Chereads / Will You Still Remember Me, Tadashi? [TadAkira FanFic] / Chapter 2 - Will You Still Remember Me?

Chapter 2 - Will You Still Remember Me?

Akira's POV

Nakilala natin siya bilang makulit, matakaw, lakwatsero, at pasaway. 'Yan si Tadashi Karino.

Ang lalaking kayang patigilin ang mga luha ko kagaya ni Hikari.

Ang lalaking muling bumuhay sa puso ko.

Ang kaso, hindi ko maipakita sa mga gawa ko.

Kaya ang tangging paraan ko para maipakita kahit paano 'yung nararamdaman ko e. Sa pagluluto ko ng mga pagkain at 'yung pag aaway namin.

Weird, 'no? Laging nag aaway, batuhan at sigawan?

E siya naman kasi, e!

Ah, basta! Ganyan kami!

Pero, who would have thought na, biglang mag iiba ang takbo ng kwento namin. Na, sa isang iglap nagbago siya sa'kin. 'Yung, kanina lang kausap ko siya sa phone sabi niya may surprise siya sa'kin.

Oo, na-excite ako. Hindi dun sa surprise niya kundi sa kanya mismo.

Alam niyo naman si Tadashi, gala.

Pero sabi nga nila…

EXPECT THE UNEXPECTED.

At 'yung unexpected na 'yon ang muntik dumurog sa puso ko.

Yung kung kanina lang kilala niya pa ako.

Pero anong nangyari? Nakalimutan niya ako.

Akira's POV

6:04 am Feb. 14, 20** Valentine's Day

Sa mahimbing kong pagkakatulog, naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Kaya naman bumangon na ako. Napatingin ako sa pader ng kwarto ko kung saan naroroon ang kalendaryo.

"February 14?" Bulong ko sa isip ko "Valentine's Day na pala…" walang gana kong sambit.

Teka…. Valentine's Day?

"Hala! Ngayon nga pala dadating si Tadashi!" Napabalikwas ako sa kama ko, agad akong tumayo ng biglang mag ring yung phone ko.

Calling Eating Monster <3...

Ayyy! Kinilig naman daw si ako!

Yeah, yan ang call sign namin. Siya Eating Monster ako Bear Woman.

Si Kei pasimuno n'yan e!

Dali dali kong pinindot ang answer button at nakangiting sinagot ang tawag. "Good morning, Bear Woman ko!" bati niya

"Good morning din, Eating Monster," sagot ko dito

"HAPPY VALENTINE'S DAY! MWA MWA TSUP TSUP!" sabi ni Tadashi sa kabilang linya at talagang may tunog pa. Natawa ako.

"Happy Valentine's din! Gumaganyan ka pa, ah." nakangiting sagot ko.

"Hehehe, nga pala may surprise ako sayo!" sambit niya na parang excited.

"Nyek! Baka ahas na naman yan, ha! Naku Tadashi! Nakakadala ka!" napa-nguso ako ng wala sa loob ko nang maalala ko yung "surprise" niya sa'kin dati. Bigyan daw ba naman ako ng ahas?!

"Hindi, 'no! Wag ka nga mag pout jan!" Nyay! Paano n;ya nalaman? "...Basta! Antayin mo lang ako, papunta na ako d'yan! Date tayo, ha. Magbihis ka, wag ka mag skirt kasi mag momotor tayo," paalala nya.

Napatawa ako ng mahina. "Ok, sabi mo, e. Antayin kita. Ingat ka sa pag d-drive!" paalala ko.

"Oo na. Geh na, bye Bear Woman ko. 143!" Yiiiiieee! Answeet lang! pero, 143?

"oo na, Eating Monster! Anong 143?" sorry kasi hindi ako updated sa mga ganyang ganyan e, kaya shunga shunga ako.

Tumawa siya. "Sasabihin ko meaning n'yan pagdating ko sa inyo! Para damang dama mo!" bakas ko sa boses niya yung excitement. Well ako din naman, miss ko na din siya tutal matagal tagal din kaming hindi nagkita.

"Tsk, pa suspense pa. Geh na, bye na." Di ko nalang mapigilang mapangiti. Sa mga simpleng bagay na ginagawa niya, di maiiwasang makaramdam ako ng saya. Siya nga ang clown ng S.A diba?

"Bye." Then he hang the phone call.

"Ano na naman kayang pakulo nung ungas na 'yon? Naku pagkalokohan na naman 'yun bibigwasan ko talaga siya!" sabi ko sa sarili ko.

Kaya ginawa ko na ang aking morning rituals at nung handa na ako, lumabas na ako. Pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may nase-sense akong mangyayaring masama.

"Hay Akira, baka gutom lang 'yan!" sabi ko nalang sa sarili ko at lumabas na ng kwarto ko.

Tadashi's POV

Hello hello!!! Hahaha! Ang aga aga hyper ako! Pagpasensyahan niyo na, masaya e!

Kadarating ko lang galing sa aking 'adventure' sa kung saan saan, alam niyo naman ako. At isa pa sa mga dahilan kung bakit ako hyper ay Valentine's Day ngayon. Miss ko na si Bear Woman e! At may surprise ako sa kanya. Nabili ko 'yon nang nagpunta ako sa isang souvenir shop dun sa pinuntahan ko.

(A/N: tingnan nyo po ung pic sa gilid)

Ang cute 'di ba? Syempre bear ;'yan! E bear din 'yung pagbibigyan ko e. Hahaha!

Uy joke lang! Wag niyo akong isusumbong kay Akira, ah? Bugbog na naman ako dun.

"Teka matawagan nga si Akira." kinuha ko yung phone ko tas di-nial ko ung number niya

Calling Bear Woman <3…

"Good morning, Bear Woman ko!" bati ko in a very hyper way.

"Good morning din, Eating Monster!" Sumagot din siya sa paraang ginawa ko.

"HAPPY VALENTINE'S DAY! MWA MWA TSUP TSUP!" tapos umakto ako ng parang kini-kiss ko siya, syempre may sounds!

Narinig ko siyang tumawa. "Happy valentine's din! Gumaganyan ka pa ah." For sure nagb blush 'to!

"Hehehe. Nga pala may surprise ako sayo!" sabi ko, syempre excited ako!

"Nyek! Baka ahas na naman yan, ha! Naku Tadashi! Nakakadala ka!" Haha! Di pa pala niya nakakalimutan 'yun?

"Hindi, 'no! Wag ka nga mag pout d'yan!" Alam ko kasing nanghahaba na naman nguso nito. Sarap i-kiss! "Basta! Antayin mo lang ako, papunta na ako d'yan! date tayo, ha. Magbihis ka, wag ka mag skirt kasi mag momotor tayo."

Narinig ko syang tumawa ng mahina "Ok, sabi mo e. Antayin kita ha. Ingat ka sa pag da-drive!"

"Oo na. Geh na, bye Bear Woman ko. 143!" hahaha! Yeah 143!

"Oo na Eating Monster. Anong 143?" taka niyang tanong.

Tumawa ako. " Sasabihin ko meaning n'yan pagdating ko sa inyo! Para damang dama mo!"

"Tsk, pa suspense pa. Geh na, bye na."

"Bye," tapos in-end ko na 'yung tawag.

"Sana magustuhan mo 'yung kwintas na 'to Bear Woman ko." nakangiti ako habang pinagmamasdan 'yung kwintas.

Dahil sa nakabihis na ko at okay na rin 'yung lugar na pupuntahan namin, kinuha ko na 'yung susi ng motor ko. Nang nakasakay na ako sa motor ko, at nakaready na, bigla naman akong kinabahan.

