Chapter 6: He's Weak, Fight Back
Haley's Point of View
"Bestfriend na tayo, ah?" sabi ni Keiley na nagpaurong sa akin nang kaunti.
Bestfriend? Sinabi niya bang bestfriend na kami? Tumingin ako sa hindi kalayuan. "Sinong may sabing bestfriend na tayo? I didn't even give permission about that."
Hindi nagsalita si Keiley at medyo nakita ko ang pagkalungkot sa mata niya dahilan para makaramdam ako ng kaunting konsensya. Aish, bakit naman kasi siya malulungkot? Ni hindi pa nga niya ako ga'non ka-kilala.
Umiling-iling ako nang dahan-dahan tapos umalis na sa kanyang harapan para lumabas ng classroom. Sa mabilis kong paglalakad ay may nakabangga na ako. But it's not my fault, I was going to avoid her but she bumped at me intentionally. This annoying b*tch. "Ouch! What's wrong with you?" Maarteng tanong ng babae sa akin na nilagpasan ko lamang at hindi pinagtuunan ng pansin ang kanyang sinabi. Ako pa 'yung ginawa niyang masama, eh 'no?
"Nabangga niya 'yong kapatid ng Queen Bee!" Tumigil ako sa paglalakad ko at tinaliman ng tingin 'yong taong pinag chi-chismis-an ako. Umalis sila sa paningin ko nang makita nila ang nanlilisik kong mata.
Damn! Sinong kapatid ba 'yan? Queen bee? Seryoso? Ano bang klaseng school itong pinasukan ko? Ang mahal mahal ng tuition na binabayaran ni mama dito tapos puro full of bitches lang nandito? At 'yung Trinity4 na 'yan?
Ano ba? School of Famous and B*tches ba 'to?
Napatingin ako sa may bandang banyo dahil ramdam kong may nakatingin sa akin. Nahuli ko 'yung babaeng iyon. Hindi ba't kaklase ko rin 'to?
Nanlaki ang mata niya 'tapos muling nagtago. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Mirriam! Why are you hiding there?" rinig kong tawag sa kanya nung nakabangga sa akin dahilan para mapahinto ako at tingnan siya. Nagpa-panic siya habang kausap 'yung tinawag nilang kapatid daw ng Queen Bee.
Napatingin siya sa akin pero noong mapagtantong nakatingin ako sa kanya ay mabilis siyang tumakbo.
"Seriously, I won't eat you..."
Kei's Point of View
Napahawak at napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagkairita.
"Bakit ba kasi ayaw niya?" daing ko. Umupo muna ako sa upuan ni Haley at bumuntong-hininga, kasabay naman 'non ang pagsulpot ni Reed,
"Anong nangyari? Bakit ga'non 'yon? Muntik na akong banggain" hindi ko lang siya pinansin at pumunta na lamang sa upuan ko, "Ini-snoban ka ba ng transferee?" Tanong ni Trixie na isa rin sa kaklase ko.
"Hayaan mo siya, insecure lang talaga 'yon" may balak pa sana akong magsalita kaso pinapaupo na sila ni Reed, "Sige na sige na.. Umupo na kayo, baka dumating na si Miss" tukoy niya sa next teacher namin kaya umupo na silang dalawa. Si Tiffany 'yong isang kasama ni Trixie.
I know that is not the case why she acts like that.
Kumalumbaba ako, "Minsan ka na nga lang makakita ng totoo tao kahit na medyo snob siya, naging bato pa" nanghihinayang kong wika at ibinagsak ang noo sa lamesa, tinap ni Reed ang balikat ko.
"Easy, there is always next time for everything... Despacito" inilingon ko ang ulo ko sa kanan para hindi makita si Reed. Kung mayroon pa!
Haley's Point of View
Naglabas ako ng hangin at kumagat sa sandwich ko, nandito ako sa may open gym ng E.U at kumakain dito sa may bench. Wala kasing masyadong tao sa lugar na ito kaya dito ako nagpasyang kumain.
"Wala pang 1st week pero nag ditched kaagad ako, buhay nga naman" ngumuya ako at ibinaba ang sandwich na kinakain ko, "Mapapagalitan nanaman ako ni mama kapag nalaman niya ito, baka sabihin niya..."
"Ano?! Nag cutting ka?! Para saan at nag-aaral ka pa? Gusto mo pa bang mag-aral, huh? Hindi porque may utak ka, mag ka-cutting ka na! Ikaw kaya pagtrabahohin ko rito?!" Napalunok ako dahil sa naiisip ko.
I crossed my legs and sighed again. "Babalaan ko talaga 'yong teacher ko mamaya para hindi niya ako isumbong kay mama" at kumagat ulit ako sa sandwich ko.
