Chereads / His Concubine / Chapter 23 - Chapter 21

Chapter 23 - Chapter 21

Ignis Connor Alexandre Aeternam

Natakot ang lahat nang marahas na isarado ni Ignis ang pinto ng kwarto ni Alois. Inaasahan niya na makikita niya ito sa loob ngunit wala, ni anino ni Alois ay hindi niya nakita.

She escaped, that was the first thing that comes into his mind. His hands are trembling for two reasons. First, because of anger and second, because of fear. Natatakot siya na baka nakatakas na ito. Hindi siya pwedeng takasan ni Alois lalo na't buntis ito at maselan pa ang kalagayan nito. Marahas na sinabunutan ni Ignis ang sarili.

ganoon na ba kadesperada si Alois na makalayo sa kanya? She really hates him.

"Find her!" Malakas at ma-autoridad na utos ni Ignis sa mga tagapagsilbi.

Kaagad na sumunod ang mga tauhan niya. Nagtakbuhan sila sa iba't-ibang direksyon.

"Sinabi kong bantayan mo siya, Lithana!"

"I'm sorry your majesty, pinatawag ako ng mahal na hari kaya't hindi ko siya nabantayan."

Nagulat sina Lithana at Rilen nang suntukin ni Ignis ang pader. He pinched the bridge of his nose. Where the heck is she? Why does she kept on escaping? Damn it! Hindi pwede.

Malalaking hakbang ang ginawa niya para hanapin ang babae. Ilang beses niyang sinabi kay Alois na hindi ito pwedeng kumilos dahil maselan ang pagbubuntis nito. Nag-aalala siya hindi lang sa bata, pati na kay Alois. Yes, he's worried at paulit-ult niyang dinasabi sa sarili niya na hindi niya dapat ito nararamdaman.

They had a deal, hindi ito pwedeng sirain ni Alois.

Nasa unang palapag na siya ng Palasyo. He searched all the rooms ngunit wala. Damn it! Sunod niyang tinungo ang kusina at naabutan niya ang mga taga luto na masayang naghahanda ng pagkain. Nilibot niya ang buong palapag hanggang sa makarating sa sa nagsisilbing dinning area ng palasyo. He was about to leave when he heard a voice. He knows who owns that beautiful voice— Alois.

Tumakbo siya papasok sa dinning hall and there he saw Alois— crying. Mas dumoble ang pag-aalalang nararamdaman niya sa nakita pag-aalala. Wh mafe her cry?! Nilipat niya ang tingin sa lalaking nakayuko sa harapan nito. Umigting ang panga niya sa galit.

"Ismael."

The fvck is he doing here?! Mahigpit niyang pinagbilin na huwag itong hahayaan na makapasok sa palasyo at makalapit kay Alois. What is he planning to do?

"At saan ako nababagay? Sa lugar na ito? Sa impyernong ito?! Ikaw na mismo ang nagsabi noon na hindi mo hahayaan na makabalik ako sa palasyong ito pero ikaw din pala ang isa sa mga magiging dahilan para maibalik ako dito."

Napako siya sa kinatatayuan sa narinig. Puno ng pait at galit ang boses ni Alois. Hindi niya alam pero parang may kung anong tumusok sa puso niya. She call this place a hell. She used to love this empire.

"Umalis ka na Ismael. Sinabi ng umalis ka na!"

Nanatiling nakatayo si Ignis. Hindi rin nagtagal ay nagsimula ng lumabas si Ismael. He composed hiself.

"What did you do to her?" Aniya gamit ang seryosong boses.

Malamig ang mga mata niya at gano'n din si Ismael. Nagsukatan sila ng tingin.

"Hindi ba't ikaw dapat ang tanungin ko niyan." Ismael paused. "What have you done, Ignis?"

Naiyukom niya ang kamay. "I didn't do anything."

"Really?" Lumapit ito sa kanya. "You ruined her life, Ignis. You ruined this kingdom."

Sa isang iglap ay nakahiga na sa sahig si Ismael. Umagos ang dugo sa putok nitong labi. Ismael wiped the blood in his nose. Tumayo siya.

"Ikulong niyo siya." Utos niya kay Lithana at Rilen na kararating lamang.

"Ikukulong mo ako? Bakit Ignis? Natatakot ka ba?"

Natawa si Ignis sa sinabi nito. "Wala akong rason para matako— "

"You do have a reason to be scared. Natatakot ka na itakas ko siya rito at kuhanin sa'yo. You're still the old Ignis  na natatakot na mawala si Alois, na natatakot na baka maagaw ko siya sa'yo." Nakangising sabi ni Ismael. "You see me as your rival, noon pa man."

Bumulagta ulit ito sa sahig. This time, pumaibabaw siya kay Ismael atsaka ito pinaulanan ng suntok. Walang umawat sa ginagawa niya. He kept on punching him. He'll make sure Ismael's face will be destroyed. Wala ng makakakilala rito.

"Hindi mo siya maaagaw sa akin." Kinuwelyuhan niya ito.

"Kaya ko siyang agawin sa'yo. Isang sabi ko lang na tutulungan ko siyang tumakas ay kaagad din siyang sasama sa akin."

Nagdilim lalo ang paningin niya. Malakas na suntok ang pinakawalan niya bago umalis sa pagkakadagan dito.

"You still love her, Ignis. You can't lie to me... brother."

Saglit siyang natigilan ngunit kaagad din na nakabawi. "Shut the fvck up!"

He was about to kick him nang makita si Alois. Nakatingin ito sa bugbog saradong si Ismael bago ibaling sa kanya ang atensyon.

Akala niya ay lalapit ito sa kanya, but he's wrong. Ibang tao ang nilapitan nito at si Ismael 'yon. His eyes saw how Alois touched Ismael's face. Nababahiran ng pag-aalala ang mukha nito. He looked at them with an envy.

"Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala nitong tanong kay Ismael.

Tila ba may tumarak na isang daang punyal sa puso niya sa nakikita. Nakatayo lang siya habang pinapanuod si Alois na daluhan ang lalaking kinasusuklaman niya.  Kitang-kita ng mga mata niya kung gaano ito nag-aalala.

Mapait siyang ngumiti.

He's hurt too. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Walang anu-ano niyang hinatak si Alois palayo kay Ismael. Sinenyasan niya ang tauhan niya na ikulong na ito.

"Saan niyo siya dadalhin?! Let go of me Ignis! Sasama ako kay Ismael."

He slapped her, and it was too late to realize what he just did. He hurt her again. Pinigilan niya ang sarili niya yakapin ito. Nadala lang siya ng galit, lungkot at inggit. He didn't mean to hurt her.

"I'm sorry." Gusto niyang sabihin ang salitang 'yan ngunit hindi niya nagawa.

"W-why do you keep on hurting me, Ignis?"

Why do you keep on hurting me too, Alois?

Inilapit niya ang mukha niya rito.

"You're not going anywhere, Alois. Hindi mo ako iiwan." He said before kissing her forehead.