"ARGHH! This is such a boring night!" Naaasar na sigaw ni Chyiarah sa kawalan habang lumilinga sa kabuuan ng rooftop ng Bachelor's Hotel.
May red leatherette sofa sa pinakagitna at may maliit na center table sa harap mismo noon. Walang duda na tambayan din iyon ng kung sino. Or maybe, sadyang ganoon ka-generous ang management na ultimo rooftop ay maayos at maganda sa paningin. Tiled ang floor at ang balustre ay yari sa makapal at mamahaling uri ng bakal. Siguro ay ginawa talaga iyon bilang tambayan.
"Wala man lang maski makaaway rito!" Naiinis na isasalampak na sana ni Chyiarah ang sarili sa sofa nang may marinig na tumikhim sa likuran niya.
"Let me do the favor." Came the soothing voice from her back.
Hindi napigilan ni Chyiarah ang mapalingon. And there she found a hunk and undoubtedly sexy man. Nasa six feet o higit pa ang tangkad nito. But he looked very tall and powerful while he was walking near her.
He had a prominent jaw and confident face. Maigsi at clean cut ang buhok nito. At ang mga mata ay nakakalunod kung makatitig sa kanya. Pabastang nakaalampay ang hawak nitong coat sa kanang balikat at ang mga butones ng puting polo ay bukas hanggang ika-apat na butones. Naglulumikot tuloy ang mga mata niya at para bang gusto niyang hawiin na ang telang iyon para makita ang kung anong view na tinatakpan.
And she was certain it was one heck of a view. He is nerve-wrecking!
Tuloy siya sa pag-appraise sa lalaki nang tumigil ito sa harapan niya. She had an urge to smile at him. Higit ang kagustuhan niyang ngumiti rito kaysa sa kagustuhan niyang ngitian ang mga lalaking nakilala at nakaagaw ng atensyon niya.
This man was way different from those. Malayo palang ito ay naghuhumiyaw na ang karisma na kahit sinong babaeng nasa matinong isip ay hindi pwedeng hindi maapektuhan.
Umigkas ang isang gilid ng labi ng lalaki at pinakatitigan siya. And it just added to his so manly character. Sa karaniwang sitwasyon ay baka nilalandi na niya ang estranghero lalo pa nga at aware siya sa attraction na biglang naramdaman pagkakita rito. Pero hindi niya magawa. Ang gusto lang niya ay matulala rito habang nag-iisip ng mga makamundong bagay patungkol sa lalaki.
He was so, so attractive, so irresistible… so masculine in every way. Para bang kay sarap matikman ng mamula-mula nitong mga labi.
Hindi ganoon kaliwanag sa rooftop dahil sa lawak noon ay apat na poste lang ang may ilaw at malayo 'yon sa kanila. Pero sapat ang malamlam na liwanag para makita niya kung gaanong nakakaputol ng hininga ang anyo ng bagong dating.
"I'm expecting na walang tao rito kaya ako umakyat. But see? May naligaw palang magandang babae na naghahanap ng kaaway sa kawalan."
He was talking so softly that his warm breath touched her delicate face. At hindi maintindihan ni Chyiarah kung anong klaseng damdamin ang biglang nanulay sa kabuuan niya. It was just his warm breath for goddamn sake!
Hindi naman siya ngayon lang nakaharap sa isang mala-dios sa kagwapuhang nilalang pero hindi niya mahulaan ang sarili kung bakit ganoon nalang ang epekto nito sa kanya.
"I-I was just… so bored." Kandautal na sagot ng dalaga. Hindi maialis ang mga paningin sa napakagwapong view.
He grinned and those expressive grayish brown eyes studied her from head to toe. At katulad ng marami ay mabilis na lumarawan sa mukha nito ang matinding paghanga.
"Are you one of the guests from the party?"
Tumango si Chyiarah.
Oh, damn! Speak your ass, woman! Kailan ka pa na-speechless?
