Chereads / Historias de amor / Chapter 3 - Kabanata ¦ 3 La festejo en casa Monreal

Chapter 3 - Kabanata ¦ 3 La festejo en casa Monreal

Ang munting salo-salo sa casa Monreal

------------------------

Ang kalangitan ay nabalot ng kumikislap-kislap na mga bituin at tila umaawit ng himno ang mga dahong winawasiwas ng sariwang hangin na dumadampi sa porselanang balat ni Feliza, tahimik lamang ito sa loob ng kalesa. Sa bulwagan pa lang ng tahanan ng Gobernadorcillo ay rinig na ang masayang musika.

"buenas noches,amigo,amiga! Pasok,pasok." may giliw na pagtanggap ng Gobernadorcillo sa mga bisitang nagpapanaog sa kanilang tahanan.

Nakangiting binati ng mag-asawang Lebro ang Gobernadorcillo ng San Sebastian."buenas noches! Gobernadorcillo." Nagtanggal ng sombrero si Do Antonio habang mahigpit naman ang hawak ni Donya Elisa sa bisig ng Don.

"Buenas noches, Don Antonio, Donya Elisa."nakangiting ganting bati ng Gobernadorcillo, hinalikan ang Donya sa kamay.

"Nasaan ang iyong único hijo?" Tanong ng donya na nagpapaypay ng kanyang abanico.

"Si Julian, Siya'y nasa sala lamang, pasok kayo." maginoong wika ng Gobernadorcillo.

"a! Mabuti, Gracias señor." at Saka nagpatuloy sa pagpanaog ang mag-asawa.

Doon lamang nakita ng Gobernadorcillo ang dalagang si Feliza.

"Hija." Sambit nito.

"Buenas noches, señor." Mahinhing bati ng dalaga.Ngiti ang balik na bati ng Gobernadorcillo sa kanya.

Nakasunod lamang si Feliza sa likod ng kanyang mga magulang habang papanhik silang ng hagdan, at ng marating ang unang sala, bumungad sa kanya ang maraming tao roon, may kanya-kanyang kinakausap, maririnig moa ng ingay ngunit hindi maiintindihan dahil sa hindi naman ganoong kalakas ang mga pag-uusap.tahimik na nagmamasid sa mga panauhing si Feliza nang iwan siya sa gitna ng sala ng kanyang mga magulang na tumungo sa kinaroroonan ng Gobernador Heneral upang doon ay makipag-usap.

"Feliza!" tawag ni Marie sa kanyang pangalan.

Napalingon si Feliza kung saan nagmula ang pagtawag sa kanya.

"Marie." bulalas nito na may ngiti sa labi ng makita ang kaibigan.

"ooo~~...asombrosa! sencilla pero elegante.!" [kahanga-hanga!simple Ngunit elegant.]pagkamangha ni Marie sa kanyang kasuotan, nagsara ng kanyang abanico si Marie, bumaluktot ang mga labi na tila nagpigil ng ngiti at napataas ng isang kilay at saka lumapit sa kaibiga na napa-tanga lang sa gitna ng malawak na sala. "hay nakung taong ito! Halika, naroroon sa kabilang sala sila loleng." nakangiting hinawakan ang manipis na palad ng dalaga at siya'y hinatak ng kaibigan patungo sa kabilang bahagi na Sala-- Sala na may kaliitan kaya sa naunang sala ngunit karamihan ay mga dalaga ang naroroon. Naririnig sa salang iyon ang mga hagikhikan at mga mahihinang usapan na di mo maintindihan dahil naghalo-halo na ang kanilang tinig at tawanan ng mga boses babae.

"loleng, naririto na si Feliza." wika ng dalagang si Marie, hawak pa rin ang mga kamay ni Feliza.

Nasa kabilang silid na sila ngunit naiwan ang paningin ng dalagang si Feliza sa salang pinanggalingan.

"¿cómo estás,Feliza? te ves tan hermosa en tu vestida." [Kumusta ka na, feliza? Napakaganda mo sa iyong kasuotan.] nakangiting bati ni Loleng.

Hindi napansin ni Feliza ang sinabi ni Lolong dahil wala ang atensyon nito sa mga kaibigan.

