Makaraan ang ilang minutong pagbagtas ng daan,kanilang narating ang lumang bahay paupahan na tiningala muna ng binata ang kabuohang itsura bago sila pumanaog at tinahak ang madilim at makipot na hagdan.
"pagpasensiya niyo na ho Ginoo kung may karimlan,nakaligtaan ko ho kasing sindihan ang mga lampara." wika ng binatilyo habang patuloy sila sa pagpanhik sa hagdang pinatanda na ng panahon.
"Nauunawaan ko." may giliw na wika ng binata.
Nakakangilo namang pakinggan ang niliklikhang ingay ng bawat hakbang sa bawat baitang ng hagdang kanilang pinapanhik.
"konting ingat lang ho sa pagpanhik ,ginoong Julian,bahagyang mapanganib ang bahaging ito ng hagdan." magalang na tugon ng binatilyo.
"Aba'y, di na ko magtataka kung bigla na lamang akong maglaho rito at marating ang unang palapag." biro ng binata.
Parehong napangiti at nagpigil ng tawa.
Nang marating ang ikatlong palapag sa kaliwang bahagi sa ika-limang pinto. Binaba ng binatilyo ang bitbit na maleta sa kanang kamay. "narito na po tayo." wika nito ng pihitin ang hawakan ng pinto at marahang binuksan at ito'y naglikha ng matinis na nakakakilabot na ingay.
"tio Gener." ngiting pagtawag ng binata ng maaktuhang palakad-lakad ang Tio Gener habang abala sa pagbabasa ng aklat.
Natigilan naman ang matanda at kunot noong napalingon sa kanilang kinaroroonan. Di kinalaunan naaninag niya ang mukha ng nakangiting binata sa kadiliman ng pasilyo.
"Julian!" pangalang lumabas sa kanyang bibig, ang kanyang tinig ay garalgal animo'y parang kung may anong nakabara sa kanyang lalamunan. "Hali kayo, pasok." ipiniid ang aklat na hawak.
Tuluyang pumanaog ang Dalawa. Nilapag naman ng binatilyo ang mga maleta de biyahe sa tabi ng eskaparateng may kalumaan na at kupas na ang barnis.
"buenos Dias,tio Gener." inalis ng binata ang suot na gora at sabay mano sa nangungulubot at madilaw na kamay ng matanda.
Walongpu't anim na taon na ang gulang ng Tio Gener at Di man kadugo, nakasanayan na ng binata na tawagin itong tio na noo'y tendero ng mga kasangkapang pang kusina.
"pagpalain ka ng dios, Hala maupo ka rito upang makapahinga." anyaya nito at nilapag ang aklat sa mesang gawa sa kawayan na may kaliitan.
"Sige ho." walang pagtangging naupo ang binata sa silyo at ipinaypay ang gorang hawak dahil siya'y nakaramdam ng init. Naging abala naman ang matanda sa pag aasikaso.
Nagtungo sa kusina ang tio Gener na tanaw mula sa kinauupuang silyo ng binata.
"Julian, Pagpasensyahan mo na, masikip at mainit ang silid na ito." Ani tio Gener na nakatalikod at panay ang halungkat ng mga garapon na nasa maliit na aparador at may kung anong Hinahanap. "Rene, isaayos mo ang mga nakakalat." mahinang tugon ng tio Gener sa binatilyo na agad namang Sumunod.
"Nakakatuwa nga hong nakarating ako rito." wika ng binata, inaliw ang paningin sa kuwadradong silid na may malaking bintana sa kanang bahagi kung saan tanaw ang calle escolta na maingay. Ngunit mas nakaagaw pansin sa kanyang mga mata ang mga aklat na nagsisiksikan sa iisang istante at naroon din sa sahig ang iba pa. Ang mga aklat ay may kalumaan na, ang iba'y pinagluma na lamang ng makakapal na alikabok.
"Hindi pa rin ho kayo nagbago, siya pa rin ang hilig niyo sa pagbabasa ng libro. " anang binata na natigil na sa pagpaypay ng kanyang gora.
"a!hijo, Ano bang iniinom mo, kape o tsaa?... Ito lang kasi ang tanging maiaalok ko sayo."tanong ng matanda malayo sa sinabi ng binata.
Binaling ni Julian ang kanyang tingin Kay tio Gener na abala pa ring nakatalikod sa kanya.
"Kahit ano ho." may giliw na sagot nito.
Maya maya'y naglakad na ang matanda dala ang dalawang Tasa. "o ayan, Hijo, kape na lamang ang tinimpla ko, at nakaligtaan kong naubusan na pala ako ng tsaa." niabot ang isang puting tasa sa binata na di naman Tinanggihan.
"Matagal-tagal na rin hong hindi nasasayaran ng mainit na kape ang aking lalamunan, simula noong makalipas na dalawang araw."
"at bakit naman?" Tanong ng Tio Gener.