Weird?

"Naku baka excited lang ako!" sabi ko nalang. Then I start to drive.

Habang nagda drive ako, pakiramdam ko talaga may kakaibang mangyayari. At dahil nga sa hindi ako makapag focus sa pag ddrive ko, hindi ko napansin na may kasalubong pala akong sasakyan.

Mabilis ang mga pangyayari, and the last thing that I know…

There's a loud crashing sound. Nakakabingi at talagang nakakabigla.

Naramdaman kong tumilapon ako palayo sa motor ko. May mga tao akong nakikita pero malabo sila.

Pero may isang tao lang akong naaalala.

"A…kir…aaa…" then everything went black.

Akira's POV

Kasalukuyan akong nasa sala mag isa nang biglang may marinig akong nabasag. Pinuntahan ko 'yon, and to my surprise, isa itong picture frame.

Not just an ordinary picture frame... it was a stolen shot of me and Tadashi while fighting.

Nakaramdam ulit ako ng kaba. Mas matindi kesa kanina.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Tadashi…" 'yun lang yung nasabi ko tas biglang may lumapit sa maid sa'kin.

"Lady Akira, may tawag po kayo." aniya at inabot sa'kin 'yung telepono.

"Salamat. Paki linis nga pala 'yung nabasag. Baka makasugat pa, e." sabi ko tas inabot ko na 'yung phone.

"Sige po." tas nag bow siya at umalis.

Nanginginig yung kamay ko habang hawak 'yung telepono.

"Sana hindi ito masamang balita," usal ko tas sinagot ko na 'yung nasa kabilang linya. "He-Hello?" unang bati ko.

"Akira si Kei 'to." Nakahinga ako ng bahagya. Si Kei lang pala. Ano naman kayang kailangan ng mokong na 'to?

"O Kei, napatawag ka?"

"Pumunta ka ngayon dito sa *** Hospital. Room 201" utos niya.

Nangunot ang noo ko. "Bakit sinong nasa ospital?" usisa ko. Bakit naman all of a sudden magpapapunta ng ospital 'to?

"Akira…" huminga muna siya ng malalim tsaka muling nagsalita. "Si Tadashi na aksidente."

Sa narinig ko, parang biglang binuhusan ako ng malamig na tubig. "Ke-Kei… w-wag ka ngang m-magbiro ng ganyan! Hindi nakakatuwa ha!" nanginginig kong sabi.

"Hindi ako nagbibiro. Pumunta ka na agad dito." then he ended up the call.

I was shocked… really shocked. Napaupo ako at pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.

"Hindi…" pagkukumbinsi ko sa sarili ko "Baka ginu-good time lang ako nila Tadashi. Di ba sabi niya may surprise siya sa'kin? Baka ito na 'yon! Tama! Joke lang yun!" Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko. Pinatawag ko 'yung driver at nagpahatid dun sa ospital sa sinabi ni Kei at nagtungo sa room 201.

Inabutan ko silang nasa labas, sina Hikari at Megumi agad na lumapit at yumakap sakin. 'Yung mga boys hindi makatingin ng diretso.

*Akira, wag kang magpapanic ha. Magiging ok din sIya* sulat ni Megumi sa drawing pad nIya.

"Akira nandito lang kami. Wag kang mag-isip ng kahit anong negatibo," pagco comfort naman ni Hikari.

'Kung ganoon hindi ito biro?'

"Ano ba kasing nangyari?" maluha luha kong tanong.

"Motor accident," sagot ni Ryuu.

"Hindi pa namin alam kung sinong may kasalanan pero may nakasalpukan daw siyang kotse," now it's Jun.

"Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari, naghahanap na din sila ng mga witness. Kung may makuha silang impormasyon sinabi ko na itawag nila agad sakin." And now it's Kei.

"Wag kang mag alala kay Tadashi. Walang mangyayaring masama sa kanya, masamang damo yan e," dagdag pa nya pero nananatili ang walang kaemo-emosyon nyang ekspresyon.

Napa upo nalang ako. Alam kong pinagagaan lang nila ang loob ko. Si Kei nagjo-joke pero deep inside nag aalala 'yan.

"NASAAN SI TADASHI? NASAAN ANG ANAK KO!" napalingon kaming lahat dun sa sumigaw.

"Directress, nandito po siya. Under observation pa po siya ng mga doctor, tinitingnan pa nila kung may mga natamo po syang bali sa katawan," sagot ni Kei.

Nabaling ang atensyon namin nang lumabas 'yung doctor.

"Sino sa inyo ang kaanak ng naaksidente?" tanong nito.

"Ako po ang nanay niya! Doc, ano pong lagay ng anak ko?" alalang tanong ni Mrs. Sumire, nanay ni Tadashi.

"Ayon sa obserbasyon ko, mukhang wala namang natamong bali ang pasyente, mga gasgas at galos lang sa katawan… there's nothing to worry about."

Sabay sabay kaming nakahinga ng maluwag doon sa sinabi ng doctor.

"Sa ngayon, kailangan muna namin siyang i-under go sa mga tests to make sure na ok siya. Antayin nyo nalang munang magising ang pasyente," dagdag pa niya.

"Ok Doc, salamat po." pagpapasalamat ni Directress Sumire kay Doc.

"Directress, kumalma po muna kayo. Gaya nga ng sabi ng doctor antayin nalang po natin siyang magkamalay. Wag na po kayong mag alala." sabi ko sabay himas ng likod niya.

"Salamat, Akira," sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit kami ganito, simple lang. Legal kami ni Tadashi alam ng mama niya 'yung relasyon namin.

(A/N: sa kwento ko lang po sila legal, ewan ko lang po kung pati sa anime o manga.)

Fast forward

Makalipas ang dalawang araw…

Andito ako ngayon sa ospital, nagbabantay parin kay Tadashi.

"Eating monster…" kinuha ko ang kamay niya "Kelan ka ba gigising?" mangiyak ngiyak na ko. Simula kasi nung aksidente hindi parin sya nagigising, two days na rin ang nakakalipas. "Hindi ka naman si Sleeping Beauty kaya gumising ka na d'yan!" tumulo na nga ang mga luha ko.

"Sabi mo may surprise ka sa'kin… eto ba?" napahikbi ako at panay na ang pagtulo ng luha ko. "Eto ba yung surprise mo? Kung ganon.... tagumpay ka… nasurprise mo talaga ako!" then I wiped my tears. "Sinabi ko namang mag... mag ingat ka, 'di ba? Di ka na naman nakinig!" ,y tears just keep on falling from my eyes. "Nami- miss na kita. Wala akong binubugbog, walang sumisigaw sakin ng 'Akira, pengeng pagkain!'" then I laughed a little, naalala ko 'yung mga time na nag aaway kami dahil sa katakawan niya.

"Promise ko pag gumising ka na, ipag-bebake kita ng mga paborito mong pasties! Madaming madami! Basta gumising ka lang… Eating monster ko." Lalo kong hinigpitan 'yung pagkakahawak ko sa kamay nya then yumuko ako. Hawak ko yung kamay nya ng parang nananalangin, tapos nilapit ko sa pisngi ko yun. Maya maya naramdaman kong gumalaw siya.

Agad kong itinaas yung ulo ko tas tiningnan ko siya. Unti unti niyang iminulat yung mga mata niya.

"Ugh… na-nasaan ako?" 'yun agad yung nasabi niya.

Dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko agad siya ng mahigpit. "Sa wakas nagising ka din!" sabi ko habang patuloy sa pag iyak. Humiwalay ako sa pagkakayakap ko at tinignan siya. "T-Teka, tatawagin ko lang sila ha. Dito ka lang!" tapos tumakbo na ako sa labas para tawagin sila.

