Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 29 - Go on a Trip?

Chapter 29 - Go on a Trip?

Chapter 29: Go on a Trip?

Haley's Point of View 

Malakas na humihilik ang isang ako. Kumportable ang paghiga, napakalambot na unan at halos walang pino-problema ngayong araw.

Kaso sino bang gigising sa akin ngayong oras ng beauty rest ko-- este magandang pagtulog ko? 

"Ate Haley." pagyugyog n'ya sa akin dahilan para mapaungol ako. Isturbo naman, eh. 

Bahala ka diyan. 

Kinuha ko 'yong blanket at ipinangkumot sa half body ko. Need ko sleep. 

'Di bale ng masira ang relasyon ninyo, huwag lang ang tulog ko. 

"Mmh..." patuloy sa pag-ungol ko at tumagilid ng higa. Hindi pinapansin 'yong bumubulong sa pangalan ko. 

"Ate Haley!" bigla nitong pagsigaw.

Pumikit ako ng mariin at tinakpan pa ang tainga. "C'mon, can't you see that I'm sleeping?" inaantok kong tanong at ngumiwi. 

"I know ate Haley, kaya nga kailangan mo ng gumising, eh?"  dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Ano raw?

Umupo ako sa pagkakahiga ko, "Ano ba'ng kailangan mo? Rain?" tanong ko habang kinukusot kusot ang mata. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakasuot ng ngiti sa kanyang labi. Nakaporma rin siya. Sa'n punta ng babaeng ito? At bakit nandito 'to sa kwarto ko?

Nilingon ko si Chummy na natutulog sa study table ko. Humikab ito bago ako tingnan.

Ano'ng tinitingnan tingnan mo diyan?

"Good morning!" bati niya kaya muli ko siyang nilingon.  Pumikit ulit ako tapos tumango.

Bakit nga siya nandito? Ang aga aga pa kaya?

Tiningnan ko 'yong oras-an ko-- ang wall clock.

11:12 A.M

Basa ko sa oras.

Ah... 11:12... Tanghal--

Napatayo ako. Nawala rin 'yong nararamdaman kong antok. "Hindi ko naabutan!" umurong si Rain dahil sa biglaan kong pagsigaw. Tumalon talon pa ako sa kama.

"Ano, ate Haley?" naguguluhan niyang tanong na may pagtaas pa ng kilay. 

Lumingon ako sa kanya tapos lumuhod kasabay ang paghawak ko do'n sa balikat niya, "Bakit ngayon mo lang ako ginising!?" paninisi ko sa kanya. 

Damn it. Paniguradong wala ng ticket sa convention center sa Mall of Asia. Pupunta pa naman sana ako sa Ozine Fest! Saka mayroon ding event ang Zeroica ngayon-- isang publishing company kung saan nandoon 'yong author na madalas kong tangkilikin. 

Paano na?! Mahaba na 'yong pila do'n ngayon! 

"S-sorry, ngayon lang naman kasi ako pumun--" naputol ang sasabihin niya dahil sa inalog alog ko na siya.

"Sayaaaaaang!" yumuko ako at binitawan na siya.  Bumalik ako sa pagkakahiga ko para magtalukbong.  Dapat pala hindi ako nagpuyat kagabi. Pero paano ako makakatulog kaagad kung masyado akong excited kagabi? 

Natawa si Rain kaya inalis ko ang kumot ko para tingnan siya, inalis ko ang pagkakahiga saka tumabi sa kanya na naka-upo pa rin sa edge ng kama ko. "Sumasang-ayon talaga sa 'kin 'yong tadhana" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? 

"Samahan mo na lang akong pumunta sa Vigan ngayon" biglang yaya n'ya sa lugar na 'yon.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Huh?"

Hindi ba n'ya alam kung ilang oras ang papunta do'n? Mahigit 7-8 hours. Kung na-traffic, umaabot ng 9 hours and 30 minutes. Kaya bakit bigla siyang nagyaya biglang pumunta roon? 

"Dalawang araw lang tayo, may kailangan kasi akong gawin 'don, sige na! Pleas--" sumabat ako. 

