Chereads / PRIAM'S ELITES / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

A/n: Kapag may nakita po kayong ganitong note, ibig sabihin ay na-edit ko na nang tuluyan ang chapter na ito. Pero kung wala pa ay expect grammatically error at mga wrong typos. Kung may reklamo pa po, basa ka na lang iba.

Thank you! I love you pa rin. Muaaahh!

Dave Klein

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong isuot ang uniform na binigay sa akin ni Sir Robert. Talagang pinaghandaan na n'ya ang pagaaral ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na parang kahapon lang kumakain lang ako ng ensaymada sa gilid ng kalsada tapos ngayon nakatira na ako sa isang malaking bahay. Tapos pagaaralin pa ako ng may-ari nito?

Iniisip ko nga na baka nababaliw na ako, dahil sa kakaisip sa nagawa kong kasalanan dati. Sana may sumigaw sa akin ngayon at sabihing, "Totoo 'to, harapin mo ang totoo!"

Pero kahit wala namang magsabi 'non, alam ko sa sarili kong totoo ito.

Bakit ba kasi hindi ako masaya?

Kinuha ko na lang ang bag na pinatong ko sa kama ko. Wala na rin pala ang mga damit ko na dala-dala ko, dahil tinapon na lahat 'yon ni Sir Robert kanina at pinalitan ng mga bago. 'Di ba? tapon-tapon na lang, walang paalam-paalam. Hay buhay!

Kinakabahan pa rin ako dahil sinabi niya sakin na hindi ordinaryong paaralan ang papasukan ko kaya di ko maiwasan mapaisip siguro mayayaman ang mga pumapasok dun baka ibully lang nila ako. Wala pa naman ako masyadong alam dahil Grade 6 lang natapos ko. Pero kahit gano'n marami nagsasabi na matalino daw ako. Lagi kase ako nakakakuha ng matataas na marka sa probinsya namin. Pero alam ko rin na iba ang Maynila mas advance ang pagtuturo nila dito kaya 'di ko maiwasan na mangamba.

Kaya mo 'yan Dave.

"Dave, bakit 'di mo ginagalaw pagkain mo?" Tanong ni Sir Robert.

"S-sir kinakabahan po kasi ako." Nakayuko kong sabi

"Wag kang kabahan. Alam kong kaka yanin mo 'yan. Pag may problema ka tawagan mo lang ako," may inabot s'ya saking isang bagay.

"Ano po tawag dito?" Katulad ito ng nakita kong hawak niya nang unang magkita kami.

"Cellphone, gamitin mo 'yan para tawagan ako if in case magkaroon ng emergency. I-dial mo lang ang call button, nakasave na ang number ko d'yan."

"Sige po sir," sabi ko at kinuha na ang cellphone at nilagay sa bag ko.

"At pwede ba 'wag mo na akong tawaging Sir, Tito na lang. Nagmumukha akong matanda n'yan eh," aniya habang nagpipigil ng tawa.

"Sige po Sir- t-tito."

Masasanay din ako.

"Sumabay ka na sakin. Ihahatid na kita sa school mo."

***

Wow! Ang laki naman ng school na 'to. Natulala ako ng ilang saglit nang makita ang university na papasukan ko. Hindi mapagkakailang mayayaman ang mga pumapasok dito dahil halos lahat ng mga estudyanteng nakikita ko ay may mga sasakyan at may bodyguard pa. Nasisilip ko din sa loob ang mga gwardya. Ibang klase! Sa dating pinasukan ko dalawa lang ang guard, palitan. Tapos dito, Hay naku!

Para 'atang di ako bagay dito.

Nakatitig lang ako sa malaking pintuan nitong eskwelahan. Sobrang taas ng pader na nakapalibot dito. Merong nakasulat na

'PRIAM'S UNIVERSITY' sa taas nito.

Ito siguro ang pangalan ng school.

Sumabay na ako sa mga estudyanteng bagong dating. Merong harang ang pinto bago ka pumasok. Napansin kong tinatapat ng babae ang hawak n'yang parang maliit na card na kulay silver kaya nakakapasok siya.

Ako na ang susunod.

Tinapat ko rin ang puting card na hawak ko na binigay sakin ni Sir Robert kanina pagkahatid n'ya sa akin.

