SUMMER POV
SIMULA kanina ay hindi na ako nagsasalita nabubwesit ako dito sa Bodyguard kona to, Nakakagigil siya lakas makaasar.
Pero pansin ko din ang pananahimik niya at panay buntong hininga. Well why do i care?. Kinakabahan ako sa twing maaalala ko yung nangyari kanina lang.
What if nga no? Pano kong bigla nalang kami paulanan ng bala tapos agad ako nito?
Wag naman sana, masyado pa akong bata para mamatay, hindi ko pa naeenjoy ang buhay ko. Sabi nga nila ' Live your life to the fullest ' eh di pa nga ako umabot sa gitna.
" Aalis ako pagkahatid ko sayo, at wag kang magtangkang umalis dahil wala ako , ipapahamak mo lang ang sarili mo pag pinairal mo yang katigasan mo sa ulo". Biglang sabi nito.
" Ano ba kita? Kong makapagsalita ka jan dinaig mo pa si Daddy! Super thank you dahil aalis kana at wag ka ng babalik !," tugon ko dito sabay tingin sa labas ng bintana.
" Magcooperate ka nalang , dahil mapapadali ang pag alis ko sa buhay mo pag nakipagtulungan ka sa akin ,". Ramdam kong sumulyap ito sa akin Matapos siyang magsalita.
Cooperate niya mukha niya. Asa siyang susunod ako !
Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ko sinubukan kong labanan ang antok pero di ito nakisama. At tuluyan na nga akong nakatulog.
Ramdam ko ang pag lapat ng katawan ko sa malambot kong kama, gustohin ko mang imulat ang aking mga mata ay hindi ko magawa dahil subrang antok na antok ako.
Narinig kona lamang ang mabibigat na yabag kasunod ang pagsara ng pintoan sa sarili kong kwarto. Wala na akong masyadong iniisip dahil pagod ang katawan at utak ko kaya tuluyan na akong nakatulog.
K I N A B U K A S A N
MAGANDA ang bungad ng umaga sa akin. Agad kong inunat ang aking katawan saka bumangon sa kama at nagtungo sa banyo para maligo.
Napansin ko na hindi pala ako nakapagbihis kagabi? Grabe pala talaga ang pagod ko.
Matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng damit saka pumanaog.
Nadatnan ko si Dady na nagbabasa nang dyaryo.
Hinila ko yung upuan sa tapat niya saka umupo.
" Morning dad ,"
" Morning ihaj, Bakit ang aga mo naman yata ngayon? May lakad ka ba? Hindi kita papayagan wala si Parker may inasekaso ," saad nito.
Napangiti ako sa loob loob ko. Yes! This is it Summer! Makagala kang malaya ngayon !
" Hindi dad, wala naman akong lakas at wala akong photoshoot magcacamping lang ako sa loob ng aking kwarto at wag niyo po akong ipa esturbo kase gustong makapag unwind ng mag isa ," sabi ko na puno ng sensiridad para naman mas kapani paniwala.
" Okay no problem ihaj, pahahatiran nalang kita ng pagkain sa kwarto mo ,"
" N - no dad! I will be fine kukuha na ako ng pagkain ko , sege dad maiwan na kita ,"
Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng pwede kong kainin habang mag iisip nang plano kong paano ako makakalabas na hindi malalaman ni dad.
Hindi ako mag eenjoy pag alam kong may nakabuntot sa akin at wala naman segurong mangyari sa akin kong lalabas ako ngayon. Well i hope sana.
PARKER POV.
SAKTO lang ang pagdating ko sa bahay tatlong oras lang naman ang byahe ko pauwi dito.
Agad akong sinalubong ni Nana na siyang tumatayo na pangalawa konang ina.
" Kumust kana Cole? Akala ko matagal pa bago ka makauwi ," bungad nito sa akin.
" Nakiusap lang ako sa amo ko na uuwi babalik din ako mamaya pagkatapos kong kausapin ang principal ni Lixx ".
Napabuntong hininga ang matanda. Alam kong hindi niya alam ang mga pinanggawa ng anak ko kase hindi nito gawain ang magsumbong dito. Mas nag oopen sa akin ang batang yun.
Pumasok na ako sa loob saka pinaghanda ako nito ng pagkain. Nasa school pa ang anak ko kaya Kailangan kong magmamadaling puntahan siya sa school baka uuwi na yun dito.
" Ewan ko ba jan sa Anak mong yan Cole, kong hindi basang uuwi dito uuwi namang putok ang mga labi , ".
Napabuntong hininga ako. Ayaw na ayaw ko talaga na lalaking basagulera ang anak ko kaya ko siya pinapaiwas sa gulo pero sa mga naririnig ko hindi na ito simpleng away teenager lang at may malalim na itong dahilan.
" Oh san ka pupunta? Kumain kana muna ,".
" Hindi na Nana pupuntahan kona si Lixx baka uuwi yun dito pag di ako nakita ngayon sa School ,". Humalik ako sa noo ng matanda saka na ako umalis patungo sa paaralan nito.
Hindi naman ganon ka class yung pinasukan ng anak ko. Nasa middle lang ito pero masasabi mo na ring may mga mayayaman ding nag aaral dito.
