Chereads / Power of Destiny / Chapter 9 - A short story of Loona and Nicolo

Chapter 9 - A short story of Loona and Nicolo

Title: A SHORT STORY OF LOONA AND NICOLO

Written by: Jancarl Dayos

———

LOONA'S P.O.V

April 11, 2009 nang umuwi kami sa Ilocos para

magbakasyon. Matagal ko na rin gustong pumunta dito pero hindi kami makapagbakasyon dahil sa trabaho ni mama at papa. Parehas kasi silang doctor kaya sobrang busy nila sa trabaho at wala nang oras para magbakasyon. Pero buti nalang at kakatapos ko lang sa high school at napagbigyan nila ang hilingko.

Pag-uwi namin sa probinsya nakilala ko si Nicolo. Hindi ko siya gusto nung una dahil sa feel na feel niya ang pagiging cute niya pero dahil sa iisang bubong lang naman kami nakatira, nasanay akong kasama siya at naging magkaibigan din kami. Wala na ang parents ni Nicolo kaya sila lolo at lola na ang kumupkop sakanya. Pinapaaral din nila ito at in exchange, nagtatrabaho siya kay lolo bilang kanang kamay na nagbabantay sa mga tanim ni lolo sa bukid.

Naalala ko pa yung araw na nagkasakit siya. Feel na feel ko ang pag-aalaga sakanya noon dahil siya ang kauna-unahang pasyente ko. Oo, susunod ako sa yapak ng mga magulang ko; ang mag doctor. Napapangiti pa 'non kasi sa tuwing papasok ako sa kwarto niya para painomin siya ng gamot, palagi niya kong sinasalubong ng "Welcome back to my room Dr. Loona Fransiscano."

Nung araw na 'yon, 'don ko rin narealized na gusto ko na siya. Hindi lang ako ang nakapansin kundi pati na rin si papa na pinagtatanungan ko ng tips. Aminado naman ako na papa's girl talaga ko and very open talaga ako sakanya. Kaya nga nung tinanong niya ko hindi ako nag-alinlangan sabihin sakanya ang totoong nararamdaman ko para kay Nicolo. Mabait si papa at alam kong kung ano man ang sasabihin niya ay para 'yon sa kapakanan ko.

Sinabihan niya ako na sa edad ko, normal na ang magmahal. Marami pa daw challenges ang darating sa buhay ko at sa edad na ito dito na magsisimula ang hamon ng buhay. Sobrang saya ko that time kasi binigyan pa ko ng tips ni papa. Okay lang daw magmahal basta ang unang dapat gawin ay mahalin muna ang sarili. Huwag na wag din daw hahayaan na i-take for granted lang dahil hindi naman daw nila ako pinaghirapan buoin ni mama para saktan lang.

Almost a week bago tuluyang gumaling si Nicolo sa sakit niya. Pagtapos 'non ay nag-ikot ikot na ulit kami gaya ng ginagawa namin kapag hapon 'nong hindi pa siya nagkakasakit. Palubog na ang araw 'non at nasa bukid kami hindi kalayuan sa bahay. Nakaupo kami habang pinagmamasdan ang magandang kalangitan. Magkatabi kami noon at tahimik lang na nakatingin sa kalangitan nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Tinignan ko siya at nagkatitigan kaming dalawa. Hindi na namin kailangan magsalita, alam na namin kung ano ang gusto naming iparating sa isa't-isa. Ngumiti ako at ganon din siya.

Few days passed at unti-unti nang nauubos ang oras namin sa isa't-isa. Last day na namin ngayon sa Ilocos at kailangan na naming bumalik sa manila dahil malapit nang magsimula ang school year. Nung araw na 'yon ay pumunta kami ni Nicolo sa lugar kung saan kami nag-aminan ng feelings sa isa't-isa.

"Babalik ka pa ba?" Tanong nito. Bumuntong hininga ako at nanatiling tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya.

"Hindi ako sigurado. Mag dodoctor ako at hindi ko alam kung paano." Sagot ko.

"Magtatrabaho ako sa manila." Napatingin ako sakanya. Kita ko sa mata niya ang lungkot

"Mahirap ang buhay sa manila." Hindi ganon kadaling mamuhay sa manila at ayoko siyang mahirapan.

