Sabi nila, mas maaga daw nagma-mature ang mga babae. Kaya nga ang debut nila ay 18 at sa lalaki naman ay 21 diba?
Sabi din nila, mas mainam kung parehong mature ang dalawang taong papasok sa isang relasyon. Mas handa na daw kasi sila sa paggawa ng mga tamang desisyon at mas makaka iwas sa mga padalos dalos na kilos pero, maging alin man kami sa dalawang iyon... isang bagay lang ang alam ko,
"Lola! Jack en poy tayo! Ang matatalo syang manlilibre. O ano? Game ka?"
At iyon ay, mahal ko siya... kahit na napaka childish nya...
***
Agad akong napalingon sa tumatawag sa akin. Walang iba kundi si Arvee, ang childish kong girlfriend.
"Bakit naman kailangan pa nating mag jack en poy? Pwede namang-"
"Nuh-uh!" tumayo sya sa harapan ko at pumamewang. Iginalaw galaw din nya ang hintuturo nya sa kaliwa at sa kanan na parang nagsasabing 'hindi' "wag ka nang kumontra, Harvs! Masaya 'to! at kung sasabihin mong ikaw nalang ang manlilibre, alam mong ayaw ko nyan."
Alam kong kahit makipagtalo pa ako sa kanya, wala din akong panalo kaya, susuko nalang ako. "Hay, sige na nga." Ipinorma ko ang kanang kamay ko ng pabilog, yung parang bato?
Ngumisi naman sya. "Hehe, sabi na nga ba't susuko sa din e." Ipinorma din nya ang kamay nya ng kagaya sakin, "Isang bagsak lang 'to, at ang matatalo, syang manlilibre, ok?"
"Tsk, sige."
"Ok! Jack en poy! Hale hale hoy! Sinong matalo syang unggoy!"
Sabay naming ibinagsak ang mga kamay namin. "Ahaha! gunting ka papel ako, so, ikaw ang panalo! Ahaha!" nagtatalon pa sya habang pumapalakpak.
Sa lahat ng natalo sa jack en poy, sya ang masaya... ewan ko ba, likas na sa kanya yan.
"O paano, Lola? Tara na? ay teka! Ano bang gusto mo? umm..." saglit syang huminto at nag isip. Ano na naman kaya 'yon? "anong gusto mo lola?" pagtatanong nya.
Iniikot ko ang mga mata ko sa paligid hanggang sa nakita ang isang ice cream parlor. "Yun nalang, ice cream nalang." Sabi ko habang nakaturo sa ice cream parlor na nakita ko.
"Uwaaah! Oo nga! Sige sige gusto ko din ng ice cream!!!" at muli, nagtatalon sya. Antaas talaga ng energy ng isang 'to, parang nasobrahan sa Enervon.
"Tara na, Lola! Bili na tayo ng ice cream!" hinawakan o mas tamang sabihing hinila nya ang kamay ko at nagtatakbong nagtungo doon. Laging hyper talaga.
Umorder kami ng ice cream. Dalawang scoop ng chocolate sakin tapos sa kanya tig isa ng Strawberry at Vanilla.
"Humm.. humm.. humm..." naririnig kong naghu-hum sya habang patalon talong naglalakad. "Wag kang masyadong malikot, baka tumapon yang ice cream mo." saway ko sa kanya. Agad naman syang tumigil at humarap sa akin, "Hehe, sorry." Tapos nag peace sign pa.
Patuloy lang kami sa pagkain hanggang sa umupo muna kami sa isa sa mga bench dito sa park. Nakalimutan ko bang sabihin na nasa park kami? Ayan alam nyo na.
"Yum yum yum yum yum yum yum! Ang sarap sarap!" di ko mapigilang matawa dahil sa paggaya nya dun sa back pack ni Dora.
"Ikaw Lola, ah! Natatawa ka pa dyan! Ayiee~" lumingon sya sa gawi ko at sinundot sundot yung tagiliran ko. "Arvee." saway ko.
Lumabi siya saka tumigil. "Sorry."