Ngali-ngaling sampalin niya ang sarili. Ganoon nalang ba talaga katindi ang paghanga ni Chyiarah sa bagong dating at bigla ay parang nalunok na niya ang kanyang dila?
Parang tuluyang tumigil sa paghinga ang dalaga nang hagudin nito ng tingin ang kanyang mga hitang nakahayin sa mga paningin ng gwapong lalaki.
"Hmm… gusto ko ang suot mo."
Ngayon higit na gustong pagsisihan ni Chyiarah na iyon pa ang isinuot niya. Palagay ng dalaga ay may hindi magandang connotation ang sinabi nito habang walang pakundangang tumititig sa mga binti at hita niya.
But then, hindi rin mapatigil ang kakaibang init na nanulay sa kanyang buong sistema. Na para bang ang mga mata nito ay literal na humahaplos sa kanyang makikinis na mga binti.
"S-Salamat." Tanging nasabi niya.
Dapat ay sinasampal niya ang estranghero sa walang kahihiyang pagsusuri ng tingin sa kanyang kabuuan pero hindi niya magawa. Hindi naman nakakabastos ang suot niya. At hindi rin siya nababastusan sa mga tinging ibinabato nito. Instead, she saw admiration from his eyes. And it stirs her loins.
'Kapag gwapo, ini-admire ka lang. Pero kapag pangit, manyak at rapist na?'
Gusto na ring itanong ni Chyiarah ang bagay na iyon sa sarili. Was it just because he was so good-looking kaya hindi niya magawang mabastusan sa ginagawa nito?
Nagsisikip ang paghinga na ibinagsak niya ang sarili sa sofa habang ang lalaki ay patuloy na nakatitig sa kanya.
"Are you one of the guests, too?" Sa kawalan ng masabi ay naitanong ni Chyiarah. Sa likod ng isip ay itinatanong kung saan niya nakita ang gwapong mukhang iyon. O kung hindi man ay kahawig nito. Parang pamilyar ang anyo nito na parang hindi. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam ng ganoong uri ng kalituhan.
Sandaling parang natigilan ang lalaki. Pagkuway ngumiti. And as if the door of heaven opened up and glorified him. That was the sexiest smile she had ever seen.
Kaunting-kaunti nalang at baka maitapon na niya ang kanyang sarili papunta sa lalaki.
"Sort of." Anitong ibinaba ang hawak na coat sa back rest ng sofa saka ibinagsak ang sarili sa sa tabi niya.
"E bakit nandito ka?"
Gustong masira ng bait ni Chyiarah habang naaamoy ang pambihirang bango ng lalaki. An expensive musk scent! At naghuhumiyaw sa mga nostrils niya ang mabangong amoy na iyon.
Pabagsak na naupo ito sa tabi niya sa couch—malapit na malapit sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang parang nakakakuryenteng sensasyon nang dumikit ang braso nito sa kanya. What the heck! There was a fabric between their skin and yet she could still feel that warm sensation bridging in her, storming her every senses.
Fuck! Where is your wit, woman?
Kung kailan kailangan ni Chyiarah ang mahalay na kaluluwa ay saka naman iyon parang tumakas mula sa kanya. Hindi siya makakilos. Na sa kung nasa karaniwang sitwasyon ay nakakandong na siya sa lalaki sa mga sandaling ito.
"Bakit nandito ka din? Dapat nasa party ka 'di ba?" Balik-tanong nito. Hindi mapigilan ni Chyiarah na sundan ang bawat pagkibot ng pinakasenswal na yatang pares ng mga labi na nakita niya. Naglalaro na sa imahinasyon niya na kinakabig ng mga braso ang batok nito at nakikipag-sparring ang kanyang mga labi rito.
Pinilit bawiin ng dalaga ang sariling boses at pinairal ang matinong pag-iisip. Kung bakit ba kasi sa tabi ng lalaki ay parang nawawala ang kanyang katinuan?
"Boring ang party. I don't like formal parties, actually. Kung hindi lang dahil sa parents ko ay wala ako rito."
