Chereads / Power of Destiny / Chapter 10 - Power of Destiny

Chapter 10 - Power of Destiny

Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng apat na sulok ng madilim na kwarto. Bigla akong napaisip tungkol sa mga bagay-bagay.

Ano nga bang plano sa atin ng tadhana? Meant to be nga ba talaga na masaktan tayo? Na mapagdaanan natin ang lahat ng bagay sa mundo kahit na ang dulot nito ay matinding lungkot at sakit sa puso?

Sabi nila, kailangan daw munang dumaan sa mahabang proseso bago matuto sa buhay. Pero required ba talaga na kailangan mapagdaanan ang lahat bago tayo matuto? Hindi ba pwedeng matuto nalang tayo kahit hindi nasasaktan?

Sa edad na labing pito ay kakaunti palang ang aking napagdaanan. Alam ko na marami pa akong pagdadaanan na pagsubok pero ngayon palang ay mulat na ako sa mga bagay-bagay. Alam kong hindi madali at gising na ko sa katotohanan kung gaano kahirap ang buhay.

Hindi lamang tungkol sa pera kundi sa problema sa buhay gaya ng self realization sa oras, situation at pagharap sa realidad. Hindi ito madali pero naisip ko na wala akong magagawa dahil ang mundo ay isang malaking eskwelahan na sa bawat araw na nabubuhay tayo ay meron tayong aral na natututunan.

Destiny… Tadhana… Ano nga ba ang dalawang ito? Ano nga ba ang tadhana? Ano nga ba ang nakatadhana? Totoo nga bang may tadhana?

Oo, totoo para sa akin. Alam kong meron dahil lahat ng bagay ay nangyayari ay dahil sa tadhana, "Meant to be" Ika nga.

Kapag may mga taong nagmahalan pero hindi nagkatuluyan, ang sinasabi nila ay "Pinagtagpo pero hindi itinadhana." Para sa akin mali 'yon. Dahil ang tadhana ang dahilan kung bakit kayo nagtagpo.

Huwag natin isisi sa tadhana kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay bagkus matuto tayo at harapin ang hamon ng tadhana kung gusto natin magpatuloy ang kung anong koneksyon ang meron tayo sa isang tao.

Hindi na natin mababago at panahon pero maaari nating mabago ang tadhana. 'Yon ay kung pipiliin nating harapin ito at pairalin ang utak.

Hindi ang panahon at ang tadhana ang mag-aadjust para sa tao. Tao, tayo dapat ang mag adjust. Tayo lang ang makakagawa ng mga bagay-bagay na gusto nating mangyari kaya dapat tayong maging malakas at patuloy lang sa pagharap sa hamon ng buhay.

Makapangyarihan ang tadhana. Kahit sino ay maaari nitong paglaruan. Tandaan lang na dapat tayong mag-ingat dahil kaya nitong pasiyahin, pakiligin, palungkutin , saktan at baguhin ang damdamin at buhay ng isang tao.

-The End¬