Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Married to the Clever Queen

πŸ‡΅πŸ‡­LaTigresa
--
chs / week
--
NOT RATINGS
82.4k
Views
Synopsis
Hindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga kasi ay nagising syang tanging kumot lang ang suot habang katabi sa kama ang gwapo, macho pero nuknukan naman ng sungit nyang amo who was naked as the day he was born! Daniel thought his son's nanny was nothing more but a pretty face. He thought wrong, nalaman nyang maliban sa maamong mukha ay tuso at mukhang pera rin ito. Katibayan ang perang sinisingil nito sa kanya kapalit ng pagsesante nya dito. He offered to marry her instead and tripled the money she was asking him. He was thinking he has everything to gain and nothing to lose. Pero paano kung makialam ang pakialamerang puso?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Inihinto ni Daniel ang honda civic sa parking space ng DM University kung saan nagtuturo ang Mama niyang si Andrea De Marco bilang English Professor. Pag aari nila ang semi private University.

Sumaludo sa kanya ang naka assign na unipormadong security guard sa parking nang makilala siya.

"Boss, nasa building 2 si Maam Andrea ngayon, patapos na rin ang meeting."

"Salamat." Tinapik niya sa balikat ang gwardya.

Dinig ni Daniel ang malakas na hiyawan na nagmumula sa activity area. Madadaanan iyon papunta sa building 2. Kumunot ang noo niya nang makita ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Valentines day na ba?

May nagkalat na ballons at mga rosas sa sahig at mga pusong gawa sa papel. Napansin niya rin ang pares ng babae at lalaking nakatayo sa nakahugis pusong arko sa gitna ng activity area. The man must be proposing to the woman standing beside him.

But surprisingly, the crowd were not cheering for the couple who were holding each other's hands but for the girl who was strumming her guitar and singing Christina Aguilerra's old hit, I turn to you. Nakasukbit ang strap ng gitara sa balikat ng babae.

Narealize ni Daniel na mataman din niyang pinapakinggan ang pagkanta nito habang pinag aararalan niya ang anyo nito.

Matangos ang ilong, napansin niya mula sa pagkakasideview nito. Nakatutok ang mapupungay nitong mga mata sa mga estudyanteng nanonood.

Mahaba ang kulot at kulay mais na buhok na halatang natural at hindi kinulayan lang. Sa height nyang six foot three tiyak nyang hindi aabot sa balikat nya ang babae.

Tumuwid sya sa pagkakatayo nang matapos ang kanta nito. Inilahad nito ang kanang kamay sa harap ng pares.

"One thousand pesos for a job well done." Nakangising sabi nito.

Napakamot ng batok ang lalaki. "Two Fifty na lang. Hindi mo naman kabisado yong kanta e."

"Over. Inclusive sa One thousand pesos yung set up at pagliligpit ng kalat. Sige na, napa oo mo na naman agad si Rose eh." Nilingon nito tinawag na Rose, kinindatan.

Nahihiya namang ngumiti ang babae at siniko ang boyfriend. "Sige na, Gringgo. Maganda naman ang pagkakakanta niya eh."

Walang nagawa ang lalaki, dumukot na nga ito ng pera sa wallet.

Napailing sya, amused sa babaeng nakangiting tinanggap ang pera mula sa tinawag na Gringgo.

"Daniel, ang aga mo naman." Ang Mama niya na nasa likuran na pala.

Pwersahang inalis ni Daniel ang mga mata sa babaeng may gitara.

"Early bird catches the worm." Ngumiti siya. Tinawagan si Daniel ng kanyang Papa kanina. Ibinilin nito na sunduin niya sa eskwelahan ang Ina dahil hindi nito maiwan ang kausap sa Resorts World Manila.

Ibinalik ni Daniel ang mga mata sa mga estudyante sa activity area. Napansin niya na tumahimik ang kanina ay nagkakaingay na miron. Bakit nga naman hindi, nakalapit na kasi ang terror at overweight na professor na si Henriquetta De Jesus.

"What is the meaning of this!?" Dumadagundong ang boses ni Henri sa loob ng campus. Pinanlalakihan ng mata ang bawat mga estudyanteng nadaanan ng tingin nito.

"Halos tilian ninyo na lang ang naririnig sa buong campus ah! Wala ba kayong mga pasok!?" Bulyaw-dagdag pa nito. Lalong kumunot ang noo nang mapasulyap sa singer na noo'y mukhang tutang gustong magsuot sa ilalim ng bench.

"Macapagong!"

"Miss.." ngiwi nito.

"Ano na naman 'tong pakulo mo?"

"Nagkakatuwaan lang ho kami." Nagkakamot ng kilay na sagot ng babae.

