A/n: Kapag may nakita po kayong ganitong note, ibig sabihin ay na-edit ko na nang tuluyan ang chapter na ito. Pero kung wala pa ay expect grammatically error at mga wrong typos. Kung may reklamo pa po, basa ka na lang iba.
Thank you! I love you pa rin. Muaaahh!
Dave Klein
"Nasan ang ticket mo?!" Tanong ng isang konduktor. Nakasakay ako ngayon sa bus papuntang maynila para makipagsapalaran at para tumakas sa masalimuot kong nakaraan. Maraming nagsasabi na sa Maynila lahat ng oportunidad para makapagtrabaho at makaipon ng pera. Dito ako magsisimula ng panibagong buhay, malayo sa lugar kung saan ako naghirap at nakagawa ng mabigat na kasalanan.
Napansin ko ang konduktor na nakatayo pa pala sa harapan ko at nakataas ang isang kilay. Inaano s'ya? S'ya ang nagbigay ng ticket ko kanina pagkatapos kong magbayad ah.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa bintana at 'di na sya pinansin.
"Hoy! kinakausap kita, kung wala kang ticket kaka-"
"Oh! Ayan, isaksak mo sa baga mo!" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng konduktor, at hinampas sa dibdib n'ya ang ticket na hinahanap n'ya.
"Aba't bastos kang bata ka!" Akma n'ya akong sasampalin nang pigilan s'ya ng kasama n'ya.
"Pare! Huwag mo nang patulan. Mukhang probinsyano. Pagbigyan mo na."
Tss, subukan mo lang idikit kamay mo sa akin. May kalalagyan ka.
Binalik ko na lang ang tingin sa bintana at 'di na pinansin ang kumag na yun.
Nakakagaan ng pakiramdam ang mga nakikita kong tanawin. Tumutulay kami ngayon sa isang kalasada na puno ng mga magagandang puno. May mga ibat't ibang hayop din akong nakikita na kumakain ng mga damo. Binuksan ko ang bintana para lumanghap ng sariwang hangin.
Sana ganito rin ang makikita ko sa Maynila, sana hindi totoo ang sabi-sabi sa probinsya namin na, madumi at mabaho ang kapaligiran doon. Napatingin ako sa kabilang upuan katapat ko ng may umiyak na bata, sa tingin ko ay apat na taong gulang palang ito. Kasama n'ya ang isang babae na sa tingin ko ang kan'yang ina.
"Nanay, malayo pa ba tayo. Nagugutom na ako," sabi ng bata sa kan'yang ina.
"Anak, konting tiis muna a, Wala na kasi tayong pera e."
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanila. Kinuha ko sa bag ang ensaymada na binili ko bago ako sumakay dito. Kakainin ko sana ito mamaya pag nagutom ako, pero mas kailangan ito ng mag-ina. Kinuha ko rin ang isang bote ng tubig na medyo nabawasan ko na.
"Ate, sa inyo na ito oh!" Tumingin sila sa akin. Nagdadalawang-isip pa ang kan'yang ina pero kalauna'y tinanggap na rin. Masaya akong nakitang, tumahan ang bata, at napalitan ng ngiti ang kaninang malungkot n'yang mukha.
Alam kong malayo-layo pa ang lalakbayin ko kaya naisipan kong umidlip muna.
"Bwiset ka talaga sa buhay ko! Papatayin kita hayop ka!"
"Tama na itay! Ang sakit na!" Daing ko habang pinapalo ako ni Itay ng dospordos sa paa ko. Pakiramdam ko mababali ang mga buto ko sa walang humpay n'yang banat sakin.
"'Hindi ako titigil hangga't hindi magkalasog-lasog 'yang katawan mo!"
Nakakatakot s'ya para s'yang halimaw sa galit.