Iniharap ko ang palad ko sa mukha niya, "Saglit, Vigan? Rain... H'wag mong kakalimutan na nasa Quezon City tayo, QUEZON CITY. This is too sudden" umiiling-iling na sambit ko. 

Maliban sa malayo 'yong pupuntahan namin, ayoko ring bumiyahe. May pasok din kasi kami at hindi naman kami basta't bastang um-absent. "May pasok din tayo kaya hindi tayo p'wedeng umalis." humalukipkip siya at ngumuso. 

"Ate Haley, baka nakakalimutan mong holiday sa Monday at Tuesday kaya wala tayong pasok?" pagpapa-alala niya sa akin.

Nag-isip pa ako sandali nang maalalang wala nga kaming pasok. Ay, yes! It means, REST day! 

Tumayo ako at naglayo ng tingin, "Sino may sabing hindi ko alam?" palusot ko, "Pero hindi ako sasama d'yan sa road trip mo, ayoko!" sabay crossed arms at ismid. 

"What? Why, ate Haley? Sige na..." sabay yakap sa akin mula sa likuran, "Samahan mo na ako... Please?" Pangungulit niya kaya tiningnan ko siya. Nagpapaawa effect siya.

Humph! Akala mo tatabla 'yan sa 'kin? No way.

"A-Yaw" pagmamatigas ko at umupo ulit kaya binitawan niya ako. 

Ngunit hindi 'yon ang dahilan para tigilan niya ako, "Please...?" 

Sabay puppy eyes niya at hawak sa sariling kamay.

"No" sagot ko pa. 

Lumayo siya sa akin, "Ayaw mo talaga?" tanong niya, parang naniniguro. 

"Oo" paninigurado ko rin na hindi ako sasama. 

"Edi hahayaan mo lang akong pumunta ro'n mag-isa?" bakas sa boses niya ang lungkot. Hoy, 'wag mo 'kong ginaganyan! Baka bumigay ako! Ito kasi talaga ang ayoko sa lahat, eh! Dito ako mahina. 

Tiningnan ko siya na may pagpikit ng isa kong mata. Para isipin n'yang wala talaga akong pakielam. "Bakit hindi mo isama 'yong guwardiya n'yo?" This is ridiculous!

"Ano ba ate Haley, wala naman kaming guwardiya, eh? At isa pa, kung mayro'n man. Hindi ko rin sila isasama, ang boring kaya. Kaya sige na... Pumayag ka na... Please, please, please...!" this time, yumakap ulit siya sa 'kin. Mapilit 'tong batang 'to. 

Hinawakan ko ang magkabilaan n'yang balikat, "Bakit ba ang kulit mo?" Irita kong tanong para pilit siyang ilayo sa akin.

"Sabihin mo muna kung bakit ayaw mong bumiyahe samantalang gustong gustong pumunta sa MOA para lang sa event?" tanong niya sabay ngisi. Namula ako. 

Wala naman akong sinabi sa kanya na pupunta ako sa MOA, ah?! 

Fine. I lost. I'll tell her, dammit.

"Dahil..." panimula ko sa isasagot ko. "Ayoko talagang bumiyahe sa malalayo. Ayun lang naman talaga." sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa kumikinang niyang mata. 

Buwisit 'to. Gandang tirisin. 

"Then you should go on a trip with me, para masanay ka sa biyahe." ngiti niyang sabi dahilan para mapabuntong-hininga ako.  

"You're annoying." bored kong wika pero binelatan lang niya ako. 

***

Toothbrush and Toothpaste, check.

Soap and Shampoo, check.

Alcohol, check.

Clothes, check.

Snacks and Drinks, check.

Gadgets... Check.

Okay, I guess I'm ready. 

Yes, pumayag na akong mamasyal kasama si Rain. Tutal, curious din naman ako kung ano ang mayro'n sa Vigan. Then, ba't hindi ko pa i-grab? Eh, hindi naman ako madalas makaalis ng bahay.

May nagbukas ng pinto ko kaya napalingon ako sa taong iyon, "Sa'n niyo balak pumunta?" Hinihingal na tanong ng nilalang. Kasama  ko pa rin si Rain dahil dito siya nag-aayos ng gamit niya kanina. Sadyang nilalaro laro lang niya si Chummy ro'n sa kama ko. Hinahagis hagis sa ere, ganoon. 