"Feliza." hinawakan ni loleng sa kamay ang dalaga upang mapukaw at matuon ang pansin sa kanila.

"Que?" [ano po?] Mabilis na pinukol ni Feliza ang tingin kay loleng "a! Lo siento, amiga." [ipagpatawad niyo, kaibigan.]paghingi ng tawad ng mapukaw ang atensyon at natuon na ngayon sa mga binibini.

Ang mga dalaga'y nagbigay ng tinging kakaiba, yong tila sila'y kinikiliti, napawasiwas pa ng saya at tinakpan ng kanilang abanico ang mga labi na nagpipigil ng ngiti.

"mukhang may nais makita." bulong ni Loida kay Marie na parehong marahang pinapaypay ang abanico na nakatabon sa kanilang mga bibig.

"naku, parang nga." sagot naman ni marie.

"siya ngang tunay." pagsang-ayon pa ni Loleng.

"nagkakamali kayo!"sabat ni Feliza ng mawari niya ang iniibig-sabihin ng mga tingin at bulong bulungan ng mga kaibigan.Ngunit ang kanyang porsilanang pisngi ay di mapagsinungalingan; ito'y nagrosa.

"taong ito, batid naman namin na sabik mo nang masulyapan ang mapungay na mga mata ni Ginoong Ju--" di natuloy ang biro ni Loleng ng makita ni Loida si Julian, pababa ng hagdan.

"s-si Ginoong Julian." Sambit ni Loida. Sila'y agad napalingon maging si Feliza na mahigpit ang kapit sa kanyang saya ay napukol ang tingin sa Ginoong pababa ng hagdan.

"hindi ba't luwasan iyon? Saan kaya tutungo ang ginoo?" nagugulumihanang tanong ni Marie sa mga kasama.

"Siguro'y sasalubingin lamang ang mga panauhin galing sa Santa Elena." wika ni Loleng.

Binaling na lamang ni Feliza ang tingin sa mga kaibigan at ngumiti at saka binago ang usapan.

"Mabuti pa'y makipagkwentuhan tayo kay Donya Trinidad."nakangiting anyaya nito sa mga kaibigan na madali namang napa-sige sa kanyang anyaya.

****

Sa pagbaba naman ng binata, siya'y nagtungo sa punong mangga na nasa loob lamang ng kanilang bakuran.

Tiningala ang punong mangga. "Rene!" tawag nito.

Mula sa madilim na pinaglalagian ni Rene ay bumaba ito sa sangang mas mababa na bahagyang naliliwanagan ng liwanag mula sa tahanan ng Binata.

"bakit ka ba naririyan? " tanong ng binata na nakatingala pa rin at isinaayos ang pagkakasalo ng bilog na salamin sa matangos na ilong.

Tumalon ang binatilyo mula sa taas ng punong mangga, bitbit sa kanyang kamiseta tsino na damit ang ilang bunga ng manggang maniba.

"e... Kayo ginoo bakit ho kayo naririto? Hindi ba't para sa inyo ho ang gabi ng salo-salo?"tanong naman ng binatilyo.

Napangiti ang binata at lumitaw ang maputi at may magandang pagkakahanay na ngipin.

"Aba'y--naririto ako para sunduin ka?." ginulo-gulo ang buhok ng binatilyo na napangiwi.

"Ginoo, mas mabuti na dito na lang ho ako, nakakahiyang naman hong makihalobilo sa mga taong kilala at may magagarang kasuotan tulad niyo." wika ng binatilyo at napakagat sa manggang hawak.Sa lutong ng pagkakakagat, masasabi mong napaka-katas at masarap ang pagkaka-maniba ng mangga.

"naku, kung nahihiya ka, maari ka naming manatili sa kusina, kahit hindi ka tumulong roon, maaari mong kainin ang kahit alin man pagkain na gustuhin mo. " sabi ng binata na nakangiti sa kanya. "ibinilin ka sa akin ng tio Gener, kaya di ka dapat nagugutuman." kinuha sa kamay ng binatilyo ang manggang kinagantan at kanya naman itong kinain.

"at saka hindi dapat ito ang kinakain mong gabihan." dugtong nito habang nginunguya ang manamisnamis na mangga.

"bakit niyo naman ho kinuha,e... kinagatan ko na ho 'yan." anang binatilyo.

