PAKIRAMDAM ni Chyiarah ay biglang sumikip ang napakalawak na rooftop. Pero hindi pa siya nakakahakbang ay hinaklit nang lalaki ang braso niya. Dahil hindi inaasahan ay hindi rin niya nagawang panghawakan ang balanse.
Bumagsak siya sa kandungan ng estranghero at malakas na napasinghap. Dahil sa pagitan ng mga hita niya ay nararamdaman ni Chyiarah ang namumukol nitong pagkalalaki na hindi kayang itago ng suot nitong slacks.
He was so fucking horny!
At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam si Chyiarah ng magkahalong takot at pagnanasa.
Napakatinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para lang hindi maipulupot ang mga braso sa batok nito. Paano niyang gagamitin ang kanyang flirting expertise sa lalaking nagagalit at nang-uuyam sa kanya? Maski pa gaano siyang naaakit sa karisma nito ay hindi niya kayang gawin ang karaniwang ginagawa.
At madumi ang tingin nito sa kanya. Kitang-kita niya iyon sa nag-aapoy nitong mga mata.
Nag-aapoy… kung sa galit o pagnanasa ay hindi niya masigurado. Dahil kung kanina ay punong-puno ito ng pagnanasang nakatitig sa kanya, mabilis iyong napalitan ng disgust at pang-uuyam.
Just because of that confession page!
"Let me go, you fucking stranger!" Kulang ay malagot ang litid niya sa pagsigaw sa mukha nito.
Napahawak tuloy ito sa isang tainga habang ang isang braso ay mahigpit na nakapulupot na baywang ng dalaga.
"Oh! I'm sorry. I haven't introduced myself, yet."
Sandaling dumaan ang amusement sa gwapong mukha ng binata. Sandaling-sandali lang at bumalik ang cold at disgusted na anyo nito. His face tightened. Hindi niya tuloy masigurado kung talaga bang nakita niya ang magandang expression na iyon sa lalaki.
"I'm Andreu Clothar 'Thrace' Bachelor."
Kulang ang salitang 'nagimbal' para ilarawan ang hitsura ni Chyiarah ng mga sandaling iyon.
Bachelor…
He is a Bachelor! More or less ay kapatid o pinsan ito nina Loridee at Kuya Axyl. Pero… bakit hindi niya ito minsan man nakilala? Ganitong napakalapit ng mga pamilya nila sa isa't-isa.
Bakit hindi niya nalaman na may nakakasira ng sistema sa kagwapuhan na miyembro ng angkan ng Bachelor?
Though, hindi niya maitatangging ang pitong magkakapatid na Bachelor ay pulos mga naggagwapuhan. At ang kaibigang si Loridee ang woman version ng mga ito. All siblings were nerve-wrecking gorgeous! At kung isa ito sa walong magkakapatid, o kung pinsan ito ng mga iyon, walang duda na ito ang pinakaangat para sa kanya.
But the point is, bakit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang gwapong lalaking ito? They were in the same circle.
"N-No. Imposible 'yon." Wala sa loob at mahinang sabi ng dalaga. Sa sobrang hina ay hindi siya sigurado kung narinig pa nito.
"You already knew me, now."
He breathed against her neck. And gentle nibbling down her cleavage. Pagkatapos ay umangat ang bibig nito paakyat sa kanyang tainga at marahang sinimsim ang kanyang earlobe. Pigil ni Chyiarah ang paghinga kasabay ng pagpipigil sa sariling maapektuhan ng mga pang-aakit nito. Pero talagang mas makapangyarihan ang tawag ng laman.
Isinalya niya sa likod ng kanyang isip ang ideya na dapat ay nagagalit siya rito sa panghuhusga nito sa kanya. Hindi naman siya nito ganoon kakilala katulad ng kung paanong wala din siyang alam patungkol dito, maliban sa katotohanang relative ito ng mga kaibigan niyang magkapatid na Bachelor.