Buti nga kamo, hindi siya kinakalmot. 

"Oh, bakit nandito si Impakto?" tukoy ko kay Harvey na nakasuot lang ng sando at boxer. Galing pa siguro ito sa kwarto niya. Kaso kadiri! 

Binato ko nga ng throw pillow, "Mag short ka nga!"  

"Ano ba, babae?! Sandali nga, sa'n nga kayo pupunta at nag iimpake kayo?!"

Tumayo na ako at nagpameywang, ginamit ko rin ang paa ko para takpan ang maleta ko. "Eh, ano ba pakielam mo?" pagtataray ko habang wala lamang pakielam si Rain at nakikipaglaro lang kay Chummy. 

"Hindi n'yo naman siguro balak pumunta ng Vigan, 'di ba?"

potek, paano naman n'ya nalamang pupunta kami ro'n?! 

Mas bumukas ang pinto kaya pareho na kaming napatingin ni Rain doon. Si Kei naman ang bumuluga at tinulak pa si Harvey para lang makapasok sa kwarto ko. "Bakit hindi kayo nangsasama?!" pagtatampo ni Kei 'tapos inilabas mula sa likuran ang DSLR Camera, "Handa na ang DSLR ko, oh?! Sama n'yo ako!" pagtaas n'ya ng kanang kamay na animo'y nagre-recite. 

"Hoy, ano'ng sinasabi mo? Kayong babae? Pupunta sa Vigan? Hindi p'wede!"  pagbabawal ni Harvey. Pakialam ba niya kung pupunta kami ng Vigan?

Sinimangutan siya ni Kei, "Hindi lang naman kami nila Haley ang pupunta ro'n, pati rin si best friend!" wika ni Kei na parang bata. Hala! Kasama rin ang Reed na iyon?!

Tumayo ako at tinulak silang dalawa palabas. Hindi sila pwede sa peaceful room ko!

"Oh, sige na! Sige na! Alis! Alis!" Pagpapalabas ko sa kanila at isinara ang pinto. 

"Bahala kayong ma-rape, ah?!" rinig kong sigaw ni Harvey. At nagawa pa niyang panakot? 

Sinipa ko ang pinto sa inis, "Baka gusto mong ikaw pa ang ipa-rape ko sa bakla?!" pananakot ko sa kanya. Bumalik na lang ako sa pag-aayos ko habang natawa naman si Rain habang kinakain ang pop corn. 

"Ang cute n'yong lahat." kumento niya na binigyan ko lang ng walang ganang tingin. Seriously?

***

"Sigurado ba kayong nakapagpaalam na kayo kina sir?" tanong ni kuya driver na sasama sa amin papuntang Vigan. Hindi na kami magko-commute dahil mayroon naman daw'ng driver.

Pero hindi iyon ang problema, eh. Hindi ba't ang usapan, kami lang ni Rain?

Kaya bakit halos lahat kami, pupunta ng Vigan?!

"Oo, kuya! 'Wag kang mag-alala!" pag hagikhik ni Reed na 'di mo malamang kung totoo nga ba ang sinabi o hindi. 

"Kung gano'n, tara na! Alis na tayo" sabi ni kuya kaya natuwa 'yong tatlo.

Nagpaalam na rin sila sa kaibigan nilang si Harvey na naka-pokerface lang na naghihintay rito sa labas ng Van. Hindi kasi siya sasama dahil sa nakakatamad daw at gusto raw n'yang masolo 'yong bahay.  

Binuksan na ni Harvey ang pinto para makapasok kami.

Pinauna ko lang din sila dahil mas gusto ko 'yong ako ang nahuhuli. Nang makapasok sila ay sumunod na ako pero tutuntong pa lang ako sa loob ay napatakip na ako ng ilong.

Sh*t! This is the worse part!

Tiningnan ko ang rear mirror kung saan nakasabit ang Yellow Pine Tree Car Air Freshener. 

"What are you waiting for? Go" sabi ng impaktong nasa likod ko, asar ko s'yang nilingunan na ngayon ay walang gana na nakatingin sa akin.