"hindi ka ngumiwi ng kinain mo to, kaya alam kong di ito maasim, at tunay masarap nga." sagot ng binata na patuloy lang sa pagkain ng mangga.

kumuha na lamang ulit ng mangga na nasa kanyang damit si Rene at nang mapatingala,di niya sinasadyang matanaw and dalagang si Feliza sa asotea na nakadungaw at nag-iisa.

"ang ganda niya." ang nasabi ng binatilyo habang napa-tanga sa dalagang walang malay na kanyang tinititigan.

"ano?" tanong ng ginoo.

"Ginoo, nakakita ako ng isang anghel." Saad ng binatilyo na di maalis ang tingin sa dalaga. sinundan naman ng binata ang dereksyon ng tingin ng Rene.

At nang matumpok niya ang sinasabi ni Rene, itong napangiti, ngunit ang ngiti ay para sa dalaga na nasa asotea, na wala pa ring muang na kanilang pinagmamasdan.

"a! siya ang kababata ko na si Felicidad o mas mabuting tawagin siyang Feliza. Binibining Feliza." Pakilala niya sa binatilyong nakatanga pa rin.

"Binibining Feliza…" sambit ng binatilyo.

"at tunay,Siya'y maganda, sa katunayan siya ang tinuturing na pinakamagandang binibini dito sa buong bayan ng San Sebastian. At may roon din siyang mabuting kalooban." dugtong ng ginoo.

"maswerte ho kayo at siya ang inyong kababata." binaling na ni Rene ang tingin kay Julian na nakatingala sa dalaga.

Sa pagliliwaliw ng paningin ni Feliza sa madilim na tanawin, di rin sinasadyang mahagip ng kanyang paningin ang dalawa sa bakuran at roo'y tila mabilis na dumaloy ang dugo sa kanyang katawan ng mapagtanto niya na si Julian ang binatang iyon. Nagwala ang kanyang puso nang kanyang makita na ang binata'y nakatingin sa kanya, hinubad ng binata ang gora at inilapat sa dibdib at bahagyang yumukod ngunit nananatiling nakangiti at di naalis ang tingin sa dalaga. Naistatwa naman ang dalaga at di man lang magawang maihakbang ang mga paa paatras upang siya'y mawala sa paningin ng ginoo.

"siya ngang tunay na maswerte ako." sagot ng ginoo sa binatilyo.

ginaya ni Rene ang kanyang ginawa.

Ang tinginan ng binata at dalaga ay naputol ng ibaling ng binata ang tingin sa binatilyong kasama.

muling sinulot ang gora." o siya, ako'y papasok na sa loob, at ikaw tumungo ka na sa kusina. Wag mong tyagaan ang mangga." tugon nito, at kanya muling ginulo ang buhok ni Rene at dumukwat ng isang mangga sa damit nito.

"papanaog na siya, mukhang di pa ko handang makausap ang ginoo." sambit ni Feliza sa kanyang sarili at napahawak sa kanyang dibdib na para bang lalabas ang kanyang puso sa bilis ng tibok.

"huminahon ka lamang, nakikiusap ako." napapikit ng mariin ang dalaga, ilang sandali ay marahang iminulat ang mga mata at parang isang hiwaga na sinalubong sa kanyang mga paningin ang kamay ng ginoo na may hawak na mangga.Nandilat ito at mabilis na binaling ang tingin sa binatang nakatayo habang ang isang kamay ay nasa likod, at ang isa't hawak ang mangga na tila iniabot sa kanya.

"ano to?" bulalas na tanong ng dalaga.

"mangga." nakangiting sagot ng binata. "hindi ba't ito ang paburito mong prutas, manggang maniba lang."

Napapikit-pikit ang dalaga habang nakatitig sa manggang hawak-hawak ng binata.

Nakatingin lang si Julian na di mawaglit ang ngiti sa labi at bahagyang inangat ang kamay, tila ba muling inalok sa dalaga ang mangga.

kinuha na lamang ito ni Feliza."s-salamat." tanging nabigkas ng dalaga.

"kumusta ka na?" tanong ng binata na ngayo'y parehong nasa likod na ang mga kamay. Nabaling ang tingin ni Feliza sa ginoo na nakatanaw sa malawak na hardin na nababalot ng karimlan, may iilang bahagi na mayliwanag dahil sa mga posting ilawang nakasindi.