"Guys! Gising na si Tadashi!" masayang sigaw ko sa kanila nang makalabas ako.

"TALAGA? SALAMAT NAMAN!" sigaw nila ng sabay sabay.

"Si Directress nasaan?" tanong ko

"May sinagot lang na tawag. Pabalik na rin 'yun," sagot ni Ryuu

"Puntahan niyo na yung bagong gising. Mag isa lang 'yun do'n, " biro ko.

Tumakbo na sila patungo sa kwarto ni Tadashi pero nagpahuli si Hikari

"Sabi ko naman sayo magiging ok ang lahat e," sabi nya sabay tap sa balikat ko.

"Oo nga, tama ka." I just smiled at her. "Sige na, aantayin ko nalang si Directress dito," sabi ko

"sige, sunod ka nalang, ha?" then I just nod.

Hinanap ko si Directress sa hallway ng ospital at agad ko naman siyang nakita. Sinabi ko sa kanya ang balita at heto't sabay kaming pabalik sa kwarto ni Tadashi.

"Directress/Akira" sabay naming sabi.

"Just call me Tita. Masyado ka namang formal sa mama ng boyfriend mo." Then she smiled. I was surprised, it was the first time na nakita ko siyang ngumiti! We all know naman na masungit siya sa amin, 'diba? Pinapasok niya pa nga kami sa isang public school before.

"Ok po, T-Tita. Mauna na po kayo," alangang sabi ko.

"Tinawagan ko nga pala 'yung isang kaibigan niya. I've told her what happened to my son kaya expect niyo nang may bisita syang dadating."

"A-Ah… ok po." kiming sagot ko.

"Ano nga pala 'yung sasabihin mo?"

"A-Ahh… wala po. Nakalimutan ko na rin e.Hehehe..." she just smiled again to me as her answer.

Nang makarating kami sa room 201, ayun nagkakagulo sila. Si Megumi emotional, sina Jun, Ryuu at Hikari naman nakikipag kulitan kay Tadashi, at si Kei?

Ayun nasa sulok… kunwari walang pakialam.

"BUTI NAMAN AT GUMISING KA NANG BATA KA!" sigaw ni Direc—Tita pala.

"Sorry po, pinag alala ko kayo."Lumapit si Ti-Tita... hindi pa ako sanay… basta lumapit siya kay Tadashi then she hugged him. "Wag mo nang uulitin 'yon, ha?" sabi niya sabay hagod sa buhok ni Tadashi, such a mama's boy.

"MA! Di na po ako bata!" he whinned.

I just smiled. Masaya ako na nagising na siya. Buhay na naman 'yung pasaway.

Naputol ang pag uusap nila nang may pumasok na babae.

"HOY TADASHI" sigaw which caught everyone's attention as she entered the room.

"OI YUI! Ikaw pala!" salubong naman ni Tadashi dun sa bagong dating. So Yui pala. Siya siguro yung tinutukoy ni Tita kanina. (Yeeees! Na banggit din! )

"TIBAY MO TALAGA! DI KA PA NATULUYAN HA!" pabirong sabi nito. Hmm... may pagka boyish siya, ah. The way she talks and the ways she moves? No doubt, she's a boyish lady.

"NAMAN! Masamang damo, e1 Hahahah!" he joked.

Seeing Tadashi smile again, it makes me feel happy too. Na-miss ko din 'yung mga kalokohan nya kahit sa maigsing panahong natutulog lang siya.

"Umm… Directress, sino po siya?" tanong ni Ryuu. Mukhang nagtataka din siya.

"Ah! She's—" Yui interupted her.

"Ako na po, Tita." Then tumingin siya sa'min. "Ako nga pala si Yui Oikawa, isa sa mga best friend nitong si Tadashi. Nice meeting you all!" tas nag bow siya.

"Ahh… ganun pala." sabay sabay nilang sabi

"Ahh, oo nga pala, Mama…" napatingin kaming lahat kay Tadashi nang magsalita siya. "Kanina pag gising ko, siya 'yung nasa tabi ko." aniya at tinuro ako. Pero lahat kami, nabigla sa sumonod na sinabi niya.

"Mama, sino siya?"

As I heard him say "Mama sino sya?" para akong nabato. Natulala't nabigla ako sa sinabi niyang 'yon. How could he?

"Te-Teka… hindi mo sya makilala?" tanong ni Jun, nagsimula na naman silang mag-panic.

"Umm… hindi e." tas tuminigin siya sa'kin "Umm, Miss, sa tingin ko kailangan kong magpasalamat sayo e. Ano bang pangalan mo?"

BOOOM! I was dumbfounded.

*Hoy Tadashi! Hindi magandang biro 'yan ha!* saad ni Megumi sa drawing pad niya.

"Oo nga Tadashi. Teka, nakikilala mo ba ako?" alalang usisa ni Hikari sabay turo sa sarili niya.

"Oo naman, ikaw si Hikari Hanazono," then tinuro nya si Hikari. Inisa isa niya ang mga pangalan ng mga nasa loob ng kwarto EXCEPT me.

"T-Tawagin niyo 'yung Doktor." natatarantang sabi ng mama niya.

"Sira ka Tadashi! Sarili mong girlfriend di mo matandaan?!" pasigaw na sabi ni Yui.

"Ha? GIRLFRIEND?" gulat na gulat na ulit niya.

Samantalang ako… eto TULALA.

"H-Hindi mo ba t-talaga ako makilala?" nahihirapan akong magsalita, yung parang ang sakit ng lalamunan ko kasi pinipigil kong maiyak?

"Sorry pero… hindi e." Aniya at marahan siyang umiling. That really breaks my heart.

Lumapit sakin si Hikari, hinawakan niya ako sa magkabilang braso ng parang nakayakap ng patagilid. Nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Akira…" then she guided me out of the room. Pinaupo niya ako dun sa upuan sa labas.

"Akira—" bago pa man siya makapag salita, inantala ko na siya.

"Hikari… sira ulo talaga si Tadashi, 'no? Kayo kilala niya tapos ako lang ang hindi?" then I started to cry again.

"Akira…" sa tono ng boses ni Hikari, alam kong nag aalala siya sakin.

"Alam mo bang sabi niya kanina sa'kin sa phone may surprise daw siya sa'kin?" huminto ako para huminga "Kung eto 'yung surprise niya sa'kin… he really surprised me!" tapos humagulgol na ako ng iyak.

"Shhh.. nandito ako Akira. Shh… don't cry…" pag aaalo sa'kin ni Hikari bahang hinahagod ang likod ko. Napayakap nalang ako sa kanya kasi pakiramdam ko nag iisa nalang ako... wala akong mapaghugutan ng lakas.

I just cry and cry kasi ang SAKIT! Ang sakit na sila kilala nya tapos ako hindi?!

Grabe Tadashi. What a SURPISE! Just enough... to break my heart.

Yui's POV

Sa nakita ko kaninang reaksyon ni Tadashi kay Akira… nagulat talaga ako.

AS IN!

Though hindi ako kilala ng mga S.A friends niya, madalas siyang magkwento ng mga bagay bagay tungkol sa kanila tuwing magkikita kami. At syempre tungkol kay Akira kaya nga kilala ko siya e.

"Tadashi, wala ka ba talagang maalala tungkol kay Akira?" tanong ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa labas ng MRI Room, inaantay yung resulta nung test. Dahil nga sa sinabi niya kanina na hindi niya matandaan si Akira, nagpagdesisyunan ng mama niya na ipa-test siya kung bakit nga ganun ang nangyari sa kanya.

