Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Historias de amor

🇵🇭GorgiousGrace
--
chs / week
--
NOT RATINGS
26.6k
Views
Synopsis
Historias de amor na ibig sabihin ay 'iba't ibang kwento ng pag ibig.' tunghayan natin ang kwento ng pag-ibig sa panahon ng pananakop ng kaharihang españa. kilalanin si Julian Monreal, Asusena ' sinang', Felicidad 'Feliza' at Fabian. "ang kwentong ito'y wala sa aklat ng kasaysayan ang karamihan na kaganapan ay likha lamang ng may akda. ngunit ang ilang kaganapan rito ay hinango sa tunay na buhay. makikita sa bawat kabanata kung saang aklat ng kasaysayan kinuha ang kaganapan hindi lamang ito kuwento, ito'y nilalaman din ng aral at pagtuklas sa mga kasaysayang hindi napag-aaralan sa paaralan." --- mula kay GorgeousGrace
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata ¦ 1 Recordando

Pagbabaliktanaw

Nababalot ng karimlan ang pihitang kinaroroonan ng isang binata na nasa edad dalawangpong taong gulang.

Namumutla,nanunuyo at namamalat ang tikom nitong labi.

Ang binata Ay may kakisigan ang pangangatawan Ngunit ngayo'y nabibihisan siya ng galos, sugat at mga latay. Ang mga dugo ay nanuyo na at nangitim sa kasuotang gutaygutay na noo'y maputi at kagalang-galang tignan. Nakagapos ang mga Kamay nito abot siko. Siya ngayo'y nakahandusay sa panulukan ng kwadradong pahitan;nanghihina.

Pakurap-kurap lamang ang kanyang mapupungay na mga mata.Narungisan na rin ang kanyang marikit ngunit matangos na ilong, gayon din ang noo'y makinis na pisnging kulay kayumanggi.

Makalipas ang ilang sandali kanilang nabanaag ang pagputok ng araw ng sumulip ang iilang liwanag sa ga-tuldok na butas sa matitibay na muog.Tinuon ang nanlalabong paningin sa mumunting liwanag; pinagmasdang mabuti ang liwanag hanggang sa kanyang paningin ito'y unti-unting yumayabong at nakakasilaw sa mga mata. Mula sa ganoong itsura ito'y naging maaliwalas na kalangitan.

Isang pagbabaliktanaw ng nakalipas.

Ika-26 ng Abril 1896

Maynila

Napakaaliwalas ng langit sa maynila, maamo ang ilong pasig at mapayapa ang mga taong nagdaraan at nagpaparuon sa pamilihan, maririnig mo lamang ang malakas na hangin sa burol.

"Taasan mo pa po kuya." Aniya ng isang batang babae na may edad na anim.

"di na maaari,kakaunti na lamang ang hawak kong pisi." wika ng kapatid na Lalaki. Nasa edad na labing isa.

Ang goryon ay di madaig ng malakas na hangin tila ba isang Agila sa lilim na asul na langit. Ang sikat ng araw ay 'di matayog ng maninipis na ulap.

Maya Maya'y napatid ang pisi at ang goryon ay napakawala sa malawak na kalangitan.

"Ang goryon ko!" hiyaw ng batang Lalaki.

Ang batang babae ay napakimi at nanimulang mamaluktot ang manipis na labi.

Ang goryon ay nawalan ng dereksyon, tuluyang lumihis at nagpadala sa malakas na hangin hanggang tuluyang mawala sa paningin ng magkapatid na ngayo'y naglulupasay. Gayon man ang goryon ay unti-unting huminahon at napadpad sa punong Kahoy.

Di kalaunan marungis na mga kamay na kulay kayumanggi ang sumapo sa katawan ng goryon at dumungaw ang namimilog ngunit singkit na mga mata ng isang binatilyo, Nasa edad labing apat. Isang malakas na ugong ng pabor ang kanyang narinig at mula sa kinaroroonan tinanaw niya ang ga-langgam na mga bapor sa daungan.

"sa tingin ko, yon na nga ang bapor na lunan ng Ginoo." aniya sa sarili.

Dali-dali bumaba ng punong kahoy ang binatilyo at sa baba'y nag-aabang ang mga paslit na nag-uunahang maangkin ang goryong kanyang hawak.

