"WHAT THE hell!? Hindi ba talaga kayo titigil sa pagdidikta sa buhay namin? Wala ba kaming karapatang patakbuhin ang buhay namin sa gusto namin? At hindi pa ba kayo nakuntento sa paninira niyo ng buhay ni Axyl? Ako naman ngayon ang isusunod niyo?"
"Anak lang kita! Huwag mo akong sinisigawan!" Mahina ang boses ng kanyang ama pero ramdam ni Thrace ang diin at higpit ng mga salita.
Nanatili siyang nakaupo at kumakain sa harap ng hapag habang gusto magwala ng kapatid niyang si Azriel. Si Loridee ay nasa opisina habang ang iba pa nilang kapatid ay nasa iba't-ibang bansa para asikasuhin ang mga negosyo ng pamilya.
"Oo. Anak niyo ako! Hindi niyo ako tauhan o sundalong laruan na pwede ninyong ipuwesto sa kung saan niyo gustong ipwesto!" Padarag na tumayo si Azriel at hindi na tinapos ang pananghalian.
"Bastos ka, Azriel! Bumalik ka rito!"
Gaano man katindi ang pagngangalit ng kanilang ama ay hindi napasunod si Azriel. Nagpatuloy iyon sa paglabas ng kanilang mansyon.
Paalis na sana si Thrace ng bansa. Babalik na siya mamayang hapon sa Europe para asikasuhin ang mga branches ng banko roon na pag-aari ng pamilya niya at siya ang nag-aasikaso. Pero naisip niyang dalawin ang ina. Miss na miss na niya ito. Kung pwede niya lang itong isama sa Europe para mailayo sa halimaw na ama. Pero alam niyang imposible. Hindi papayag ang control freak na ama.
Kaya naman bago lumipad ay dinalaw muna niya ang kanyang ina. Ganoon nalang ang tuwa nito nang makita ang pangatlo sa bunsong anak.
Hindi niya rin inaasaahan na nando'n si Azriel. Magmula nang i-assign sila ng ama sa iba't-ibang kompanya na sakop ng Bachelor Group of Companies ay bihira nalang silang umuwi. Kapag may mga corporate meetings lang silang magkakapatid na sa Bachelor's Hub, isang isla sa Palawan, ginaganap.
And knowing his siblings, hindi uuwi ng kusa at walang dahilan ang mga ito kung hindi lang ang kanilang ina ang nakiusap. At kaya pala nandoon ang kapatid ay para sa isang announcement.
Imagine his shock when he heard what his father planned to do with Azriel's life?
Nag-iigting ang kanyang paghinga though hindi iyon napapansin ng mga kaharap. Ang babaeng pinapangarap niya ay nanganganib na maging hipag niya?
Damn it!
Gusto niyang magwala. Gustong-gusto niya!
Paano nga namang hindi papayag ang matandang Bachelor na ipakasal ang isa sa mga anak nito sa prinsesa ng mga Speeckhart kung ganoong iniaalok na ni Emmanuel ang SFC sa mapapangasawa ng anak?
Gusto niyang magalit sa ginoo. Bakit parang ibinebenta nito ang anak?
Nang biglang may sumagi sa kanyang isip.
Hindi kaya may nakalusot sa kanya na ebidensiya ng mga pinaggagagawa ni Chyiarah at nakarating na iyon sa mga magulang nito?
At ano nalang ang magiging buhay ni Chyiarah sa kung sinong lalaking mapapangasawa nito kapag nalaman ang mga sexual escapades ng dalaga? She would definitely be in hell inside her marriage.
Biglang binuhusan ng kaba si Thrace. Hindi niya ma-imagine na pandidirihan ito ng lalaking mapapangasawa nito matapos matuklasan ang lahat.
"Tingnan mo 'yang mga anak mo, Dawn?!" Pagalit na baling ng kanyang ama sa kanyang ina na nagpatigil sa malalim na pag-iisip ni Thrace. "Matapos ko silang palakihin ng maayos ay ganito pa ang ibabalik nila sa akin?"
"Hindi naman na nga kasi tama ang ginagawa mo." Sa kauna-unahang pagkakataon ay kontra ng kanyang ina sa asawa.
Parati lang kasi itong nagpapasakop sa desisyon ng asawa noon.
"Anong hindi tama doon? Inilalagay ko sila sa maayos, sasabihin mong mali iyon? Ang problema sa 'yo, masyado mong ini-spoiled ang mga iyan kaya lumaking mga suwail! Si Loridee nalang ba ang susunod sa akin. Sana ay naging babae nalang lahat ng anak ko kung—"
"Stop it, Papa! Huwag kang magsalita na para bang hindi mo kami napapakinabangan." May igting na rin ang tinig ni Thrace.
He was hurt by his father's outburst. Dapat ay sanay na siya. Kahit noon pa man, hindi anak ang turing nito sa kanila kundi mga tau-tauhan nitong pwedeng pakilusin sa gusto nito. Pero gumuguhit pa din ang sakit sa tuwing ipapakita at ipaparamdam nito sa kanila ang katotohanan.