"mabuti naman." nakangiting sagot ni Feliza sa binata t'saka binaling ang tingin sa hardin. Pareho na silang tumatanaw sa karimlan ng hardin."e.. Ikaw, kumusta ang pag-aaral sa maynila?" balik na tanong ng dalaga.

"Masasabi kong, mabuti naman ngunit mas nakakasabik na muli akong makauwi rito."sagot ng binata.

"nakipagkuwentuhan kami kay Donya Trining, kanina."

"kay Ina?"

"Base sa balita, ika'y isa sa magagaling na estudyante ng colegio de san juan de letran." Wika ng dalaga. "ngunit tila nalungkot ang iyong ina ng sabihin niya sa amin na ikaw raw ay nasangko sa isang gulo." dugtong ng dalaga.

"a! 'yon ba?." napangisi ang binata ng marinig iyon.

Ang tingin ng dalaga ay mabilis napukol sa kanya, tanaw sa mga mata ng dalaga ang pagkagulumihanan.

"hindi ka naman--" may tono ng pag-aalala ngunit mabilis niya itong binago sa Mahinahong tinig. "hindi ka naman isang basag ulo, hindi ba?."wika ng dalaga.

Hindi naman inaasahan ng dalaga na titingin sa kanyang mga mata ang binata kaya sa pagkabigla ay nilitis niya agad ang paningin sa ginoo at nagkunwaring may natatanaw sa madilim na bakuran.

"sinong nagsabing ako'y basag ulo?" napapangiting tanong ni Julian. "ako'y umawat lamang sa dalawang pangkat na nagkainitan.Mga estudyanteng español at indio. Nagsagutan ata at di nakapag-timpi, a...e... Di ko alam ang puno't dulo, Basta't ang alam ko'y inawat ko lang sila at dahil sa pag-aawat ko,ako ang natamaan ng suntok ng isang estudyanteng español at dinala sa klinika.haha! Hindi ba't nakakatawa.Dahil ang estudyanteng napadaan lang at nag-awat ay siya pang isinugod sa klinika. Haha! " saad nito na natatawa nang maalala ang mga nangyari.

Napangiti at nagpigil ng tawa si Feliza, kinubli sa abanico ang bibig na nais nang matawa.

"akalain mo, nakarating pa rito ang balitang basag ulo ako? Dahil Siguro ako ang nakitaan nila ng pasa sa mukha.haha!" muling saad ng ginoo, at sa puntong iyon ay napatawa ang Mahinhin na dalaga.

Bahagyang natahimik si Julian,doon niya narinig ang malambing na tinig na di napigila ang pagtawa.

"sa wakas, narinig ko rin ang iyong tawa." nakangiting wika ng binata.

Napatigil bigla ng tawa ang dalaga."A, p-pasensya na at nadala lang ako ng iyong kwento." ang kalma niyang puso'y muli na namang nagwala.

"hindi, ayos lang sakin... kanina pa kasi kita napapansin diyan na parang hindi ka komportable sa akin." saad ng binata. " masama ba ang iyong pakiramdam?" sinapo ng likod ng kanyang palad ang noo ng dalaga. Mabilis na umiwas ang dalaga kung kaya't hindi ito nadampian ng palad ng binata.

"a... w-wala ito, ayos lang ako, siguro dala lamang ng malamig na hangin rito sa asotea." dahilan ng dalaga, ang mga pisngi ay nanimulang magrosa.

"namumula ka." may pag-aalalang tono ng pananalita ni Julian.

Agad ikinubli ang mga pisngi sa kanyang abanico upang matabunan ang nagrorosang pisngi.

"paumanhin sainyo, Siñorito, señorita, magsisimula na ho ang salo-salo." Pagsabat ng alila.

Napalingon naman ang ginoo sa alila na di kalayuan sa kanilang likuran.

"a! Sige, paroroonan na kami." nakangiting sabi ng binata.

"talaga bang ayos ka lang?" muling tanong ng ginoo.

"o-oo, w-wag kang mag-alala, ayos lang talaga ako." nakangiting sagot ng dalaga.