"Tay, h-hindi ko po sinasadya!" Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi sinasadya?! Binigay mong lahat ng pera 'don sa babaeng 'yon. Anong hindi sinasadya huh?! Anong ipantataya ko sa sugal ha! Wala ka talagang silbi!" Binuhat n'ya ako at binalibag sa dingding. Nanlabo ang paningin ko dahil sa pagkakatama sa ulo ko. Nakita kong may umagos na dugo dito.
"Ernesto, Tama na yan! Wag mong saktan ang anak natin!" Awat ni Inay kay Itay habang umiiyak. Pakiusap 'Nay wag na kayong mangialam. Sabi ko sa aking sarili.
"Wag kang makialam dito!" Isang malutong na sampal ang binigay ni Itay na s'yang nakapagpabagsak dito. Hindi pa s'ya nakuntento at hinila ang buhok ni Inay pataas at sinikmuraan.
"Ipagtatanggol mo pa 'yang anak mong hayop! Demonyo yan! Demonyo!" Isa pang sampal.
Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Ang init ng pakiramdam ko parang may nagwawalang hayop sa loob ng sikmura ko. Lalong nagngitngit ang ngipin ko habang nakatingin sa aking Inay na wala ng malay ngayon.
"Bakit ang sama mong makatingin?! Lalaban ka na ba, ha!?" Sigaw n'ya sa mukha ko. Hindi ko s'ya kilala- Hindi ko na s'ya kilala. Hindi na s'ya ang itay na minahal ko. Umiiyak ako ngayon hindi dahil sa sakit ng katawan ko kung hindi dahil sa galit. Hindi ko alam kung paano ako nakabangon ang alam ko lang galit ako sa kanya!
Lalapit na s'ya sa akin pero inunahan ko na s'ya. Isang malakas na suntok ang binigay ko at nakita kung paano s'ya natumba habang gulat na gulat.
"Put-ang ina mo! Hayop ka!" Ito ang sinisigaw ko habang inilalabas ko ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang suntok ang ginawa ko sa mukha n'ya. Nakita kong umaagos ang dugo sa mukha n'ya na nagbigay nang saya sa akin. Hindi ko s'ya titigilan hangga't di nababasag ang mukha nya.
"Papatayin kita!" Wala na s'yang malay pero 'di pa rin ako tumitigil. Ang sarap sa pakiramdam habang nakikitang nagtatanggalan ang mga ngipin n'ya at masaganang umaagos ang mga dugo dito.
"Anak!" Natigilan ako dahil sa pagyakap ni Inay sakin. Bumalik na ang kanyang ulirat. Nagulat ako nang mapagtanto ang ginawa ko. Tumayo ako umatras habang nakalagay ang kamay sa bibig ko.
"h-hindi ko sinasadya."
Nagising ako bigla dahil sa bangungot na 'yon. Napahawak ako sa aking mukha at napansin ko itong basa.
Umiiyak ako?
Naalala ko na naman ang gabing 'yon. Ang gabing hinding hindi ko makakalimutan. Dahil sa akin wala na si Itay.
Pinatay ko s'ya.
***
Nakatulala lamang ako sa ganda nitong Maynila. Malayong-malayo sa probinsyang kinalakihan ko. Maraming mga nag-tataasang gusali, mga sasakyan na mararangya. May isang sasakyan din na napakahaba na tumatawid sa isang tulay na itinayo sa ere.
Ang ganda!
Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong lugar pero hindi maganda ang amoy puro usok 'di kagaya sa amin naa sariwa ang hangin. Pero hindi alintana sa akin yun ang mahalaga nakalaya na ako sa nakaraan, dito ako magsisimula at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako kahit ano pa man ang mangyari.
Ako si Dave. Labing walong taon na akong nabubuhay sa mundong ito. Marami na akong sinakripisyo para makamit ang tagumpay na inaasam ko. Dito ako magsisimula ulit. Kakalimutan ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa probinsyang kinalakihan ko. Ipapakita ko sa lahat ng taong nagbigay nang pasakit sakin na hindi hadlang ang kakulangan sa edukasyon para umasenso at tingalain.
