Chereads / Power of Destiny / Chapter 7 - You are my...

Chapter 7 - You are my...

Title: YOU ARE MY…

Written by: Jancarl Dayos

———

MAZIKEEN'S P.O.V

Kasalukuyan akong nakahiga habang nakatitig sa pictures namin ni Amediel sa cellphone ko. Sa bawat pagslide at lipat ko sa picture ay bigla-bigla nalang akong napapangiti kapag naaalala ang mga memories na nangyari nung araw na 'yon.

Mag bestfriend ang mama namin ni Amediel simula pa nung bata kaya lumaki kami ni Amediel gaya ng mga mama namin na parang kapatid na ang turing sa isa't-isa. Sobrang close namin ni Amediel. Napakabait, protective at sweet niya sa akin kaya madalas din kaming mapagkamalan na magjowa.

Tumatawa nalang kami parehas kapag nasasabihan kami ng ganon pero ako? Aaminin ko na may konting kilig. Alam ko naman na hindi lang best friend ang tingin ko kay Amediel at narealize ko 'yon nung grade 9 kami.

Gabing-gabi na noon at malakas ang ulan nang bigla akong apuyin ng lagnat. Wala si mama at papa noon dahil may inasikaso sa ibang lugar tungkol sa business. Mabuti nalang at magkatabi lang ang bahay namin at bahay nila Amediel kaya madali niya kong napuntahan. Siya ang nag-alaga at nagbantay sa akin nung panahon na wala sila mama. Sinamahan niya ko at binantayan magdamag hanggang sa maging okay ako.

Habang lumilipas ang mga araw at unti-unting lumalalim ang feelings ko para sakanya. Lumipas ang mga linggo, buwan at taon na ganon ang mararamdaman ko sakanya. Never akong mag attempt na sabihin 'yon sakanya dahil natatakot ako... Natatakot ako na masira ang friendship namin at magkaroon ng boundary sa isa't-isa.

Unti-unting namumuo ang mga luha sa akin mata habang patuloy ako sa pagslide sa phone ko. Papalapit na ako ng papalapit sa mapait na katotohanan. Paubos na nang paubos ang oras at litrato naming dalawa.

Napahinto ako sa pagslide sa cellphone ko at nanatili sa huling litrato sa cellphobe ko kung saan masaya pa kaming dalawa...

Kung kaya ko lang sanang baliin ang kamay ng oras, sana ginawa ko na para masabi noon kung ano ang nararamdaman ko.

Alam ko na naman na wala nang magagawa 'yon dahil may mahal na siyang iba at mamaya na ang kasal nila. Nalulungkot lang ako kasi hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon para sabihin ito dahil sa takot.

Ilang oras ang lumipas at andito na ako sa simbahan. Andito na rin siya. Nasa malayo pinto palanv ako ay naaaninag ko na siya sa altar. Palihim kong tinititigan at pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Ito yung pangarap ko eh, kaso sa pangarap ko ako yung bride.

"Congrats! Amediel. This is it!" Sabi ko nang makalapit sa kanya.

"Thank you Mazikeen. Basta walang magbabago best friend parin tayo. Andito lang ako—ay mali na pala haha. Andito lang kami ni Charlotte for you kapag may problema." Sabi nito sabay ngiti. Nginitian ko lang din siya at niyakap.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang seremonya. Pinagmamasdan ko ang mukha nilang dalawa. Kita ko sa mata nila ang saya habang magkatitiganan sila.

Masaya ako para sakanila pero hindi ko ipagkakaila na nasasaktan ako. Pero okay na rin ito. Masaya na akong makitang masaya si Amediel kahit na hindi ako ang kasama niya.

Okay na rin na pala na hindi ko nasabi ang nararamdaman ko. May mga bagay pala talaga na hindi na kailangan sabihin at gamitan pa ng salita.

Ang mahalaga naiparamdam ko sakanya kung gaano ako kasaya na makilala siya. Kuntento na ko na minahal ko siya kahit na hindi niya alam.

Amediel,

You're my special someone...

But I am just your maid of honor.

—The End—