Chapter 4: Why is it too hard to get you?
Haley's Point of View
Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan na muna ako sa isang Ice Cream Shop. At dahil sa Ice Cream Shop nga, Ice cream ang binili ko, alangan namang sapatos ang nabibili dito, 'di ba?
Tumambay din ako saglit sa Green Park kung saan madalas akong tumambay kapag malungkot o badtrip ako.
And obviously, badtrip ako kaya ako narito. Naiinis ako dahil sa tatlong lalaking 'yon na imbes na matahimik ang kaluluwa ko at pilit na nilalayo ang sarili sa kanila ay kusa naman silang lumalapit. Kung hindi sadya, coincidence. Alam mo 'yon? Parang nananadya lang 'yong tadhana?
Maybe I'm putting an emotional wall or barrier between me and other people but that's just because I don't like them. Ayoko ng magulo 'yong buhay ko, I just want a quiet life.
Iyong walang attachment, ganoon.
Tinapos ko lang 'yong kinakain ko tapos nagpasya na ngang umuwi. Nang makauwi ng bahay ay naabutan ko pa ang pagtatalo ng dalawa kong magulang.
"Bakit ba kasi hindi mo maintindihan 'tong gusto kong sabihin?!"
"Paano ka maiintindihan kung hindi mo naman pinapaintindi?!"
"Dahil ayaw mong INTINDIHIN!"
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at pumunta na sa kwarto para makapagpahinga. Sinarado ko ang pinto at ibinagsak ang katawan sa kama. At para naman ma-relax relax ako ay binuklat ko ang isang classic book, pero bago ko tuluyang basahin iyon ay tiningnan ko 'yung litrato na naroon sa side table katabi ng lamp shade.
Nakatitig lang ako roon hanggang sa ibalik ko na lang ulit ang tingin sa libro.
Kei's Point of View
Pagkaalis ni Harvey kanina ay padabog ding umalis si Haley sa harapan namin. Gusto ko pa sana siyang makausap pero ang bilis niyang maglakad kaya hindi ko na lamang ipinagpatuloy.
"Transfer student siya, 'di ba? Grabe... May tao pa palang sasagot ng gano'n sa kanya? Kung tulad lang din siya ng mga estudyante sa skwelahan mo, malamang natakot na 'yan." napailing si Jasper, "Ibang klase"
Hindi ako kumibo at naglakad na lang din paalis sa lugar na 'yon.
"Hey, where are you going?" tanong ni Jasper at hinabol ako, gayun din naman si Reed.
It's hard to trust people nowadays, hindi mo malaman kung totoo ba sila sa 'yo o hindi, but I still want to believe na mayroon pa ring tao diyan na pwede mong pagkatiwalaan, at gusto kong madiskubre iyon sa kanya-- Kay Haley.
Unang kita ko pa lang sa kanya, may kakaiba na sa kanya. Hindi siya 'yong tulad ng mga estudyante sa E.U na madali ko na lang mabasa after a few seconds.
Maybe Harvey is also testing her kaya naging ganoon ang result.
"You know, I want her" panimula ko dahilan para mapatingin ang dalawa sa akin na kasalukuyang kasabay ko ngayon sa paglalakad. Uuwi na kami dahil anong oras na rin.
"W-what? Y-you want her? Gosh, Kei... Hindi ko alam na babae ang gusto mo—" pabiro kong hinampas ang braso ni Reed dahil sa sinabi niya.
Nilingon ko siya at sinimangutan. "No, I mean I want her to be my friend!" pagtanggal ko sa maling ideya niya at bumuntong hininga, "Kaso mukhang mahihirapan tayong makuha siya." panghihinayang ko.
Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pagtapon nina Reed at Jasper ng tingin pagkatapos ay tumingin sa harapan, "Madali lang naman 'yan kung tayong apat ang lalapit sa kanya."
Nilingon ko silang pareho, "What do you mean?" taka kong sabi ngunit binigyan lang ako ni Jasper ng thumbs up habang nginitian lang ako ni Reed. Ano raw?
***
NARITO NA kami sa bahay ni Harvey at halata sa mukha niya ang sobrang pagka-irita. Well, actually bumusangot siya ng pumunta kami rito. Psh. "Ba't kayo nandito?" masungit na tanong nito.
"I love you too, Harbe boy" pang-aasar ni Jasper kay Harvey kaya nagbatukan nanaman sila, madalas silang mag-away kaya hinayaan na lang namin sila ni Reed at umupo na lang sa pwedeng mauupuan. Sanay na kami na ganyan silang dalawa.
"Pwede bang ituloy niyo na lang 'yan mamaya? May pag-uusapan tayo" pagpapatigil ko sa kanila na agad namang tumigil, tiningnan naman ako ni Harvey na may sama nang tingin.
"Is this about that stupid girl?" tumango ako senyales na tama ang tinanong niya. Pero grabe naman siya sa stupid girl.