Umangat ang isang braso ng lalaki. Inialampay sa edge ng backrest ng sofa. Bahagya pang lumaylay ang mga daliri nito sa balikat niyang hantad dahil sa suot na dress. At nakikiliti siya sa banayad na pagdampi ng mga dulo noon sa kanya. Her whole senses were so aware of his every move, even the slightest.
"I should thanked your parents." Kumikislap ang mga mata ng lalaki nang bumaling sa kanya at para bang gustong maki-party ng pakiramdam niya. "Hindi lang dahil sa paglalabas ng napakagandang genes sa mundo, kundi ang pagdadala nila sa 'yo sa akin."
She gasped. Humihiyaw ang loob niya sa hindi maintindihang dahilan. Ganoon ba siya kauhaw sa compliments para maapektuhan ng simpleng papuri? Hindi na naman bago sa kanya ang hangaan.
This stranger was flirting with her. At pinakawalan niya ang kanina pa tinitimping pagbugalwak ng kanyang matinding paghahangad. Ngayon lang niya napansin ang bagay na iyon. Nagpipigil lang siya. Bakit ba siya nagpipigil sa sarili?
Because she had never been this fascinated to anyone at ayaw niyang sirain ang magiging impression nito sa kanya. Pero naghuhumiyaw na ang kanyang pagkatao na bumigay sa temptation.
She gave him her most alluring smile. Ang ngiti na wala pang lalaking hindi nasilo. At alam niyang hindi immune ang lalaking ito sa charm niya.
Umusod siya palapit sa lalaki saka hinaplos ang gwapong mukha nito, pababa sa leeg, at sa matigas na dibdib na kanina pa niya pinagnanasaang mahaplos man lang.
Oh, God! He is so hot!
"So, you are grateful to see me here, handsome?" She seductively asked, stroking her fingers on his hard yet deliciously looking wide chest.
Lumipad ang isang kamay nito sa kanyang hita. Swabeng humaplos roon kasabay ng pagsibat ng naghahamon nitong mga mata. Napasinghap si Chyiarah sa mabilis na pagkalat ng nagbabagang init sa kanyang katawan. Never that it happened to her. Hinahaplos lang siya nito pero parang nagliliyab na siya sa pangangailangan.
"Sinong hindi? I'm with a hot woman in the middle of the cold rooftop." Ang husky na boses ng estranghero ay parang gasolinang ibinuhos sa kanya. Mas pinaaapoy ang kanyang pagnanasa.
Dumiin ang pagkakapatong ng palad ng lalaki sa kanyang hita. Sandali pa at pumipisil-pisil at humahaplos na ulit iyon roon. At sa halip na pigilan ito sa mga advances nito sa kanya ay pinapungay pa ng dalaga ang kanyang mga mata.
"Enjoying the touch, hmm?" Kung paanong kusang namaos ang boses ni Chyiarah ay hindi niya mahulaan. It just came out from her, naturally.
Iyon yata ang epekto ng paghaplos at pagpisil nito sa hita niya. At napapasinghap pa siya nang maramdamang umaangat ang kamay nito papunta sa kanyang inner thigh. She should push him away. Pero mas matindi ang paghila ng kagustuhan niyang maramdaman ang init mula sa mga palad ng lalaki.
There was nothing new. Ilang lalaki na ba ang humaplos at nagpahaplos sa kanya? Iyon ang pilit na isinasaksak ni Chyiarah sa utak.
Pero sa kaloob-looban ng dalaga ay alam niyang may kakaiba sa lalaki.
Attraction. Isang matinding atraksyon.
At hindi niya iyon mapigilan. Hindi niya iyon kayang labanan. At bakit ba niya gugustuhing labanan? Hindi araw-araw ay makakakita siya ng ganito kagwapo at kaakit-akit na nilalang.
"Gusto mong tulungan kitang alisin ang boredom mo?" Mapang-akit na bulong nito. Desire all over his eyes and handsome face. Na naging dahilan kung bakit binabaha na siya ngayon ng nag-lalagablab na sensasyon at pagnanasa.
