Chapter 8 - Girl Crush

Aerin POV

Papalubog na ang sikat ng araw, ngunit hindi ko parin siya nakikita. Palinga-linga na ako sa paligid pero wala talaga ito. Kanina pa rin ako paikot ikot sa mansyon, ilang beses ko ng nakasalubong si Lucas, pero siya...hindi ko parin namamataan.

At saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon? Gustuhin ko mang magtanong hindi ko magawa. Ayoko naman na mag-isip pa yun ng kung anu-ano sa akin 'no?

At teka nga! Bakit ko ba siya hinahanap? Malaki naman na yun, kaya na niya ang sarili niya. Hindi ko na kailangang mag-alala pa sa kanya.

So nag-aalala ka nga?

Wait...what? Hindi ako nag-aalala sa kanya ha. Hindi lang ako sanay na hindi ito nakikita. Marahil nasanay lang ako na palagi itong nakabuntot sa akin o hindi kaya naman ay iinisin ako.

Naisip ko rin na..mas maigi ng nang iinis ito kaysa sa ganitong tahimik ang paligid ko. Napanguso ako...hindi ko naman siya namimiss, hindi ba? Isa pa, hindi na tama itong nagkakaganito ako sa kanya ano? Sa lahat ng tao na makakaramdam ako ng ganito bakit sa kanya pa? Babae kaya yun!

Bigla akong natigilan at napatakip sa aking bibig noong sandaling sumagi sa isipan ko na baka...

"B-bisexual ako?" Bulong ko sa sarili habang napapailing.

No no no no...hindi yun maaari. Pero, am I really attracted to her? Ibig ba nitong sabihin...I'm into boys and I'm into girls?

Pero...papaano kung straight siya? Paano kung may nobyo pala ito. Paano kapag may iba na itong napupusuan?

Pero diba hinalikan ka niya nakaraang araw lamang? Paalala sa akin ng aking isipan.

Bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang nangyari noong mga nakaraang araw. Ang ginawa nitong panghahalik sa akin.

Hindi ko rin tuloy maiwasan ang hindi mapahawak sa aking dibdib dahil sa biglang pagkabog nito ng malakas.

Naiinis na nagpa gulong gulong ako sa ibabaw ng aking kama. Ano bang ginawa sa akin ng babaeng yun? Hindi ko aakalain na makakaramdam ako ng ganito lalo na at sa isang babae pa.

Napadako ang aking paningin sa laptop na nasa ibabaw lamang din ng aking kama. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil naisip kong gawin.

Basta ko na lamang binuksan iyon at dumiretso sa google. Pagkatapos, ay napapindot sa keyboard ng mga salitang gusto kong malaman ang ibig sabihin.

'Signs that you might be bisexual.' Ang unang lumabas sa monitor ng aking laptop noong sandaling pindutin ko ang search bar nito.

Napalunok ako bago nagpatuloy na sa pagbabasa. 'Congratulations on possibly being bi. We might have haters, but it's oh-so-fun. Figuring out your orientation can be scary and stressful.'

Napailing ako na tila ba ayaw ko ng ituloy pa ang binabasa. But then, my curiosity really hits me, so I have no choice but to continue this shit.

Number one: If you find yourself fantasizing about sex with another gender than the one you're already boinking, while you're boinking, but you want it all, you might be bi. Go ahead an update your Tinder settings to start flirting and act out those fantasies.

Hindi pa naman ako umaabot sa ganoong sitwasyon, tama? Like duh! Bakit ako mag iimagine na nakikipag sex sa Billy na yun?

Kay Billy kaagad? Hindi ba pwede na sa ibang tao na muna? Napaghahalataan ka huh! Tuyo na naman ng mapang-asar kong isipan.

Number two: You watch porn with all genders...and want to act on it. Women, are basically bisexual because they experience arousal from watching lesbian porn, even if they identify as straight. You want to act on it rather than just watch it, you might be bisexual.

Awtomatikong napaubo ako ng mabasa ko ang mga salitang iyon. Ramdam ko rin ang pang iinit at pamumula ng mga pisnge ko. What the hell? Did I really..whatever. Napairap ako sa sarili. Next number.

Number three: When straight people have sex with their own gender, they can take it or leave it. And if you've tried, enjoyed, and felt like sex with all genders feels as sex should, you're probably bisexual.