Nagpamulsa siya, "Bahala ka kung gusto mong isali 'yung babaeng 'yon sa grupo natin, ang akin lang ay 'wag niya akong guguluhin dahil ako mismo ang magpapaalis sa kanya" masungit na wika nito at tumayo mula sa pagkakaupo 'tapos umalis sa kwarto niya.
"Tss, masasapak ko na talaga 'yan" at pakunwaring manununtok si Jasper pero pinigilan na lang ito ni Reed, "Huwag mo akong pigilan!" sigaw ni Jasper at tinutulak tulak palayo ang bestfriend ko. Napabuntong-hininga na lamang tuloy ako.
Haley's Point of View
Nagising na lang ako nang ihampas ng pasaway kong pusa 'yung buntot niya sa mukha ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga habang tumalon naman si Chummy sa kama ko. Persian Cat 'yung breed ni Chummy kaya pasaway din ang isang ito, nai-spoil kasi, eh.
Binuhat ko siya habang inaantok na tiningnan ito, "Ngayon ka lang nagpakita sa akin? Where were you?" I asked her na sinagot naman niya ng "Meow/Nya"
"Humph. Brat." ngiti kong sabi at nilagay siya sa ulo ko tapos umalis na ng kama para bumaba. Nilagyan ko naman ng Cat Socks 'yung mga paw niya kaya hindi rin ako matutusok ng mga kuko nito, hindi ko pa kasi siya napupunta sa Vet para pagupitan, eh.
Humarap na ako sa pinto nang makita ko ang paglagas ng fur niya, sinundan ko pa nga nang tingin, eh. "Augh, ipapatrim talaga kita this weekend" sabi ko sa kanya at lumabas na nga ng kwarto.
Bumaba ako at nakita sina mama at papa na natutulog sa sofa. Napagod siguro sa kakaaway kagabi. If I'm not mistaken, mga hating gabi na rin sila nakatulog.
Bumuntong-hininga ako, "Why don't you grow up already?" wika ko at pumunta na nga lang sa kusina para magluto. Mamaya pa kasi sila magigising kaya ako na 'yong magluluto para sa breakfast namin.
***
HINDI NAMAN nagtagal ang pagluluto ko dahil natapos ko naman iyon kaagad, sadyang maghahanda na lang talaga ako. Inilagay ko si Chummy sa sahig na kanina pa naroon sa ulo ko tapos binigyan na siya ng pagkain niya.
"Bantayan mo 'yong bahay habang wala ako, ah?" bilin ko sa alaga ko kahit hindi niya ako naiintindihan. Tiningnan ko ang oras at laking gulat nang makita ko kung saan nakatapat yung malaking arrow.
"The hell!" agad na akong nag-ayos at naligo. Late na ako kaya mamaya na lang ako kakain.
Kei's Point of View
Nasa labas na ako ng bahay at kasalukuyang hinihintay 'yong tatlo na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin. Kalalaking tao pero ang babagal magsi-kilos.
Mayamaya ay lumabas na si Harvey sa bahay nila, at gaya ng palagi niyang naka-ugalian ay naka pokerface lang siya.
"What are you looking at?" maangas niyang tanong. Nakabukas ang dalawang buttones n'ya sa may dibdib, mukha tuloy itong badboy sa paningin ko. Though he's a legit bad boy with a heart.
Hindi kami nakasuot ng coat ngayon dahil ang init-init. Sinusuot lang namin 'yong Black coat kapag na sa campus na kami.
"Why? Are you going to die if I'm going to stare at you?" ngiting tanong ko sa kanya, umiwas ito ng tingin at hindi na lamang sumagot. "Ayusin mo kasi 'yong mukha mo, kaya ka napagkakamalang pilyo, eh" saway ko sa kanya.
"Umagang umaga, sinusungitan mo si Kei" bungad ni Jasper na humihikab palapit sa amin, "Gay ka ba?" tanong nito sa kanya kasabay ang pag-akbay niya sa akin, napatingin si Harvey sa kamay niya na 'yon kaya inalis ko ang kamay ng lalaking ito. Ayokong makita niya na inaakbayan ako ni Jasper.
"Jasper naman..." saway ko. Tumawa ito at napahawak sa batok niya, "Joke lang 'yon"
"Where's Reed?" hanap ko kay Reed noong hindi ko pinapansin 'yong sinabi kanina ni Jasper.
"Why are you askin' me? Eh, ikaw ang palaging kasama 'non?" at nagawa pa talagang mamilosopo ni Jasper, ah? Porke ba palagi kaming magkasama ni Reed, nakikita ko siya palagi? We still have our own worlds.
"Hey!" Tawag sa amin ni Reed dahilan para lingunin namin siya, "Pasensya na kung natagalan, wala kasing Shampoo sa banyo ko tapos sira pa 'yong shower kaya sa ibang banyo ako gumamit" paliwanag niya habang kinakamot 'yong ulo niya nang makalapit na siya sa amin.
"So, what bathroom did you use?" I asked him and he smiled.
"Sa banyo mo" Oh my gosh...
Don't tell me he saw my panty at the back of the door? No! This is too embarrassing!