Inabot ng kanyang ina ang kanyang balikat at marahan iyong pinisil. At alam niya ang ibigsabihin noon. Pinatitigil siya ng ginang na kontrahin ang mainit ang ulo na ama.
"Isa ka pa!" Pagalit na baling nito sa kanya. "Paanong napasok ng money launders ang mga banko natin sa Europe? Kasiraan na naman iyan! Alam mong iniingatan kong masangkot ang kahit na anong kompanya natin sa mga ilegal na gawain. Madaling mag-conclude ang mga press at ang mga utak-talangka na mga tao!"
Inabot nito ang baso ng malamig na tubig at mabilis na pinangalahati iyon. Namumula na ang ginoo sa matinding galit, inis at pati konsumisyon.
"Nagawan ko na iyon ng paraan, Papa. Magpapa-press release din ako para ipaliwanag ang nangyari." Tahimik na sagot niya sa amang nanggagalaiti pa din.
"Dapat." Mariing sabi nito saka muling binalingan ang asawa. "Kausapin mo 'yang anak mo. Naka-oo na ako kay Emmanuel. Ayokong maghahanap pa iyon ng ibang ipapakasal sa anak niya. Hindi ko mapapalagpas ang SFC. Malaking bagay iyon para sa business empire natin… cliché as it may seem but hell who cares?"
Cliché naman nga. Para sa mga katulad ng pamilya nilang may pinangangalagaang kayamanan, uso pa din ang arrange marriage para ma-secure ang kayamanan at estado ng pamumuhay. Katulad sa London at iba pang bansa sa Europe, ang mga anak ng may mga higher ranks ay palaging ipinipilit na mapangasawa ang mga may social ranks din. Lalo na ang mga anak na babae. Just to secure the social ranks. At ang mga katulad nilang business oriented families, natural na piliin ang mga kauri nila. Lalo na kung kasing tuso ng kanyang ama. Walang mahalaga rito kundi ang pagpapayaman at pagpapalaki ng business empire.
Madami pang sinasabi si Avio at bawat isa sa mga iyon ay nagpapakuyom sa kanyang mga kamao. Anong klase bang magulang ito? At ang ama ni Chyiarah? Akala ba niya ay iba iyon sa ama niya?
Gusto tuloy niyang maawa sa dalaga. Maaaring dahilan ng pagwawala nito ay ang magulang. Pero sa pagkakatanda niya, mabait na ginoo si Emmanuel Speckhart na isang British American. Mas mabait kumpara sa kanyang ama. Mali ba siya?
'Same feather flocks together.'
Yeah right.
Binalingan niya ang ina. Alam na niyang ito ang guguluhin ng ama hanggang hindi napapapayag si Azriel na pakasalan ang babaeng gusto niya.
Hindi pumayag si Azriel!
Bigla siyang inulan ng pag-asa at mabilis na napawi ang panlulumo at lungkot sa kanyang puso.
Gustong mainis ni Thrace sa sarili dahil dapat ay wala siyang pakialam kay Chyiarah. Pero heto at naroroon sa kaloob-looban niya at nagsisisigaw ang isang desisyon.
"Tama na iyan, Papa." Sabi niyang uminom ng tubig.
"Don't tell me to stop, damn it!" galit na asik nito. Maski sa harap ng hapag ay nagmumura ito kapag nagagalit. Nakakawalang ganang kumain.
Nagkibit-balikat si Thrace. "Hindi ka sana hina-highblood diyan kung hinahayaan mo muna akong sabihin ang naiisip kong solusyon sa problema mo kay Azriel."
Curiously ay bumaling ng maayos ang ama sa kanya.
"What is it?" Tanong nitong parang takam na takam sa sasabihin niya.
He heaved a sigh. "I'll marry the Speckhart's princess." He declared without breaking an eye contact from his father.
Kitang-kita ni Thrace ang pagdaan ng pagkalito at pagtataka sa mga mata ng ama. At sa bandang huli ay umulan ang pag-asa at relief. Sumilay na ang ngiti. Pero agad ring naging reserved.
"And what made you think to decide?"
Tumikhim siya at confident na hinarap ang ama. "Simple as she was so pretty plus, she is an heiress. Hindi ako tanga para palagpasin ang pagkakataong makuha ang magandang benepisyo na mapangasawa ang isang tagapagmana."
He just said what his father wanted to hear. Para rin matigil na ito sa pambubuliglig at pang-i-stress sa kanyang ina.
A smile of success was ripped from his father's lips. "Good… good. Mula pa kaninang umaga ay iyan na yata ang pinakamagandang salita na narinig ko." Masayang sabi nito.
Ang kanyang ina ay inabot ang balikat niya at marahan iyong pinisil. Nagtatanong ang mga mata na nakatunghay sa kanya. He just held her hand and warmly squeezed and smiled at her.
"Thrace—"
"Thrace, cancel all of your appointments today and tomorrow. Mamayang dinner na tayo pupunta sa mga Speckhart para mapag-usapan…"
Hindi na pinansin ni Thrace ang mga pinagsasabi ng ama. He moved closer to her mother and whispered. "Trust me, Mama."