"Dahil sa labis na kagustuhang makakuha ng mataas na marka, Di ko na magawang mamili ng pangangailangan sa dormitoryong aking tinutuluyan."anang Binata at di sinasadyang matanaw ang repleksyon ng sarili sa itim na itim na kape kaya dito'y napako ang kanyang tingin. "bigla kong Naalala si nanong, napapadaan pa rin ho ba siya rito?." wika nito ng sumagi sa kanyang isipan ang kaibigang taga-sagada.
"si Nanong ba kamo?, e napasyal siya rito no'ng nakaraang limang araw araw, sa katunayan galing sa kanya ang kapeng ito." saad ng matanda at sinundan ng isang lagok.
"Kumusta na ho siya? Pinagpatuloy niya pa rin ho ba ang negosyong nais? " Tanong ng binata na binaling at sinundan ng tingin ang matandang naglakad patungong bintana.
"Oo" napangiti ang matanda. "Kaya ayon, may malawak nang lupain ng kape sa sagada, inanyayahan niya akong mamasyal roon kapag nagkaoras akong aliwin ang sarili." sagot ng matanda na muling sinundan ng lagok ng kape.
Napatango naman ang binata at muling nagbalik ang tingin sa kape at marahang lumagok na tila ninamnam ang kaunting kapeng dumaloy sa kanyang labi at lalamunan.
Mahinahong umubo ang matanda na Parang bang nilinis ang lalamunan. "e kay Fabian, Meron ka nang balita?" Tanong ng matanda na Nagbigay ng atmosperong negatibo sa binata.
"nitong nakalipas na tatlong buwan, Mula sa alingasngas na aking narinig sa aming dormitoryo, si Fabian ay tinutugis raw ng mga Guardia civil. Pagkatapos no'n Wala na kong ibang narinig na alingasngas tungkol sa kanya, ni Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit siya tinutugis." ipinukol ang tingin Kay tio Gener. "kayo ho? Meron ho ba kayong nalalaman tungkol sa kanya?" Tanong ng Binata.
Napahugot ito ng hangin sa baga ang matands. "Ang mga matatalino'y Sadyang lumalago ang kaisipan,haayyy~~ maging ang kaibuturan ng lipunan ay kanilan nang naaarok, at patungo ang mga ito sa lihis na landas at layuning di Nauunawaan ng Karamihan."
"layuning Di mauunawaan ng karamihan? " ulit ng Binata sa tonong patanong."kung ang layunin ito'y makabubuti sa karamihan, bakit hindi." Patuloy na sambit ng Binata.
"maaari...ngunit mapanganib sa taong may masidhing emosiyon." ipinukol ang tingin sa labas ng bintana. Tanaw roon ang mga samu't saring tindahan, sa bawat panulukan ng calle escolta. Malalim ang tingin ng matanda sa mga nagdaraang tao, at ito'y napahugot ng malalim na ubo na tila ba lalabas sa kanyang bunganga ang baga.
"tio!" bulalas ng binata na agad inilapag sa Maliit na mesa ang tasa at tumungo sa matanda na humigpit naman ang kapit sa palababahan ng bintana,yaong nahulog na rin ang hawak na tasa.
Sa pagkabigla ng binatilyong si Rene,kanyang Naihulog ang isang Maliit na kahong gawa sa kahoy ng nara.Matibay kaya di nabasag, niluwa lamang ang laman nito.
"ayos lang ako, Hijo." Ani ng matanda na naalalayan naman ang sarili na h'wag tuluyang tumuba.
"mukha iba yata ang ipinahihiwatig ng malalim niyong pag ubo." wika ng binata na umayos ng tindig.
Di naman sinasadyang nabaling ang tingin ni Julian kay Rene na dali-daling isinaayos ang mga gamit na niluwa ng munting Kahon. Nagsalubong ang Makapal Ngunit may magandang hubog na kilay ni Julian ng makilala niya ang mga kagamitang isinasaayos ng binatilyo at mabilis na binaling ang tingin sa matanda na may pagtataka.
"tio Gener, Akala ko ho ba'y tinigil niyo na ang paghithit ng apyan, kaya ba ganyan ang inasal ng iyong ubo?." may kung anong pagsuwito sa pananalita ng binata. "makailangan beses ko nang ipinaliwanag sa inyo ang masamang epekto ng apyan.hindi ho ba?"
Dinampot ng matanda ang tasang nahulog na nabungi ang ilang bahagi ng nguso.
"Rene, Kumuha ka na muna ng basahan don." tugon ng matanda na naubo-ubo pa.
Ang nagsasalubong na kilay ng Binata ay Di nagbago, nakatitig lamang ito sa matanda, titig ng nagsusuwito.
"alam kong ang nais iparating ng mga tingin na yan." anang matanda. "matanda na ko, at lahat tayo'y hahantong din sa hukay. Bakit di na lang hayaan masiyahan ang matanda kong katawan." Patuloy nito.
Noo'y nabura na ang pagsasalubong ng kilay ng Binata.
