Ika-apat na kabanata:
Ang pagmamahal na hinubog ng panahon.
------------------------
Mga bata pa lamang kami madalas nang mapag-usapan ang tungkol sa magiging buhay namin ni Julian sa darating na panahon. Madalas na napagpapareha kami dahil sa pagiging malapit naming sa isa't isa.
" Si Feliza at Julian ay tila ba sanggol pa lang ay itinadhana na sa isa't isa, hindi malayo sa darating na panahon sila rin ang magkatuluyan." Saad ng kaibigan ni Donya Trinidad habang pinagmamasdan ang dalawang bata na masayang naglalaro sa bakuran. Napangiti lang si Donya Trinidad sa nasabi ng kaibigan.
"Siguro nga, di malayong mangyari. hindi ba, Señora Trining?." Dugtong ni Donya Elisa.
"naku~ baka masyado pang maaga para sabihin yan." Singit ng ina ni marie. Binuka ang abanico na napupunan ng makulay na dikorasyon bato.
"Señora, hindi mo pa ba iyan nakikita, yan ang sinasabing tandhana-- tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa at tadhana na rin ang huhubog sa kanilang mga damdamin." Saad pa ng isang kaibigan na napapangiti habang nakamasid sa dalawang bata. " Tignan mo, kung gaano nagkakasundo ang dalawang bata." Tinupi ang abanico at tinuro sa dalawang bata na masayang naglalaro.
"tadhana- tadhana na ang naglapit sa isa't isa, tadhana na rin ang huhubog sa damdamin." Mga salita na madalas kong marinig sa kanila sa tuwing nagkakatipon ang mga Donya at Señora.
Lumipas ang mga taon,mga buwan at mga araw. Sumapit na ang panahon ng aming pagbibinata at pagdadalaga. Gayoon din ang pagkakaibigan namin ni Julian ay lumalim.
Ako'y katorse anyos at siya'y kinse anyos. Sa ganoong edad ay may roong namumuong pag-ibig sa aking puso na hinubog ng panahong lumipas. Ang pag-ibig na hinubog sa kanyang pagiging maginoon sa akin. Pag-ibig na hinubog ng malalim na pagkakaibigan.
Ang pag-ibig na nabuo sa puso ko ay nanatiling nakakubli sa aking mga mata dahil umaasa ang aking damdamin na mayroon ding nabuong pag-ibig sa kanyang puso na para sa akin.
Kaya ako ay naghintay na naghintay sa pagdati ng tamang panahon para sa pag-suyo at pag-alay ng aming nararamdaman sa isa't isa.Hanggang sa maganap ang isang malaking okasyon sa tahanan ng Gobernador Heneral ng San Sebastian dito sa probinsya ng albay.
Doon sa okasyon ay naimbitahang dumalo ang mga politiko, mayayamang negosyante at ang mga pare mula sa iba't ibang bayan.
Mula sa karapit na bayan, ang santa Elena, dumalo ang isang mayamang kapitan kasama ang asawa nito at ang tatlong anak.
"Buenas noches, amigo, Labis kong kinagagalak na makita ka muli, Gobernador Heneral." Nakangiting pagpuri ni Kipitan Hidalgo.
" Ako rin naman ay nagagalak sa inyong presensya." Gayon din ang sambit ng Gobernador Heneral.
Mula sa Likurang bahagi ng kapitan lamapit ang may bahay niyang si Señora Solidad at ang kanyang tatlong anak. " Gobernador Heneral, siya nga pala ang aking esposa. " pakilala nito, humawak naman sa bisig ng kapitan ang Señora.
"Buenas Noche, Señor ." bati ng Señora . Hinalikan naman ng Gobernador Heneral ang kamay nito.
"Buenas Noche."
" at ito naman ang tatlong kong anak , na si Juan ang aking panganay (Disesyete anyos), si Sinang (katorse anyos) at Eliana (dose anyos)." Pagpapakilala nito ng mga anak sa Gobernador Heneral.
Naiwan naman sa pangangalaga ng kasambahay ang bunsong kapatid nila na si Juanito tatlong taong gulang.
Nagbigay galang naman ang mga anak nito sa Gobernador Heneral.
"Mukhang may pinagmanahan." Nakangiting pagpuri ng Gobernador Heneral sa kanyang mga anak. "O siya, hali na kayo sa loob." Sabay alok ng Gobernador sa pamilya Hidalgo.
Sila'y naglakad na patungong hapag, doon ay nakahain ang masasarap na iba't ibang putahe, mga paghimagas at mga prutas. Nagkikislapan rin sa ganda ng disenyo ang mga kubyertos, baso at pinggan. Madalas sabihin ng Donya [asawa ng Gobernador Heneral] 'ang mga kobyertos, baso at pinggan ay mula pa sa Europa, mamahalin at elegante, hindi ba?'
Mapapansin rin ang mga kandelarias na hindi nagpapahuli sa pulidong desenyo na gawa sa babasaging materyales, at nadidisenyuhan ng mga iba't ibang makukulay na mamahaling bato.