At dahil nga nakaharap sya sakin, kita ko yung itsura nya. Para talagang bata kung kumain. Pasaway. "Lapit ka nga." kinuha ko yung panyo sa bulsa ko saka ko pinunasan yung gilid ng labi nya na may ice cream. Teen ager na ba talaga 'to?
"Hihi, thank you." Sabi nya saka ngumiti. Oh, that smile... its so... magical...?
Nanatili kami sa park at nagkwentuhan, nagtawanan at nag kulitan. Hanggang sa may naisip akong itanong sa kanya.
"Bakit ba lola ang tawag mo sakin? Tapos sayo gusto mo itawag ko lolo? Anong trip 'yon?" tanong ko.
Tumawa muna sya bago nagsalita, "Yun ba? wala lang. Ayaw ko kasi ng mga tawagang beh, honey koh, sweetie pie, babe at kung ano ano pang nakaka diabetes na tawagan. At least pag 'lolo-lola' ang tawagan, may paggalang diba? tsaka ang cute kaya." Hmm, sa bagay may punto sya.
"Ok lang naman na ganun ang tawagan ang kaso ako yung lalaki tapos ako yung lola? Bakit ba kasi kailangang kabaligtaran ng kasarian natin yung itatawag natin sa isa't isa?"
"Para masaya! Haha. e, cute naman ah... diba?" tumingin sya sakin at ngumiti. Na naman.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, kahinaan ko ang mga ngiti nya. Para kasi sakin, yung mga ngiti nya ay pawang totoo at walang halong kaplastikan. Yung parang, she's smiling with her heart's content? Ganoong klaseng ngiti ang meron sya. Isama pa yung mga mata nya na sumasama sa pagngiti nya. Even her eyes are smiling whenever she does. Maybe that's one of the reasons why I fell in love with her. Why I feel so comfortable whenever she's around.
"Ah alam ko na!" buong sigla nyang sabi, "bakit hindi tayo mag sip ng unique na endearment? Yung, tayo lang ang may gawa? Diba mas cool 'yon?" pinagdikit nya ang dalawa nyang palad at kung pwede lang kuminang ang mga mata nya, nangyari na.
"Anong endearment naman?" tanong ko.
"Hmm... basta dapat unique. Tapos yung may sense... ano kaya..." ipinatong nya yung baba nya sa isa nyang kamay at umaktong nag iisip. Ansarap nyang pag masdan. Di nakakasawa.
At dahil parang nahihirapan na sya sa pag iisip, nakitulong na rin ako. Saka biglang pumasok sa isip ko yung subject namin na Physics noong 4th year high school kami. "Bakit hindi tayo kumuha ng endearment sa mga topic natin sa Physics?" suhestyon ko. Napatingin naman sya sakin at tumango. "Tama! Magandang pangreview din 'to sa mga natutunan natin!" masiglang pagsang ayon nya.
Nagpalinga linga ako sa paligid, naghahanap ng mga bagay na related sa Physics, sabi kasi nung teacher namin dati, lahat ng bagay ay konektado sa Physics.
Sa paghahanap ko, napatingin ako sa paanan namin. Tapos may nakita akong kapirasong papel na siguro naiwan ng kung sino. Kinuha ko ito at napansin kong may nakasulat doon,
"I was only a SCALAR not until you came into my life. Now I'm a VECTOR with a direction in life." Yun yung nakasulat.
"Vector-Scalar? Physics 'yon ah." Pabulong kong sabi sa sarili ko.
"Ha? Anong sabi mo lola?" narinig din pala nya akong bumulong. "Eto o, basahin mo." iniabot ko sa kanya yung kapirasong papel na kinasusulatan nung quote.
"Uwaaah! Ang sweet!!! At, Physics related ang Vector at Scalar diba? pwede na 'to!" masiglang saad nya. "pero teka, sino si Vector at sino si Scalar? Hmm..."
"Ikaw si Vector, ako si Scalar." Diretso kong sabi. Napatigil naman sya sa pag iisip at napatingin sakin. "Bakit? Paki explain." takang tanong nya.
