Chereads / Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 5 - Be my FRIEND

Chapter 5 - Be my FRIEND

Chapter 5: Be my FRIEND

Haley's Point of View

Malapit kami sa may corridor at naglalakad, at kung papansinin ko ang paligid... Halos nakatingin na 'yong mga estudyante sa amin. Or should I say nakatingin sila kay Reed? Pero hindi, eh. Sa amin talaga sila nakatingin.

"Look, oh? He's following that girl! Hindi naman 'yan ginagawa sa 'tin ni Reed."

"Shh! Huwag mong iparinig."

"Inggit si ako, huhu"

Tss, ganyan na ba talaga ang bulong ngayon? Naririnig? Saka bakit sa lahat na lang ng nadadaanan naming classrooms ay kilala si Reed? Sino ba talaga itong lalaking ito? Artista ba ito?

Ba't hindi ko man lang siya nakikita sa TV?

Para namang nanonood ako?

"You heard them, right? Pa-salamat ka nga dahil ikaw ang kinakausap ko at hinahabol ng ganito at hindi sila" Wow? Pwede munang masuka? Grabe! Ako pa talaga ang mag papa-salamat sa kanya. Ang kapal ng pagmumukha.

Huminto ako at humarap sa kanya, "Why should I thank you? May nai-contribute ka bang maganda sa buhay ko? Do you think I'm happy?" nag-iba naman 'yong ekspresiyon ng mukha niya,

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" kunot-noo niyang tanong. Ano naman kasi ang pakielam ko sa kanya para kilalanin siya? Kung isa siyang school heartthrob, hindi bale na lang.

"Ganoon ka ba ka-importante para tanungin 'yan sa 'kin?" pagtataray ko sa kanya. "Let me tell you something" dagdag ko pa habang nakikinig lang siya sa susunod kong sasabihin, "Kahit maging sikat ka pa sa buong school, o maging artista ka pa sa PILIPINAS. Wala akong pakielam." namuo ang katahimikan sa pagitan namin. Tapos 'yung tingin niya medyo nag-iba, ewan ko pero nasasaktan ba siya sa sinabi ko?

Tumalikod na ako sa kanya at pinitik ang hibla ng buhok ko, "I'm going" sabi ko at naglakad na nga. Sa paglalakad ko naman ay muli akong napahinto, "What the hell, another pervert sicko" walang gana kong wika habang nakatingin sa lalaking blonde ang buhok. Nandoon siya sa gitna at nakapameywang.

Mukha ako talaga ang sadya niya.

"What? Paano ako naging pervert? How mean!" He said in disbelief but I just rolled my eyes and put my right hand on my right waist, "So?" Nag crossed arms siya sabay pogi sign, "Gusto kang makausap ni Kei kaya ini-imbitahan kitang pumunta sa tambayan namin mamaya" anyaya niya.

"What? Keiley did?"

"Seriously, why is it her?"

Hindi ko pinansin 'yong mga sinasabi ng estudyante sa paligid at seryoso lang na nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. "What if I don't want to?" I asked him, just want to make sure kung ano ang isasagot niya. "Then, we have to force you to come with us" this jerk. Pare-pareho sila ng mga kaibigan niya.

"Ayoko" simpleng sagot ko.

"Tara na, masaya kaming maging kaibigan, ayaw mo 'yon? Free aircon, free wifi, pagkain at--" hindi ko siya pinatapos dahil nagsalita na ako.

"Stop PESTERING me" natahimik siya sa inasal ko kaya naglakad na ako para makabalik na nga sa classroom.

Ngunit hindi pa natatapos lahat ng kapestehan ng umaga ko dahil may nagpakita nanaman sa harapan ko. "NOW WHAT?" asar na asar kong tanong.

"Hello" ngiting bati ng magandang babaeng nasa harapan ko kasama 'yong lalaking nakatama ng Soccer Ball sa mukha ko.

"Even them?"

"Oh! Papalapit na sina Reed at Jasper!"

Napalingon na rin ako sa nabanggit na pangalan. Nakangiti si Jasper habang nakasimangot naman si Reed na naglalakad palapit sa akin. "Tsk!"