"Ate! Magkano 'tong ensaymada?" Nakakagutom. Ilang oras na rin akong naglalakad dito sa kalsada. Naghahanap kase ako ng matitirhan na sasapat para sa pera ko. Kailangan ko ding makahanap ng trabaho para may pantustos ako sa sarili ko.
"Pitong piso pogi, pero para sayo limang piso na lang," sagot ni ate habang nakakagat labi na mukhang sasali ng pagandahan dahil sa kapal ng pulbo sa mukha.
"Ah 'don na lang ako sa pitong piso he-he." Kinuha ko na ang ensaymada dahil baka ako pa ang makain nung babae pag nagtagal pa ako dun. Umupo muna ko sa gilid ng kalsada para makakain. Habang kumakain napansin ko ang isang lalake na nakatayo sa gilid ko habang may nakalagay na kakaibang bagay sa kanyang tenga na hugis parisukat, at kinakausap niya 'yon. Nakakapagtaka din ang kanyang kinikilos dahil parang 'di s'ya mapakali. Bigla s'yang tumingin sakin kaya bigla akong kinabahan.
"Excuse me? Can I ask something?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala s'ya sa akin. May kaedaran na s'ya parang nasa 45 pataas ang edad nya. Pero kung titignan para s'yang bata dahil sa kanyang ayos. Nakasuot s'ya ng coat na nakikita ko lang sa mga mayayaman. Ang ganda rin ng sapatos n'ya kumikintab. Pati ang ayos ng buhok n'ya parang ilang oras na inayos dahil sobrang linis tignan. Ang galing n'yang manamit.
Mayaman siguro ito?
"Hey! Are you okay?" Bigla akong nagulat no'ng hinawakan nya ang balikat ko.
"A-ano p-po 'yon?" Bakit ba ako nauutal?
"Where's the Police Station?" Tanong n'ya sakin.
"Pasensya na po. Bago lang po kase ako dito sa Mayni-"
"Oh shit!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsigaw nya.
Nagulat ako nung biglang niyakap ako nung lalaki at pagputok ng isang baril. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko no'ng makita kong umaagos sa balikat n'ya ang dugo dulot ng tama ng baril. Nahagip ng mata ko ang isang armadong lalake na papalapit samin habang nakatutok ang baril sa kasama ko. Naging alerto ako at sinunggaban agad ang lalaki. Sinipa ko s'ya sa mukha dahilan para matumba sya. 'Di na akong nagdalawang isip na kunin ang baril na nabitawan n'ya at itutok sa ulo n'ya.
"Sino ka?! Anong kailangan mo?!" Sigaw ko sa kan'ya. Ngunit nginisian n'ya lamang ako. "Pakielamero. You're not who I need!" Bigla akong kinilabutan dahil sa mga titig n'ya, nanginig ang kamay ko dahil sa kaba. Ano ba?! bakit ngayon pa ako kinabahan. Kumurap lang ako at isang iglap naagaw n'ya na ang baril sakin na agad n'yang ipinukpok sa ulo ko.
Nahilo ako dahil sa ginawa n'ya.
Nanlalabo na ang mata ko. Alam ko anumang oras babagsak na ako. Nakadapa na ako sa sahig pero bago ako mawalan ng malay naaninag ko pa ang kaninang kasama kong lalake na bumunot ng baril at agad pinaputukan sa ulo ang bumaril sa kan'ya.
***
Nagising ako na nakahiga sa malambot na kama. Sinapo ko ang ulo ko dahil sa kirot ng biglaan akong bumangon.
Nasaan ako?
Inikot ko ang tingin sa palibot nitong kwarto. Ang ganda. Ngayon pa lamang ako nakakita ng ganitong kagandang silid. Puro puti ang kulay na makikita dito. May isang malaking kabinet na nakalagay sa tapat ng kama. May malaking nakasabit sa kisame na ilaw na disenyong dyamante.
Lumapit ako sa bintana malapit sa kama at hinawi ang kurtinang kulay puti na nagdulot ng pagkasilaw sakin.
