Chereads / MONZARVAS ALESHA (tagalog) / Chapter 47 - C H A P T E R 42

Chapter 47 - C H A P T E R 42

***

Mabilis niyang kinasa ang hawak na baril walang emosyon na walang awa niya itong pinaputukan habang nag mamakaawa sa kaniya. ilang beses pa bago niya itinigil ang pag papa putok sa lalaki na halos tadtad na ng tama ng baril umuusok pa ang hawak niyang baril.

Saka niya inayos ang suot na damit, mariing niyang iniabot ang baril sa tauhan niya.

"Handa na ba ang lahat? " She said with no emotions.

"Handa na ho, ang lahat Young Lady. "

Mariing siyang tumango bago nag lakad kasunod ang iba niyang mga tauhan papalabas ng lumang gusali.

Isang taon na ang nakalipas madami na rin ang mga pinag daanan niya ang buong akala niya ay hindi na siya makaka survive pa sa mga kamay ni don Sebastian.

At sa Isang taon na iyon walang labis at walang kulang ang pagka miss niya sa kaniyang anak. at ipina ngako niya sa akaniyang sarili sisikapin niyang makaligtas at makaalis sa puder ng Hukluban na kinulong at pinahirapan siya na parang Hayop.

Maging siya ay hindi niya aakalain na mapapabagsak niya ang matanda. dahil sa taglay niyang abilidad at lakas.

Salamat sa tulong ni Shone Saadevbra dahil tinulungan rin siya nito na mapatay ang matanda. at sa pagpatay niya sa matanda naging matunog ang pangalan niya sa larangan ng Arena, bawat

inilalaban sa kaniya ay kisap mata niya lamang na papabagsak at na papatay.

At dahil yon sa itinurok sa kaniya Ni Shone Ang bloody Syndrome' kung saan ang isang taong matuturukan nito ay maaaring magkaroon ng lakas at siya ang kahuli hulihang tinurukan, dahil bigo si Shone sa ibang tinuturukan nito ay hindi kinakaya ng katawan ng tao ang gamot at iyon ang dahilan ng mabilis na pagkamatay ng mga na tuturkan ng Bloody Syndrome.

Namangha si Shone ng malaman nito na mabilis ang ipekto nito sa katawan niya at mabilis tinanggap.

subalit para sa kaniya isa iyon sumpa na hindi niya gugustuhin na nasa katawan niya.

"Young lady? "

Mabilis siyang napalingon matapos maalala ang mga nangyari sa kaniya.

"let's go. " Tipid niyang sabi. Saka siya pumasok sa sakyan.

Sabik na siyang makita ang kaniyang Anak, at ito na ang oras para makita at makasama na niya ito.

©Rayven_26