"Hindi mo kami bibilhan, huh!?" rinig kong bulyaw ng lalaki sa hindi kalayuan.
"Ibigay mo na lang kasi sa amin 'yang pera mo!" ibinaba ko ang kinakain ko.
Tingnan mo nga naman itong mga ito? Pang bu-bully kaagad ang mga ginagawa. Akala mo naman kapag binully na nila 'yong isang tao, ikaka-gwapo na nila. May mga saltik talaga sa ulo.
Bumaba ako sa may bench at sinilip kung saan ko naririnig 'yong mga lalaking sumigaw kanina. At ayun nga sila sa may corner, sinisipa sipa nila 'yong weak.
Hahh... Walang magawa ang mga 'to, malapitan nga.
"Ano? Hindi mo pa ba ibibigay 'yong pera mo? Tang*na ka" rinig ko pang mura ng lalaki at binuhat 'yong nerd. Akmang susuntukin sana noong magsalita na ako.
"Hey, Shokoy..." tawag ko at huminto na sa paglalakad.
"If I were you, I'm not going to do that" lumingon ang mga ito sa akin. Naka eye liner sila't nakabukas ang mga buttones ng uniform, halata ngang siga sila.
Humarap ang dalawa sa akin at maangas na nilapitan ako.
Bale binitiwan na ng isang lalaki 'yong nerd, "Sino ka, huh?" tanong ng negrong lalaki na nasa harapan ko ngayon.
"Pre, chics 'to" pagsiko ng kasama niya sa negrong ito. Nakangisi rin siyang nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya.
"Eh, ano ngayon kung chics 'yan?! Sinabihan nga tayong shokoy, eh" sabi niya at tiningnan ako nang masama, "At ikaw? Ano namang ginagawa mo dito? Gusto mong matulad sa kanya?" tukoy niya sa lalaking nakadapa. Pinapatunog niya ngayon ang mga daliri niya panakot.
Tinabingi ko ng kaunti ang ulo ko, "Huh? Nagpapatawa ka ba, Mister? Kasi kung oo, tatawa na lang ako para sa 'yo" Kumunot ang noo niya habang nanlaki naman ang mata ng isa, "Hindi mo ba alam kung sino ako, huh?" Inayos ko ang ulo ko't muling naglabas ng hininga. Ano? Famous din ba itong lalaking ito?
"Hindi ka importante sa buhay ko kaya wala akong pakialam kung sino ka man" natawa ito sa sinabi ko.
"Hindi mo talaga ako kilala, huh?" Maangas na tanong niya kasabay ang pagtulak sa akin, pero hindi pa rin ako nakakaalis sa pwesto. Gumalaw lang 'yong balikat ko na tinulak niya.
Tiningnan ko 'yong nahawakan niya tapos pinagpagan iyon. Matapos kong gawin iyon ay nilingon ko ulit siya.
Lukot na lukot ang mukha niya sa galit. "Aba--?! Umayos ka, ah!?" at susuntukin na sana niya ako nang mabilis kong ilagan iyon, nagulat ito sa ginawa ko kaya hindi ko maiwasang hindi mapangisi, tapos mabilis ko siyang sinikmuraan dahilan para mapaluhod ito dahil sa sakit.
Sumipol ako para asarin siya. Laki lang pala ng katawan ang panakot niya, eh? Sows.
Ibinaling ko ang tingin sa isa pa niyang kasama na halatang gulat na gulat pa rin sa nakita niya, "Sorry, maganda ka sana pero..." at dahil sa ang lamya lamya niyang manuntok, tinalisod ko na lang siya.
Gusto kong maawa at ayokong matawa pero hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa naging itsura ng mukha niya noong malakas na bumagsak ang mukha niya sa sahig. "Thanks for making me laugh" totoong napangiti niya ako doon, ayos.
Ini-stretch ko ang kamay ko, "Whoo... Ang sarap sa pakiramdam 'non, ah?" Tumayo naman 'yong nerd at nilapitan ako,
"Thank you" pagpapasalamat niya.
Ipinikit ko ang isa kong mata habang nakatingin lang sa kanya ang isa kong nakamulat na mata. Humarap ako sa kanya at nagpameywang, "Why didn't you fight them back? Ang hina hina naman ng umaapi sayo" Ngumiti naman siya at napahawak sa ulo niya.
"I'm not even good enough to fight back." Nakasuot siya ng makapal na frame ng salamin at marami rin itong tigyawat sa mukha, para siyang isang typical nerd na makikita at nababasa niyo sa wattpad? Weak but Genius. But infairness, I would say na maganda ang kulay ng mata niya. May pagka-Green. Rare lang magkaroon ng ganyang klaseng kulay ng mata sa panahon ngayon.