Napangiti nalang ako sa kanya, "Wag mo nang ipa-explain sakin dahil baka kiligin ka pa." seryoso pero pabiro kong sagot sa kanya. Seryoso pero pabiro? Pwede pala yun?
"Yieeeh! Sige na, Harvs! Bakit nga? Bakit ako si Vector at ikaw si Scalar? Paki explain puhleaaaase!" nagsumiksik sya sakin at nag-puppy eyes. Hays, alam na alam nya ang mga kahinaan ko.
Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko ang kakulitan ng isang 'to. 'Di nya ako lulubayan hanggang di ko sinasabi sa kanya. "Ganito kasi," simula ko. Umayos ako ng upo at ganoon din sya, humarap sya sa akin at tila ba handing handa na sya sa mga sasabihin ko.
"Alam mo naman na noong first at second year high school ako, wala akong ibang ginawa kundi magbasag ulo diba? pero lahat nagbago noong nakilala kita. Dahil sayo, natutunan kong magseryoso, ikaw ang nagpakita sa akin ng halaga at importansya ng pag aaral para sa isang tao. Ikaw ang nagsilbing liwanag ko noong unti unti akong nilalamon ng dilim. Ikaw ang syang nagtiyaga sakin noong ang lahat ay sumuko na. Ikaw ang nagtama sa akin sa lahat ng mga mali kong nagawa. Kaya maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang Scalar quantity..." pinunasan ko yung mga luhang tumutulo sa mga mata nya. "dahil nang dumating ka,
binigyan mo ng direksyon ang buhay ko."
Di na nya napigil ang mga luha nya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Ambabaw talaga ng luha nya. "Sabi ko naman kasi sayo wag mo ng ipa explain e. Ayan, umiiyak ka tuloy." Natatawa kong sabi sa kanya. Hinahaplos ko yung buhok nya saka ko hinalikan ang buhok nya. "Wag ka ng masyadong ma-touch. Totoo naman kasi yung mga sinabi ko e."
Tama kayo ng nabasa. Utang ko sa kanya kung sino at ano ako ngayon. Siya ang nagsilbing tamer ko. Ang taong nag iisang nagtiyaga sa ugali ko. That's why she means so much to me.
Humiwalay sya sa pagkakayakap saka tumingin sakin, "Hindi naman kasi himala ang kailangan mo noong mga panahong iyon, you just need to be loved." Sabi nya habang patuloy na pinupunasan ang mga luha sa mata nya.
I kissed her on her forehead. "And you're the one who showed me how to be loved and how to feel it. Ikaw ang nagsilbing miracle ko." Nakangiting saad ko sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata at ngiti ang isinagot nya sa akin.
"Everybody deserves to feel loved and be loved. 'Cause everybody has a mind to know... and a heart to feel one's love." She said.
That night, we go home together hand in hand. Inihatid ko sya sa kanila saka ako nagpaalam para umuwi.
Para bang nawawala ang dilim ng gabi... basta't sya ang kasama kong maglakad sa ilalim ng liwanag ng buwan.
***
Days, weeks, months and years passed... our relationship keeps on rolling. Kung gaano sya kakulit kapag ako ang kasama nya, doble non kapag nasa school sya. Pero di maipagkakailang dahil doon, maraming tao ang nagmahal sa kanya. Marami syang kaibigan, pati mga teachers at professors nakakasundo nya. Sabi nga nila, she's a likeable person and I agree with that. Madali syang mapalapit sa isang tao, meron syang kakaibang aura na sadyang nakakahawa. It's as if she's emitting positive aura that can cheer someone up. That's her. That's what Ridgh Arvee is.
Naaalala ko noong college years namin, isa din sa mga pinauso nya e yung "Pick-up for the day". Yan kasi yung araw araw, lagi syang may baong pick up line para sakin at talaga namang kinikilig yung mga nakakarinig. Weird diba? ako yung lalaki pero ako yung binabanatan? Well, sino bang pinag uusapan natin dito diba?
Isa sa mga araw na 'yun e nung break time namin, nadoon kami ng mga kaklase namin sa canteen.