Malaki din yung School ni Lixx pero dahil dito na siya nag aaral since kinder garten hindi na ako nahihirapan na puntahan ang opisina ng Principal nila.
Pagkapasok ko palang ay nakita kona agad ang anak ko naka sandal sa gilid ng gate at gaya nang nakasanayan nakasalampak na naman ang earphone niya sa teynga.
" Honey ," tawag ko sa kanya.
Nag angat naman siya ng tingin saka ngumiti at daling sumalubong sa akin.
" Parker! I knew it your coming! Effective pala talaga yung ginawa ko ," nakatawa nitong sabi. Na agad ikinasama ng mukha ko. Bakit hindi ko yun naalala? Na ang galing nitong magdrama.
" Namiss din naman kita kaya ako pumunta ," kunwari ko pero ang totoo gusto ko na siyang paluin sa ginawa niya.
" Tara na sa loob ng Guidance office Parker naghihintay na dun ang principal ." Nakangisi nitong sabi.
Bahagya kong ginulo ang buhok niya saka inakbayan papunta sa guidance office.
Pagkapasok namin sa loob. Agad bumungad sa akin ang apat na lalaking estudyante at ang mga magulang nito.
Nagsiyukuan naman ang mga ito ng makita ako.
" Welcome again Here Mr. Servantes," anang ng Principal. I know that you already aware of what your daughter capable of , We don't tolerate her action inside the campus , She became more brute and keep hurting some of our students ,".
Panimula nito. Napatingin ako sa mga batang lalaki sa harapan ko. Nakangisi ang mga ito na nakatingin sa anak ko. At ang anak ko naman ay mistulang walang pakialam sa paligid niya.
" Ang inaasahan ko ngayon Ms. Principal ay babae ang sinasaktan ng anak ko hindi ko alam na mga lalaki pala itong nasa harapan ko, I think this is a waste of time , ". Sarcastic kong tugon sa Babae.
" We want her to be expelled Mr. ! Ang ugali niya at di pwede dito sa school namin ," biglang protesta ng isang lalake na nasa harapan ko.
Gumalaw ang panga ko sa subrang ng Pagtitimpi. Pasalamat ang mga ito at nasa School kami dahil kong hindi matagal nang lumpo ang mga ito.
" Ano ba ang ginawa ng Anak ko sa inyo? At anong ginawa niya para saktan kayo?," matigas kong tanong sa kanila na ikinatahimik at ikinayuko nila.
" Sabihin mo ang lahat Lixx kong anong nangyari , Why don't you explain your side to us?," anang ng babae.
" What' The use?, Kahit mag explain ako still hindi niyo parin ako paniniwalaan ,".
" Honey, Hindi kita pinalaking ganyan Sumagot ka nang maayos ," pabulong kong sabi sa anak ko na ikinaikot ng mata niya sabay tanggal sa earphone na nakasalampak sa teynga niya.
" Ms Principal , Yang apat na yan ang bumugbog sa akin nong nakaraang buwan pero wala kayong alam non kase diko naman ugali ang magsumbong,
Hinayaan ko sila na saktan ako binalewala ko lang umiwas ako sa gulo dahil yun ang sabi ng lalaking nasa harapan niyo ngayon at kanina kamuntikan na naman akong pagtripan ng mga gonggong na yan kaya hindi na ako nakapagtimpi i am JUST PROTECTING MYSELF TO THEM MS PRINCIPAL!! Nextime Ugaliing nyo po munang magtanong kong ayaw nyong napapahiya kayo, at kayo? Hindi ba kayo nahiya sa pinanggawa ninyo? Ka lalaki niyong tao nagsusumbong kayo? At ako pa talaga pinalabas niyong maykasalanan? Sarap niyong pag uuntugin , nextime yan na ang gagawin mo sa inyo pag di kayo tumigil! Si Parker busy yan sa trabaho pero pinapapunta ko pa dito hindi lang kayo esturbo aksaya pa kayo ng panahon at oras! Mahiya naman kayo sa mga magulang ninyo hindi naman kawalan ng pagkalalaki niyo ang nangyari sa inyo dahil in the first place KAYO ANG NAG UMPISA ng gulo at Tinapos ko lang iyon! Ito lang tatatandaan nyo Pag Ako pagtripan niyo ulit hindi na kayo makakaabot dito sa Guidance office TANDAAN niyo yan! ,". Subrang tahimik. At walang ni isang nagsalita sa amin maski ako ay nagulat sa mga salitang Lumabas sa bibig ng anak ko.
Hindi ko maintindihan kong bakit ganito na siya makipag usap sa mga taong nakakatanda sa kanya.
Tinapik niya ako saka nauna na itong lumabas sa Guidance office. Lutang din akong sumunod sa kanya. Pilit na ipinoproseso ang mga sinasabi niya.
" Honey , "
" What?, "
" Anong ugali yung pinapakita mo kanina? You don't even respect me as your father!," galit kong sabi dito.
Bumuntong hininga lang ito at saka nagtuloy sa sasakayan.
Sasakit lalo ang ulo ko sa batang ito. Hindi kona alam kong pano ko siya turuan ng tamang asal.
I did my best already pero pakiramdam ko kulang parin.
Ganito kaya ang epekto sa kanya ng paghihiwalay namin ng momy niya?