"Mas mahirap mabuhay kapag malayo ka." Kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa tuhod ko at saka hinalikan.

"Once na makagraduate ako at magkaroon ng trabaho pupuntahan kita"

"Mahal mo ba ko?" Tanong nito sa akin.

"Oo naman." Walang pag-aalinlangang sagot ko sakanya.

"May tayo ba?" Nanatili akong tahimik sa tanong niya. Hindi ko alam at hindi rin ako sigurado kung meron nga ba talaga. Hindi ko na rin naisip 'yon dahil mas pinili kong sulitin ang oras kasama siya.

"Kapag ready na tayo sa commitment tsaka na tayo pumasok. Hindi label ang magdidigta kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. More important is connection." Sagot ko sakanya at napatango lang siya.

"So friends lang tayo?" Tanong nito. Bumuntong hininga ako bago sagutin ang tanong niya

"Special person ka sakin, more than friends." Sagot ko. Ngumiti ito at nginitian ko din siya.

"If it's meant to be, it will be. Someday, magcocross ulit ang landas nating dalawa. Let's just trust the process." Dagdag ko

.

"Mamimiss ko ang doctor ko. Sana matupad mo ang pangarap mo" Nakangiti parin ito kahit na umaagos na ang luha sa pisngi niya

"Mamimiss ko rin ang unang pasyente ko." Ngumiti ito kahit alam kong pilit lang. Lumapit ito at saka ako niyakap ng mahigpit

"Mag-iingat ka don, papakasalan pa kita. I love you." Bulong nito. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Opo, mag-iingat ka rin dito. I love you too." Kasabay ng pagbitaw ko sa mga salitang 'yon ang pagkawala ng mga luha sa mata ko. Sobrang hirap magtake ng risk para ipaglaban 'to. Para pangatawanan itong nararamdaman namin sa isat-isa. Feeling ko ang selfish ko na inuna ko ang sarili kong kapanan kesa sakanya. Alam ko ito ang tama at alam kong naiintindihan niya ko. Pero sana at sana nga ay dumating yung araw na magkrus ulit ang landas namin.

Kinabukasan umalis na kami at bumalik na sa manila. Hindi na ko nakapagpaalam pa kay Nicolo dahil masyado pang maaga. Matapos ang walong oras na byahe ay nakarating na kami sa bahay. Next week simula na ng klase. Nakakalungkot lang kasi sa loob ng 50 days na nasa probinsya ako ay nasanay ako na kasama palagi si Nicolo pero ngayon maski anino ay wala na kong makita.

It's a new chapter of life without Nicolo. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na wala kaming communication ni Nicolo. Mahirap pero kahit papaano ay lumalaban para sa aming dalawa. Para kapag nakapagtapos ako matuloy na yung gusto naming dalawa na someday makapagpakasal kami at maging mag-asawa.

April 2019

Time flies so fast at finally, isa na akong ganap na doctor. Sa lumipas na sampung taon hindi ko parin nakakalimutan ang taong naging motivation ko para mas lalong pagsumikapan at matupad ang pangarap na 'to. Ang una kong pasyente, si Nicolo. Ayon sa balita na nakukuha ko sa tuwing tumatawag sila lolo ay nagkaroon daw ng pagkakataon si Nicolo na makapag-aral sa ibang bansa ng libre dahil siya ay napili sa pinapasukan niya. Nabalitaan ko rin na nakauwi na ito last week matapos ang apat na taon na kontrata niya sa trabaho sa ibang bansa.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa office ni mama at papa para magpaalam sakanila na gusto kong magbakasyon muna sa Ilocos sandali. Sila ang may-ari ng ospital kaya pinayagan naman nila ko bilang anak nila.

Lumabas ako ng kwarto nila nang may malawak na ngiti sa mga labi. Kamusta na kaya si Nicolo? Single parin kaya siya? Finally, matutupad ko na rin ang pangako ko sakanya.

Naglalakad ako sa hallway pero ang isip ko ay nasa malayo na. Iniisip ko kung ano na kaya ang itsura ni Nicolo ngayon. Halos kakalabas ko lang ng ospital nang biglang may sumigaw sa pangalan ko. Agad kong sinundan ng tingin kung saan nanggaling ang boses kung saan bumungad sa akin ang isang lalaking kumakaway naka blue polo na may hawak-hawak na boquet ng bulaklak. Agad akong napangiti at kumaway sakanya. Hindi ko inexpect na makikita ko si Nicolo ngayon mismo. Agad itong tumakbo papunta sa direksyon ko.