"Yes." She moaned when his breath fanned her face. Hindi rin napigil ng dalaga ang biglaang pamimigat ng mga talukap.
Napalunok si Chyiarah nang maramdaman niya ang isang kamay nito na humahaplos sa kanyang leeg kasabay ng paghaplos at pagpisil ng isa pa sa kanyang inner thigh.
He was just like those other men who felt horny whenever she charmed them. At hindi niya mapigilan ang matinding pag-iinit na nararamdaman ng katawan kaya pagbibigyan niya ito. Besides she knew her limitations. Alam niya kung kailan titigil sa ginagawa.
Kaya? E' bakit ngayon ay parang gusto nalang niyang mabaliw nang bumaba ang mga labi ng lalaki sa kanyang leeg. He licked and sucked her from there. At abot-abot ang pagsinghap ng dalaga.
"It is your last chance to run. I'm giving you five seconds. One… Two—"
She sucked her breath; opened her eyes at mabilis na pinigilan ito sa pagbibilang. "Why would I run?" Kusang naging mahalay ang kanyang tinig. At bago pa niya maintindihan ang sarili ay nasabi na niya ang mga salitang ni minsan ay hindi niya naisip sabihin sa kahit na sinong lalaki. "I'm here now, ready to get laid."
Disgust and coldness quickly laced his eyes. "As I have expected, sultry heiress."
Sa kabila ng mapang-akit at nakakaliyong sensasyong hatid ng boses at mainit na hininga ng lalaki ay nangilabot si Chyiarah. Just because he had pulled the trigger—the words that triggers her to catch her sanity.
Pabiglang naitulak niya ang lalaki. Hindi pa siya gaanong nahuhulasan sa nakakalasing na damdaming hatid nito sa kanya pero mas pinakinggan niya ang kanyang tamang huwisyo.
"You know me?" Sa nagugulantang na tinig ay tanong ng dalaga.
At halos magsikip ang dibdib niya nang marinig ang nang-uuyam nitong tawa. Gone all of the desire she saw from his eyes. Ang naroroon ngayon ay magkakahalong disgust at coldness. And… anger?
What had she done?
May kasalanan ba siya rito? Somehow or some when ay nagsanga na ba ang mga landas nila kaya kilala siya nito?
At kung talagang nagkita na sila noon, imposibleng makalimutan niya ang ganito kaakit-akit na nilalang. Naghuhumiyaw ang kagwapuhan at aura ng pagkalalaki nito saan mang sulok ng buong rooftop at kilala niya ang sarili. Ang epekto nito sa kanya ay hindi ganoon kadaling makalimutan.
Pero paanong kilala siya nito?
Was he a stalker?
Nah! Napakaswerte niyang babae kung ganito kagwapo at kabango ang stalker niya.
"Who wouldn't? There's this confession page, weeks ago, named after an heiress." Tumigas ang gwapong mukha ng lalaki. "The Sultry Heiress." The side of his lips twitched upward in a mocking way. "I can't believe that your parents didn't do anything to stop it."
'Dahil hindi nila alam!' Ngali-ngaling isigaw niya sa lalaki. Pero sa halip ay napausod siya sa pinakadulong parte ng sofa.
Teka, gaano ito kasigurado na siya ang tinutukoy sa page? Siya lang ba ang socialite princess sa buong mundo? Hindi niya kinaya ang matatalim na titig ng lalaki. Sino ba ito? Bakit ganoon nalang siya nito husgahan?
Hindi nakarating sa pamilya niya ang patungkol doon, una ay dahil pribado ang mga social network accounts ng mga ito. At pangalawa ay anonymous ang mga nagpadala ng confessions. Even the photos were cropped. Hindi ipinapakita ang mukha. Ang iba ay blurred. Kaya sinong makakaalam na siya ang laman noon? Though some confessions were familiar to her. Na ang karamihan ay dinagdagan at binawasan nalang ng mga eksena. Marami ding confessions na hindi familiar sa kanya pero ini-a-associate sa Sultry Heiress.