Wait, balik tayo. Paano kaya hindi nakalaban ang isang ito. Eh, ang laki laki naman ng katawan niya?
"Believe in yourself, kung hindi ka marunong lumaban pabalik, talo ka... Learn how to fight sometimes kiddo" maraming beses na rin akong na-bully, pero may isang batang lalaki ang nagturo sa akin na h'wag sumuko, na h'wag akong magpatalo sa kahit na sino at higit sa lahat, ang lumaban.
Hindi ko makakalimutan 'yong mga sinabi niya sa akin, lahat ng mga iyon ay nasa utak ko pa rin. Pero ang hindi ko maalala ay kung ano ang itsura niya. Ewan ko kung bakit ko nakalimutan 'yong mukha niya, pero siguro... dahil kung anu-anong bagay din ang iniisip ko ng mga panahong 'yon kaya nawala na siya sa utak ko.
Tiningnan ko ang asul na langit, "Kamusta na kaya ang taong 'yon?"
Harvey's Point of View
"Alam mo ba, Harvey? May nakita akong chics sa may Main Building! Grabe, ang sexy pa! Coca-Cola body!"
"Harvey! Laro tayo ng Dengeki sa PS Vita, pustahan tayo, kung sino matalo, siya ang manglilibre, Si Shana gamit ko" pangungulit pa ni Jasper dahilan para humarap ako sa lean seat kung saan nakahiga ako ngayon sa sofa.
Ikaw mag-isa mo
"Harvey!" tawag niya, "Wi Woo Wi Woo!" pangungulit pa nito, "Harbe ~!" isa pa,
"Woi Harbe ~! HARBE!"
Nandito kami sa tambayan ni Jasper, at KANINA pa siya ganyan! Hindi ko na nga pinapansin pero ito siya at ang ingay ingay!
"Harbe ~! Mamansin ka naman, para namang hangin lang ako para hindi mo pansinin" Napaupo ako sa pagkakahiga ko sa sofa,
"Just what do you want?! Can't you see I'm sleeping here?!" turo ko sa sofa gamit ang dalawa kong kamay.
Nakatayo siya ngayon at nakapameywang, pero inalis din niya 'yon dahil inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. "Hindi ka naman natutulog, eh? Gising ka nga, oh?" nguso niya sa pwesto ko. Lintek talaga 'tong hayop na 'to. Paano ako makakatulog kung kinukulit niya ako?!
"At isa pa, nabo-bored ako, laro naman tayo!" anyaya niya habang nagsasayaw sayaw sa harapan ko. Napahilamos ako ng mukha.
"Huwag mo nga akong guluhin!" Nag-pout ang loko at huminto na sa kakasayaw.
"Ang sungit mo, makaalis na nga lang dito, humph" pag-arte niya na para bang bakla at saka nga umalis sa tambayan.
Bumalik ako sa pagkakahiga at nilagay ang dalawa kong kamay sa ulo, "Better! Just get out!" Just do what he wants, h'wag lang niya akong guguluhin.
Nakatuon ang tingin ko sa kisame at nagpaiba iba ng posisyon sa paghiga. Hindi kasi ako mapakali, "Ano ba 'yan..." sabi ko sabay kamot sa ulo ko dahil sa sobrang pagka-irita.
Mayamaya pa'y biglang pumasok sa utak ko 'yong babaeng 'yon.
"Hoy, Mr. I-Don't-Know-Your-Name, nakatama ka ng bola. Kaya kasalanan mo kung bakit namumula ang mukha ko ngayon! Bakit, huh? Soccer field na ba itong tinatayuan natin para mapunta 'yang bola mo rito?!" naalala kong sabi ng babaeng iyon sa akin noong sadyain kong ipunta ang bola sa kanya.
My way of knowing if she's like the other girls.
Sa lahat siguro ng mga babaeng nakilala ko, siya na 'yong pinakakakaiba sa lahat.
Pero noong una kong natitigan ang mukha niya, 'yong mukha ng batang iyon ang lumitaw sa utak ko. Possible kaya na siya iyong—Hindi, impossible rin, eh.
"Sino iniisip mo?" bigla akong napatingin sa nagsalita, hindi ko napansin na narito na pala si Kei. Humarap ako kung nasaan siya, nagulat na sobrang lapit ng mukha niya kaya umupo ako sa pagkakaupo.
Tumikhim ako, "Ikaw lang pala." umupo siya sa kabilang sofa,
"Well, sino pa ba?" tanong nito at humiga rin, "Ano'ng iniisip mo? O sino iniisip mo?" tanong pa niya pero umiwas lang din ako ng tingin.