"What is happening? Trinity4 na 'yong lumapit, oh?" Trinity4? Anong klaseng group name 'yan? Trinity na nga, may 4 pa. Ka-tangahan lang?

"Ang lucky naman ng new girl" lucky? This is badluck! What the heck are you saying, you stupid girl?

Nakapaikot silang apat sa akin na tila akala mo'y bubully-hin ako. Mas lalo tuloy akong naiirita ngayon, "We only want is to be your friend, masama ba 'yon?" tanong ng Reed na 'yan.

"Friend"? pag-uulit ko sa sinabi ni Reed.

Who needs friends when everyone will gonna betray you at the end? Acting nice even if it's not, only wants you if they need something from you.

I mocked a laugh, "Friend? What are you? Elementary? Ayoko." mas okay na maging mala-loner ang buhay ko keysa magkaroon ng kaibigan katulad nila.

They'll gonna hurt me just like what they did, and I don't want that to happen again, selfish na kung selfish but I don't care! "And why is that?" tanong ng isa sa kanila, "Just leave me alone" mainahon kong pagsusumamo.

"Okay we get it" panimula ni Keiley dahilan para tingnan ko siya, nakangiti siya sa akin.

"If you change your mind, just go and see me at the rooftop after dismissal, hoping to see you there since there's something I really want to talk about" hindi ako kumibo sa sinabi ni Keiley at naglakad lang ako. Nakalagpas na ako sa kanilang apat ng marinig ko 'yong sinabi ng Harvey.

"Huwag ka na lang pumunta kung ayaw mo" panimula niya, "Mas mabuti kung hindi ka pumayag, dahil hindi kita gusto" rinig ko naman na sinaway siya ni Keiley pero pagkatapos 'non ay tuluyan na talaga akong umalis.

***

DUMATING NA ang dismissal at ramdam ko ang pagdaan ng tingin nila Kei bago lumabas ng classroom. Wala talaga sa isip ko ang pagsulpot sa sinasabi nilang lugar, kaya lumabas na ako ng campus at pumunta sa malapit na kainan dito.

Pumasok ako sa loob ng Bread Store na kung tatawagin ay  Casa Del Pan at nagulat dahil sa rami ng tao. Nagdadalawang isip tuloy ako kung bibili pa ba ako o hindi na.

Bumuntong-hininga ako, "Geez... Aalis na lang ak—" hindi natuloy ang balak ko sa pag-alis ng mapatingin ako sa lalaking may balak kumuha ng gamit sa katabi niya, kaya hindi ako nag dalawang isip na lapitan siya ng hindi niya napapansin, pero hinanap ko muna kung may CCTV sa lugar na ito.

Huminto ang tingin ko sa kaliwang bahagi kung saan nakalagay ang CCTV, hindi siya ganoon ka-halata dahil nasa tagong lugar ito pero kung talagang hahanapin mo ang CCTV ay makikita mo siya kaagad.

Tiningnan ko ulit 'yong lalaking tangkang magnakaw ng kung ano 'don sa babae.

Tanga tanga naman nitong lalaking ito, magnanakaw na nga lang, ipapahuli pa 'yung sarili. "What a drag..." mabilis kong kinarate 'yung batok ng lalaki kaya bumagsak siya sa sahig. Agad akong umalis sa loob ng bread store ni aling Kikay dahil grabe na rin ang siksikan sa loob.

Bago pa man ako makalabas sa Bread store ay narinig ko ang mga tili at sigaw ng mga tao. "Kayo na ang bahala diyan" sabi sa sarili at naghanap na ng upuan dahil pagod na rin ako.

Noong makahanap ay pabagsak akong umupo. Pinikit ko muna ang mata ko para ma-relax ng kaunti, pero napamulat din nang may marinig akong tao na papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko nang malaman ko kung sino 'yong mga nasa harap ko, "Kayo..." ngumiti sila.

"Hi, Haley.."

"Long time no see"

"How are you?" hindi ako nakapagsalita 'agad.