Umiling siya. "Wala e. Sino ba kasi siya? Tsaka Girlfriend? Talaga?" takang taka niyang tanong.

"Hay… malalaman natin ang dahilan kung bakit ganyan ka, pagnakuha na ang result." sabi ko nalang.

Bumalik nalang kami doon sa kwarto niya para doon nalang antayin ung resulta. Si Tadashi, naka upo sa kama niya habang nakatanaw sa bintana.

"Alam kong maraming tanong d'yan sa isip mo ngayon," puna ko batay narin sa kilos niya.

"Oo, marami. Pero bakit hindi ko alam kung ano ano ang mga tanong?" bakas sa tono ng pananalita niya na blanko talaga siya. Para bang wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari "Alam mo 'yung isip ka nang isip pero hindi mo alam kung ano 'yung iniisip mo? Ganun ako e." dagdag niya.

Natawa ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. Para siyang hirap na hirap na constipated na ewan. Masyadong seryoso. Hindi gaya ng Tadashi'ng kilala ko. "Wag mo ng pagurin 'yang utak mo baka mapudpod pa ng lubusan! Hahahaha!" biro ko. Kahit manlang paano mapagaan ko ang pakiramdam niya.

"Tsk! Sira ka talaga!" umakto siya ng kunwari inis… pero dahil nga kaibigan ko to, alam kong umaarte lng siya.

"Wag ka na nga umarteng kunwari galit! Alam ko na 'yan!" Tapos ipinalupot ko sa leeg niya yung braso ko, ung isa ko namang kamay naka form ng fist tapos ikinukuskos ko sa ulo niya.

Gets niyo ba? basta ganun!

"Ahhh! Oy masakit ha! Ta-tama na nga!" pigil niya sakin pero sige lang ako at panay parin ang pagsakal at konyat sa kanya.

"Hahah! Alam ko na! siguro gutom ka na, 'no?! Dalawang araw kang walang kain, e. Gusto mo ibili kita ng pagkain?" Hehehe, alam ko weakness mo!

"AYUN ANG GUSTO KO! OO BA! LIBRE MO HA!" Kung pwede lang kuminang at tumulo ng wagas ung laway niya nangyari na.

"Tsk! Kahinaan mo talaga ang pagkain. Ang dali mong lasunin n'yan! Hahaha!" biro ko.

"Dami mo pang sinasabi! Sige na bumili ka na nga pagkain! DAMIHAN MO HA!" tapos tinulak na nya ako sa pinto. Tsk! Sya na nga ililibre demanding pa.

"OO NA! LALAGYAN KO NG LASON NG MATODAS KA NA! MWAHAHAHAH!" tumawa ako ng parang kay Dracula.

"TSK! PANIGURADUHIN MO LANG NA TATALAB HA! HAHAHAHA!" sagot niya. Tapos lumabas na ako.

Tadashi's POV

Hay, sa wakas lumayas na rin 'yung maingay na 'yun. Sa totoo lang gusto ko lang namang mapag isa e. May mga bagay bagay kasi na… ewan! Di ko alam kung ano.

Tsk! Hirap naman ng kalagayan ko. Habang nagmumuni muni ako may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Papasok ako ha," paalam niya.

"Nakapasok ka na eh." sagot ko naman, totoo naman kasi.

"Ah… e, sabi ko nga," sagot nalang niya, nakayuko siya at tila ba nahihiya. Sino ba kasi siya?

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko.

"Ahh… may dala akong pagkain. Baka kasi gutom ka na e," sabi niya at itinaas yung maliit na basket na dala niya. Umirap ako.

"Bumili na si Yui sa labas. Mamaya lang babalik na 'yun." malamig na sagot ko sa kanya at di na muling nagbaling ng tingin.

"Ahh.. g-ganun ba. Pero paborito mo ito. Mahilig ka sa mga matatamis lalo na kung gawa ko," sabi niya.

Pagalit na nilingon ko siya at tinitigan diretso sa mata. "Ah, talaga? Pasensya na pero hindi ko kasi maalala." sarcastic kong sagot na may diin bawat salita. Nakita kong ikinuyon nya 'yung kamay niya. Tsk. Ano? Inis na agad?

"Sige. Iiwan ko nalang to dito. Aalis na ko." Agad niyang ibinaba sa side table ng kama ko 'yung basket tapos lumabas siya.

'Tsk, lalo na kung gawa mo ha.' bulong ko sa sarili ko. Sa hindi malamang dahilan, para akong inis na ewan sa kanya. Wala akong maalala, oo pero... aist! Ewan!

Tiningnan ko 'yung basket na iniwan niya na naglalaman daw ng mga gawa niyang-- siguro pastries. Mula sa kinauupuan ko ay naamoy ko ang mabangong amoy ng mga ito, dahilan para kumulo lalo ang tiyan ko.

"Nasaan na ba kasi 'yung babaeng 'yon? Gutom na ko, e!" pagmamaktol ko. Muli akong napatingin sa basket at naamoy ang mabangong amoy na nagmumula dito.

"Ugh! Kakainin ko na nga lang 'to! Nagwawala na 'yung sikmura ko, e!" Kinuha ko 'yung basket na dala ni... Akira ba? ah basta siya! at binuksan. Puro baked na pagkain gaya ng cookies, croissants, brownies etc. In short puro tinapay tapos may tea pa! At dahil nga sa gutom na ako, sinentensyahan ko na 'yung mga tinapay at tea na dala niya.

Panay lang ako sa pagkain dahil hindi ko maitatangging masarap ang mga 'to. Mukhang magaling talaga siyang magluto.

"Hmm... Pwede nang pagtiyagaan," sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.

Akira's POV

Paglabas ko ng kwarto niya, sumikip 'yung dibdib ko. Masakit pala na 'yung taong dating nangungulit sayo na bigyan siya ng pagkain e makalimutan ka. Oo makalimutan. Alam ko na 'yung sakit niya.

Kanina, bandang 12:36 pm pinatawag kaming lahat nung doctor. Lumabas na raw 'yung resulta nung MRI ni Tadashi.

"Ayon sa kilos at reaksyon ng pasyente pati na rin sa resulta ng test niya, nagkaroon siya ng Selective Amnesia." simulang paliwanag nung Doktor. "Kung pagbabasehan natin ang reaksyon sayo ng pasyente kanina hija (ako yun tinutukoy niya) mukhang ikaw at ang mga alaala niya tungkol sayo ang nawala," dagdag pa niya.

"Pero bakit naman sa lahat ng makakalimutan si Akira pa, Doc?" tanong ni Hikari.

"Well, maaring para sa pasyente ang mga bagay bagay na may patungkol sa kanya ay mahalaga. Karaniwan kasi sa mga nagkakaroon ng Selective Amnesia, ang mga alaalang nawawala sa kanila ay ang mga pinaka mahalaga sa kanya. Maaaring ito'y bagay, lugar, pangyayari, tao o relasyon." Paliwanag ni Doc

"Gaano naman po katagal bago niya maalala muli 'yung mga bagay na nakalimuan niya?" tanong ni Tita.

"Karaniwang umaabot ito ng mga buwan, minsan naman ay taon bago muli niyang maalala 'yung mga alaalang nawala sa kanya. Pero kung may makikita o maririnig siyang bagay na may kinalaman sa alaalang nawala niya, maaaring mapabilis ang proseso ng paggaling niya. Patience is what you need in his case. Wala tayong kasiguraduhan kung gaano katagal at kung kailan babalik ang alaala niya. We need to wait." ani Doc sa amin saka siya umalis.