"Scalar, nagreview ka na ba?" nagulat ako doon sa tanong nya kasi ang alam ko wala naman kaming quiz or test sa kahit na anong subject.
"Huh? Bakit? May quiz ba tayo-"
"Kasi mamaya, pasasagutin na kita."
Napatulala lang ako dun sa sinabi nya. Saka ko lang naintindihan na pick up line pala.
"Ayieeeh!" hiyawan nung mga kaklase namin na nakarinig.
Napangiti nalang ako dahil doon. "Ikaw talaga!" saka ko kinurot yung pisngi nya.
"Ack! Nasisilaw ako!" umakto sya ng parang nasilaw sa kung ano at iniharang pa talaga ang braso nya.
"Araw ka ba o ngumiti ka kasi sakin?"
"Whooo! Ridgh! Anlupit mo!" sigawan na naman nung mga kasama namin.
"Hehehe, ice ba?" nagthumbs up sya sakin at nagtataas baba pa yung kilay nya. Di ko maiwasang mapangiti ng sobrang lapad. Sabihin nyo nga, kalian ako makakaramdam ng boredom kung sya ang kasama ko diba?
Syempre ayaw ko namang magpaiwan kaya binigyan ko din sya ng isa.
"Alam mo Vector, walang permanente sa mundong ito, lahat nagbabago." Napansin kong napatahimik ang lahat, inaantay yung susunod na sasabihin ko.
"Kaya wag kang magugulat kung isang araw, apelyido ko na ang gamit mo." sabi ko sabay kindat sa kanya.
Nakita kong namula yung pisngi nya at muli, naghiyawan yung mga nakarinig.
"Whooo! Kasalan na!" sigawan nila.
---
Bukod sa pamimik up, at sa unique naming endearment, marami pang mga bagay ang talaga namang nakilala kami. Ikaw ba naman ang magka girlfriend ng kagaya ni Arvee bakit hindi. Pero, natatawa nalang kami dahil doon.
Sa halos lahat ng kaganapan sa buhay ko, sya ang kasama ko. Noon ngang ipinakilala ko sya kina Mama at Papa agad siyang tinanggap ng mga ito. Malaki daw ang utang na loob nila kay Arvee dahil sya ang nagpatino sa akin at sya din ang nagsilbing daan para magkasundo kami. Alam nyo na, nagrerebelde kasi ako dati.
Ilang mga birthdays, family reunion, Valentine's, Halloween at graduation ang aming pinagsamahan. At noong nag Prom kami noong 4th year, syempre sya ang date ko. Di ko makakalimutan yung itsura nya noon. Simple pero elegante. Noong ngang inantay ko syang makababa mula sa hagdan para sunduin, muntik ko ng masabi ng malakas ang, "Here come's my bride" Buti nalang naibulong ko lang, katabi ko kasi ang Dad nya noon.
Sa lahat ng mga pangyayaring iyon, masaya man o malungkot ang nangyari, lagi syang nandyan sa tabi ko. Sabi nga nung mga kaibigan namin, bakit daw hindi pa kami magpakasal. Ang sagot naman namin, nag iipon pa kasi kami para sa bubuuin naming pamilya.
Ang sayang isipin na, yung taong mahal mo, sya ang kasama mong tatanda diba? Yung, parang nakikita mo na kayong dalawa, magkasamang pinapanood ang mga apo nyo. Ang sarap lang isipin.
***
Naalimpungatan ako ng marinig ko yung cellphone kong nagvi-vibrate. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung anong oras na.
'6:15 am January 3, 20**' ayon sa cellphone ko.
Kahit na medyo inaantok pa ako, bumangon na ako at napapangiti.
"Oo nga pala..." naalala kong may okasyon nga pala ngayon dahil narin sa note dun sa cp ko. Napatingin ako sa side table ko at doon, nakita ko ang larawan nya. Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang kanyang mukha.
"Good morning V (Vector), today's your special day." Then I kissed it.
Agad akong naligo at nagbihis, matapos noon ay bumaba na ako. Naabutan ko sina Mama at Papa nanaghahanda na ng almusal.
