Chereads / Samara Amore's Revenge / Chapter 3 - Her Cameback

Chapter 3 - Her Cameback

Ara's Point Of View

"Ayan Ara, ang ganda ganda mo na, ilagay mo na sa listahan mo ang mga dapat na gawin mo!" Sabi ni Hara sa akin, tumango ako at ngumiti nag-lagay ako ng light make-up para sa perfect make-over ko.

Ready na ako'ng pumasok ulit, at handa na ulit ako'ng makita ang mga nang-bully sa akin, lalo na sila Amanda at si Sam. Sisiguraduhin ko'ng ako ang magpapa-tumba sa kanila'ng dalawa.

Isinuot ko na ang Chanel bag ko at sumakay na sa kotse ko, I miss this car, Nana, here I am again, after 2 years, magagamit na ulit kita.

Nang maka-rating na ako sa HIU ay agad ako'ng nag-park, pagka-baba ko ay agad na napansin ko'ng nagti-tinginan ang mga students, they look amazed. Yan dapat ang maging reaksyon nila, mainggit kayo.

"Is she a transferee?" Tanong ng isang babae.

"Tanga, bawal na trumansfer, pero bakit ngayon ko lang siya nakita?" Tanong pa nung isa.

Pumunta muna ako sa Guidance, duon ay nakita ko sila Sam, wew, look what we have here. A guy looks drunk that who broked my heart last time. He looks misserable. Good for him.

"Wow, pre chik" nagtawanan sila, napatingin si Sam sa akin, naka-kunot ang noo niya na tila ay kinikilala ako.

"A-Ara, is that you?" Tanong ni Sam sa akin, hindi ko siya sinagot at lumingon kay Mrs. Alfredo, siya yung tita ko at siya rin ang guidance councilor.

"Who are you miss?" Tanong ni Tita.

Lumapit ako at nakipag-beso beso, nagulat siya sa inasal ko pero bigla na lang siya'ng ngumiti, pina-amoy ko kasi ang favorite na perfume ko na favorite niya rin, bigay niya sa akin iyon, a gift.

"Ara... Ay nako naman, ano'ng nangyari sayo, di kita nakilala!" masaya't gulat na sabi ni Tita.

Ngumiti ako sa kaniya nang may bigla'ng humawak sa kamay ko, napa-harap ako sa kaniya, kay Sam, here we go again.

"What's with you Mr. Delos Reyes, napaka-bastos mo talaga, kinakausap ko pa si Ms. Amore, your attitude!" Saway ni Tita kay Sam pero si Sam parang wala'ng narinig at naka-titig sa akin, sh*t, is he drunk?

"You change a lot, Ara" bati ni Sam sa akin.

"I know so, don't touch me, and who are you?" Sabi ko habang naka-tabon ang daliri ko sa ilong.

"It's me, Sam, your one and only!" Sabi niya at ngumiti pa, hay nako, kadiri naman, tsk, ang baho ng hininga niya, amoy alak.

"Tumigil ka na, mag-ayos ka nang sarili mo bago mo ako harapin, at tsaka hindi na kita mahal, wala na ako'ng kilala'ng Sam!" Sabi ko at tinanggal ang pagka-hawak niya sa kamay ko bago umalis.

Dumiretso na ako sa room at doon ay nakita ko ang mga magugulo ko'ng kalase'ng walang ginawa kung hindi ay nag-batuhan ng yukos na papel, wala'ng galang kahit nasa-harap ni Ms. Santos na siya'ng adviser namin.

Lumapit ako kay Ma'am, humarap ako sa mga kaklase ko, ano ba yan parang wala namang naka-pansin sa akin.

"Hindi ba kayo tinuruan ng mga magulang niyo ng maganda'ng asal at kung makapag-sigawan at magbatuhan kayo diyan parang wala si Ma'am, ang kakapal ng mukha niyo, si Ma'am na nga ang nagku-kusa'ng turuan tayo tapos babalewalain niyo pa, mga wala kayo'ng galang!" Sigaw ko, yes as in, sigaw na sigaw feeling ko nga tumigil ang mga kaklase ko.

"Alam mo Miss, bago ka magsalita diyan, kilalanin mo muna kami'ng lahat!" Sabi ni Elthon tapos nagtawanan sila'ng magkaka-barkada.

"Haha, so... Wala nga pala talaga'ng nakaka-kilala sa akin" sabi ko at flinip yung mahaba ko'ng buhok.

Naglakad ako palapit sa kaniya habang nagsasalita.

"It's me, Ara Amore. Lumipas lang ang ilang linggo, hindi niyo na ako nakilala? Ano'ng klase kayo'ng kaklase!" Sabi ko tapos umupo sa upuan ko'ng wala nama'ng katabi.

"Ara, ikaw pala yan? Hindi ka nga namin nakilala at you're pretty!" Sabi ni Lewis, he's an heartthrob and kabarkada ni Sam.

"Matagal ko na'ng alam, kaya umalis ka diyan!" Sabi ko sa kaniya.

Umalis siya sa kinauupuan niya, nag-tuturo si Ma'am ng may mag-bato ng papel sa akin mula sa bintana ng room namin.

"Pst!" Sitsit ni Sam, hay nako.

"Close ba tayo para bato-batuhin mo na lang ako ng ganyan?" Angal ko, napa-tingin ang lahat ng kaklase ko kasama na rin si Ma'am.

"Magkita tayo sa likod nang building!" Sabi niya.

"Ano ako? Tanga para sumama sa'yo? At tsaka ayoko na'ng balikan yung mga bagay na ayoko na'ng maalala!" Sabi at binato sa kaniya yung papel, ang kapal ng fezlock niya, ang kapal kapal kapal talaga.

"Please" napatigil ako sa sinabi niya, may pagka-sincere yung pagkaka-sabi niya nun, pero tinigasan ko yung loob ko. Hindi dapat ako magpa-apekto.

"O-okay, basta pagkatapos nun wag mo na ako mahawak hawakan at malapitan, wag mo na rin ako'ng makausap usap diyan!" Sabi ko at humarap sa harap alangan nama'ng sa likod di ba? Harap ng di ba?

Duon ko lang napansin na naka-tingin na pala yung mga kaklase ko at si Ma'am sa akin, am I that too loud?

"Pasensya na po" sabi ko kay Ma'am.

"Ms. Amore, can you just lower your voice?" Sabi ni Ma'am.

"Sorry Ma'am" sabi ko at nakinig na sa lesson ni Ma'am.