"kung gayon, tayo'y pumasok na at baka mapagkamalan pa tayong nagliligawan rito." may birong sabi ng binata.

Napangiti ang dalaga ng sabihin ang biro na iyon. Nagsimula silang maglakad papasok sa loob. Sa kanilang pagtungo sa hapag, natanaw ng tatlong kaibigan ni Feliza na magkasama sila. Nabaling ang tingin ni Feliza sa tatlo na nagbulong-bulongan at ngiting-ngiti na nakatingin sa kanilang dalawa.Hindi naman iyon napansin ng binata.

Binigyan ni Julian ng pag-alalay sa pag-upo si Feliza at saka siya naupo sa tapat na bahagi ng dalaga.

Pinasimulan ng dasal ng kura ng san Sebastian ang pag-kaing nakahain. Pagkatapos ng dasal nagsalita ang Gobernadorcillo.

"Antes de comenzar a comer, quiero presentar mi viaje pacífico de Unico Hijo, Julian Monreal y ahora celebramos su llegada."[bago tayo magsimulang kumain, nais kong ipakilala ang aking unico hijo,si Julian Monreal na mapayapang nakapaglakbay at ngayo'y ating pinagdiriwang ang kanyang pagdating] saad ng Gobernadorcillo na nagtaas ng baso para sa ginoo.

"Gracias y vienes a esta ocasión, mi gratitud es grande." [salamat ho sa inyo at napaunlakan niyo ang munting imbetasyon na salo-salo, taos puso ako nagpapasalamat] maikling talumpati ng binata.

"bien comencemos a comer." [o siya, Tayo'y kumain na.]

Nagsimula nang maglibot ang mga alila upang maglagay ng mga pagkain sa kanilang pinggan at magsalin ng mga inumin sa kanilang mga baso. Habang nagkakalantugan ang mga kobyertos sa pinggan, nagsimulang magtanong ang isang Ginoo kay Julian.

"Julian, ibahagi mo naman sa amin ang iyong karanasan sa Colegio de San Juan de Letran." wika ng Ginoo.

Pinunasan na muna ni Julian ng puting panyo ang kanyang bibig bago ito napangiti at magsalita. "naging mabuti naman ho ang pag-aaral ko roon at ako'y nasisiyahan mamalagi sa maynila."

"hindi ba't nasangkot ka sa isang gulo sa loob ng Escuela?" saad ni Padre Rolando na dating kura ng san Sebastian.

"Siya'y nag-awat lamang sa mga estudyante nagkapikunan." sagot ng Gobernadorcillo.

"gayon na nga ho." dugtong ng binata.

"¿Quiénes son estos que pelearon?"[Sinu-suno ba itong mga basag ulo?] naitanong ni Ginoong Antonio, na gigila sa paghihiwa ng lutong karne sa kanyang pinggan.

"e sino pa ba? E...ang mga indio." mariing sabat ni Ginoong Chua ang ama ni Marie, sabay subo ng pagkain.

"hindi lamang ho mga filipino ang naroroon sa gulo,sangkot rin ho ang mga estudyanteng español." saad ni Julian.

"e! Sino pa ba mag sisimulan ng gulo? Kun'di sila lang na mga indio." napakumpas pa ng kamay sa hangin. Ang pari na si padre Rolando. "los idiotas son realmente locos!" [Talagang mga baliw ang mga indio.] at saka napasubo ng pagkain.

Naging mainit ang usapan na kanina lamang ay nababalot ng kasiyahan.

"naku, oo nga! Nakakapangilabot na rin ang panahon ngayon, Hindi ba't dumarami na rin ang mga tulisang kabataan?" dugtong ni donya Elisa.

Ang mga panauhin na nakapalibot sa mesa ay nagbulong-bulungan. "Ang mga alingasngas na naririnig ko, tungkol sa mabilis na pagdami ng mga tulisan ay talagang nakakakilabot."

"may nakapagsabi na rin na nahihirapan ang mga guardia civil sa pag huli sa mga ito dahil tinatapatan na rin ang kanilang mga sandata."

Umubo ang Gobernador Heneral na tila nilinis ang lalamunan upang maagaw ang atensyon ng mga panauhin.

"paumanhin mga Ginoo, ginang, binibini. Ang usaping ito'y naipahatid na sa hari ng España, kaya wag kayong mabahala." saad ng gobernador heneral.

