan iyon ng hickey kaya bigla ko siyang nabitawan. "Ouch! F*ck!" sigaw niya dahil malakas yata ang pagkakatama ng pwet-an niya sa lupa. 

Lumayo ako sa kanya habang marka sa mukha ko ang sobrang galit. Paano niya 'to nagawa? Parang ako pa itong nanghihina't natatakot sa kanya ngayon.

"What are you doing…?" mahina pero sapat lang para marinig niya. Nanginginig ako, hindi lang dahil sa takot kundi sa galit. "WHAT THE F*CK!" napasinghap pa siya roon  sa mura ko at medyo umatras. Tinawag ang pangalan ko para kaawaan ko siya.

Sino bang matinong babae ang gagawa ng gano'n? Paano na lang kung ibang lalaki ang nakasama niya? 'Di ba siya nag-iisip?!

Iling kong kinuha ang bag ko sa lapag at ikinalma ang sarili ng ilang sandali, "Tatawagin ko sila miss Kim para ipunta ka sa clinic, maghintay ka diyan" sinubukan ko talagang maging mainahon at hindi ulit siya sigawan. Gusto ko siyang sapakin sa totoo lang, nanginginig ako't nanggigigil. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa oras na ito.  

Nakakadiri…

"Wait! Reed!" pilit pa niya sana akong sundan pero tumakbo na ako. Huminto lang ako dahil sa sinabi niya.

"Pupuntahan mo lang naman si Haley, 'di ba?!" napaawang ako't nilingon siya, umiiyak na siya kaya mas napanganga ako kaysa kanina. "Ano ba'ng nagustuhan mo sa kanya?! Bakit hindi ako?! Bakit hindi mo 'ko magawang magustuhan?! Ilang taon na Reed pero WALA pa rin! Ano ba'ng dapat kong gawin para mapansin mo?! Ano?!" sunod-sunod niyang tanong. Ganyan ba talaga niya ako ka-gusto kaya siya nagkakaganyan? 

Malakas na umihip ang hangin, maririnig ang pagtama ng mga halaman sa isa't isa at ang puno na nasa paligid namin ay nagsisimula ng dapuan ng kung anu-anong hayop mula sa kalangitan. Sa sobrang katahimikan, maririnig na rin ang kulog senyales na may paparating na ulan.

"Wala kang dapat gawin, Tiffany. Wala." sagot ko at umalis na sa kanyang harapan.  

Haley's Point of View 

Habang nakatingin ako sa mapa na hawak ko ay naglalakad lakad ako. Hindi ko alam kung tama ba ang pinupuntahan ko pero bahala na. Basta makakuha lang ako ng boiled egg, okay na 'yon.

Tiningnan ko ang kanan ko tapos tumingin ulit sa mapa ko, "Dito na siguro 'yon, 'di ba?" iniurong ko ang halaman at nakita ang itlog, "Ah! Ito nga--" biglang kumulog at kumidlat kaya napatigil ang kamay ko sa pagkuha 'non.

Hindi ako makapagsalita at halos nanginginig ako sa takot.

"To all dear students, please go inside the building and go back to your respective classrooms before you get caught in the rain! I repeat…" mula iyon sa speaker. Kumulog nanaman ng malakas kaya napasigaw ako sa takot kasabay ang aking pag-upo .Tinakpan ang tainga gamit ang dalawang kamay at pumikit. Ayoko sa kidlat, ayoko sa kulog.

Kumidlat ulit pero sumabay na doon ang pagbagsak ng malakas na ulan. Wala akong magawa dahil sa takot ko, niyakap ko na lang ang mga hita ko. Hihintayin na may makahanap sa akin dito.

Reed's Point of View 

Patakbo akong lumapit kay miss Kim para sabihin ang kondisyon ni Tiffany kaya pinatawag niya ang mga nurse at kaagad na pumunta kung nasaan ang babaeng iyon.  

Humarap naman ako kay miss Tim na kumakain ng hotdog, "Miss, mayroon po siguro kayong extra'ng map para sa participants, 'di ba?" tiningnan niya ako mula peripheral eye view.

"Wala, bakit mo kailangan?" parang balewala niyang sagot.

Tinalikuran ko na lang siya, "Wala po." mabilis akong tumakbo paalis. Hahanapin ko na lang si Haley, ano pa ba ang choice ko 'di ba?

Nasaan ka kaya?

Sa pagtakbo ko, biglang kumidlat kaya bigla na lamang akong napahinto at napatingin sa maulap na kalangitan. "Mukhang malakas ang ulan, ah?" kumidlat ulit kung saan ayun ang nagpaalala sa akin ng isang hindi magandang bagay. Ibinaba ko na ang ulo ko at mabilis na tumakbo. Now, I really have to find her.

Ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi ko pa rin s'ya makita, umuulan na rin ngayon at kumukulog kaya ngayon ay medyo nababasa na rin ang damit ko. Kaasar, hindi kaya bumalik na 'yon?

I thought to myself.  Kumamot ako sa batok ko at akmang maglalakad paalis nang may marinig akong kaluskos sa kaliwa ko. "Huh?" reaksiyon ko. Tinapat ko ang flashlight sa lugar kung sa'n ko narinig ang kaluskos. 

Noong una, hindi ko kaagad nakita 'yong bagay na tinatapatan ko ng liwanag dahil madilim sa pwesto na 'yon pero nang lumapit ako ay laking gulat kong si Haley iyon. Mabilis akong lumuhod sa harapan niya. "Haley" hinawakan ko ang balikat niya at inalog-alog ito, naka-heads down kasi siya. "Haley" pagpapatuloy ko sa pagtawag sa kanya hanggang sa tumingala na ito. Nakatulog siya kahit umuulan?!

"Reed..." nanghihina nitong tawag habang walang emosyon ang mukha, I hugged her. Wala ka pa ring pinagbago, takot ka pa rin sa kidlat.

Naramdaman ko ang paglingon ng ulo niya sa akin, nanginginig ang katawan niya sa lami-- Hindi, sa takot. "Reed... I-I'm fine, don't worry about m--"

"Acting tough again?" I asked, lumayo na ako sa kanya't hinawakan ang mga braso niya, "You don't need to do that if I'm the one who's in front of you, it's fine." ngayon masasabi ko ng hindi ito guni-guni, hindi na ako puwedeng magkamali. Kahit bumabagsak sa mga mukha namin ang malakas na ulan, alam ko…

…Lumuluha siya.

Mayroon pa rin talagang kahinaan ang isang tao kahit na pinapakita pa niya sa 'yo na malakas o matapang s'ya.

"I'm here, don't be afraid"  hinawakan ko ang likod ng ulo niya habang nasa likod niya naman ang kaliwa kong kamay para maramdaman niyang ligtas s'ya, "I'll try not to take my eyes off of you so that you won't ever end up being alone again..."

Sa pagkakataon na ito ay narinig ko na ang paghikbi niya. Wala siyang sinasabi na kahit na ano pero sa paraan ng pagyakap niya sa akin pabalik? Alam kong kumportable na siya sa akin.

I simply kissed the top of her head, without her even knowing. Honestly, this weakens me, why do I love you so much?  

Related Books

Popular novel hashtag