Sa Mahabang hapag na iyon, naupo ang Pamilya Hidalgo, Kasabay nila sa pag-upo ang iba pang bisita kabilang na ang pamilya ng Gobernadorcillo at ang pamilya ni Feliza.Naupo si Julian sa bahagi kung saan kaharap niya si Feliza. Napangiti ang dalawa ng magtama ang kanilang mga mata.
"Feliza." Pabulong na tinawag ni Julian si Feliza, magkaharap man ay maroon paring distansya ang kanilang pagitan.
"Bakit?" tanong ni Feliza sa paraan na pabulong din.
"Akala ko hindi kayo makadadalo sa handaang ito." Wika ni Julian.
Napapigil ng ngiti si Feliza. " malaking okasyon ito, bakit hindi kami dadalo." Sagot ng dalagita.
Napangiti Si Julian kita ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. Ang noo'y kinukubling ngiti ni Feliza ay lumataw din ng makita ang mga ngiti ni Julian.
Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko ay bumaba ang langit para sa akin. Naging kompleto ang aking pagkatao ng magpalitan kami ng matatamis na ngiti.
Ngunit ang ngiti ni Julian ay naglaho ng mabilis at napalitan ng pagkamangha sa kanyang mga mata.
Nanatiling nakangiti si Feliza kahit naglaho na ang mga ngiti ni Julian." sino bang tinitignan mo at napatulala ka diyan?" tanong pa ni Feliza. Sinundan niya ng tingin ang dereksyon kung saan napako ang paningin ni Julian, doo'y unti-unting naglaho ang matamis na ngiti ni Feliza ng kanyang matukoy kung kanino natuon ang mga mata ni Julian.
"Ngayon ko lang siya nakita rito." Wika ni Julian na di maalis ang tingin kay Sinang na nakaupo sa unahang bahagi, tatlong silya lamang ang pagitan kay Feliza.
"A, siya ang aking pinsan—Si Sinang, mula sa angkan ng aking ina. Taga-santa Elena sila." Saad ni Feliza. Doon niya lamang nabawi ang mga mata ni Julian.
"Talaga?, ngunit sa tagal nating magkaibigan, bakit di mo man lang nabanggit sa akin na mayroon kayong kamag-anak sa santa elena."
"Hindi mo naman kasi naitatanong, at saka bihira lamang silang dumalaw sa aming tahanan, kung dumalaw man ay tangin ang kapatid ng aking ina ang napaparoon." Sagot ni Feliza , at saka tinuon ang paningin sa isdang hinihiman niya sa kanyang pingan gamit ang tinidor at kutsara.
"ah,.. oo nga di ko naisip." tanging nasambit ni Julia, nagpatuloy ang dalawa sa pagkain. Ngunit makikitang pasulyap-sulyap si Julian kay Sinang.
Napuno ng kwentuhan at saya ang harap ng hapagkainan sa tahanan ng Gobernador Heneral. Walang sigundo na hindi sila tatawa at hahalakhak, maging ang musika ay masaya at nakakagiliw. Kahit na sumasabay ako sa pagngiti at pagtawa, ngunit ito'y kahuwadan lamang dahil ang katotohanan nababalot ng maitim na ulap ang kasiyahan sa aking puso, naguguluhan ako kung bakit ganon na lang ang aking nararamdaman.
Pagkatapos ng hapunang iyon, habang nasa sala, nakiusap ang ama ni Sinang na kanyang alayan ng pagtugtog ng Violin ang Gobernador Heneral. Hindi na nakatanggi ang dalagita nang iabo sa kanya ang instrumento. Nakatayo ngayon si Sinang sa harapan ng mga kilalang tao, lahat ng mata ay sa kanya nakatuon, inaabangan ang kanyang pagtugtog.
Sinimulan na ng Dalagita, ipinatong niya sa kanyang balikat ang Violin tsaka sinimulang tipahin ang bawat nota. Napapamangha ang mga naroroon sa husay ni Sinang sa pagtugtog ng Violin.
Si Julian ay napaabante ng hakbang upang makita mabuti ang bawat pag galaw at tugtong ni Sinang. Hindi mapigilan ng binatilyo na mamangha sa anak ng Kapitan.
Noon ko lang naramdaman na hindi puro matatamis na ngiti at kagalakan ang naibibigay sa akin ni Julian, hindi niya alam kung gaano ako nasasaktan sa mga oras na iyon. Ayokong maramdaman ang ingit sa aking puso at pagkalungkot dahil ang mga ngiti ni Julian ay hindi na dahil sa akin kun'di dahil mula na ito sa iba.
Dahil hindi maatim ni Feliza na makita kung gaanong manghang-mangha si Julian kay Sinang, umatras ito at naglakad papalayo kay Julian na hindi siya namamalayan.
Nagtungo siya sa Asotea roon ay tahimik, sariwa ang hangin at ramda niyang mapayapa ang kanyang puso. Kahit hindi maalis sa kanyang isip kung gaano napamangha ni Sinang ang kanyang iniibig.