"hindi ba't nararapat na sila'y agad Hatulan ng bitay at h'wag nang iparating sa hukuman ang mga binatang tulisan." mariin ang tono ng pananalita ng kura na si Padre Rolando.

"may nakapagsabi na ang binatang si Fabian ay nakiisa sa mga tulisan at kilusang binuo ng mga hamak at walang kwentang indio. " wika ni Donya Celestina ang ina ni Marie.

"hindi ba't nahuli na ang binatang iyon?" anang ibang naroroon at muling nagbulong-bulungan.

" Hindi napatunayan na si Fabian ay isang tulisan, dahil ito'y nakapag piyansa at may mga patunay na siya'y isa lamang hamak na estudyante ng colegio de san juan de letran sa kursong pag-aabugasya, at ang tungkol sa kilusang kinasasangkutan ng binata ay di pa napapatunayan." Saad ng Goberndorcillo.

"tanging mga huwad na patunay ang nakapalaya sa binatang tulisan." Giit ni Don Rolando.

"hindi ba't kabilang sa kilusang iyon ang isang manunulat?. Si..? Si Dr. Rizal ba iyon? "dugtong na tanong ng isang ginoo na naroroon.

"naku, malaking sakit sa ulo ng kaharian ng España ang Dr. Jose Rizal na yan, kanyang nilapastangan ang simbahang katoliko at ang España , kaya'y marapat na Siya'y bitayin!." nanggagalaiting wika ni Padre Rolando.

"at mukhang maraming kabataan at iba pang indio ang nais sumunod sa kanyang yapak, tulad na lang ng Fabian na yan." Dugtong ni Don Antonio na lalong Nagpainitan sa ulo ng gobernador heneral.

"pati ba naman ang usapin ng pamahalaan ay dadalhin pa natin sa hapag na ito?" may diin ang pananalita ng gobernador heneral.

Si Julian ay nakikinig lamang sa mga usap-usapan, nanatiling pinid ang bibig kahit naririnig niya ang tungkol kay Fabian.

"hayaan niyo na lamang." wika ng gobernador heneral. "hayaan niyo na ang usapin na iyan sa pamahalaang España."

Natigilan ang ilan dahil sa sinabi ng Gobernador Henenral.

Napahinga ng malamin ang Gobernadorcillo."A, Mga ginoo at Ginang, maari ba nating pag-usapan iyan sa susunod na pagtitipon-tipon, hayaan na muna nating ipagdiwang ang mapayapang pagdating ng aking anak." pakiusap ng Gobernadorcillo ng kanyang mapansin ang di maputol na usap-usapan sa harap ng mesa.

Gayon pa man ang dalagang si Feliza ay malayo ang isipan.

"a...e! Kung gayon, kamustahin natin ang usaping pag-ibig ng Binata." wika ni donya Celestina, napangiti ng malawak ang donya.

Parehong nasamid si Julian at Feliza ng marinig iyon.

Ang tatlong kaibigan ni Feliza ay patagong natatawa at tila sila'y tinatamaan ng kilig.

"Siguro naman, mayroon ka ring balak ma magkaasawa." Wika ni Donya Elisa.

Nagkatinginan ang dalawa, ngunit mabilis ding nagbitaw.

"E.. Hijo, sino nga ba nagpapatibok ng iyong puso?...Meron na nga ba?" nakangiting tanong ni Donya Elisa.

Di malaman ni Julian kung paano sasagutin ang mga katanungan ng Ginang.

Napangiti si Julian at napaisip kung anong tamang salita ang sasabihin.

"meron na nga ba, anak?" ulit ng kanyang ina.

Ang lahat ng kadalagahan roon ay naghihintay sa sasabihin ng binata.

"a... Wala pa naman ho." sagot nito at inayos ang pagkakasalo ng salamin sa mata.

"naku! Ang batang ito!" tila nais tumawa ni Donya Elisa. "wala ka bang napupusuan sa mga dilag na naririto?" dugtong na tanong ng ginang.

"po? " tila nabingi si Julian sa narinig at napangiti.

At ang lahat na nasa mesa ay napatawa, ang mga kababaihan naman ay nagpigil ng tawa at napangiti na lang.