"Nothing, just mind your own business" tumayo na ako para kumuha ng maiinum sa refrigerator, okay lang naman daw na magkaroon kami ng refrigerator sa tambayan, basta kami lang daw ang magbabayad ng kuryente.
"By the way, Harvey... 'Yong event para mamaya, pumunta ka ng 7:00, ah?" Nilingon ko siya tapos sinarado ang refrigerator, "And why do I have to go there?" Kunot-noo kong tanong.
"Because Cory & Alexander Smith are your parents, of course you should support their business, especially may tao ng tutulong sa kanila... kaya mapapadali na lang ang trabaho ninyo" Event iyon para sa bago nilang business partner, celebration kasi nagkasundo ang owner ng dating naluging kompanya.
Ang balita ko nga, maganda ang performance ng new business partner nila daddy kaya rin nila ito pinatawag at ginawan ng business contract. Narinig ko rin sa kanila na magtutulong tulong sila sa darating na big project.
"Ayoko, matutulog na lang ako" sabay inum.
"Harvey naman, kami a-attend pero ikaw hindi?" Hindi ako nag salita.
Bahala siya diyan, pakialam ko naman kasi sa event ng kompanya na 'yan? "Ay, balita ko, kasama rin ang anak ng new business partner ng dad mo.
Hindi ulit ako sumagot kaya ang nangyari ay piningot niya ang tainga ko noong makalapit siya sa akin, pero saglit lang 'yon. "Ano ba?!" Kainis naman, eh. Pingutin ba naman ako?
Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang liquid na lumabas sa ilong ko, "Um-attend ka kasi!" pagpupumilit pa ni Kei. Ang kulit talaga ng babaeng ito, ayaw magpaawat kung hindi sinunod 'yong gusto.
"Sige na sige na, a-attend na ako" tumigil siya sa pangungulit at nagsimulang magbigay ng matamis na ngiti.
"That's good, don't be late, okay?" sabi niya sabay tap sa balikat ko bago siya naglakad paalis sa tambayan.
Aish, no choice, huh?
***
PUMUNTA MUNA AKO sa tindahan na puro school supplies ang binebenta, nawalan kasi ako ng ballpen. Pero hindi naman nawala, bale tinapon ko dahil nahuli ko 'yong babae kong kaklase na kinuha ang ballpen ko saka 'yon hinalik halikan, kaya no choice kundi ang tinapon na lang.
Alangan namang gamitin ko pa 'yong nakakadiring bagay na 'yon? "Saber Kastell" turo ko sa ballpen na Saber Kastell. Tapos noong maibigay na sa akin at nang makabayad na ako sa kanya ay tumalikod na ako. Sa pagtalikod ko ay nabangga ko pa 'yong babaeng nakakainis habang natapon sa akin ang inumin niya.
"F*ck..." Mahina kong pagmumura at tiningnan ang babaeng nag ngangalang si Haley Miles Rouge. "Bakit kasi dala-dala mo 'yan?!" galit na sigaw ko sa kanya na ginantihan lang ako ng matalim na tingin.
"Excuse me, hindi ko kasalanan na natapon ang Cucumber Lemonade ko sa 'yo" Malditang sabi niya sa akin. Siya na nga 'yong nakatapon siya pa ang mag mamaldita? Ayos 'to, ah?
"Mag sorry ka" halata sa boses ko ang isang babala.
"Bakit ako magso-sorry? Kasalanan ko bang tanga ka at hindi nag i-ingat dahil sa nagmamadali ka? Hindi naman, 'di ba?" Kinuyom ko ang aking kamao.
"Bakit ka ba nagma-maganda, huh?" Inis na tanong ko, "Alam mo dapat hindi ka rito nag-aaral, eh? Hindi ka naman belong di--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko noong sumagot siya.
Marahas niyang tinapon ang walang lamang plastic cup sa kung saan at nanlilisik ang mata na tiningnan ako. "Hindi talaga ako belong sa skwelahan na ito, kasi sa skwelahanan na ito, puro mga kagaya niyo! MAYAYABANG! Akala mo kung sinong gwapo na sisiga siga sa skwelahan na ito! Porke mayayaman kayo, kaya n'yong umarte ng ganito?!
Bakit, huh? Gwapo ka? May maipagmamalaki ka ba? Ikaw ba may ari ng school para mag hari-harian? H'wag mong sabihin sa akin na ikaw ang may-ari ng Enchanted University! Wala ka sa wattpad! Gag*!" final blow niya bago mag walk out.
Hindi kaagad ako nakapagsalita at napatingin lamang sa kalangitan, "Wattpad?"