Ilang beses na akong paulit ulit pero laging may lumalabas na 'x'.

Ano ba?!

Gumana ka na naman. Marami nang nakasunod sa likod kaya 'di na ako mapakali, pinagpapawisan na yung mga palad ko. Bwiset! Bakit ayaw gumana!?

"Ano ba yan! Ang tagal naman!"

"Is he sure he's studying here?"

"Tagal naman. Ang init init oh. Leche!"

Rinig kong sabi ng mga estudyante sa likod ko. Gumana ka na kase!

"Anong problema iho?" Salamat may dumating na guard. Pinadaan n'ya ako sa gilid para makapasok sa loob kaya nakaabante na ang mga estudyante. Nakakahiya naman. Napansin ko pang tumingin muna sila ng masama sakin bago maglakad papasok.

"Pasensya na po. Unang araw ko po kase dito. Hindi po kase gumagana ang card na binigay sakin." Nakakunot ang noo nung guard na nakatingin sakin.

"Unang araw? Isang buwan ng lumipas ang unang araw ng pasukan. Patingin nga ng card mo?" Inabot ko sa kanya ang card na hawak ko.

"Ito po oh." Nakitang nagulat s'ya nung makita ang card ko. Bigla din syang pinagpawisan at naging aligaga.

Problema nito?

"P-pasensya na po. Di k-ko alam na isa po pala kayo sa mga Elites." Nagtaka ako sa biglang pagiging magalang nitong guard at nakayuko pa talaga s'ya sakin a.

Elites? Ano naman 'yon?

Isa daw ako sa mga gano'n?

THIRD PERSON

"Where is he?" Aniya ni Robert sa kanyang mga tauhan pagkababa n'ya sa kanyang sasakyan.

"Nasa loob po sya, Master." Nakayukong sagot 'nong isa.

Nagmartsa na papasok si Robert sa isang gusali na malayo sa siyudad. Ito ang kaniyang hideout, dito n'ya tinitipon lahat ng kanyang mga tauhan.

Siya ang Leader ng pinakamalakas na Mafia ngayon. Simula nang pinatay ang kanyang asawa't anak, nagpursige s'ya. Ginamit nya ang galit para makamit ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan na meron sya ngayon. Isa-isa nyang hinahanap ang pumatay sa pamilya n'ya sa ganoong paraan lamang sya mananahamik.

Pumasok s'ya sa elavator at sumunod naman ang mga tauhan nya. Pinindot ng isa ang UG button. Pagbukas ng elavator dumiretso agad s'ya isang malaking pinto na naroroon. Para s'yang isang malaking Vault dahil sa itsura nito. Kulay silver at talagang purong metal. May tinapat na I.D ang isa n'yang tauhan dahilan para bumukas ito.

Tumambad agad sa kanya ang lalakeng nakatali ang kamay sa isang bakal malapit sa itaas ng ulo. Napatingin ang lalake kay Robert. Kahit na duguan ang mukha nito nakuha pa n'yang ngumisi na parang nanguuyam.

"Ito na ba yun?! Bakit 'di mo pa ko patayin?!" Sigaw nya.

Lumapit si Robert sa isang lamesa na puno ng iba't ibang armas. May iba't ibang klase ng baril, granada, kutsilyo at katana. Kumuha s'ya ng isang baril na kalimitang nakikita sa Palabas.

Semi-automatic pistol.

"I want you to answer all my questions," malumanay na sabi ni Robert habang isa-isang nilalagyan ng bala ang magasin ng baril n'ya at saka n'ya binalik.

"Who is your boss?" Unang tanong at tinutok n'ya ang baril sa lalake.

"Tss."

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong kwarto kasunod nito ang pagdaing ng lalake.

"Ahhh! Hayop ka!" Sigaw ng lalake kay Robert na ngayon ay duguan na ang kaliwang binti.

"Kapag kinakausap ka ng maayos, sumagot ka ng maayos!" Nakangiting pahayag ni Robert.

"I'll repeat, who is your boss? This time, hindi na ako magdadalawang isip na iputok 'to sa bungo mo." Tinutok n'ya ang baril sa lalake.