Mahina ko siyang hinampas ng libro sa braso, "We have rules, right!?" tumawa siya nang tumawa dahilan para mapakunot ang noo ko, "Hey, Reed... It's not funny" sa tingin ba niya ay nagbibiro ako sa oras na ito? "I'm not joking arou—"
"You don't have the sense of humor, hindi ako gagamit ng banyo mo 'no? Baka iba pa makita ko doon, eh" walang hiya talaga itong lalaking ito. Close kasi kami kaya siya ganyan kung umasta sa akin.
Nasa kalagitnaan kaming apat ng pag-uusap noong maramdaman namin na may paparating kaya napatingin kami roon. Pero sino nga namang mag-aakala na si Haley ang makikita namin sa lugar na ito?
Idagdag mo pa na gamit niya ang skateboard niya. OMG! Hindi naman masamang maging crush ang babae, 'di ba? Paghanga lang naman 'yon.
"Yoh!" bati ni Jasper ngunit tiningnan lang niya kami at nilagpasan. Ang snobbed niya! Bakit ba siya ganyan? Kaso ito siguro ang effect na parati kang pinapansin ng ibang tao kaya maninibago ka na lang din talaga.
"Wow! Nakita niyo ba 'yon?" namamangha na sabi ni Reed habang nakaturo sa papalayong si Haley, binigyan lang namin siya nang walang ganang tingin.
"Yeah, right... We saw it" sagot ko.
Mabilis pumasok si Reed para kunin 'yong skateboard niya, "I knew it.." walang gana nilang sabi habang ngumiti na lamang ako. Inilapag niya sa simento ang skateboard niya nang makalabas na siya ng bahay, tapos tumungtong siya rito.
"Ciao!" pagpapaalam niya kasabay ang pag-andar nito. Kumaway na lang ako habang nakapokerface lang ang dalawa.
"So...? Let's go?" aya ni Jasper. Tumango lang kami ni Harvey senyales ng pagpayag at dumiretsyo na nga sa Enchanted University.
Reed's Point of View
Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng skateboard ko para maabutan si Haley, minsan lang kasi ako makakita ng babaeng nag i-skateboard kaya manghang mangha talaga ako ngayon. Marunong kaya siya mag Ollie?
"Are you always using your skateboard whenever you go to school?" tanong ko nang maabutan ko na siya, saglit niya akong tiningnan sa peripheral eye view tapos tumingin na ulit sa harapan.
"Ngayon lang" sagot niya at nilingon ako, "And will you please stop following me? You're disgusting..." at binilisan niya ang pagpapatakbo niya ng kanyang skateboard.
Nakakadiri ba ako? Eh, naliligo nga ako 5 times a day kapag walang pasok.
Mas binilisan ko ang pagpapatakbo para maabutan ulit siya, "Hoy, hindi ka ba titigil Why do you keep on following me?" she asked na mahahalata sa kanya ang pagka-iritable, "Dito kasi papuntang school?" sagot ko na lang para wala siyang masabi. Kumanan kami ng daan.
She gave me a mocking laugh, "Of all the people that I had met, ikaw na yata ang PINAKA shunga... Sa kaliwa ang papuntang E.U. not right. Pupunta ako supermarket." okay napahiya ako, kaya pala hindi ako sigurado sa sinagot ko.
"Ay, oh? Bibili rin ako ng pagkain, eh... Sabay na tayo" tiningnan niya ako ng masama, 'yong tipong kakainin na niya ako ng buhay. Gender Bender lang ni Harvey itong babaeng 'to, "You know how to die?" napalunok ako sa sariling laway, pero determinado rin siyang tiningnan pagkatapos.
"Haley, I challenged you to a Skate Board Match" tinaasan niya ako ng kilay.
"Skateboard Match?" pag-uulit niya sa sinasabi ko.
"If I win, whether you like it or not, you will be a part of our group of friends," pumunta siya sa gilid na sinundan ko naman, tapos huminto siya na hinintuan ko lang din. "How's that?" dagdag ko pa na may pagngisi sa aking labi.
"I'm not intereste--" hindi ko pinansin 'yong sinasabi niya at ipinagpatuloy ko lang 'yong sinasabi ko kanina.
"But if you lose, then I will sacrifice myself to become your slave" bigla naman siyang natahimik. Ayokong gawin ito, pero as If namang may magagawa ako, hindi ba? Saka balita ko, gustong gusto ng mga babae ang magkaroon ng alila.
Nakatitig lang siya sa akin at lumapit, ngingiti sana ako dahil pakiramdam ko ay papayag na siya pero nagulat na lang ako nang may maramdaman akong basa sa likod ko.
Gawa ng pagtalsik ng tubig sa simento dahil sa pagdaan ng truck.
Ginawa lang akong shield ni Haley.
Sumilip si Haley sa likod ko at bumalik sa skateboard niya, "Bye." at muli nanaman siyang nagpatakbo. Samantalang ako ay naiwan lang ditong tulala. Mayamaya lang noong hubarin ko na lamang ang suot na polo.
Damn, why is it too hard to get you?