Napahinga ako ng malalim bago isinara na ng tuluyan ang aking laptop. Pwew! Ayoko na. Bakit ba naisipan kong gawin iyon?

Bisexual man ako or what. I don't care! Hindi naman importante ang gender kapag nagmahal ka, hindi ba?

Ang mahalaga minahal mo ang isang tao dahil sa kabutihang loob na taglay nito. Bacause we might fall in love in souls not genders.

At kung ano man itong nararamdaman ko sa babaeng iyon, I need to figure it out first. Baka naman dahil masyado lamang akong nasanay na kasama ko ito palagi at nakikita sa araw-araw.

Isa pa, marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Sa buhay niya. Kung nasaan ang pamilya nito. At kung anong nangyari sa kanyang ama na hanggag ngayon ay pilit parin na ginugulo ang aking isipan dahil sa nangyari noong gabi na iyon. Napaka misteryoso naman kasi niyang tao.

I would like to take this opportunity to know her more. Paano kaya kung ligawan ko siya? Para lamang makuha ko ang loob nito. Para narin malaman ko ang lahat ng sekreto nito sa buhay.

Napaisip ako.. Tama! Liligawan ko nalang ito. Pero...napakunot ang noo ko habang naglalakad patungo sa veranda ng aking kwarto.

Kaya ko bang gawin yun? Eh hindi nga ako marunong sa panliligaw. Babae rin kaya ako 'no? Nagdadalawang isip na tanong ko sa sarili.

Pero, kaya ko' to. Pampalakas sa loob na sabi ko sa sarili.

Medyo dumidilim na ang paligid. Kaagad na napatingin ako sa suot kong relo.

Uyyyy, may hinihintay siyang dumating. Pang-aasar na naman ng aking isipan.

Sandali pa akong nakatayo roon ng may bigla akong makita sa ibaba na pamilyar na awra ng babae. Kusang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nang galing ako sa pag takbo, ng makita ko ang mukha ng taong buong araw kong hinahanap at inaasam na makita.

Hmp! Nakakainis na ha. Gusto ko lang naman ng kaaway iyon lang 'yon. Huwag kayong feeling masyado na para bang gusto ko ang taong tinutukoy ko.

Awtomatikong gumuhit ang mga ngiti sa aking mga labi at mabilis na lumabas mula sa loob ng silid ng kuwarto kong iyon.

Halos liparin ko ang kinaroroonan nito para lamang makarating kaagad sa kanyang harapan. Napahinto ako sandali upang kalmahin ang sarili ng ilang hakbang na lamang ang layo ko mula sa kanya.

Napa buga na rin ng hangin sa ere.

"Ehem!" Pagtikhim ko pa. Magsasalita na sana ako ng makita ko ang tinitignan nitong babae mula sa monitor ng kanyang laptop.

"She's pretty, right?" Wika nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang tignan kung may kausap ba ito at kung may ibang tao pa ba sa paligid maliban sa akin.

"A-ako ba ang kinakausap mo?" Tanong ko rito bago napaturo sa aking sarili gamit ang sarili kong daliri.

Napatango ito. "Yup!" Simpleng sagot nito na halata mong wala sa mood.

Alam niya palang nasa likuran niya ako. Napabuntong hininga ako. Hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin. Samantalang dati naman ay paparating pa lamang ako, ang lakas lakas na kaagad ng boses ko.

Muling napatikhim ako. "May ubo ka ba?" Kaagad na tanong nito sa akin dahilan para mapairap ako. Tatanungin ko pa naman sana siya kung kumusta ang araw niya? O kung nag-enjoy ba siya sa kanyang day off...kaya lang, huwag na.

Mukhang wala naman akong makukuha na matinong sagot mula sa kanya eh.

Hindi na pigilan ng mga mata kong mapadako muli sa kanyang laptop, na hanggang ngayon ay nandodoon parin ang mukha ng babae na kanina pa yata niya tinitignan.

Napatingin ako sa mukha nito. Makikita mo na matamlay ito. At malungkot.

May nangyari ba? Tanong ko sa sarili. Mukhang hindi kasi siya okay eh.

Napayuko ito bago napangiti habang napasulyap muli sa litrato ng babae. Hanggang sa tuluyan na nga nitong isinara ang kanyang laptop. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagbaling ng tingin sa akin.