Ano namang ginagawa nila dito? Napatingin ako sa suot nilang uniform katulad no'ng sa EU. Doon din sila nag-aaral?

"You're alone again? What a pity" pang-aasar ng babaeng nasa kaliwa na si Aiz, "Hanggang kailan ka ba magpapaka-loner diyan?" sabi naman ng nasa kanan, si Kath. Hindi siya ganoon kaputian pero hindi rin naman kaitiman. Sakto lang.

"Stop it girls, bakit niyo ba siya pinapakialaman?" tanong ni Shane saka ibinaling ang tingin sa akin, "Kahit kailan, wala naman siyang napala sa kahit na sinong tao." Natatawa tawa pa niyang sabi.

Humalakhak sa tuwa ang mga kasama niya habang nakayuko lang akong nakahawak nang mahigpit sa laylayan ng uniform ko. "Yumaman kayo tapos bumagsak sa ganito? Humph! You're lucky at nakapasok ka pa rin sa isang mayaman at kilalang university sa bansang ito, you know? Kung tutuusin nga, hindi ka naman dapat dito, eh." hindi ako umimik at umarte lamang na walang naririnig. Pero ang totoo, nasasaktan na talaga ako. Nakakaramdam ako ng sobrang galit sa dibdib ko.

Naging kaibigan ko sila pero kinaibigan lang nila ako dahil may gusto silang kunin sa akin. Noong nag shutdown 'yong kompanya ng Rouge, Unti-unting lumalayo ang mga tao sa akin, lalo na silang tatlo na tinuring ko talagang mga kaibigan.

Tiningnan ni Shane ang relo niya na halata pinagyayabang 'yon sa akin. "Well, girls" paglingon niya sa dalawa, "Let's go? Baka ma-late pa tayo sa party, kailangan pa nating mag-ayos" tumingin siya sa akin na may ngisi sa kanyang labi.

"See you" umalis na sila at iniwan lang akong nakaiwas ng tingin.

"The hell" nasabi ko na lang. Ilang minuto rin akong nakaupo doon nang may mag-abot ng tinapay na gusto kong bilhin kanina sa loob, tiningnan ko muna 'yong tinapay bago tingnan 'yung taong nag-aabot sa akin 'non.

"Hindi ka talaga sumulpot sa pinag-usapan natin, lumabas ka kaagad ng campus" kahit na hindi kami ganoon ka-close ng babaeng ito ay kinuha ko na lang 'yong binigay niya sa akin at kaagad na kinain, gutom ako 'pag naiinis-- O baka stress eating lang din talaga ito.

"It's none of your business" pag tataray ko pa rin kay Keiley.

"Hey..." tawag niya sa akin kaya tumingala ako para tingnan siya, "You know, we could become friends, be my friend" Naalala ko bigla 'yong exact na sinabi ni Shane sa akin noong una ko siyang nakilala.

"We could become friends"

Nakakarindi, hanggang kailan ko ba maririnig 'yang salita na 'yan?

Tumayo ako nang hindi siya tinitingnan, "I'm not the right person to be your friend, Keiley" kumuha ako ng pera sa bulsa ng skirt ko tapos binigay iyon sa kanya, at pagkatapos ay umalis din ako sa harapan niya.

I just don't want to get hurt, I'm sorry.

***

KINABUKASAN. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom, ang nakangiting si Keiley na ang sumalubong sa akin, binati niya rin ako ng "Good Morning" na mayroong sigla sa katawan. Kung maganda ang umaga niya, pwes ako hindi. Umiwas na lang ako ng tingin at pumasok na sa classroom at umupo na sa inuupuan ko.

"Ang taray niya, girl..."

"Grabe, hindi naman ka-gandahan"

Umirap ako sa kawalan dahil sa sinabi ng mga estudyanteng sa labas.

Iba talaga kapag sikat sa campus, pinagtatanggol ka ng karamihan sa mga taong ayaw sa kanila. Pero hindi naman sa ayaw ko 'tong si Keiley, sadyang ayoko lang talagang i-entertain siya sa kung anu-anong bagay.

