Chereads / Owning The Heiress / Chapter 10 - Chapter 5.2

Chapter 10 - Chapter 5.2

MAY kumakatok sa pinto ng silid ni Thrace at nang mabosesan ang ina ay pinapasok niya ito.

"What are you doing, Thrace?"

Nag-igkasan ang makakapal na kilay ni Thrace sa tanong na iyon ng ina. It was obvious that he was fixing himself.

"Dressing myself, I guess?" He smiled drily at his mother. She had this worried…no, troubled beautiful face.

"Huwag mong gawing literal ang tanong ko, anak. I was asking about what you said in front of your father. Alam kong hindi ka ganoon. You hate your father for being such a coon and yet, I'll hear those words from you? Hindi ikaw ang narinig kong nagsalita kanina, Thrace."

Tumigil sa pag-aayos ng kurbata ang binata at hinarap ang ina. He respects and loves his mother more than anyone else. And of course, Loridee, their youngest. Kung pwede niya lang ilayo na ang mga ito sa impyernong mansyon ng kanyang ama. Alam niyang hindi rin gustong sumunod ni Loridee sa ama pero wala lang itong choice.

God! Their father was such a control freak! Obsession na yata nito ang manipulahin silang lahat roon. Dahil na rin sa pagiging sakim at tuso nito.

"Trust me, Mama. Alam ko ang ginagawa ko." He assured her.

Matagal na tumitig ang kanyang ina kay Thrace. Para bang sinusukat siya o kung papaano. Pagkuway: "Did you, know her?"

"Yes." Kaswal na sagot ng binata na hindi niya alam kung para saan ang tanong. Of course a lot of men knew the sultry heiress.

Darn!

Hindi maganda sa kanyang isip ang dating ng ideya. Pinilit niyang isalya sa likod ng isip ang bagay na iyon at pinagpatuloy ang pag-aayos ng kurbata.

"And did you want her? Did you love her?"

Natigilan si Thrace.

Biglang nag-flash sa isip niya ang maraming eksena na sangkot ang dalaga. Ang gabi na lasing na lasing itong iniuwi niya. Loridee and he were the only people from their family knew about it. Hindi niya lang alam kung nabanggit ng kapatid kay Chyiarah na siya ang sumundo rito at naghatid nang gabing iyon.

At nang mga oras na iyon ay parang gusto niyang iuwi sa sarili niyang bahay ang dalaga. He wanted to keep her. Take care of her. Protect her.

He wanted to touch her, caressed and feel her. Halos mapugto ang kanyang paghinga sa pagpipigil sa sariling haplusin ang malambot at makinis nitong balat. Nagsisikip ang kanyang pang-ibaba habang katabi sa kanyang kotse ang lasing na lasing na dalaga. Ang mabangong bango nito na nahaluan ng amoy ng alak ay halos magpabaliw sa kanya. It was making his loins ache in need.

He wanted to run his knuckles on her face, down her sexy long neck, to her fine and smooth shoulder. He wanted to feel her firm and sleek breast on his palm. Mould it in a sensual and passionate way. He would love to hear her moan in so much pleasure as he done so.

At nang kumilos ito mula sa pagkaka-reclined ng passenger seat at malilis ang maigsi nitong dress, ah! God knows kung paanong matindi niyang pinigilan ang sarili na mahawakan ang makikinis nitong hita. Nag-aapoy ng husto ang kanyang pakiramdam nang masilip pa niya ang kulay itim na lacey panties nito. Lalo lang nitong napaungol ang buo niyang sistema.

He really, really wanted to touch her.

But God! Hindi niya ito hahawakan nang hindi nito nalalaman. She respects her just like how much he respects his own mother and sister.

At kung hindi lang nagkaroon ng problema sa mga negosyong hawak niya sa Europe ay hindi siya babalik roon. He would gladly show himself to her.

Pero madamot kasi ang tadhana.

And now, was that love already? Want or need? Lust?

No.

Want and need, lust and love were understatements. Cause love could never ever feel this strong. It was more than love. And there was no such word to describe how he felt for her.

"No. I don't just love her."

Bumuntong-hininga ang ina ni Thrace. Nahuhulaan na niyang mali ang interpretation nito sa sinabi niya. He was about to say a word nang marinig nila ang malakas na boses nang ama. Sumisigaw ito at pinapababa na silang mag-ina.

He sighed and broadly smiled at his mother. "Let's go, Ma. Baka magwala na naman si Papa kapag nagtagal pa tayo."

Inabot ng binata ang coat nito saka inilahad ang kamay sa ina para alalayan itong tumayo.

"Napakagwapo talaga ng anak ko."

NAKAILANG biling-baligtad si Chyiarah mula sa kama. Nakapanligo na siya. Nakabihis na rin ng matinong damit. Pero wala siyang balak na mag-ayos ng sarili. Ni hindi siya nagpolbo. Kung maaari siyang magpahid ng uling sa mukha ay gagawin niya. Gusto niyang ma-disappoint ang dadating. Gusto niyang ayawan siya ng isa sa mga anak ni Avio na siyang babayaran ng kanyang ama para pakasalan siya.

Dear Lord! She hated her father! At ang kanyang ina ay hindi man lang siya pinangatwiranang hindi pa dapat magpakasal.

Pero ano bang aasahan niya sa ina? Siguradong iniisip nito na kung hindi pa sasang-ayon sa gusto ng asawa ay baka kung ano pang eskandalo ang dalhin niya sa pamilya.

"Ah! I hate this life!" gigil na ibinato ni Chyiarah ang throw pillow sa kung saan.