"I had crush on this girl." Panimula niya. "Catherine. That's her name."

Ibig ba niyang sabihin...Girl crush niya?

Napalunok ako na tila ba mayroong bumara pa sa aking lalamunan. "And?" Tanong ko pa halatang na bitin sa kanyang sinasabi.

"Uhmmm...I met her months ago. Sa party kung saan mo ako unang nakita." Right. I still remember that night.

Noong unang gabi kung kailan ko rin ito unang nakita. Kung kailan ako unang mahumaling at napatulala sa angkin nitong kagandahan. Noong gabi na wala akong ibang maipintas sa kanyang mukha. Sa beach resort na iyon, kung saan nagsimula ang pagbanggaan ng aming mga mundo.

Teka nga...kaagad na napailing ako sa mga naiisip ko. At muling ibinalik ang atensyon sa kanyang kwento.

"She's so damn pretty, Aerin." Sambit nito. Mahahalata mo kung gaano kalaki ang paghanga nito sa babaeng iyon. Tss! Di hamak naman na mas maganda at tiyak na mas mayaman ako doon, 'no?

"My world stop when I saw her face. Pero hindi iyon nagtagal. Sandaling...pagkakataon lamang ang ibinigay para sa akin.." Napangiti ito. Iyong ngiti na malungkot parin.

"And you know what? We've met again earlier, today. Ang saya saya niya pa nga eh. Habang nag riride ng kabayo" Napahinga ito ng malalim bago natawa ng mahina. "Alam mo ba kung anong nakakatawa?"

"Malamang hindi. Hindi naman ako ikaw eh." Pamimilosopong sagot ko rito dahilan para tignan ako nito ng masama.

"Ang nakakatawa ay iyong nalaman ko na...girlfriend pala siya ng best friend kong si Breeze." Hindi nakaligtas sa akin ang pag galaw ng panga nito. Halata mong nagpipigil ng sobrang emosyon.

"So I have no choice but to endure the pain, the whole day. I felt so brokenhearted. Kasi ang akala ko magkaibigan lamang sila, katulad namin ng bestfriend ko. Ang saya ko pa noong makita ko siyang muli dahil sa wakas, hindi ko na ito kailangang i-stalk sa kanyang social media. But then, it happened. Everything always happen, in unexpected ways."

"Awww. That's SO...Sad." Pang aasar ko pa sa kanya bago umarte na parang naiiyak. "Don't worry, you'll find another one." Biglang pagbawi ko naman.

"I didn't know you're a lesbian." Mabilis na napaangat ito ng tingin sa aking mukha. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang 'yon lumabas mula sa aking bibig.

"W-what I mean--

" Bakit? May problema ka ba sa mga LESBIAN?" Bigay diin nito sa huling sinabi.

Kaagad na napailing ako bago muling napalunok. "W-wala naman. Nagtatanong lang eh." Pagkatapos ay tahimik na sinaway ang aking sarili.

"You know what? May ideya ako." Pag-iiba ko ng usapan upang tanggalin ang awkwardness.

"Wala kong tiwala sa takbo ng utak mo." Naiiling na sambit nito bago napatawa.

Hindi ko rin tuloy mapigilan ang sarili na hindi mapangiti sa loob. Sa wakas! Napangiti na itong muli. Iyong ngiti na namiss kong makita sa buong araw.

Ops! Kalma ka self. Girl crush lang din itong nararamdaman mo sa kanya. Okay? Hanggang doon lang yun.

"Sobra ka naman." Kunwari pang nagtatampo na sabi ko rito. "Bakit hindi nalang...hindi nalang natin iinom yang pagiging busted at broken hearted mo? What do you think?" Tanong ko rito bago napataas baba ng aking kilay.

Natatawa na napatayo ito bago nag-inat ng katawan. "Sure! Hindi ko tatanggihan yan." Kaagad na pagpayag nito.

Nagulat man, kaagad na itinago ko iyon mula sa kanya. Napakagat ako ng aking labi upang pigilan ang sarili na huwag kiligin.

Shit!

Liligawan ko na ba siya? Ako talaga? Si Aerin Hamilton, manliligaw sa isang Billy Ross na bodyguard ko?