"...mga bagay na muling makapagpapaalala…" bulong ko sa sarili ko

"Ano ano nga ba?" at doon ko naisipang dalhan siya ng mga paborito niyang pagkain. Mahilig siya sa mga matatamis, 'di ba? Kaya nga gustong gusto niya ang mga ginagawa ko.

Pero masakit pala na hindi ka maalala nung taong pagbibigyan mo.

'Hay naku Tadashi. Ito ang pinaka malungkot na Valentine's ko!'

Fast forward

Makalipas ang dalawang lingo…

Yui's POV

Kagaya nga ng sabi ng doctor, mas mapapadali ang pagrecover ni Tadashi kung 'yung mga bagay bagay na may kinalaman sa mga alaala nya kay Akira e makita o makain niya. Alam niyo naman siya, matakaw.

Kaya I've decided. Ngayon kakausapin ko si Kei. Ipapaliwanag ko sa kanya ang plano ko. Sana maintindihan niya ang intensyon ko.

Calling Pillow Boy…

Aba! Tumawag ang mokong na Tadashi!

Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan pangalan niya sa cp ko… well, 'yun ay dahil madalas siyang bugbugin ni Akira, 'di ba? Imbes na punching bag, PILLOW nalang nilagay ko. Palagi kasi siyang inihahampas ni Akira sa kung saan saan, e. Haha!

Pinindot ko ang answer button at sinagot ito.

"Oi Yui! Sa'n ka?" bungad na tanong niya. Di uso mag-hello sa'min.

"Nandito sa bahay, bakit?"

"Puntahan mo naman ako dito! Amboring, e!" paniguradong mukhang bibe 'to.

"Oo pupunta ako d'yan, mamayang konti. Tsaka, wag ka mag-pout! Di bagay sayo! " biro ko.

Hindi agad sya sumagot matapos kong sabihin yon, bakit kaya? "Oi!" tawag ko dito.

"Ahh… pasensya na. Para kasing may biglang nagflash sa isip ko e." Nagflash? Magandang senyales 'yon!

"TALAGA? Ayos 'yan! Unti unti babalik din alaala mo, Tadashi!" nakangiting sagot ko.

"Hmm… medyo malabo naman, e. Kaya baka matagalan pa," aniya na tila malungkot.

"Wag ka nang malungkot, Pillow! Gagaling ka din. Sige, dadalhan kita ng pagkain pag punta ko d'yan." Hehehe, for sure nagniningning mga mata nito sa sinabi ko.

"TALAGA? NAKU! SIGE GUSTO KO YAN!" Sabi na e,basta talaga pagkain.

"MAKA SIGAW NAMAN 'TO! SIGE KA MAGBAGO PA ISIP KO!" Banta ko

"Uy! Wag namang ganyan, walang bawian! Hehehe, basta ha, PAGKAIN KO!"

Oo na, oo na! Kahit naman joke lang 'yun 'di ka lulubay, e. Ano bang gusto mo?" tanong ko pero alam ko naman na isasagot nito.

"PASTRIES!" sabi na eh "DAMIHAN MO HA! para talaga siyang langgam, ang hilig sa matatamis. Ay di pala. Kahit ano basta makakain.

"Tsk tsk, oo na! Sumabog sana tiyan mo! Geh na, ibababa ko na 'to."

"Geh, bilisan mo, ha! 'Yung pagkain ko wag mong kalilimutan!" Utos hari ang loko.

"Geh na, bye."

*Call ended

"Sakto 'yung plano ko para kay Tadashi," sabi ko sa sarili ko.

Agad kong tinext si Kei.

To Kei:

"Kei, pde ba tayo magkita? May sasabihin lang akong importante. Yui 'to.

P.S: pde ka bang magdala ng mga pastries ni Akira? May pag papatikiman lang ako. Hehehe, T.Y"

*message sent

Di pa nagtatagal, agad din siyang nagreply.

From Kei

Sige, saan ba?

To Kei:

Sa coffee shop sa tapat ng school namin nalang. Alam mo 'yon 'di ba?

*message sent

"Ok " tipid ng reply ha.

Agad akong nagbihis para makapunta na ako dun sa coffee shop.

Sa coffee shop

Kei's POV

Naka receive ako ng text mula dun sa kaibigan ni Tadashi na ang pangalan ay Yui. Kahit na hindi ko siya ganung kakilala, pinaunlakan ko pa rin ung pag aaya niya, may sasabihin daw siya e. Mukhang importante.

Pumasok ako ng coffee shop para makakuha na ng bangko. Tsk, kainis lang.

ALL EYES ARE ON ME.

Oh well, gwapo e. Ganyan talaga.

Pero I just ignore them. Stick to one kasi ako.

Dumiretso lang ako at umupo. Nang pasadahan ko ng tingin ang mga nakatitig at nagmamasid, tinitigan ko sila na parang walang emosyon. The usual cold stare that I give to those unwanted creatures. Isang tao lang ang tititigan ko ng may emosyon at paglalaanan ko ng buo kong atensyon. Hindi sila 'yon at kilala niyo na kung sino 'yon.

Maya maya may lumapit na babae sa kinauupuan ko.

"Yow!" bati niya. "Sorry kung pinapunta kita rito ng gantong oras." aniya at umupo sa harapan ko.

"Ano nga ba ang dahilan mo?" pagsusungit ko.

"Sige, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," huminto muna siya bago ituloy ang sasabihin niya "tungkol ito kay Tadashi." tapos tumingin siya ng diresto sa mata ko.

"Anong tungkol sa kanya?"

Fastforward

3 months later

Tadashi's POV

Tatlong buwan na ang nakakalipas.

Tatlong buwan simula nang naaksidente ako. At sa loob ng tatlong buwan na 'yon, may mga bagay na gumugulo sa isip ko.

Tuwing ipipikit ako, may mga alalang biglang magfa-flash sa isip ko. At sa mga alaalang 'yon, laging may babaeng nandoon, kaso nga lang malabo ang mukha niya/

Sino kaya siya?

Anong koneksyon ko sa kanya?

Anong kinalaman niya sa mga alaalang bumabalik sa'kin?

Yan ang mga tanong na gumugulo sa'kin.

Sa tatlong buwan din na 'yon, ang lagi kong kasama ay si Yui. Si Yui, makulit 'yan, maharot, gala din gaya ko.

Pero isang beses nung nagkukulitan kami...

Flashback

"Aba! loko ka, ah! Halika dito at bubugbugin kita!" singhal niya tapos ay hinabol niya ako sa buong sala namin.

"Whahahahah! Pikon ka talaga Yui! Bleh! Sige lang, tingnan natin kung mahuhuli mo ako!" tapos nun kumaripas na ako ng takbo.

Pero dahil nga may lahing kabayo 'tong si Yui, naabutan niya ako. Gamit 'yung throw pillow, pinaghahampas niya ako nun.

"AHH! Aray, Yui! Ta-tama na! Shahahaha!!!!" panay ang salag ko sa mga palo niya pero tawa parin ako nang tawa.

"Kailangan mo nang maturuan ng leksyon! Mwahahahaha!" tapos panay parin ang paghampas niya sakin.

"Uy Yui! A-aray ko! Huy tama na! A-Aray!" Pinipilit kong sanggain 'yung mga palo niya. Tsk, amazona talaga!

"Kailangan to para maalog 'yang utak mo! Baka sakaling bumalik na ang mga alaala mo! Yaaaaaah!!!" at muli pinalo niya ako nang napakalakas.

"T-Aama nn! BEAR WOMAN!" sigaw ko. Bigla siyang tumigil. Gulat ang unang rumehistro sa mukha niya tapos bigla din siyang ngumiti.