Napanganga ko sa sobrang pagkamangha ng matanaw ko ang labas. May lawa at mga naglalakihang puno sa paligid nito. Matatanaw din ang malawak na hardin na puno ng mga bulaklak. Napansin ko rin ang mga taong pumipitas at nilalagay sa kanilang basket. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar. Sigurado ako na mataas ang lugar na kinatatayuan ko dahil parang mga langgam na lang sa paningin ko ang mga taong nakikita ko.
Bubuksan ko sana ang bintana para lumanghap ng sariwang hangin ng biglang may kumatok sa pintuan.
Pumasok ang medyo may kaedaran na babae at yumuko ito sa akin.
"Sir, gising na po pala kayo? Pinapababa na po kayo ni Sir Robert para kumain." Bigla naman ako nahiya dahil ang galang n'ya sakin, eh mas matanda nga s'ya sakin.
"S-sino po si Sir Robert?" Tanong ko sa kan'ya.
"Si Sir Robert po ang nagdala sa inyo dito kagabi. Wala po kayong malay," sagot nya.
Bumaba na kami at nakita ko ang nakatalikod na lalake na kumakain sa mahabang lamesa. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya dahil
parang umurong ang mga paa ko dahil sa kaba. Ano bang nangyayari sa akin?
"Come! Kumain ka!" Lumapit na ako sa upuan malapit sa kanya at umupo. Do'n lamang sya napatingin sa akin. Napatingin din ako sa kan'ya. Ngumiti s'ya akin kaya napangiti na rin ako.
"M-maraming salamat po pala sa pagtulong niyo sakin." Nilagyan nung babae kanina ng pagkain ang plato ko kaya napatingin ako sa kan'ya.
"What are you saying? I'm the one who should be thankful kasi kung hindi dahil sayo baka patay na ako." Napatingin ulit ako sa kanya. Dahil bigla kong naalala na binaril pala s'ya sa balikat pero bakit parang hindi n'ya iniinda yon?
"Hindi po ba masakit 'yong tama niyo sa balikat?" Tanong ko bago sumubo ng pagkain. Hmm! Ang sarap naman nito. Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain. Ano ba tawag dito?
"Huwag mo na intindihin 'yon dahil nakaganti naman ako di ba?" Ngumisi s'ya sa akin kaya kinilabutan ako. Naalala ko rin na binaril n'ya pala sa ulo yung lalake kanina. Muntik na akong mabulunan kaya uminom muna ako ng tubig.
"By the way. Ano pala pangalan mo?
"Ako po si Dave, Dave Klein." Nakita ko na napatigil s'ya pagsubo ng pagkain at napatingin sakin.
"Klein? What a nice surname. Ano pangalan ng mga magulang mo?"
"Pangalan po ng Inay ko ay Margarita Soledad at Itay ko naman po ay Ernesto Catimbang."
"I see. So, where did your last name came from?"
"Ito po 'yong sinulat ni Inay sa aking Birth Certificate 'di ko na rin po tinanong kung bakit iba 'yong apelyido ko dahil parang wala rin po silang balak sabihin 'yong dahilan." Kumuha ako ng manok na nasa harapan ko pagkatapos kong magsalita. Grabe madami 'ata ako makakain nito.
"Ano pala ginagawa mo dito sa maynila?" Tinuloy n'ya na ang pagkain nya.
"Ah eh. N-naghahanap po kase ako ng trabaho dahil ang hirap po ng buhay sa probinsya namin kaya lumuwas po ako dito para makipagsapalaran."
Nagsinungaling ako. Dahil ang totoong dahil tumakas ako sa aking nakaraan. Nangako ako sa sarili ko na walang makakaalam na kahit na sino, ang tungkol sa nakaraan ko.
"Gusto mo bang dito ka na lang magtrabaho. Kukunin kitang tagabantay ng bahay ko. Bibigyan din kita ng kwarto dito dahil sa palagay ko wala ka pang matutuluyan." Natigilan ako dahil sa sinabi n'ya.