"P'wes ako, hindi natutuwa! Bumalik kayong lahat sa klase!"

Kanya kanyang pulusan ang mga estudyante. Kinuha ng babaeng may gitara ang bag nito na na nakapatong sa bench saka tumalima paalis.

Natigilan ito nang makita siya pagkatapos ay ngumiti sa kanya ng matamis.

"I can see you are happy, Ms Macapagong." Si Andrea na hindi pinansin ang obvious na pagtitig ng babae sa kanya.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ng dalaga.

"Sino ba naman ang hindi maliligayahan kapag ganito kagwapo ang masasalubong ko sa daan, Maam?"

Tumawa si Andrea. "Sige na, baka malate ka sa susunod mong subject."

Tumango ito, ngiting ngiti pa rin. Binigyan siya ng huling sulyap at saka sumisipol na lumiko sa isang pasilyo. Napapailing na sinundan ito ni Daniel ng tingin.

The girl was charming at hindi maikala ni Daniel ang amusement habang pinagmamasdan niya ito sa ginagawa nitong diskarte sa kapwa estudyante.

"Dumaan tayo sa paborito kong bakeshop bago tayo umuwi." Untag ng Mama niya. Saka pa lang nagawa ni Daniel na bumaling dito. Inakay niya si Andrea patungo sa kinapaparadahan ng kotse.

Sumilip naman si Abegail mula sa pagtatago niya sa pasilyo. Sinundan niya ng tanaw ang papalayong mag ina. Mabait si Mrs Andrea De Marco. Kampante siya sa English Professor dahil magiliw at mabait din ito sa kanya at sa lahat ng mga estudyante doon. Hindi kagaya ng ibang masusungit na professor sa University.

Crush niya na si Daniel De Marco unang kita pa lang.Β  Iyon na ang pangatlong beses na nakita nya ang binata sa University. Ang una ay may anim na buwan na ang nakakaraan, first sem.

Ito mismo ang mag guest of honor sa Welcome Party para sa mga estudyanteng nakatanggap ng scholarship mula sa management ng University nung nakaraang taon. Isa sya sa maswerteng nabigyan ng full scholarship. Freshman sya sa edad na dise nueve.

Habang pinapanood nya ang lalake, hindi nya maiwasang hindi humanga dito. Sa pananalita pa lang, halata ng edukado ito. Magaling manamit at napakagwapo kahit pormal ang mukha palagi.

She watched him from afar, pero hindi biro ang taglay na karisma ng anak ng English Prof nya. Nang bumaba ito sa stage ay hindi magkamayaw ang mga kadalagahan sa pagbati at pagpapacute dito. Hindi sya sumali sa mga babaeng yun.

Nagkasya na lang sya sa pagngisi ngisi mag isa at pagtanaw sa lalakeng hindi man lang sya napansin o nakita. Hindi din nagtagal ang binata sa party na iyon, ang usap usapan ay kasama nitong umalis ang bagong pasok na professor sa University. Si Faith Ressurreccion.

Ang pangawalang beses ay nang hindi sinasadyang makabungguan nya ito sa harap ng Faculty limang buwan na ang nakakaraan. Sa liit nya at sa laki naman nito, na off balance sya - kung hindi lang sya nito maagap na nahawakan sa braso.

"I'm sorry. Are you okay?" Naalala nyang tanong nito. Nagrigodon ang puso nya nang magtama ang mga mata nila. Nakita nya ang amusement sa mga mata nito nang maramdaman yata ang paninigas nya.

"O-okay lang.." nakuha nyang isagot kahit todo pa rin ang dagundong ng puso nya. Gusto nya ang pakiramdam ng mainit nitong kamay sa braso nya. Parang ang sarap sundin ang udyok ng maharot nyang utakΒ na yumakap na lang dito.

"Daniel, kanina pa ako naghihintay sa'yo." Narinig nyang anang boses ni Prof Faith mula sa likuran ni Daniel.

Gusto nyang habulin ang kamay ni Daniel nang maramdaman nya ang unti unting pagbitiw nito sa kanya. Nilingon nito si Faith na nakangiti dito ng matamis. Kung hindi lang nakaharap sa kanya ang Professor, handa syang ipakita rito ang totoong hitsura ng naka duck face.

'Hay, pamatay kilig. Agaw eksena.' Bulong nya habang ume exit.

Muling sinulyapan ni Abegail ang halos hindi nya na matanaw na mag Ina. Pasakay na ang mga ito sa kotse ni Daniel. Hindi araw araw nagkakaroon sya ng pagkakataong masilayan si Daniel. Pero maswerte sya sa araw na yun, May One K na sya, nakasilay pa sya sa crush nya..