Ang ngiti sa aking mukha ay unti-unting nawala nang makita ng dalawang harap ko kung paano tumalsik si Nicolo nang mabangga ng sasakyan. Nanigas ako sa kinatatayuan ko na para bang tinakasan ng kaluluwa. Limang segundo kung saan may nagtatakbuhan ng mga nurse para kunin siya bago ako makagalaw.

"Long time no see Dr. Loona Fransiscano." Nanghihina na ito pero pilit parin niyang sinusubukan magsalita.

"Long time no see. Huwag ka na muna magsalita and please wag kang pipikit. I'll save you please lumaban ka." Nag-aalalang sabi ko. Sobrang daming dugo na ang lumalabas sa katawan niya. Ayokong maging negative pero kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

Agad ko siyang inoperahan pagpasok namin sa Emergency Room. Tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko. Pilit kong nilalabanan ang takot ko.

"I'm happy for you, Dr. Loona. Masaya ako na hanggang dito ako parin ang unang pasyente mo. I love you." Nanghihinang sabi nito. Umiling-iling lang ako at umiiyak habang pilit siyang nililigtas sa bingit ng kamatayan.

"Please lumaban ka, Nicolo." Pasigaw na sabi ko sakanya. Sa mga oras na 'to wala na kong ibang maisip kundi ang mapigilan siya sa pagpikit. Sinubukan kong gawin lahat pero hindi ko parin napigilan ang pagkawala ng malay niya. I tried my best but my best wasn't good enough. Nagstraight line na ang life line na nasa monitor but still ginagawa ko parin ang best ko baka sakaling mailigtas ko siya.

"Doc, tama na po." Mahinahon na sabi sa akin ng nurse. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.

"Hindi, hindi siya pwedeng mamatay. Please! tulungan niyo ko." Pagmamakaawa ko sakanila. Lahat sila ay napayuko nalang at nanatiling nakatayo.

"Time of death, 3:17 pm."

Wala akong magawa kundi ang manahimik at umiyak habang unti-unting nagpa-flashback sa akin ang alaala naming dalawa.

"I'm sorry. Napakawalang kwenta kong doctor. I'm really sorry."

Wala akong masabi. Wala akong maisip kundi siya lang. Sobra akong nagsisisi. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana noon palang sinulit ko na ang oras na meron kami. Sana hindi ako natakot magtake ng risk. Sana lumaban ako kahit papano. "I'm really sorry Nicolo. Mahal kita pero hindi man lang kita nagawang iligtas. I'm really sorry."

Paglabas ko ng E.R ay sinalubong ako ni mama at papa. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Lalo akong nasaktan nang iabot nila sa akin ang isang bouquet ng bulaklak na galing kag Nicolo.

"Congratulations! Dr. Loona Fransiscano. From, your first patient Nicolo."

Kung may pagkakataon lang ako para baguhin ang nakaraan dapat pala nagtake nalang ako ng risk. Sobra akong nanghihinayang sa pagsayang ko sa mga oras na pwede kaming maging masaya.

Life is too short and Time flies so fast. Kung may pagkakataon lang ako na bumalik sa dati sana hindi ko na sinayang 'yon. Sana nung panahong may oras pa para pahalagahan ko siya sinulit ko na. Sana nung mga panahong may oras pa ipinaramdam ko na kung gaano ko siya ka mahal. Sana nung may pagkakataon pa kong makasama siya, sinulit ko na.

Sabi nila true love can wait. Alam ko na kaya naming maghintay. Kinaya naming maghintay para sa success ng isa't-isa at sinasabi nilang tamang panahon.

Pero huli na ang lahat... hindi na kami nahintay ng tadhana at pagkakataon para magsama.

Ang tanong ko lang ay bakit? Bakit kung kailan may pagkakataon na kami para magsama at maging masaya ay tsaka pa siya nawala?

Too late na nang marealized ko na sobrang halaga pala kahit isang segundo lang sa buhay…

At narealized ko 'yon nung wala na kong oras para maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal, Nicolo.

—The End—