"Sabi na nga ba may maaalala ka e." makahulugan niyang pahayag.

Maging ako gulat dun sa nasabi ko. Bakit parang may kinalaman sa'kin 'yung salitang 'yun?

"Wag ka nang mag isip pa, Tadashi. Tama ka, may kinalaman sayo 'yun," sabi niya tapos tumalikod din siya.

End of flashback

Hindi lang 'yon 'yung bagay na parang may naalala ako. One time pinagluto ako ni Yui ng lunch...

Flashback

"Hoy, Tadashi! Pwede ko bang gamitin 'yung kusina niyo?" bigla niyang tanong sakin.

"Bakit? IPAGLULUTO MO AKO?" at syempre basta pagkain game ako d'yan!

"Tsk, pagka sa pagkain talag. Oo, ipagluluto kita!"

"Whaaa! Ayos 'yan! Sige! Gamitin mo lang hanggat gusto mo!" tuwang tuwang sabi ko.

Pumunta na kami ng kusina, may dala na rin kasi syang mga ingredients nung kung ano mang lulutuin niya.

Pinapanuod ko lang siyang magluto pero... bakit may iba akong naaalala habang pinapanuod ko siya?

Ini-iling ko yung ulo ko "Hindi. Baka akala ko lang 'yun," sabi ko nalang.

Lumingon sa akin si Yui at kunot noong pinagmasdan ako. "O? Bat umiiling ka d'yan?" tanong niya.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Wala. Para lang kasing may naaalala ako," sabi ko naman.

"TALAGA? ANO? SABIHIN MO BILIS!" 'yung tono ng boses niya, parang masyadong excited?

"'Wag mo nang itanong. Malabo din naman e," sabi ko nalang. "Tapusin mo nalang 'yang niluluto mo. Nagugutom na ko!" dagdag ko pa.

"Tsk, kelan ka ba hindi nagutom?! Di ko pa ituloy 'to, e!" asar na sabi niya.

Saglit siyang nanahimik pero muli din namang nagsalita. "Pero Tadashi…" seryoso 'yung mukha niya nung sabihin niya 'yun. "Sabihin mo agad sa'kin kung may naaalala ka, ha? Kahit medyo malabo man basta sabihin mo ha, ok?" aniya.

"Si-Sige… sabi mo e," sabi ko nalang.

May sinabi pa siya pero hindi ko na ganung narinig 'yun.

"Konti pa, maaalala din niya…"

Binalingan ko siya at takang tinignan siya. "Anong sabi mo?" tanong ko.

"Wala! Sabi ko maluluto na 'to!" sigaw niya.

End of flashback

Sa totoo lang, masarap namang magluto si Yui e, pero bakit may ibang hinahanap 'yung dila ko nung mga panahong 'yun?

Pero nung minsan na dalhan ako ng pastries ni Yui, doon ko nahanap 'yung hinahanap ng panlasa ko.

Flashback

"Oy! Eating Monster! May dinala ako para sayo!" sigaw niya sabay hagis ng isang bag.

'Eating Monster…'

"Ano 'to?" binuksan ko 'yung bag at ang tumambad sakin. Nanlalaki ang mata't ngiting ngiti ako sa nakita ko. "PASTRIES!"

"Hehehe, alam kong mahilig ka sa mga ganyan e," sabi niya sabay ngisi.

Agad kong tinikman yung dala nyang mga pastries. At natigilan ako, bakit parang familiar ang lasa?

"Oy Yui! San galing 'to, ha?" tanong ko.

"Ah…ehh….D-D'yan sa may pastry shop sa kanto. Ang alam ko p-paborito mo 'yung mga gawa nila doon, e. Hehehe…" tiningnan ko siya sa mata pero umiwas siya. Bakit?

"Ahh… ganun ba," sabi ko nalang.

Kalasa 'to nung dinala sa'kin ni Akira'ng mga pastries.

End of flashback

Madami akong naaalalang mga bagay bagay pero, masyadong vague 'yung mga detalye nung mga alalang 'yon.

"Hayyy…" I sighed. Andito ako ngayon sa park… mag isa. Di ko kasama si Yui kasi may gagawin daw siya.

"Ano bang kinalaman mo sa mga alaalang nawawala ko?" nilabas ko 'yung kwintas na nasa bulsa ko. Sabi nila, nakuha daw nila ito sa bulsa ko nung maaksidente ako. Tinitigan ko ito habang nakatapat sa araw.

'Yung pendant nito ay isang bear, kaya sigurado ako na hindi para sakin 'to. Napaisip ako kung may pagbibigyan kaya ako nito?

"143!" may lalaking sumigaw mula sa likod ko. Napalingon at napatingin ako sa likuran ko.

"Anong 143?" tanong naman nung babaeng kausap nito.

"Ibig sabihin noon… I LOVE YOU!"

Nang marinig ko 'yon, parang may mga imaheng bigla nalang lumitaw sa utak ko. Mga imahe, eksena at usapan na pawang hindi ko maunawaan kung kailan nangyari at kung sino ang kausap ko.

"Oo na! Tsk, geh na. Bye, Bear Woman ko! 143!"

"Oo na, Eating Monster. Anong 143?"

"Hahaha! Sasabihin ko meaning niyan pagdating ko sa inyo! Para damang dama mo!"

Bigla nalang sumakit 'yung ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko, may pilit na ipinapasok sa utak ko na mga bagay na hindi ko maitindihan.

"Paki usap... sabihin mong 'wag na akong pumunta sa mga marriage interview…"

"Ta…Tama na..." kakaibang pananakit ng ulo ang naramdaman ko.

"EATING MONSTER!"

"SIRA KA TALAGA, TADASHI"

"Tama na!" patuloy sa pagsakit 'yung ulo ko.

"Mahal kita. Mahal kita, Karino Tadashi…"

"SINO KA BA AKIRA TOHDOH!" sigaw ko.

Matagal bago mawala ang pananakit ng ulo ko. Kasabay noon ang pagtigil ng pagfa-flash ng mga eksenang sa tingin ko may kasama ako… si Akira Tohdoh.

Kinuha ko ung cp ko mula sa bulsa ko. Tapos di-nial ko 'yung number ni Yui.

Calling Yui-potx

"Hello?" agad niyang sagot.

"He-Hello... Yui...." Medyo masakit parin kasi ang ulo ko kaya hirap pa ako magsalita.

"Te-Teka… Ba't ganyan boses mo? Asan ka? May nangyari bang masama?" sunod sunod niyang tanong.

"A-Andito ako sa park. Please, pumunta ka na dito," parang nawawalan ako ng lakas.

"Ok sige. Antayin mo ako." Then she ended it.

Kailangan ko nang malaman ang sagot sa mga tanong ko.

Bear Woman…

'Yung pastries na sabi ni Yui sa pastry shop niya nabili pero bakit kalasa nung dala ni Akira, 'yung pagtawag sakin ni Yui ng Eating Monster, bakit may ibang tao akong naaalalang tumatawag sakin no'n?

At itong kwintas… bear 'yung pendant.

Bakit lahat ng ito parang may kinalaman si Akira?

"Akira… ano bang koneksyon ko sayo? Ano bang relasyon natin sa isa't isa?" napahawak ako sa ulo ko. Nakayuko ako habang salo salo ng mga kamay ko ung ulo ko. Gulong gulo at hirap sundan at hanapin ang mga sagot sa mga tanong sa isip ko.

"Tadashi!" napa angat ako ng ulo ko nang marinig ko 'yung tumawag. Then she came towards me running.

Hinihingal at pawis na pawis siya pero kita sa mga mata niya ang pag aalala. "Anong nangyari?" bungad na tanong niya.