"Shut the hell up." itinulak ko na nga lang pasara ang pinto sa inis at umupo. Katabi ko si Reed at dahil nakakahilo rin ang pabango na gamit n'ya ay kumuha na nga lang ako ng panyo para ipangtakip sa ilong ko. Nakakainis! Nasusuka na ako kahit hindi pa umaandar 'yong kotse. 

"Grabe, makapagtakip ng ilong! Naligo naman ako, ah?!" ani Reed. Tinirikan ko siya ng mata at hindi pinansin. Mas mahihilo ako kung makikipag-usap ako. 

Binuksan na ang aircon kaya napapikit na ako ng mariin. Bumabaliktad sikmura ko. 

Umandar na ang van kaya tamang sandal lang at kunwaring okay lang ang lahat kahit na ang totoo, any minute ay pwede na akong masuka. 

Myghad, kailangan ko ng matulog, kailangan ko ng matulog, kailangan ko ng matulog.

"Kuya, nasaan na 'yong Cheetos ko?" paghahanap ni Rain. 

"Nandito" sagot ni Reed sa kapatid niya.

"Huhuhu, nabura pala 'yong pictures n'ya" parang naiiyak na sabi ni Kei. Malamang, photo ni Harvey ang tinutukoy niya. Puro stolen lahat iyon dahil hindi naman talaga mahilig mag selfie o kumuha ng picture ang impaktong iyon. 

Display picture niya nga sa facebook. Pikachu, eh. 

"Nino?" tanong naman ni Reed. 

"W-wala" nauutal na sagot ni Kei. 

Augh. Don't mind them. You have to sleep. Sleep. Sleep. Ilang oras pa ang biyahe.

8 hours later...

Kumuha ako ng plastic at do'n inilabas lahat ng kinain ko noong nagpahinga at nagutom kami.

"O-okay ka lang ate Haley?" tanong ni Rain habang hinihimas himas ni Kei ang likod ko. 

"Yuck! Kadiri! Suka! Ewwww ~!" Pang-aasar ni Reed na nasa likod na ngayon. Ano siya? Bata para asarin ako? 

Humanda ka sa akin mamaya, hindi lang talaga ako makagalaw dahil nakakasuka talaga 'tong amoy ng Van. Sumandal ulit ako nang mailabas ko na ang laman ng tiyan ko, wala namang arte na itinali ni Kei 'yong plastic 'tapos inilagay sa isa pang plastic.

"Bakit kasi hindi mo kaagad sinabi sa 'min?" nakapikit ako pero alam kong nakasimangot na si Kei. 

Kumuha ako ng hangin, "Sorry... Nakakahiya kasing sabihin..." nanghihina kong sabi 'tapos tinalikuran sila. 

"Kahit na, kaibigan mo kami, 'di ba? Dapat sinabi mo kaagad na buntis ka" napadilat naman ang mga mata ko dahil sa nabanggit. Ano?

Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya gano'n din 'yong dalawa, si kuya naman ay napatingin lang sa rear mirror.

"Wait, what?" naguguluhan kong tanong. 

"Hay naku, Haley... Ang bata bata mo pa may anak ka na, 'tapos hindi mo kaagad sinabi na may dinadala ka, edi sana nasa bahay ka lang ngayon at nagpapahinga" nag-aalalang wika ni Kei at binigyan lang ako ng pat sa ulo.

Kumurap kurap ako. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin 'yong sinasabi ng babaeng 'to.

"Kaya pala madaling uminit 'yong ulo mo..." tumatango tango niyang sabi na parang akala mo may na-realized siya, "Ah! May dala akong banana para kay baby" at kumuha nga siya sa supot ng saging para iabot iyon sa akin. 

Nakatanga lang ako sa kawalan. 

Ako...? Buntis? 

"IBanana." dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa kanya.

"A-ate Kei..? Ano ba 'yang sinasabi mo?" parang nag-aalinlangan na tanong ni Rain habang nagpipigil ng tawa si Reed. T*ngina ng lalaking ito, kapag humalakhak talaga siya. Seryoso ako, sasapakin ko siya. 