"Ngunit Tio--"
"wag mo nang isipin ang aking kinabukasan dahil ako'y pabalik na.Mabuti pa'y isipin mo ang iyong sarili na mas malayo pa ang mararating, isa kang magaling na mag-aaral sa medisina at may busilak na puso."
Napatanga ang binata.
Sa kanilang kinaroroonan ay lumapit si Rene upang punasan ang natapong kape sa lapag.
"ako na, hijo." pagpigil ng matanda sa binatilyo at kinuha ang basahang hawak ni Rene.
"mayroon sana ako pakikiusap sayo." wika ng matanda habang patuloy sa kanyang ginagawa at maya maya'y tumayong nakahawak pa rin sa palababahan ng bintana. "maaari mo bang isama si Rene? Makaranas naman ang batang iyan ng kalayaan sa akin."
Napatanga si Rene na ngayo'y nakatayo sa tabi ng lumang eskaparate.
"pero ho,tio, pag Sinama ko si Rene Wala na kayong makakatuwang rito. " Aniya na may pag-aalinlangan sa Pakiusap ng matanda.
"ah Hindi,ayus lang. Dahil ako'y tutungo ng sagada." ngiting sabi nito.Namumutawi sa mga Mata ng matanda na buo na ang kanyang pasiya ng ipinukol ang tingin sa binata at dali ring binitawan at saka naglakad patungo sa kusina Sinundan naman siya ng tingin ni Julian.
"nais kong makakita ng malawak na Taniman ng kape, at makapagluto na rin nito, naipangako sa akin ni Nanong na tuturuan Niya akong mag Ani at magluto ng Masarap na kape, at kung isasama ko si Rene, Hindi ko magagawa ang mga nais kong gawin." Patuloy nito habang binabanlawan ang basahang pinunas sa lapag. Pagkatapos Ay muling Lumingon sa binatang Nakatayo lamang at Naka-tanga.
"bakit ba kayo naka-tanga diyan?" Tanong ng matanda. Muling Naubod Ngunit Di tulad ng kanina.
"mukha hong Biglaan ito, tio." sa wakas Muli itong kumilos at Naupo sa silyong kinauupuan kanina.
"Hindi, noong sinabi sa akin ni Nanong Iyo, sumang-ayon na ako. Ngunit Hindi ako Nagbigay ng takdang araw, at dahil bukas ang Alis mo at Wala naman akong mapag iiwanan Kay Rene, Eh bukas na ang naisip ko." said ng matanda.
Napahugot na lamang ng Malalim na paghinga ang binata.
"kung sa akin na lang po kayo sumama?" anyaya ni Julian sa matandang Naupo na sa kanyang silyo sa kusina.
"Hindi na, at tiyak na Hindi matatanggap ang matandang dilaw na tulad ko, lalo na't isang Gobernadorcillo ang iyong ama."
"uupa naman ho ako ng bagong matitirahan niyo roon."
"Hindi na, nakapangako na ko Kay Nanong." tila Di na Matitibag ang pasiya ng matanda.
Kaya muling Napabuntong hininga ang Binata.
-------------
Kinabukasan
-------------
Ang calle escolta ay Sadyang maingay dahil sa mga naglalako at ang iba'y nananatili sa napiling pwesto. Mga Ingay ng mga mamimiling nagtatawaran sa presyo. Maalikabok ang daan dahil di naman naulan noong hapon at gabi.
"Ginoo, ito na ho ba ang lahat?" tanong ng kutsero. At binaba ang kurtilyon sa likod na bahagi ng karawahe.
"Opo, yan na po." ngiting wika ng binata.
isinaayos niya ang pagkakasuot ng gora at humarap Kay Tio Gener.
"Tio, Paki abot na lamang ang sulat na ito Kay Nanong." iniabot ang sobre na may selyo ng kanyang pangalan.
Kinuha naman Ito ng matanda na may Ngiti. "Sige na't humayo na kayo at mahaba pa ang inyong lalakbayin."
Tumango na lang ang Binata at nagpatuloy na sa paglulan sa karawahe kasama ang insik na si Rene.
Yaon sila'y pinagmasdan na lamang ni Tio Gener habang silay'y lumalayo at paliit ng paliit sa paningin ng matanda, hanggang ang kanilang sinasakyang karawahe ay nilamon na ng langit at Lupa sa dulo ng daan.
*****
"Sa pag-alala ng kamalian"
Ating binabalikan ang nakaraan
Hindi lamang para masiyahan
Kun'din gunitain ang kamalian
Kamalian laman ng kasaysayan
Huwag matakot itama ang kasalukuyan
Pagkat ang nakaraan ang nagpamulat ng ating kalayaan
Kalayaan na ating natatamasan
Sa bawat Pilas ng kasalukuyan
H'wag sanang masayang
Ang nakaraang sumagot sa kalayaan.
Ang paggunita ay di kamalian o kasalanan
Walang mali na ating Balikan ang maling tinahak ng karamihan.
------------------------
Tula para sa mga namulat
Sa katotohanan na ang ating bayan ay may kamalian ding nakaraan.
------------------------
==================
Karatang-ari 2019
==================