Chereads / Power of Destiny / Chapter 4 - I Promise You

Chapter 4 - I Promise You

Title: I promise you

Written by: Jancarl Dayos.

———

JANINE'S P.O.V

February 13, 2014

Tahimik lang akong nakaupo habang hinihintay na matapos kumain si Jayson pati na rin ang mga kaibigan niya. Nakasalpak sa kaliwang tenga ko ang isang earphone at nakikinig ng kanta. Nag-iisip ako ng malalim kung ano ba ang gagawin ko. Pinag-iisipan kong mabuti kung paano ko masasabi kay Jayson ang problema ko.

"Ba, 1 + 1?" Tinanggal ko ang earphone sa tenga ko at binaling ang atensyon kay Jayson.

"2." Nakangunot noong sagot ko sa kanya. Ano na naman trip nito?

"Say 'mama~'" Tinignan ko lang siya at napansin na nakatingin pala sila lahat sa akin.

"Mama. Ano bang trip mo?" Natatawang tanong ko dahil parang pinagtitripan na naman niya ko.

"Ikaw trip ko." Sagot nito. Napangiti ako ng konti atsaka inayos ang salamin at buhok kong nagulo dahil sa hampas ng mga kaibigan niyang nasa tabi ko.

"Ang tahimik ko kasi, hindi ka man lang nagsasalita." Dagdag ni Jayson. Hindi na ako sumagot pa at itinabi nalang ang earphones ko. Nakinig ako sa usapan nila pero wala rin akong masyadong naintindihan dahil may mas malalim pa akong iniisip.

Halos kalahating oras din ang lumipas bago sila tumayo at nagdesisyon na magsi-uwian na. Gaya ng nakasanayan, palagi akong hinahatid ni Jayson hanggang sa bahay magmula nung naging legal kami sa family ko. Tahimik naming tinatahak ang daan sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Wala kaming dalang payong.

"Ba, may problema ba?" Basag nito sa katahimikan.

"Huh? Wala naman." Agad na sagot ko sa tanong niya.

"Ang tahimik mo kasi simula kanina. Ang lalim yata ng iniisip mo." Nginitian ko lang ito bago sumagot.

"Promise #1, kapag may problema kailangan sabihin kaagad." Bigla akong nalungkot sa isinagot ko. Ako itong nagpaalala sa promise naming dalawa pero ako itong bumabasag ngayon.

"Sure ka ah?" Paninigurado nito at sinagot ko lang ng tango. Huminto kami sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng bahay. Bago ako pumasok ay yumakap muna ako sakanya.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi. I love you!" Sabi ko sabay kaway sakanya.

"Noted boss. I love you too!" Natawa ako nang konti nang bigla nalang itong kumindat at gawin ang finger heart.

Nagsimula na itong maglakad paalis kaya pumasok na rin ako sa loob ng bahay. Hawak ko palang ang door knob ay rinig ko na agad ang bangayan ni mama at papa. Dahan-dahan ko itong binuksan at dire-diretyo lang sa paglalakad papunta sa kwarto. Sa sobrang heavy ng sagutan nila ay hindi manlang nila napansin ang pagdaan ko sakanila.

Nasa kwarto na ko't lahat-lahat pero naririnig ko parin ang sigawan nila.

"Bakit ba kasi ayaw mong pumayag na umalis? Mas maraming opportunity ang meron sa atin sa London." -Papa

"Hindi ko nga gustong umalis ng bansa. Andito ang mga magulang at kapatid ko, ayaw ko silang iwan ano bang hindi mo maintindihan don?" -Mama

"Jane, may sarili ka nang pamilya at kami yon ng anak mo. Kung ayaw mong sumama, si janine ang isasama ko." -Papa

"At sinong nagsabi na papayag ako, anak ko rin siya at hindi lang ikaw ang magdedesisyon para sakanya. Isa pa, sigurado ka ba na gusto rin ng anak mo na pumunta don?" -Mama

"Mas matututo siya don at sa ayaw o sa gusto niya, wala siyang magagawa kung hindi sumama dahil para rin yon sakanya. Baka nakakalimutan mo, pangarap niyang mag-aral don." -Papa

Sa mga oras na 'to wala akong magawa. Nalilito ako, hindi ko alam kung sino ang susundin ko. Tama si papa, pangarap kong makapag-aral sa London. Tama rin si mama, hindi ko alam kung gusto ko nang pumunta don ngayon.

Ilang oras ang lumipas at hapunan na. Hindi ako lumabas nv kwarto dahil wala akong ganang kumain. Iniisip ko parin kung anong gagawin ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko at nagkunwaring nagcecellphone nang maramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. Umupo sa tabi ko si papa samantalang sumandal lang si mama sa pintuan.

"Anak, nakapagdesisyon ka na ba?" Tanong sa akin ni papa.

"Hindi pa po." Maiksing sagot ko. Sinusubukan kong itago ang lungkot ko sa pamamagitan ng blank expression at paggamit ng phone.