Gusto niyang magalit sa kung sino ang nagpasimuno ng confession page. Nakakasigurado si Chyiarah na isa iyon sa limang lalaking tinanggihan at ibinitin niya kung kailan nasa kasukdulan na sila ng mga sexual escapades. Alam kasi ng mga naka-fling niya na isa siyang tagapagmana. Ang sultry na ay malamang na ginamit nalang na adjective dahil iyon ang fit sa kanya. She was passionate and attractive when it comes to luring and playing in bed. Pare-pareho ng alam na detalye patungkol sa kanya ang mga naka-fling niya kaya nahihirapan siyang sinuhin kung sino ang nasa likod ng confession page na pinagmumukha siyang mumurahing babae.
How dare that man! Matapos niya itong paligayahin?
Isang hoax picture na mahalay na larawan niya kasama ang isang lalaking nakatalikod habang dinadama ang kahubdan niya ang isinend sa kanya ng page sa personal message at ginagamit iyong panakot sa kanya na any moment ay ilalabas nito ang mukha niya sa buong social network. Kailan lang iyon nagsimula at nagpadala na sa kanya ng personal message ang fan page na kung gusto niyang i-take down nito ang page ay makipag-ugnayan siya rito.
Hindi ganoon katanga si Chyiarah. Hindi rin siya duwag para mai-blackmail. Ilabas nito kung gusto nito ang mga larawang sinasabi nitong makasisira sa image niya at ng pamilya niya. Surely ay wala. Dahil ang pinakamatindi na niyang ginawa sa mga ka-fling niya ay necking and hand job.
She let them touch her private parts pero hanggang doon lang iyon. Kung may itinatago itong nakaka-eskandalong picture niya, siguradong walang kuha ang private part. She was always dressed when doing the flirting job. Nasisigurado ng dalaga na kung hindi edited ang hawak noon ay pinakamalala na ang hanggang naka-swimsuit siya. At hindi naman na iyon bago sa paningin ng mga tao.
Ang laman ng mga confessions, karamihan ay gawa-gawaan nalang ng sender dahil alam niya sa sarili na hindi niya iyon ginawa. Mga kwentong karanasan ng mga ito kasama siya? Nah! Sobrang dami naman nang nag-confess samantalang sa nakalipas na anim na buwan, limang lalaki palang ang kanyang naka-fling. Ika-anim si Chace. Kaya sigurado siyang gawa-gawa nalang ng kung sino ang laman noon. She had nothing to worry about it because every confession inside the page was lies.
Isa pa, sana ay nabanggit na sa confession ang taong dahilan ng pagwawala ng dalaga.
Yeah. Nagwawala siya. Nagrerebelde ang kanyang loob. At iyon ang paraan niya para kahit paano ay mabawasan ang hindi magagandang damdamin. Napaka-ironic na gusto na niyang tapusin ang mapagpahirap na damdaming iyon pero at the same time ay inaalagaan niya rin sa kanyang puso.
At sino lang ba ang nakakaalam ng mga dahilan ng mga aksyon niya? Paano bang nalaman ng lalaking ito na siya ang tinutukoy sa page?
"Hindi totoo ang laman ng confession page." Mariing tanggi niya. Though it was half true, hindi alam ng dalaga kung saan nanggagaling ang pakiramdam na gusto niyang linisin ang pangalan sa kaalaman nito.
"Talaga? E' paano mo maitatanggi ang mga pictures mo kasama ang iba't-ibang lalaki?"
Nangunot ang noo ng dalaga.
"What pictures?"
Hindi ito maintindihan ni Chyiarah. Regular siyang dumadalaw sa page para pasekretong alamin ang mga post doon. Pero wala siyang nakita maski isa na may mukha niya. Mga nakakaeskandalong larawan man pero mga walang mukha. At kung meron mang nagco-condemn sa ibinibida ng page, marami din ang nasasabik na makilala iyon.
At siyempre ay mapaligaya. Napakadami talagang manyak sa panahong ito.
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" Padarag na tumayo siya mula sa sofa.