Umupo sa tabi ko si Keiley, "Just leave them alone" hindi ko pinansin 'yong sinabi niya at sinalpak ko lang 'yung earphone sa tainga ko para hindi na siya mag-salita. Alangan namang magsalita siya. Eh, alam naman niyang nakikinig ako sa tugtog? Pero hindi talaga ako nakikinig, lowbat cellphone ko, eh. Hindi naka-charge. Sadyang nadala ko lang ng hindi namamalayan dahil sanay akong ilagay sa bag ko 'yong cellular phone ko.

Pumikit ako at kumalumbaba sa desk ko.

"You know, Haley... Hindi ko naman talaga gusto 'yong mga naging turing ng mga tao sa akin, eh?" Kinakausap niya pa rin ako? Really?

Nanatili lang akong nakapikit at umaarteng hindi nakikinig sa mga pinagsasasabi niya.

"Ayun bang madalas kaming hindi makakilos ng maayos? Kaunting mali, kung anu-ano na kaagad 'yung iniisip nila, parang wala kaming karapatang gawin 'yong mga gusto namin" hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ito, wala naman akong pakielam sa buhay niya.

"Tapos may iba diyan na... Sumasama lang sa akin para maging sikat din sila." Iminulat ko 'yong isa kong mata at tiningnan siya mula sa peripheral eye view ko. Medyo natamaan ako sa sinabi niya pero magkaiba lang ng sitwasyon.

Nakayuko siya pero may ngiti sa kanyang labi, pero sa ngiti niyang iyon ay kita ko kung paano siya nahihirapan, pero nahihirapan saan?

"Some people are real...

Some people are good...

Some people are fake and some people are real and good at being fake" parehong tumaas ang kilay ko dahil naiintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin 'don.

"I see..." May pagkakapareho pala kaming dalawa, pero ito kaya 'yung gusto niyang sabihin sa akin sa rooftop?

Bigla siyang natawa kaya this time ay kumunot naman ang noo ko, "What are you laughing at? Nababaliw ka ba?" Pero patuloy pa rin siya sa kakatawa niya kaya sinimangutan ko na s'ya.

Napapatingin na rin 'yung iba naming classmates sa amin kaya iniiwas ko na ang tingin ko. Bahala siya magmukhang tanga diyan, basta hindi ko s'ya kilala.

Tumigil na siya sa pagtawa niya at pinunasan na ang kanyang luha dahil sa kakatawa, tears of joy. "Oh my gosh, Haley... So, you were listening to me after all, sadyang nakadisplay lang talaga 'yong earphone diyan sa tainga mo" muli akong lumingon sa kanya.

Namumula ang mukha dahil sa hiya. Sinong nakikinig?! "H-huh? What are you talking about? Display? Nakikinig ako sa tugtog" Nilagay niya ang index finger niya sa kanyang chin na tila akala mo'y nag-iisip. Nang-aasar ba 'tong babaeng ito? Sabihin lang niya. Tsk!

"Huh? Paano ka nakakarinig ng tugtog kung hindi naman nakasaksak 'yang earphone sa cellphone mo?" tiningnan ko 'yung laylayan ng earphone ko at hindi nga siya nakasaksak!

Mas umakyat lahat ng dugo sa mukha ko, "Hey!" tumawa lang ulit siya. Ano ba'ng problema ng babaeng ito? Mahilig na ngang ngumiti, mahilig pang tumawa. Nakaka-irita 'yung characteristics niya.

"Pwede na ba tayong maging magkaibigan? Pwede na ba tayong maging bestfriend?" bestfriend? Hindi pa nga kami friend, bestfriend agad?

"Look, not because we are talking to each other ay papayag na akong makipag kaibigan sa'y—" imbes na patapusin niya 'yong sinasabi ko ay kinuha niya ang kamay ko at nakipag shake hands. Niyuyugyog na nga niya ako habang shine-shake niya 'yong kamay ko.

"Ayan, magkaibigan na tayo! Wala ng bawian... Hindi lang basta kaibigan... Mag best friend pa!" tuwang tuwa nitong wika at ngumiti nang pagkalawak-lawak.

What?