"Good morning, anak." Bati sakin ni Mama. "Umupo ka na para makakain ka."
Agad akong umupo sa isa sa mga upuan, katapat ko si Mama habang si Papa naman ay nasa tabi ko.
"Pupuntahan mo ba sya?" tanong sa akin ni Papa habang umiinom ng kape nya.
"Opo." Sagot ko naman.
"Pupunta din kami ng Papa mo, bakit hindi nalang tayo magsabay sabay?" nag angat ako ng tingin kay Mama, sinuklian ko din ito ng ngiti. "Sige po."
Matapos kumain, naghanda na kami sa aming pag alis.
Si Papa ang nasa driver's seat at si Mama naman ang nasa front seat habang ako, nasa passenger's seat.
"Dumaan muna po tayo sa flower shop, Pa."
"Sige." Tipid na sagot ni Papa at nagsimulang mag-drive.
Nang makarating kami sa flower shop, agad na humanap sila Mama ng white rose, habang ako naman, hinahanap ang paborito niyang bulaklak. It's a Buttercup flower. Madali ko namang nakita iyon kahit na medyo bihira ang may tindang ganoon, buti nalang dito meron. Though mas mainam kung yung mga naka paso ang bibilhin ko.
Papunta na ako sa counter ng mapatingin ako sa isang bulaklak. Maliliit lang sya na kulay blue.
"Forget me not ang bulaklak na yan." Napatingin ako dun sa nagsalita. Yung isa sa mga tinder pala. "Alam mo ba kung ano'ng ibig sabihin ng bulaklak na yan?"
"Ano po?" hindi naman kasi ako pamilyar sa mga kahulugan ng bulaklak, ang alam ko lang na ang ibig sabihin ng rose ay love, depende pa sa kulay nito.
Napangiti ang tinder habang nakatitig sa mga bulaklak. "Ang ibig sabihin nyan ay memories. Mga alala."
Muli akong napatingin sa bulaklak. 'Yon pala ang pakahulugan ng mga iyon. Napangiti ako. Bagay din sa kanya ito. "Kukuha din po ako ng isa" nakangiting sabi ko. Agad naman akong binigyan nung tinder saka ko binayaran yung mga bulaklak.
Oo nga pala, ang ibig sabihin ng Buttercup ay childishness. Bagay na bagay kay Arvee diba?
Nang makumpleto ang aming mga kailangan, muli kaming sumakasy ng sasakyan at nagtungo na sa aming pupuntahan.
Sa lugar kung saan... payapa siyang namamahinga.
Di ko namalayan ang takbo ng oras. Patuloy parin kasi sa pagsasariwa ng aming mga alala ang aking isipan. "Anak, nandito na tayo." Sabi ni Mama at nagsimulang magtanggal ng seat belt.
Nang makababa kami, parang nahihirapan ang mga paa kong maglakad. Parang pinanlalambutan ako ng tuhod. Parang ayoko ng tumuloy.
"Anak, kaya mo yan." Bakas sa mga mata ni Mama ang lungkot. Ganoon din kay Papa. Inalalayan nila ako sa aking paglalakad, parang nagpapatangay nalang ako sa kanila.
Sa isang munting musoleo, doon namin nadatnan ang mga magulang nya. Napalingon sila sa amin at nakita ko pa si Titang nagpahid ng luha sa kanyang mata. Habang si Tito naman ay nakaalalay sa kanyang asawa.
"Mabuti naman at dumating ka." bakas ang kalungkutan sa kanyang tinig. "Alam kong nami-miss ka na nya." Napayakap ako sa kanya. "Ganun din po ako, Tita."
Bahagya syang natawa, "Sinabi ko na sayong Mommy na lang ang itawag mo sakin, diba?" humiwalay sya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi saka ngumiti.
"Kamusta na? isang taon na rin ang nakalipas hindi ba." nagbatian sina Papa at ang Dad ni Arvee. "Tama. Isang taon na rin ng sya ay magpahinga." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tito. Hanggang ngayon ay nangungulila parin sila.