Ang natamaan ay ang make-up table niya at naalis ang malaking puting towel na nakaalampay roon. Bumulaga sa kanya ang salamin at ang sandaling pagkakatitig roon ay nagdala ng takot sa kanya. Naisubsob niya ang mukha sa kama. Hindi siya makagalaw at gusto nalang mag-freak out habang inuulan ng mga nakakatakot na imahinasyon, nang bumukas ang pinto ng kanyang silid.

"Bakit hindi ka pa—" Boses ng kanyang ina na biglang natigil sa pagsasalita. Naglakad ito papunta sa tokador at nasisigurado niyang inaayos na nito ang tuwalya sa harap ng salamin. "Bakit kasi hindi ka tumawag ng katulong para ayusin ito?"

Noon palang iniahon ni Chyiarah ang mukha mula sa kama. At napatunayang tama siya ng hula sa ginawa ng ina.

"Ayusin mo na ang sarili mo, Chyiarah. Paparating na ang mga Bachelor."

Nakasimangot na sumalampak siya sa ibabaw ng kama at humalukipkip. "Maayos na ako. Maganda naman ako maski walang make-up. Sabi mo nga ay mukha akong Barbie."

Hindi niya alam kung alin sa mga sinabi niya ang nakapagpangiti sa ina. "Yes, you are." Anitong tahimik na naupo sa gilid ng kama. Saglit pa at hinahaplos na ang mahaba at animo alon sa pagkakakulot na buhok niya. It was brown and silky.

"At natatakot ako sa mga pinaggagagawa mo. Iniingatan ka lang namin." Her mother's voice was so solemn, so deep and fervent that it touches her very soul.

Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Chyiarah ay bumalik siya sa panahong musmos pa siya at may oras pa para sa kanya ang ina.

She wanted to hugged her and told her what really happened to her. What really pushed her to be such an ill-bred that she ruined herself…

Pero tumayo na ito. Nawalan na siya ng lakas ng loob na makipag-heart to heart talk.

"Come on, get up." Her mother was smiling down to her at sinusuyo siyang bumaba ng kama.

"Mom…" Her voice was quite. Na parang gusto niyang umiyak tulad ng isang musmos at magpayakap sa mga bisig ng ina.

To feel safe and secure. She wanted to be vulnerable again. Dahil parang hindi na niya kayang magpanggap na matatag.

"Yes, sweety?" As if her mother understands how she felt. Her endearment for her told her so. Kay tagal na nang huli niyang narinig na tinawag siya sa ganoon ng ina.

Isang katok sa labas ng pinto at gustong magmura ni Chyiarah.

"Senyora, Senyorita, hinihintay na po kayo ng Senyor sa ibaba. Dumating na daw po ang mga bisita." Pagkasabi noon ay nawala na ang katulong sa harapan nila.

Muling binalingan ng ina si Chyiarah. Nawalan na din siya ng pag-asang makapaglalabas pa ng saloobin sa ina. Tumayo na siya at nagpaakay rito.

"You are such a beauty, hija. Siguradong kapag nakita ka ng mapapangasawa mo ay agad na magyayaya iyon sa simbahan." Her mother said proudly while laughing.

Umismid lang siya. And cold shivers inside her when she heard a voice inside her mind.

'Your beauty and wealth were not enough! Iiwan at iiwan ka pa din ng kahit na sinong lalaking mapaugnay sa 'yo dahil hindi ka marunong. You are such a boring ass!'

It creeps down her very soul.

'Pare-pareho kaming mga lalaki ng gusto. Only hypocrites will deny it.'

Ano ang posibleng maging buhay niya sa tabi ng lalaking ipinagkasundo sa kanya? At bakit ba siya aasa ng maayos na samahan kasama ng mapapangasawa?

Yes, she surrendered in defeat. Wala siyang magagawa para suwayin ang ama. Ang pag-asa nalang niya ay hindi siya magustuhan ng nakatakdang ipakasal sa kanya o ng kahit na sinong kapatid ni Loridee.

Kung bastusin kaya niya ito habang magkakaharap sila sa hapag mamaya?

Abala pa si Chyiarah sa pagluluto ng masamang plano nang bumukas ang main door. Nasa puno ng grand staircase ang dalaga habang ang ina ay nagmamadaling lumapit sa mga bagong dating.

At kamuntik sumala ang paa ni Chyiarah sa baitang ng hagdanan nang biglang bumungad ang mga bagong dating. Tumigil ang pagpintig ng puso niya kasabay ng pagtigil ng mga mata sa iisang tao.

He was stunningly gorgeous in his three-piece suit. Na lalong nagbibigay pansin sa malalapad na mga balikat at napakagandang pangangatawan. His hair was black and was cutted short that it only made him looks so manly and utterly handsome.

Nakakasira ng isip ang kagwapuhan nito, na para bang ayaw na rin niyang huminga sa mga sandaling iyon habang pinapakatitigan ang lalaki.

Gracefullness was the first word came in her mind upon looking down in him. But it was changed the moment he shoots her with a dark look. His savage grayish brown eyes landed on her, studied her from head to toe. At parang gusto nalang niyang magtatakbo pabalik ng kanyang silid.

What was this man doing here?

Mabilis na nag-calculate ang utak ni Chyiarah.

Ito ang lalaking pakakasalan niya?

No!

The repulse of her mind was so thin. Dahil nang maalala niya kung paano siya haplusin ng malapad at mainit nitong kamay ay mabilis na nagsiklab ang apoy sa kanyang buong pagkatao. Seems like there were tiny balls of sweet flames raining down her whole body and senses that she wanted to explode. Pasalit-salit sa isip niya ang bawat haplos nito at ng labi nito sa kanyang leeg pababa sa kanyang cleavage. She could even feel her nipples harden as she met his intense gaze.

Oh, Lord. Take me now!