Mairy Alois Hernandez
Dalawa't kalahating linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikibuan ni Ignis. Sa tuwing makakasalubong niya ito sa labas ay nilalagpasan lang siya nito, ganun rin naman ang ginagawa niya. He'll just visit her every night to say goodnight and after that, he'll leave.
Sumisikip ang kanyang dibdib sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Ignis. Oo, masaya siya noon na nakikita itong nasasaktan, masaya siyang nakikitang nahihirapan ang taong sumira sa buhay niya. But now, she's not happy anymore.
Pinagsisihan niya ang mga ginawa niya kay Ignis noon. Sa katunayan ay kinakain na siya ng konsensya. Sa tuwing naaalala at napapanaginipan niya ang nakaraan. How she chained him and make him suffer was her biggest mistake. She betrayed him and so is he. Kung alam niya lang sana na siya ang magiging dahilan kung bakit ito unti-unting magbabago edi sana hindi niya na ginawa ang mga bagay na 'yon.
Mapait na napangiti si Alois. She deserve all of this. May kasalanan rin siya. Huminga siya ng malalim at pilit na inaalis sa kanyang isipan ang mga bagay na kinasasakit lang ng ulo niya.
Pinakatitigan niya ang kisame. May isa pang tao na hanggang ngayon din ay hindi pa niya nakikita ulit, ang ama niya, ayaw niya rin naman na makita ito at isa pa, narinig niya na marami itong ginagawa. He's busy, he's the king afterall. Pasan niya hindi lang ang emperyo pati na ang mga mamamayan.
Bagot na bagot na siya. Dalawang oras lang ang pwede niyang itagal sa labas ng silid niya at kadalasan wala naman siyang ibang ginagawa kapag lumalabas, nagmamasid lang siya sa hardin na alagang-alaga noon ng yumao niyang ina. She's not allowed to step outside the boundary of east wing which is the center of this huge castle. Nagtataka na tuloy siya kung ano na nga ba ang itsura ng iba pang parte ng kaharian.
"Gusto kong lumabas." Aniya sa tagapagsilbi na nakaatas sa kanya.
Nag-aalinlangan itong nang sagutin siya.
"H-hindi na maaari, prinsesa. Lumabas ka na kanina."
Napairap siya. "So what? Lalabas ako kung kailan ko gusto." Umalis siya sa pagkakahiga't umupo sa gilid ng kama. Napangiwi siya sakit nang yumuko siya para suotin ang flats.
"M-mahal na prinsesa! A-ako na po ang magsusuot ng sapatos niyo."
Hindi na siya umimik. Sa halip umayos na siya ng upo. She caresed her baby bump. Pinagsisihan niya ang ginawa niya kanina. It's too dangerous to do that.
Dahan-dahan siyang tumayo nang matapos na ang tagapasilbi. Ipinangtakip niya sa itaas na bahagi ng katawan niya ang see through na white scarf.
"Hindi mo ba ako pipigilan?" Tanong niya sa tagapagsilbi bago buksan ang pinto.
Tumaas ang kilay niya nang ngumiti ang katulong. Why is she smiling?
"Hindi po mahal na prinsesa. Kayo na rin ang nagsabi sa akin kanina na nagsasawa ka na po na makulong sa silid na ito." Itinago nito sa likod ang kamay. "Kaso malalagot ako sa hari at sa prinsipe, pero ayos lang. Makita ko lang na masaya ang anak ng reyna ay masaya na rin ako."
Nabitawan niya ang pagkakahawak sa door knob.
"Thank you."
Ngumiti ulit ito.
"Basta prinsesa, huwag kang tatakas."
Umangat ng kaunti ang magkabilang gilid ng labi niya sa sinabi nito.
"I won't escape. Sa kalagayan kong ito, sa tingin mo ba makakatakbo ako? I'll just give him what he wants— an heir and after that, I'll be off to go."
Humakbang na siya palabas sa silid ngunit hindi pa man siya nakakalayo ng tuluyan ay narinig niya ulit na nagsalita ang tagapagsilbi.
"Kailangan mo ba talagang gawin 'yan prinsesa? Kailangan mo ba talagang isilang ang tagapagmana ng prinsipe?"
Mapait na napangiti si Alois. "Yeah, if this baby will make him happy and stop pestering me, then why not?"
Hinarap ni Alois ang malungkot na tagapagsilbi.
"This is just a baby. My freedom's more important than this thing growing inside my womb."
Nabahiran ng sakit ang mukha ng tagapagsilbi sa sinabi niya. Tuluyan nang naglakad palayo si Alois. Tanging ang tunog lang ng paglapat ng sapatos na suot niya ang maririnig sa pasilyong tinatahak niya. Bawat kanto ng mga pasilyo ay may mga nakabantay kaya alam na niya na hindi rin magtatagal ang paglilibot niya sa kaharian.
"Mahal na prinsesa, bakit ka lumabas?" Tanong sa kanya ng isa sa mga nagbabantay.
"Kasi hindi ako pumasok." Pambabara niya rito.
"Papagalitan kami ng prinsipe."
"Walang pagagalitan kung walang magsusumbong. So shut up and zip your mouth. Let me enjoy my oh so called freedom." She said. Pinagpatuloy niya ang paglalakad.
Walang ibang nagawa ang tagapagsilbi kundi ang mapakamot sa ulo bago bumalik sa pwesto.
Ilang taon din hindi nakita at naikot ni Alois ang kaharian na ito. Pamilya na siya sa mga pasikot-sikot pero may mga ibang silid at lugar na nagbago. She decided to go to the west wing od the castle, may gusto siyang puntahan na silid. Bigla tuloy gumanda ang mood niya.
May nakakasalubong siyang tagapagsilbi at mga palace guard, sinesenyasan niya lang ang mga ito na huwag mag-ingay o magsumbong kung hindi ay malalagot sila sa kanya.
Malayo-layo rin ang lalakarin niya, nananakit na ang mga paa niya pero hindi niya ito ininda. Mabilis na siyang mapagod na siyang ikinakainis niya.
She caresed her baby bump. Huminto siya sa paglalakad para saglit na magpahinga. Nang medyo mawala ang hingal ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad.
She was humming when she entered her favorite room back then— the music room.
Pumikit siya saglit bago huminga ng malalim. Nakangiti niyang isinarado ang pinto bago tahakin ang daan papunta sa mga intrumento na ngayon ay natatakpan ng mga kulay puting tela. Amoy na amoy din sa silid ang mga alikabok pero hindi niya ito ininda. Nagtungo muna siya sa binta at hinawi ang kurtina nito. Pumasok ang liwanag galing sa labas. She opened the window, kasabay nito ay ang paglakas ng hangin.
Sumabay sa hangin ang pagsayaw ng kulay puti niyang buhok.
Lumawak ang ngiti niya. "It's good to be back in this room, mom." Nilingon niya ang grand piano. Nakita niya ang masasayang ala-ala sa silid na ito. Siya at kanyang ina na masayang tumutugtog ng piano. Ang pagtawa nilang dalawa sa tuwing nagkakamali siya, ang nakangiti at masayang mukha ng kanyang ina— Her memories with her mother.
Hindi namalayan ni Alois na umiiyak na pala siya. Pinunasan niya ang luha sa pisngi bago tuluyang maglakad papunta sa piano. Inalis niya ang kulay puting tela na nakatakip dito bago umupo sa upuan.
She started playing debussy clair de lune. Marami pang mga ala-ala ang rumehistro sa kanyang isipan which makes her happy and sad at the same time.