"sandali-sandali!" suwito nito.

Agad namang nagsitigil.

"kuya. . Kuya, Maaari ho bang saakin na lamang ang goryon? " anang isang bata.

"ang goryong Ito'y para sa iyong lahat."

"kung gayo'y simula na nating paliparin." sambid ng batang babae.

"a...e...hindi maaari ngayon, Sapagkat ang inyong kuya ay naatasang sumundo sa Ginoo."

Napasimangot ang mga bata.

Napakamot siya sa kanyang ulo na may makintab na tuwid na buhok ng maaninag ang lungkot sa mukha ng mga paslit. "Aaa... Sige na nga,... Dedong, Halika rito." ipinaypay ang Kamay sa isang batang lalaking nakatayo sa likod na bahagi.

Agad namang lumapit ang bata. "dahil ikaw ang nakakatanda sa inyo, sayo ko muna ito ihahabilin." nakangiting iniabot ng binatilyo ang goryon sabay tapik sa balikat ng batang lalaki.

Gumuhit ang saya sa mukha ng bata.

"Basta't Hindi niyo papaliparin ang goryon ng wala ako."

"Opo kuya!" sagot ng mga bata na di mabura ang ngiti sa labi.

"o Pano? Ako'y yayaon na mga bata." aniya sabay gulo sa buhok ng mga paslit.

"Sige po kuya." Paalam naman ng mga ito.

Ang binatilyo ay dali-daling nagtungo sa daungan sa Ilong Pasig, upang salubungin ang isang Ginoo mula sa itramuros.

Sa panulukan ng hintayan ay di mahulugang karayom sa dami ng taong naroroon.May iba't ibang antas ang mga naroroon , may mga mestizo/a,español, fransiscano/a at ang nakakarami ay idio. Di niya malaman kung saan ba saktong kikitain ang Ginoo.

"Rene!" hiyaw ng isang binata mula sa durungawan ng bapor.

Mula sa nagsusumuksikang mga tao napatingala ang binatilyong si Rene at hinalagilap ng kanyang mga singkit na mata kung saan nagmula ang maginoong tinig na tumawag sa kanyang pangalan. Gumuhit ang saya sa kanyang labi ng matanaw niya ang Ginoong kanyang susunduin.

"Ginoong Julian!" hiyaw nito at ikinaway ang lumang gorang gawa sa anahaw.

Gamit ang hintuturo itinuro ng binata ang luwasan ng bapor.Gayong Sinundan ito ng tingin ng binatilyo na agad tinungo, dinala siya ng mga paa sa isang maikling tulay na kahoy na nagdurugtong sa bapor at daungan at roo'y naghintay, panay tanaw sa mga nagtutulay na may iba't ibang anyo; ang iba'y nakasuot ng magagara't makukulay na baro't saya, ang iba'y nakapang-europeong kasuotan at ang iba'y may katamtamang  kasuotan di mo masasabing mayaman o mahirap,ang iba'y napagkaitan naman ng lipunan. Di yumao'y natanaw niya na ang Ginoong may magara at kagalang-galang na kasuotang amerikano.Makisig kung iyong tititiga ang may kapayatang pangangatawan ngunit ito'y tama lamang para sa isang binata na tulad ng mga binatang mag-aaral sa colegio de San Juan de letran.

"Ginoo." bulalas nito ng harapan na niyang nakita ang binata.Agad Kinuha ang mga maleta de biyaheng dala.

Isinaayos naman ng binata ang bilog na salamin sa mata na may manipis na gintong Kulay sa paligid at saka nagbigay ng isang sulyap na ngiti ang gwapong binata,maging ang mga matang mapungay ay tila ba nakangiti rin. "Salamat, nag-abala ka pang sunduin ako rito." wika nito na tila ba kasing giliw ng hangin ang tinig.

"Wala ho yon,  nagpag-utusan na rin kasi ng tio Gener."anang binatilyo na nagpasulyap din ng ngiti sa labi.

"kung Gayo'y tayo na." anyaya ng Ginoo.

Mula sa inupahang karawahe inilunan ang mga maleta de biyahe ng binata,at saka sila'y sumakay at humayo patungo ng calle escolta.