Nagbatian din sila Mama at Tit—Mommy. Pero bakas sa kanila ang kalungkutan.
"Maiwan ka muna namin anak, ha? Alam kong marami kang gustong sabihin sa kanya." Isang tapik sa aking balikat ang iniwan nila, saka sila lumabas.
[play the video on the right side --->]
Inilagay ko sa tabi ng mga bulaklak na iniwan nila Mama yung akin saka ako tumalungko at pinagmasdan ang kanyang himlayan.
"Happy birthday V, isang taon na rin nang magpahinga ka ah." Pinilit kong tumawa kahit na nanlalabo na ang aking mga mata. "Isang taon na ring walang nangungulit sa akin sa umaga, walang nag iingay sa bahay kapag weekends, walang laging nagpapaalala sakin kung..." di ko na mapigilan pa ang aking mga luha. "...kung gaano mo ako kamahal. Arvee, miss na miss na kita." Tuluyan na akong napahagulgol. Napasalampak nalang ako sa sahig at nagpatuloy sa pag iyak.
"Nami-miss ko na yung mga banat mo, yung mga kakulitan mo, yung joke mo na kahit corny pero hindi pwedeng hindi ako mapapangiti. Miss na miss ko na ang pakiramdam na nandito ka sa tabi ko, naglalambing na parang bata."
To make things clear, yes, Arvee's dead. And today, it's her birthday at pati na rin sana, 7th year anniversary namin. Ang kaso, nawala sya.
Two years ago, she was diagnosed to have Leukemia, Cancer of the blood. Lahat kami nagulat ng malaman namin 'yon. Parang ang hirap lang kasing isipin na, ang isang masigla at palaging punong puno ng buhay na si Arvee ay magkakaroon ng ganoong klase ng sakit. Ang hirap tanggapin. Nag undergo sya ng chemotherapy for many months, noong una nagrerespond pa yung katawan nya pero, traydor ang ganitong klase ng sakit dahil bigla bigla, bumigay ng tuluyan ang katawan nya.
Nakita ko kung gaano sya nahirapan sa paglaban sa sakit nya, kung paanong ininda nya ang sakit na nararamdaman nya dahil sa chemo. Lahat 'yon, hinding hindi ko makakalimutan. Yung mga gabing halos hindi sya makatulog dahil may parte sa katawan nya na sumasakit, kung pwede lang ako na ang umako sa lahat ng 'yon. Dahil ang sakit sa dibdib na makita syang nahihirapan at lumalaban pero wala akong magawa.
Naaalala ko pa yung sinabi nya saakin noong gabing nasa loob ako ng kwarto nya, nakabantay sa kanya.
Flashback
"Harvy..." napaangat ako ng ulo ng marinig kong tinawag ako ni Arvee.
"V, may masakit ba sayo? Umaatake na naman ba yung kirot? Sabihin mo?" natataran akong tiningnan ang buong katawan nya.
She smiled weakly, "S-scalar, may gusto lang akong... s-sabihin sayo..." nanghihina pero pinilit nyang magsalita. Di ko mapigilang mapaiyak.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at inilapit 'yon sa pisngi ko, "Ano yon? Sabihin mo?" habang patuloy sa pag agos ang mga luha sa pisngi ko.
"Scalar... g-gusto kong...s-sumaya ka. G-gusto ko... kahit... kahit mawala ako s-sa tabi mo... gusto k-kong ngumiti ka parin..." lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay nya.
"Kung ganon lumaban ka, please! wag mo akong iiwan! Hindi ko kaya V, hindi ko kakayaning mawala ka! Please! Konti nalang, kaya mo yan." pigilan ko man pero agad nang lumabas ang mga luhang pilit kong itinatago. Gusto kong magpakatatag pero... di ko rin kinaya.
Isang mahinang ngiti ang gumuhit sa mga labi nya, malalim na rin ang kanyang paghinga. "K-kaya mo yan, Arvs. K-kayanin mo p-para sakin..." unti unti, naramdaman kong lumuwag ang kapit nya sa kamay ko.