"Kahit patayin mo ako! Wala kang mapapala sa akin! Humanda ka na dahil nalalapit na ang pagbagsak mo!"

Nanlisik ang mata n'ya dahil sa sinabi nito. "Die, Assh*le." Diretsong pinutok ni Robert ang baril sa noo ng lalake.

Ganyan palagi nangyayari sa t'wing nahahanap n'ya ang isa sa mga pumatay sa pamilya n'ya, ay wala s'yang nakukuhang impormasyon, nauuwi ang lahat sa madugong katapusan. Lalo lamang s'yang nagagalit dahil doon.

"Iligpit niyo ang basurang 'yan!" Utos n'ya na agad namang sinunod ng kan'yang mga tauhan. Binaba na n'ya ang baril sa lamesa at nagmartsa na palabas ng gusali.

Dave Klein

"Alright then Mr. Klein, you may now proceed to your respective class."

Katatapos lang akong kausapin ng principal tungkol sa aking schedule dito. Akala ko mahihirapan ako sa pagaayos dahil transferee ako ngunit hindi pala. Nang nalaman nila na isa 'daw' ako sa mga Elites ay inasikaso nila agad ang schedule ko.

Hanep di ba? Pero seryoso hindi ko pa rin maintindihan.

Nakasulat sa schedule ko na sa 'Section White' ang unang subject ko. Hahanapin ko muna ang banyo dahil talagang ihing-ihi na ako. Naglakad- lakad ako sa may hallway nitong building nagbabakasakali na makakita ng banyo nang may nakita akong isang kwarto sa may dulo nito. Kakaiba ang itsura nito dahil ito lang ang bukod tanging hindi kaaya-aya ang itsura, halatang luma. Sira-sira ang pintuan pati na rin ang doorknob. Nakauwang ng konti ang pinto kaya dahan-dahan ko itong tinulak.

Nagulat ako nang bahagya nang may narinig akong naguusap sa loob.

Mali! Mukhang nagaaway. Dinig na dinig ko ang mga kalabog mula dito. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Madilim ang kwarto, tanging ilaw lang ng nagiisang bintana ang nagbibigay ng liwanag, sapat na para makita ko kung anong nangyayari sa loob.

Kitang-kita ko kung paano tadyakan ng dalawang lalake ang isang lalakeng nakahandusay na sa sahig.

Nagtago ako sa isang lamesang kahoy para hindi nila ko mapansin.

"Siguro naman magtatanda ka na? Sinabi ko naman sayo. Wag mong kakalabanin ang mga elites! Yan ang mapapala ng mga mayayabang na katulad mo!" Isang malaking lalake ang nagsalita at hinila ang buhok ng lalake para mapatingala sa kanya. Para s'yang sanggano katulad sa probinsya namin. Yun bang halang ang mga bituka. Nakakatakot itsura n'ya.

"Bossing! Mukhang baliw 'ata ito. Bugbog sarado na nakangiti pa!" Isang mapayat na lalake naman ang nagsalita. Seryoso ang payat naman n'ya! Isang ubo na lang kakalas na mga buto nito eh.

Pero totoo nakangiti nga s'ya. Parang wala lang sa kan'ya ang bugbog na natamo n'ya.

Isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto. Natumba ulit ang lalake dulot ng sampal nung malaking lalake.

"Bossing! Bossing! May guard na nagiikot sa labas kailangan na nating umalis dito!" Nataranta ako nang biglang may pumasok na bagong mukha. Agad akong yumuko para hindi nila ako makita.

"Iwan niyo na yan diyan. Natuto na 'yan ng leksyon." Yun ang huling sinabi nya bago sila lumabas ng kwartong ito at iniwan ang lalake 'yon.

Kailangan ko s'yang tulungan. Dadalhin ko s'ya clinic. Lalapit na ako sa kan'ya nang bigla s'yang magsalita.

"Sino ka? Bago ka dito?" Nagulat ako dahil nakatalikod pa rin s'ya sakin. Ibig sabihin kanina pa n'ya ako nakikita.

"Oh! Ano pang ginagawa mo? Dalhin mo na ako sa clinic." nakangiti s'ya sakin at tinaas ang kamay n'ya.

"Ah oo, sige."