"Ang sinasabi ko ay kailangan niyang kumain ng banana para healthy palagi si baby!" tugon ni Kei sa confused na si Rain. Wala pa nga akong boyfriend at virgin pa ako, tapos buntis na?

Inangat ko ang tingin at natawa sa sarili, "Wow... Virgin Haley"

Hindi ko kaya 'to...

"Pft!" hindi na nakayanan ni Reed at malakas itong napahalakhak. "Kei! Hindi siya buntis! May Car Motion Sickness lang siya! C'mon! What the heck are you talking about?!" patuloy ni Reed sa pagtawa. Mamamatay na talaga siya sa kakatawa dahil hawak na niya ang tiyan niya at nagluluha na ang mga mata. 

Humarap naman ako sa Reed na ito at ini-stretch ang dalawa n'yang pisnge. "If you're not going to stop, I'll kill you." napatigil naman siya gaya ng sabi ko. Napatitig na nga rin siya sa mata ko na parang may nakita s'yang bagay na hindi pa n'ya nakikita.

Matagal pa kaming nagkatitigan at noong ma-realize ko iyon ay mabilis kong binitawan ang pisnge niya't umayos ng upo. Lumingon na rin ako sa labas ng bintana at napasalong-baba. 

***

NAKARATING NA KAMI sa Vigan. 

At sa ngayon ay umaakyat pa lang ang araw. 5:29 AM pa lang kasi. Nagpark si kuya sa tapat ng Cathedral Church na malapit lang sa Mcdo, tapos bumaba na.

Nag-unat kami, "Phew, nakarating din..." napapagod kong sabi noong makababa kami. 

Whoo... Amoy probinsiya! 

"Nagugutom na ako, saan n'yo gustong kumain?" Tanong ni Reed habang tumitingin tingin sa lugar ng Vigan. "Ah, Mcdo lang yata ang bukas?" banggit niya noong maihinto ang tingin sa Mcdo. 

Ngumuso si Rain, "Gusto kong kumain sa Greenwich" sagot ni Rain kaya nag desisyon na nga lang din kaming pumunta roon para kumain. Sa paglalakad, bigla akong hinawakan ni Rain dahilan para tumigil ako sa paglalakad. Ibinalik ko rin sandali ang tingin kina Reed. 

"May problema ba? Maiiwan na tayo." tukoy ko kila Kei. Nakatingin lang siya sa hindi kalayuan, para siyang nagmamasid nang iharap niya ang tingin sa akin at ngumiti.

"Ah, wala. Pwede bang sumama ka sandali sa 'kin? Puntahan lang natin 'yong heritage." tukoy niya na nagpaawang-bibig sa akin. Alam niya kung saan 'yon?

Tumango ako, "Sige, pero magpaalam muna tayo kina Re--" 

"Sandali lang naman tayo." at iginiya na niya ako papunta roon, at ako naman? Walang nagawa. 

Kumaliwa kami nang punta sa Red Ribbon. Tapos kumanan kami nang makarating sa may Max's.

"Ay, sarado pa pala..." nanghihinayang na sabi ni Rain.

Ngumiti ako ng pilit, "Ano ka ba, anong oras pa lang naman kasi." sambit ko.  Napakamot siya sa batok niya tapos naglakad pa ulit. Wala na lang akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Kinuha niya 'yong cellphone niya sa bulsa tapos pinicture-an 'yong mga bahay bahay na pinaglumaan ng mga kastila.

"AP ~" ngumiti na lang ako at naglakad pa. Pero nakakapagtaka namang sobrang tahimik dito?

"Ate Haley" tawag sa akin ni Rain kaya tiningnan ko siya, "Gusto mo ba malaman kung bakit ko ibinigay sa 'yo 'yong Recipe na 'yon?" Naalala ko naman 'yong araw na ibinigay niya iyon sa akin. 

Noong na sa rooftop kaming pareho at gustong mapag-isa. 

Ibinaba ko ang tingin papunta kay Rain, "Bakit mo ibinigay ang recipe na 'yon? Knowing na paborito pa 'yon ni Reed" tanong ko dahil nakaka-curious din kung bakit niya iyon ibinigay sa akin. 