"No. NO! WAG MO AKONG IIWAN ARVEE! YOU CAN'T! PLEASE WAKE UP! HINDI NAKAKATUWANG BIRO 'TO!" pinindot ko yung button para matawag ang tulong ng mga nurse. Agad naman silang nakarating, sinubukan nilang i-revive sya pero,
At exact 2:04 am... she was announced dead.
End of flashback
Nang gabi ring iyon, may ibinigay na sulat sa akin sina Tita, sulat daw ni Arvee para sakin. Pero hindi ko muna agad sya binasa. Hindi ko kaya.
Noong mga panahong iyon, pakiramdam ko iniwan na ako ng lahat. Na para bang, ang tanging kaligayahan ko ay kinuha na rin Niya. Ng mga lumipas na araw, linggo at buwan... pakiramdam ko yon ang Dark Ages ng buhay ko. Hindi ako makakain, hind ako makatulog. Lahat hindi ko magawa dahil hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.
Ang hirap tanggapin na, yung taong iniisip mong kasama mong tatanda, yung taong parte ng pangarap mo para sa kinabukasan, ay biglang mawala. Parang gumuho lahat ng pangarap ko dahil doon.
Napagdesisyunan nila Tita na ipa-cremate ang mga labi nya, at dito sa mosuleong ito, naroroon ang abo nya.
"Sa nakalipas na panahon alam mo ba? Hinahanap hanap pa rin kita. Sinubukan ko namang buksan uli ang puso ko e, ang kaso lang, laging ikaw lang ang hinahanap ng puso ko. Sayo't sayo lang din ako bumabalik. Ang hirap, V. Kung bakit naman kasi ang aga mong umalis. Tapos iniwan mo akong nag iisa." Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Mga luhang matagal tagal ko ding itinago sa sarili ko. Ngayon nag uunahan silang kumawala.
Mula sa impit kong pag iyak, nakarinig ako ng marahang mga yabag. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang bata, isang batang babae. Lumapit sya sakin at ngumiti, sabay inabutan ako ng panyo, "Kuya, sana SABADO ako at ikaw naman ang araw ng LINGGO..." saglit akong napatulala sa kanya. Te-teka...
"B-Bakit?" alangan man ako pero sinagot ko sya. Saglit syang ngumiti bago sumagot, "para po IKAW ang KINABUKASAN ko. Hehe" Nag peace sign sya bago tumakbo palabas ng mosuleo. Pero bago tuluyang maka alis, muli syang humarap sa akin, "Smile ka na, Kuya. Di po bagay sayo ang umiiyak. Baka po lalong malungkot si Ate nyan. Sabi nga po ni Ryzza Mae, bawal ang sad dapat, HAPPY!" at muli, ngumiti sya. That smile, it reminds me of hers. That smile that brings sunshine to my life.
Napangiti ako at agad napawi ang lungkot na kanina'y nararamdaman ko. Muli akong humarap sa kanya at hinaplos ko ang sisidlang kinalalagyan nya. "Noong sinabi mong may mga taong nare-reincarnate, naisip ko agad na baka sa isang bata ka mapunta. Hindi ko naman akalain na magkakatotoo pala. But then, thanks V...
For making me smile again... and please... let me be the reason for others to smile... just like you to me, My Childish Girlfriend."
Sa buhay natin, hindi maiiwasan na may umalis at may dumating. Minsan akala natin, katapusan na ng lahat, na wala nang kahit sino ang makapagpapanumbalik ng mga ngiting minsa'y inihatid sa atin ng taong mahal natin pero, bakit hindi natin baliktarin ang kwento? Bakit hindi naman tayo ang maghatid ng ngiti para sa ibang tao? Hindi ba't mas matutuwa siya kapag 'yon ang ginawa mo?
Bakit hindi mo subukang maging ilaw sa mundo ng taong kasalukuyang dumaraan sa landas na minsan mo nang pinanggalingan. Lagi mo lang tatandaan na ang buhay ay dapat magpatuloy...
may mga pagkakataon lang talaga na, may kailangang lumisan ng mas maaga.
~ fin