"Siguro naman ay pwede na tayong dumeretso sa ini-o-offer mong pleasure sa mga lalaking nagugustuhan mo."
At bago pa siya muling mabaliw sa masarap na pakiramdam, na dala ng haplos ng mainit nitong hininga sa kanya, ay muling nakabalik ang matinong kaluluwa.
Mabilis na umigkas ang isang palad ni Chyiarah sa mukha nito at dahil magkadikit sila ay hindi naging malakas ang impact noon.
"How dare you?!" Galit na singhal niya sa lalaki at pilit kumawala sa animo bakal nitong brasong nakapulupot sa kanyang maliit na baywang.
"Tinatanggihan mo ako?" Magkahalong pagkamangha, at insult ang makikita sa mukha ni Thrace. "Am I unattractive just like those men you satisfied?"
Naririnig niya ang pagtatagisan ng mga bagang nito. At kahit nagagalit ito sa kanya ay hindi pa din siya gustong pakawalan. Hindi rin naman niya gustong kumawala kung hindi dahil sa pride niyang pinupulbos nito.
Anong karapatan ng lalaking ito na insultuhin siya?!
"You! Fucking bastard! Let me go!"
Gustong maghisterikal ni Chyiarah habang kumakawala kay Thrace. Namumuo ang mga luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. She had never been hurt and insulted just like this before.
Ang totoo ay wala siyang pakialam sa mga mapanghusgang pag-iisip ng mga tao. Pero bakit parang ayaw niya sa ideyang ang dumi-dumi ng tingin ng lalaking ito sa kanya?
At siguro ay napansin nitong gusto na niyang maghurumentado kaya lumuwag ang pagkakahapit nito sa kanya. Lumambot din ang ekspresyon sa gwapong mukha nito. Pero hindi na niya iyon nagawang pansinin dahil masyado siyang nasaktan sa paraan ng panghuhusga nito. Nawalan na din siya ng pag-asang mababago ang tingin nito sa kanya dahil nakikita ni Chyiarah na nabuo na sa isip nito ang lahat ng hindi magandang bagay na naglalarawan sa kanya.
"Yeah, I maybe a teased, I maybe a flirt. Call me anything you want. But you don't have the right to judge me for who I am. Because you don't know what I'm going through. You don't know what kind of monster I am taking care of inside me. You don't know the story behind this flirtatious woman in front of you. Diyos ka ba, para humusga?"
Natigagal si Thrace. Matagal na nakatanga lang ito sa kanya. Madaming emosyon ang dumaan sa gwapong mukha nito.
At hindi niya kinaya ang huli.
Disgust and pity.
Those were the last thing she would want to get from anyone.
Nagmamartsang iniwan niya roon ang natitigilang lalaki. Hindi na din siya nagpaalam sa mga magulang at umuwi na mag-isa.
PAGKARATING sa bahay ay dumeretso si Chyiarah sa kwarto. Sumubsob siya sa kama at inabot ang isang throw pillow saka humagulhol.
"Damn you, Phyro. Damn you for doing this to me!" Sa gitna ng hagulhol ay asik ni Chyiarah at pinagsusuntok ang kama.
Maya-maya ay ang sarili naman ang kanyang sinisi. Siya ang sumira sa kanyang sarili. Siya ang nagpalaya ng halimaw na matagal nang nakakulong sa loob niya. At naghahanap lang siya ng masisisi sa mga aksyon niya. Ginawan siya ng masama ni Phyro, pero siya pa rin ang magdedesisyon kung sa paanong paraan siya babangon.
At hindi magandang paraan ang napili niya.
"Damn it! Damn you, Chyiarah!" Hagulhol niyang hindi magawang patawarin ang sarili.
Paano nga namang hindi magiging madumi ang tingin ng lalaking iyon sa kanya kung siya mismo ay hindi malinis ang tingin sa sarili?