"Because you're special" tumaas ang kaliwa kong kilay.

"Special?" Pag-uulit kong sabi niya.

"Ikaw lang ang taong makakapagpasaya sa kanya kapag hindi na kami magkasama" mas tumaas ang kilay ko. Bakit sinasabi niya iyan na parang mang-iiwan siya? Ah! Hindi! Baliw 'tong batang ito at kung anu-ano sinasabi! 

"Hey..." umatras ako, "Hindi mo naman siguro iniisip na magiging kami ng kapatid mo, 'di ba?" paninigurado ko. 

Inilagay niya 'yong dalawang kamay sa likod n'ya. "Bagay naman kayo, ah?" sabay puppy eyes. 

Iwinagayway ko ang kaliwa kong kamay sa harapan ng aking dibdib senyales na hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya. "Hindi, hindi, hindi. Hindi magiging kami 'non, ibabalik ko sa 'yo ang recip--" naputol ang sasabihin ko noong may magsalita mula sa likuran ko. 

"Ang swerte nga naman natin at nandito ang hinahanap natin." 

Humagikhik naman ang isa, "Dalhin natin kay boss?" 

Pareho naming nilingon ang taong nag-uusap na iyon. Dalawa lang sila pero mga nakasuot ng purong puti. Nakasuot ng Tuxedo. 

Sino sila? 

"Take it easy, check muna natin kung tama ba na siya iyon."

Kami ba ang tinutukoy ng mga ito? Nakatingin sa 'min ni Rain, eh.

Inilagay ko si Rain sa likod ko, hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga ito, eh.

"Ano'ng kailangan n'yo?" tanong ko na may ma-awtoridad na tono ng pananalita. 

Ngumisi lang ang isa, "May kaunting katanungan lang kaming ibibigay sa 'yo, little lady." sagot no'ng isa sa kanil sa tanong ko. 

Nagdikit ang kilay ko, "I don't need it." pagkasabi ko no'n, mabilis na silang tumakbo palapit sa 'min. Ngayon lang ako nakatanto ng ganito kaya hindi kaagad ako nakapalag pero laking gulat noong pumaharap si Rain. "Rain! Don't!" 

Ngunit sa isang iglap, natumba ang dalawang umatake sa 'min. Nakanganga lamang akong nakatingin sa mga tumbang lalaki. 

Ipinagpag ni Rain ang dalawang kamay habang naka-apak ang isang paa sa isang lalaki.

"Grabe, kapagod din pala kayo?" naiiling na wika ni Rain habang nganga lang ako. 

Umatras ako ng kaunti, "S-sino ka ba talaga?" tanong ko na may kuryosidad. Hindi ko alam na may ganito siyang side. I mean, paano? 

Inangat niya ang tingin sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti, "Hmm?"

***

MAKALIPAS ANG dalawang araw... 

Kauuwi lang namin ngayon sa mansion makalipas ang dalawang araw. Pumunta kami sa kung saan saan, sa empanadahan, Baluarte, Heritage, Bantay, at sa kung saan saan pa.

Marami rami rin kaming mga kinuhanang litrato kaya halos mapuno 'yong litrato sa DSLR ni Kei. 

Hindi nga rin ako makapaniwala na napuno. 'Di pa niya kasi nabubura 'yong ibang litrato since 2010. 

Share ko lang din.

May tumawag sa akin ng "Manang" kaya halos muntik pa akong makipag-away. Eh, hindi ko naman alam na "Ate" pala ang ibig sabihin 'non do'n!

"Ang daya n'yo! Hindi ako sinama!" Rinig kong daing ni Jasper sa labas ng mansion kausap si Reed. 

Humikab ako at ini-stretch ang mga kamay papunta sa hagdanan. 

"Ay, oo nga pala 'no?" Biro ni Kei

"Bakit niyo ako kinalimutan!?" Hindi ko na lang sila pinakialaman at tiningnan na lang ang litrato namin nila Rain sa phone. 

Naka peace sign na naka-cling si Rain sa 'kin samantalang malayo naman ang tingin ko. Nahihiya kais ako sa parte na 'to, eh. 

Ibinulsa ko na lamang ang phone at ngiting napailing.