"Anak, kailangan mo nang magdesisyon para hindi na kami mag-away ng papa mo." Sabi ni mama. At this point mas lalo akong naguluhan na medyo nainis. Bakit kailangan nila akong madaliin, ganon ba kadaling pag-isipan ang bagay na 'to?

"Bukas nalang po natin pag-usapan. Inaantok na po ako." Walang ganang sagot ko sakanila. Nagkatinginan lang sila at mukha namang naintindihan nila 'yon. Lumabas sila ng kwarto

Kinabukasan, naiwan akong mag-isa sa bahay dahil parehas na may trabaho si mama at papa. Sabado ngayon kaya walang pasok. Pagbukas ko ng pinto ay halos mapasigaw ako sa gulat nang biglang sumulpot si Jayson. Magtatanong palang sana ako kung anong ginagawa niya dito pero hindi ko na naituloy nang unahan niya ko.

"Happy birthday!" Bati nito sabay angat ng hawak niyang cake na may nakasulat na 'Happy birthday! I love you!'

Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa kanya at sa malaking ngiti niya. Gusto kong ngumiti pero pag-iyak ang tangi kong nagawa. Nag break down ako at bigla nalang napaupo at napahagulgol sa pag-iyak.

Hindi ako okay.

Hindi ako okay dahil sa nangyayari sa pamilya ko about sa plano nila. Hindi ako okay na hindi ko pa 'yon ma-open sakanya. Hindi ako okay dahil nasasaktan at nalulungkot ako.

Ibinaba nito ang cake na hawak niya at saka ako niyakap.

"Bakit? Anong problema?" Tanong nito habang nakayakap sa akin. Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Maski ako sa sarili ko hindi makapag decide.

"Calm down, ba. Tahan na." Sabi nito sabay halik sa noo ko. Sinubukan kong kumalma hanggang sa wala na akong luhang mailabas.

"Thank you so much, ba."

Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang kumalma. Nakapasok na kami sa loob ni Jayson at nakatitig lang ako sa basong hawak-hawak ko na may laman ng tubig. Ayokong basagin ang katahimikan pero alam kong naghihintay siya na magsalita ako.

"Promise #3: Makikinig muna bago magreact." Basag ko sa katahimikan. Hinawakan nito ang kamay ko at saka tumango.

"Nahihirapan ako sa situation ko ngayon. Gusto ni papa na pumunta at tumira kami sa London for good pero ayaw ni mama. Ngayon, pinagdedecide nila ako kung sasama ba ako o hindi." Straight to the point na sabi ko kay Jayson. Pansin ko sa mukha niya ang mabilis na pagbabago ng mood niya. Blank expression then bigla ulit nabago nang bigla siyang ngumiti.

Ngiti na halata mong pilit lang.

"Oh! Diba pangarap mo 'yon na makapag-aral sa london?" Sabi nito. Malaki ang ngiti nito pero kitang-kita ko sa mga mata niya pati na rin ang nginig sa chubby niyang pisngi ang lungkot.

"Hindi ko alam. Ayokong umalis pero ayokong sayangin yung opportunity." Sagot ko.

Muli na namang nabalot ng katahimikan ang paligid. Napayuko lang si Jayson at nakatingin sa mga kamay kong hawak-hawak niya. Malungkot ako pero mas nalungkot ako nang makita ko kung paano umagos ng tuloy-tuloy ang mga luha nito. Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng sobrang higpit.

"Ba, promise #5: always support each other's dream." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tanging pag-iyak at yakap lang ang naisasagot ko.

"Ba, ayaw kitang iwan dito. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik—"

"This will be my promise#15: Maghihintay ako kahit gaano katagal..." Putol nito sa sinasabi ko.

"Struggles are real but fear is a choice. Kailangan lang natin magpakatatag at magtiwala sa isa't-isa. If we love each other, nothing could keep us apart." Dagdag pa nito. Yumakap lang ako sakanya at hindi bumibitaw.

"I'm so blessed and grateful to have you. Babalik ako, babalikan kita at itutuloy natin ang promise #14" Hinalikan ko ito sa noo at muling bumalik sa yakap.

"I promise na hindi ako susuko at tatandaan ko lahat ng promises natin kahit malayo ka. I love you, ba!" Jayson said.

"I love you too!"

February 14, 2019

5 years had passed nang muli akong makabalik sa pilipinas. Hindi ako nagkamali at nabigo. Sa loob ng limang taon, nakaya namin ni Jayson ang layo ng distansya.

Walang bagay ang nakasira sa aming dalawa. Naging mas matatag kami sa kabila ng mga pinagdaanan namin.

Today, February 14th of 2019 ay natupad na rin ang promise #14.

Promise #14: the start of endless chapter in life, wedding.

"Ba, promise #14 done" Sabi ko. Ngumiti ito at saka siya niyakap.

"Promise #15 also, ba. Ngayon, magkasama na tayo at wala nang makakapaghiwalay pa." He smiled then kiss my lips.

Marami akong natutunan sa nangyari sa amin ni Jayson.

Despite of those struggles, magkasama parin kami. Yon ay dahil mahal namin ang isa't-isa at kahit na hindi kami magkasama iisang lugar, magkasama naming hinaharap ang problema.

—The End—