"T-talaga po?! Naku Sir nakakahiya naman po," sabi ko sa kanya.
"Wala yun. Tulong ko na yan sayo at pasasalamat na din dahil sa pagtulong mo sa akin. Saka magaan din ang loob ko sayo." Magaan din ang loob ko sa kan'ya kaya nga hindi ako natatakot kahit pa alam kong may pinatay s'ya. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maintindihan.
"Maraming salamat po Sir."
"Okay kumain ka pa. Aalis na ako. Pag mag kailangan ka tawagin mo lang si manang." Tumayo na s'ya at lumapit kay manang.
"Manang, ikaw na muna bahala sa kan'ya. Bigay mo 'yong mga gusto n'ya."
"Opo sir!"
***
Sumapit na ang gabi. Kakatapos ko lang din maglinis, na ilang beses pang inagaw sakin ni Manang dahil baka daw pagalitan s'ya ni Sir Robert kapag nakita n'ya akong naglilinis, syempre 'di ako pumayag baka ang mangyari magalit 'yon sakin dahil 'di ako naglinis. Naku mahirap na. Baka masesante agad ako ng wala sa oras.
Nandito ako sa may garden sa likod ng bahay at umupo sa duyan na naroroon. Lumingon ako sa pintuan ng maramdaman kong may nagmamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali nakita ko si Sir Robert na nakatayo habang naninigarilyo. Bigla akong napatayo.
"Pasensya na po Sir. Nandyan po pala kayo?" Nakayuko ako sa kanya. Naramdaman ko naman na lumapit s'ya sakin.
"Alam mo? Napakagalang mong bata.
Kung nabubuhay lang ang anak ko kasing edad mo na s'ya ngayon." Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang malungkot n'yang mukha na nakatingin sa malayo.
"Wala na po ang anak niyo?" Nagulat naman ako sa sarili ko dahil padalos- dalos ako ng tanong. Hinagis n'ya sa sahig ang kanyang sigarilyo at tinapakan bago magsalita.
"Oo, apat na taong gulang palang s'ya n'ong kinuha na s'ya sa akin. Namatay sila sa sunog kasama ng asawa ko." Napansin kong nagngitngit ang ngipin n'ya pagkatapos n'yang sabihin 'yon.
"Hindi! Pinatay sila sa sunog. Pinatay sila ng mga hayop na 'yon! Wala akong nagawa kaya gagawin ko ang lahat para mahanap 'yong mga taong gumawa no'n sa kanya." Pagpapatuloy nya. Naaawa ako sa kan'ya 'di ko alam ang sasabihin ko kaya di na lang ako sumagot.
"Dave, Pagaaralin kita. Ito na lang ibabayad ko sa pagtatrabaho mo sa akin." Hinawakan n'ya ang balikat ko habang nakangiti.
Pagaaralin nya ako?!
"H-huh? A-ano po kase!" utal na utal na ako.
"Bakit iho ayaw mo bang magaral?" Napakunot noo s'ya na nakatitig sa akin
"H-hindi naman po sa ganun, sobra sobra na po yung tulong na binigay n'yo sa akin. Pinakain saka pinatira niyo na po ako dito."
"Wala yun Dave, gusto kitang tulungan. Alam kong malayo ang mararating mo, kaya nandito ako para gabayan ka. Pwede mo rin akong ituring na pangalawang magulang mo." Napanguso ako dahil dun. Nakakahiya talaga. Bakit kasi ang bait sakin ni Sir Robert.
"Oh, matulog ka na! Bukas na bukas papasok ka na sa eskwelahan. Inasikaso ko na mga papel mo." Kumurap-kurap pa ako habang tinitingnan s'yang makapasok sa bahay.
Unti unting promoseso sa utak ko ang huling sinabi n'ya
Ano?!
Bukas Agad?!
***
A/N:
Enjoy!
EDITED