"Bakit hindi na lang ang aking unica hija, hindi ba't magkababata kayo." udyok ng Donya sa dalawa."walang imposibleng magka-ibigan ang magkaibigan." dugtong nito.

Namilog ang mga mata ni Feliza sa sinabi ng kanyang ina, di alam kung anong sasabihin.

"Kung yan ang makakabuti sa dalawa, total naman, simula pagkabata ay sila na ang nagkakasama. Hindi ba?" saad ni Donya Trinidad, napatingin sa kanyang asawa.

"Mapag-uusapan natin iyan." Sagot ng Gobernadorcillo na napangiti.

"pero—" hindi napatuloy ni Feliza ang sasabi ng magtama ang kanilang mga mata ni Julian na bahangyang umiling.

"bakit , Feliza?" natanong ng kanyang ama.

"W-wala ho." Sagot na lamang ng dalaga, at napababa ng tingin.

Natapos ang salo-salo usapan sa Tuksuhan at iringan.

****

Matapos ang mahabang pag uusap sa hapag Ang mga panauhin ay isa isa nang nasi-uwian. Tanging ang mga alila na lamang ang naiwan sa hapag upang mag-ayos at maglinis.

Sa asotea, magkasama roon si Julian at Feliza.

"bakit hindi mo sinabi? " tanong ni Feliza habang nakatanaw sa madilim na langit, marahang ipinapaypay ang abanico.

"ang alin?" tanong ng binata, na kaparehong Nakatanaw sa langit na nababalot ng bituin.

"yung tungkol kanina?" ulit ng dalaga.

"Sa dami ng napag-usapan sa hapag di ko na malaman kung alin ang tinutukoy mo."nakangiting sagot ng binata.

Binaling ni Feliza ang tingin sa binata." tungkol sa pag-ibig."saad niya. "hindi ba't hindi naman totoo ang iyong sinagot kanina. "wika ng dalaga.

Sa puntong ito'y napatingin na ang binata sa mga malamlam na mga mata ng dalaga.

"dahil hindi pa ang panahon para sabihin sa aking mga magulang ang totoo, ayokong magkagulo sa hapag. At ayoko ring madamay ka." nakangiting sabi ng binata.

"Pero, parang magiging komplikado lang lalo ang lahat, ngayon na nais nila tayo ang magpakasal, Julian---" may pag-aalala na ang tono ng pananalita ni Feliza. Naputol ang sasabihin nito ng siya'y nginitian ni Julian.

"Wag kang mag-alala, alam kong hindi naman ako ang iyong gusto, at alam mong may iba rin akong napupusuan. Kaya para sa ating dalawa, maraming paraan upang hindi matuloy ang kanilang binabalak na kasal para sa aking dalawa." Mahinahon na saad ni Julian. " ngumiti ka na, dahil pangako, hahanapin ko si Fabian."

Napatahimik si Feliza, nais niyang humikbi, umiyak ngunit hindi niya iyon magawa sa harap ng taong mahal niya, dahil ayaw niyang masira ang kaligayahan ni Julian. Nais niyang sumigaw upang mailabas ang matagal nang kinikimkim ng kanyang puso, pero si Julian pa rin ang iniisip niya. Hindi ngumit si Feliza, bagkus siya'y yumko lamang, upang hindi maaninagan ni Julian ang mga luhang namimintana sa kanyang mga mata.

Sa katotohanan, ang aking damdamin ay natutuwa kung sakaling magyari na kaming dalawa ni Julian ang mag-isang dibdib, ngunit, kasawi ako kung si Julian naman ang magdudusa. Hindi ko alam kkung ano ba ang dapat kong gawin.

"Feliza, hali na, uuwi na tayo." wika ng ina nito mula sa sala, di kalayuan sa asotea.

Parehong napalingon ang dalawa sa Donya.

Tsaka binaling ni Julian ang mga tingin kay Feliza."Binibini, magandang gabi na lamang, salamat sa gabing ito." Paalam ng binata.

Nagbitiw lamang ng maikling ngiti ang dalaga at ito'y naglakad patingon sa kanyang ina.Hindi niya na nagawang lingonin ang binata kahit alam niyang siya'y pinagmamasdan nito hanggang sa makasakay ng kalesa.