Inalalayan ko s'yang tumayo. Inakbay ko sa balikat ko ang kamay n'ya para di s'ya mahirapang maglakad.

**

"Liam, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kan'ya pagkatapos lumabas no'ng nurse na gumamot sa kan'ya. Nakapagusap na rin kami kanina kaya alam ko na ang pangalan n'ya.

"Yeah, much better! By the way, seriously, transferee ka? Pero isang buwan nang nagsimula ang klase ah." Nakakunot ang noo n'ya habang sapo pa rin n'ya ang dibdib n'ya.

"Si Tito Robert lang ang nagpasok sakin dito. Tulong daw n'ya sakin."

"Ah okey, pero paano 'yan tapos na ang first subject mo. Sorry dahil sakin 'di ka pa nakapasok." Kinuha n'ya ang mansanas sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama n'ya at sinimulang lantakan.

"Ayos lang 'yon. Hindi naman kita pwede hayaan na lang basta. Oo nga pala, sino 'yong mga bumugbog sayo?" Hinagis n'ya sa basurahan ang buto na lang ng mansanas na kinakain n'ya.

Grabe naman, ang takaw pala nito. Kakasubo lang n'ya yun kanina.

"Ah 'yon, huwag mo nang pansinin 'yon. Mga mahihinang uri ng nilalang na sunud-sunuran sa mga demonyong Elites lang 'yon." Nakita kong nag-igtid ang panga n'ya pagkasabi n'ya ng salitang Elites. Halatang galit s'ya sa mga yun.

Teka, Sandali! 'Di ba sabi Elites din daw ako? Patay! Magkakaroon na akong kaibigan dito, magiging bato pa.

Kinabahan tuloy ako bigla.

"Oh! Bakit parang namumutla ka?" Nagpipigil s'ya ng tawa.

"W-wala, itatanong ko lang, ano ba 'yong Elites?" Naningkit ang mata n'ya dahil sa tanong ko. Dapat ba di ko tinanong yun?

"Elites. Sila ang mga estudyanteng pinakamataas sa lahat ng naririto. Galing sila sa mga angkan ng mga Politicians, Entrepreneur at mga Mafias. Kaya nilang pasunurin lahat ng estudyanteng mababa sa paningin nila. Kinakatakutan sila dito dahil binibigyan nila ng parusa ang lahat ng lalabag sa mga pinaguutos nila. Katulad nang nangyari sakin kanina. Kaya..." Hinawakan n'ya ang balikat ko at seryosong tumingin sakin.

"...iwasan mo sila dahil mga demonyo sila." Natakot ako sa paraan ng pagkwekwento n'ya.

Hindi ko pala pwedeng sabihin sa kanya na Elites din ako baka patayin pa ako nito.

"G-ganun ba? Bakit galit na galit ka sa mga Elites?" Narinig kong nag bell na, hudyat na breaktime na.

"Mamaya na lang tayo magusap a. Gutom na gutom na ako eh. Tara sa Canteen!" Hinila n'ya ako bigla palabas ng kwarto para pumunta sa canteen daw.

'Di ba bugbog sarado to? Bakit kung makatakbo parang normal lang. Ibang klase!

Nakapila na kami ngayon para umorder nang makakain nang maalala ako na wala pala ako pera.

"Liam, wala pala ako pera." Sabi ko habang nakayuko. Lumingon s'ya sakin dahil nasa harapan ko s'ya.

"HAHAHAHA! grabe ka dave galing mong magpatawa." Problema nito?

"Seryoso Liam, wala akong pera."

"Hindi naman kase kailangan ng pera para makaorder dito. Gamitin mo lang ang card mo katulad nito." Tinaas n'ya ang card n'yang kulay black.

"Dito nakalagay ang allowance mo. Depende sa kulay ng card kung magkano ang laman nito. White ang pinakamalaki, mga Elites ang nagmamayari no'n. Sumunod naman ang Black, katulad nitong sakin. Then lastly Silver, para sa mga ordinaryong estudyante. Kaya dali na ilabas mo na card mo!" Nakangiti nyang pahayag.

Hindi pwede! Puti ang card ko katulad sa mga Elites.

Paano to? Pag nilabas ko ang card ko malalaman n'yang elites din ako.

***

EDITED