Tinitigan ko siya sa mata, puno ng pagkalito't pagtatanong. "May gusto akong malaman," seryoso kong saad. Natigilan siya sa sinabi ko, umupo siya sa tabi ko.

"Ano 'yon, Tadashi?"

"Sino ba talaga si Akira Tohdoh? Ano bang koneksyon ko sa kanya?" bahagyang nagbago ang ekspresyong ng mukha niya matapos marinig ang tanong ko. Bumuntong hininga siya at ngumiti tapos nagsalita.

"Sa wakas dumating na rin 'yung panahong hinihintay ko," aniya at tumingin sa mga mata ko.

Yui's POV

"Sino ba talaga si Akira Tohdoh? Ano bang koneksyon ko sa kanya?"

As I hear him ask that question, I sighed then smile. Dumating na rin sa wakas ang pagkakataong pinakahihintay ko.

"Matagal ko nang gustong sabihin ang lahat pero… mas pinili kong ikaw mismo ang magtanong sa'kin no'n," simula ko. Tinitigan niya lang ako ng "what-do-you-mean-by-that look", I just smiled to him then I started the whole story.

"Si Akira Tohdoh…" I paused, "Ay ang current girlfriend mo."

As I looked on his reaction, I know he's shocked.

"A-Anong? Pa-Panong…" di niya maituloy 'yung gusto niyang sabihin.

"Ok, simulan natin do'n sa bago ka maaksidente," sabi ko. "Na sayo ba 'yung kwintas?" I asked him.

Tumango siya at may dinukot sa kanyang bulsa. "Oo, eto nga dala ko, e," aniya at nilaba 'yung kwintas at ipinakita sa'kin.

"Kung tama ang hinala namin, you're about to give that necklace to Akira. On the way ka na nga e… kaso nga lang the accident happen."

Then our story telling goes on. Simula sa pagkaka aksidente niya, 'yung kwintas, 'yung tawagan nilang Bear Woman at Eating Monster, pati na rin 'yung mga pastries na sabi ko binibili ko pero ang totoo si Akira ang may gawa at kung ano ano pa.

"Alam ko mahirap pang intindihin ang lahat ngayon pero… bakit hindi mo subukang bumalik do'n sa green house niyo dati? I think marami kang maaalala do'n," I suggested.

"So Bear Wo—uhh, I mean Yui-potx, best friend lang talaga kita, ganun ba? Wala tayong romantic relationship tama?" gulong gulo niyang tanong.

"Pffft! PWAHAHAHAHAHAHA!" I can't stop laughing because of what he said.

"Ehh… heheheh…" 'yun na lang ang nasabi niya tas napakamot sa batok.

I take a deep breath first to calm myself. "Sorry… adik ka talaga! Ano 'to?! SYOTAIN ANG BEST FRIEND?! HAHAHAHA!" then I laughed again.

"OY, YUI! GRABE NA, HA! NAKAKAINIS NA!" then he pouts.

"Oy, pareng Tadashi, ha! Do'n mo kay Akira ipakita 'yang nguso mo! Di gagana sa'kin 'yang pagpapa cute mo! Hahahaha!" I know para na akong tanga sa kakatawa. E sa nakakatawa, e!

Huminga ako nang malalim hanggang sa makalma ang sarili ko. "Pweh!" I calmed my self first before continuing what I was about to say. "Marami kang oras na dapat habulin. You better go to that green house to regain your memories about her. I know she's badly missing you." Then I patted his shoulders.

Ngumiti siya at tumango. "Salamat, Yui, ha. Di mo ako pinabayaan. Salamat kasi tinulungan mo ak--" I cut him off. I need to clear something on that part.

"Hep hep hep! 'Yun lang ang hindi ko kayang sarilinin do'n. Actually, 'yung mga pastries? I asked Kei about that. Naki usap ako sa kanya na kung pwede magpagawa siya ng mga 'yon kay Akira. So in short, tumulong din 'yung mga kaibigan mo," paliwanag ko.

He chuckled. "Ganun pala. Andami ko na palang utang sa inyo."

"Oo, kaya para makabayad ka na, go! Pumunta ka na sa lugar kung saan magiging malinaw na ang lahat sayo!" I turn him around holding his shoulders then I pushed him away.

Bago pa man siya tuluyang lumakad, tumingin muna siya sa'kin then he smiled and mouthed 'thank you...'

I just wave to him and do the 'AJA' pause to cheer him up.

Then he started to run.

Tiningnan ko 'yung relo ko to check the time. 6:26 pm, 'yun ang nakalagay.

"Go, my friend. Search for the memories you've lost. Para naman magtuloy na ang love story niyo."

Tadashi's POV

Kagaya nga ng sinabi ni Yui, pumunta ako sa green house. Pagpasok ko palang parang naiimagine ko na agad na, nandoon kaming lahat.

Ang SA class, ang mga kaibigan ko, ang lugar kung saan ako madalas bugbugin ni Akira…

At kung saan ko nakilala ang taong minamahal ko…

Napakatanga ko naman… sa dinami dami ng pwede kong kalimutan, bakit siya pa? Nang dahil sakin nagdusa siya.

"Akira… pasensya ka na. Nang dahil sakin umiyak ka. Di ba dapat ako 'yung taong pipigil sa mga luha mo? Pero anung ginawa ko? Ako ang naging sanhi ng pagluha mo..." napayuko nalang ako.

"Ta-Tadashi?" napalingon ako sa likod nung may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

Akira's POV

I was in my room's veranda nung tumawag si Kei at sinabing pumunta daw ako sa green house. At this time of the day?

Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko, 7:04 pm na.

"Tsk! Ano kayang problema nung Takishima na yun?!" inis kong tanong sa sarili ko. But then, parang may something na nagsasabing "Pumunta ka Akira…" kaya sinunod ko 'yung instincts ko.

Nung nandun na ako sa green house, nakita ko na nakabukas 'yung pintuan.

"Sino namang kayang pupunta dito ng ganitong oras?" takang tanong ko sa sarili ko. Tumuloy parin ako kahit na parang nagdadalawang isip ako. Pagkapasok ko ng Green House, may nakita akong lalaking nakatalikod.

Pero kahit nakatalikod siya, kilala ko kung sino siya.

"Ta-Tadashi?" tawag ko dito, lumingon naman siya sa'kin agad.

"A-Akira?" pareho kaming shock makita ang isa't isa.

"A..Anong… ginagawa mo dito?" tanong ko habang lumalapit ako sa kanya.

"Ah… Ano kasi e… may nagsabi sa'kin na mas maaalala ko ang lahat kung pupunta ako dito." he said then smiled at me. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Napa-iwas naman ako ng tingin sa tanong niya. Bakit nga ba ako pinapunta ni Kei dito? Ugh! Kainis. "Ahh… sinabihan kasi ako ni Kei," alangang sagot ko.

Tumango siya tanda ng pagsang ayon. "Ahh… ganun ba," 'yun nalang ang nasabi niya. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Di ko kasi alam kung ano o paano siya ia-approach. Lalo na sa kalagayan niya pero, ako na rin mismo ang bumasag sa awkward atmosphere na pumapalibot sa amin.

Tumikhim ako at naglakad ng kaunti palayo sa kanya. "S-So… k-kamusta ka na?" bakit ba nag-i-stammer ako!

He chuckled a bit. "Hoy Bear Woman! Wag ka ngang umasta na parang natatakot ka sa'kin!" halakhak niya na talaga namang ikinagulat ko. Did he just call me Bear Woman?

"B-bear Wo-woman?" I can't hardly believe na sinabi niya 'yun. Sinabi at tinawag niya ako no'n!

Ngumisi siya at humarap patagilid. "'Yun 'yung endearment ko sayo di ba?" napatulala ako sa kanya.

'Naaalala na niya?'

Tears starts to fall to my cheeks. "O-Oy! Bakit ka umiiyak?" natataranta niyang tanong saka lumakad palapit sa akin.

"Sira ka talaga! Ansama sama mo! Bakit sa lahat ng pwede mong kalimutan ako pa?!" napa-upo ako sa sahig tapos humagulgol na ng iyak.

"A-Akira…" nilapitan niya ako pero itinulak ko lang siya. Bwiset ka!

"ALAM MO BA KUNG ILANG GABI AKONG IYAK NANG IYAK DAHIL SA PAGKAKALIMOT MO SA'KIN?! ALAM MO BA KUNG GAANO KO KAGUSTO NA BUMALIK NA 'YANG ALAALA MO PARA NAMAN MAKAGANTI NA KO SA GINAWA MO SA'KIN?! GRABE TADASHI!" huminto muna ako sa pagsasalita kasi hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa inis na nararamdaman ko sa kanya.

"NUNG TUMAWAG KA.." napahikbi ako, "NUNG ARAW NA 'YUN! NUNG SINABI MONG MAY... MAY SURPRISE KA SA'KIN. ANSAYA SAYA KO! HINDI DAHIL SA SURPRISE MO... Kundi dahil na-miss kita ng sobra!" At napahagulgol na naman ako. Oo, alam kong para na akong tanga kakaiyak ko pero, matagal ko na kasing kinikimkim 'tong inis ko, e!

Lumalapit parin siya sa'kin kahit na panay ang pagtulak ko sa kanya. Iheard him sigh then he speak.

"Sorry talaga Akira. Kung pinaghintay kita, kung pinaiyak kita. Kaya… sige lang. Bugbugin mo ako hanggang gusto mo… mawala lng yang inis sa loob mo," aniya saka idinipa ang braso niya. As if asking me to do whatever I want to do to him.

And so I hit him. Panay ang pagsuntok ko sa dibdib niya. Bwiset talaga! Bwisit na bwisit ako sa kanya pero na-miss ko siya!

Tadashi's POV

Kahit na sinusuntok suntok nya ako sa dibdib ko, I still managed to hug her.

I can't deny it. Nakalimutan man siya ng isip ko... Hinding hindi naman siya nakalimutan ng puso ko. It keeps on pounding like a drum!

My heart really misses this girl…

"Loko ka Tadashi!" hagulgol niya kasabay ang pagpalo at hampas niya sa dibdib ko. "Pina-iyak mo na naman ako…" she keeps on crying like a kid, it made me smile. Masasabi kong sadista ako dahil tinanggap ko lang lahat ng palo at hampas niya pero, I know I deserve it. I've hurt her... and made her cry. One thing I promised to my self to never do that to her. But then I did.

Pinakalma ko muna sya then I made her face me, then I look into her eyes.

"Sa ngayon, hindi pa na nunumbalik ang lahat ng alaala ko patungkol sayo," she just look into my eyes while listening to what I am saying, "..Pero sana… tulungan mo akong mapabalik ang lahat ng mga 'yon habang sabay tayong gumagawa ng mga bago at masasayang alaala." I said and look directly into her eyes, pleading. "Will you help me remember and make new memories with you, Akira?" Tanong ko at muling tumulo ang mga luha niya. Tumango siya as sign of her response. Pinunasan ko yung mga luhang umaagos sa mukha niya, I can't deny how I miss this girl. This Bear Woman.

"Oo naman tutulungan kita! Naantay nga kita ng 3 months e, 'yun pa kayang panumbalikin ang alaala mo?" she said in a happy tone then she smiled.

Grabe! I've waste so much time being far from this girl!

I just hug her once again then I whisper something to her ears.

"Bear Woman ko…143." Kumalas siya sa pagkakayakap ko tapos tumingin sa'kin.

Kunot noong tumitig siya sa'kin habang nakataas ang isang kilay, "Oo nga pala, ano nga bang ibig sabihin n'yan? Sabi mo noon sasa--" pinutol ko na ang sasabihin niya by saying...

"I LOVE YOU, AKIRA TOHDOH. 143 stands for I LOVE YOU… therefore I love Akira," then I smile at her.

Bigla naman siyang namula nung sinabi ko 'yun. Tsk, why so cute and red, Akira?

Bigla kong naalala 'yung isang bagay pa na nakalimutan kong ibigay sa kanya. "Ah! Oo nga pala!" inilayo ko muna siya sakin tapos kinuha ko 'yung nasa bulsa ko, 'yung necklace. Nung pagkakuha ko no'n, isinuot ko agad sa kanya 'yung kwintas.

"Nung una, hindi ko alam kung para kanino 'yan kasi nga ang isip ko e nakalimot pero… Sabi ng puso ko, para daw 'yan sayo. And I guess tama s'ya don, bagay sayo e… bear." Tinignan n'ya 'yon at bakas sa mga mata n'ya na nagustuhan n'ya, buti naman. "Nakuha nila 'yan sa bulsa ko nung maaksidente ako. And I guess 'yan 'yung sinasabi kong surprise ko sayo," dagdag ko.

Pinagmasdan niya 'yung pendant habang hawak niya ito. "Ta-Tadashi… I… I like it…" tapos yumuko siya. Asus! Nag-blush na naman, o!

Iniangat ko ung ulo niya para magtama 'yung mga mata namin. "Tulungan mo ako Akira, ha. Sana mapagtiisan mo pa ako. Hayaan mong bumawi ako sa mga araw na wala ako sa tabi mo. At kung magkalayo naman tayo, tingnan mo lang 'yang bear na nakasabit sa kwintas mo… kasi 'yung bear na 'yan, nakalimutan man ng isip ko… Di naman nawala ang kapit sa PUSO ko." Tapos nagblush na naman siya. Haha! Bawing bawi ako sa pagpapa-blush sa kanya, ah!

"I-Ikaw Tadashi, ha! Nagka-amnesia ka lang naging sweet ka na!" pabirong maktol niya. Naku... kinikilig ka lang e, haha!

Natawa ako at napakamot sa batok ko. Kunsabagay, weidr ngang maging ganito kami dahil karaniwan, puro kami sigawan, habulan at awayan. "Pabayaan mo na. Bumabawi, e." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya then... I kissed her on the forehead.

"I LOVE YOU, Bear Woman ko."

"I LOVE YOU TOO, Eating Monster ko." I smiled ang pulled her for a hug. Ang sarap pakinggan!

I can't wait to remember all the memories I have with her, and of course, with our S.A friends. Kulang kulang man ang naaalala ko ngayon, alam ko namang madali ko lang maaalala ang mga 'yon dahil ngayon, kasama ko nang uli ang taong kasama kong bubuo at gagawa ng bagong memories. And who knows. Malay niyo hindi lang sina Kei at Hikari ang ikasal one of these days. Haha!

"One kiss on the forehead is much sweeter that a thousand kiss on the lips. No LUST, but full of LOVE & RESPECT."

- Anonymous

Kei's POV

Kasalukuyan akong nakaupo't kaharap ang laptop ko, busy typing stuffs related to our businesses. I was about to press enter and send the e-mail when I suddenly bit my tongue.

"A-Aray... Sino naman kayang nakaalala sa'kin? Tsk. Dumugo pa ata." Binalewala ko nalang 'yon at ipinagpatuloy ang pagtatype. Sana si Hikari 'yon.

~ Fin ~