"YOU ARE so stupid! Hindi mo sinunod ang protocol ng opisina!" singhal ng supervisor ni Kaye. When it rains, it really pours talaga ang kamalasan sa buhay ni Kaye. Ilang araw na siyang nale-late dahil kay Dem. Napapahaba ang sagutan nila at hindi niya namamalayan ang oras dahil patuloy pa rin siya sa paggigiit na humingi ng tulong dito.
Dapat ay tumigil na siya pero hindi niya magawa. Alin? Pagkatapos na lang ng paghihirap niyang i-summon ito ay titigil lang siya? Ah, hindi iyon puwede. Kailangang may mapala siya kesehodang habang buhay niya itong ikulong. He's a demon anyway. He'll never die. Ni hindi nga ito nagrereklamo kung gutom, pagod, uhaw at ngalay. Nagrereklamo lang ito tungkol sa pagkakakulong!
At dahil nga madalas siyang late, madalas din siyang napagiinitan ng supervisor. Tapos ngayon ay nagkaroon pa siya ng problema sa natanggap na tawag. Hindi siya maintindihan ng client na nagpapatulong sa pag-troubleshoot ng computer nito at nang mapansin ang accent niya na isa siyang Asian, pinagmumura siya. Nagkataong racist pa ang caller. Sinabihan siya ng stupid, idiot at kung anu-anong masasakit na salita.
May SOP ang kumpanya na kapag ganoon ang client na nakakausap ay automatic na ipapasa nila iyon sa iba. Ang nangyari sa kanya ay kamalasan. Nagkataong nag-hang ang computer niya at hindi niya iyon nailipat. She was stuck to the lunatic caller. Hindi niya natagalan dahil tao lang siya na nasasagad din ang pasensya at patong-patong na stress, sa huli ay bumigay siya. Sinagot din niya ang siraulong caller at nakarating iyon sa supervisor niya.
Kaya hayun siya, sinasabon ng supervisor with matching banlawan pa. Patuloy ito sa pagi-speech ng mga hindi makain na salita habang hinihintay nila ang memo galing sa HR. Kung gaano kadali ang pumasok doon, ganoon din kadaling mag-suspendi o magtanggal ng tao. Palibhasa, maraming reserved agents ang mga ito kaya ganoon kadaling magpalit ng tao.
"Finally!" naiinis na bulalas nito ng dumating ang secretary bitbit ang isang folder. Alam na niya ang laman noon kaya hindi na nagtaka si Kaye ng matapos pirmahan iyon ni supervisor ay ibinigay iyon sa kanya. Isang memo iyon na nagsasaad na suspendido siya sa loob ng isang linggo. "Now, get out!" asik nito at napabuga ng hangin.
Lulug-lugo siyang lumabas ng opisina at kinuha ang mga gamit. Umuwi na siya. Lutang na lutang. Ni hindi na niya napansing nakauwi siya at sinasabayan ni Sing, ang bumbay na inutangan niya para mailibing ang tiyahin. Dito niya hiniram ang pinangbili ng lupa para sa libingan at mga nagastos nila sa chemo.
"Kaye, ano? Ikaw ba bayad na ng utang?" ani Sing saka napalatak. Gaya ng supervisor niya ay binungangaan din siya nito kesehodang amoy curry ang hininga. Gusto ng iuntog ni Kaye ang ulo dahil sa patong-patong na kamalasang iyon. "Ang tagal-tagal na ng utang mo. Babalikan kita sa isang buwan. Dapat, buo mong ibigay ang bayad. Kapag hindi, kukuha na ako ng mga gamit mo," banta nito saka siya iniwanan.
Nanghina si Kaye. Next month! Papaano ang upa niya kung ito ang uunahin niya? Ten thousand lang ang sahod niya dahil na rin sa dami ng loans na binabayaran. Mamasahe pa siya pagpasok sa opisina. Kakain pa siya. Muli, nanghina na naman si Kaye sa patong-patong na gastos. Wala sa sariling pumasok si Kaye sa bahay at hindi napansin ang pagbubunganga ni Dem.
"Ano? Nakapagisip ka na ba? Are you really—hey. What happened to you?"
Hindi pinansin ni Kaye si Dem. Dire-diretso siya sa kuwarto at doon inilabas ang lahat ng sama ng loob. Iniiyak na lang niya ang inis hanggang sa makatulog. Nagising na lang siya dahil parang lumindol. Napamulagat siya at nakiramdam. Nanlaki ang mga mata niya ng mag-vibrate ang sahig!
Dali-dali siyang lumabas ng kwarto. Bitbit pa niya ang paboritong unan na si smiley. Bilog iyon na kulay yellow. Kahit may ratik na sa katagalan, paborito pa rin niya. Paglabas niya ng kuwarto ay nakita niya si Dem pala ang dahilan ng pagyanig. Tumatalon ito at pinipilit na sinisira ang seal!
"Hep! Tumigil ka na!" sita niya rito.
Tumigil nga ito at agad na lumapit. Napaungol na lang ito ng hindi makahakbang palabas ng bilog na seal. "I just want to get out," paliwanag nito.
"Hindi ka makaalis d'yan. Ako ang magsasabi kung kailan ka aalis, maliwanag?" naiimbyernang sagot niya. Ito na rin ang napagiinitan niya. Kung nakipag-cooperate lang ito at pinagbigyan siya sa kahilingan, hindi na sana siya naghihirap ng ganoon. Wala na rin sana ito doon. Dapat, matagal na silang nagkanya-kanya at matiwasay na ang buhay niya!
"I just want to know if you're okay!" bulalas na amin nito saka napabuga ng hangin.
Natigilan siya at napamaang dito. Isang demon? Mukhang naging concern sa kanya? Ah, bigla yatang nagiba ang ihip ng hangin.
Diskumpyado niyang tiningnan si Dem. "Okay ako. Bakit gusto mong malaman?"
Napabuga na naman ito ng hangin. "Ilang araw na kitang napapansing ganyan. Pagdating mo pa kanina, hindi mo pa ako pinansin. Nagkulong ka sa kuwarto. Nagiiyak. Pagkatapos ay tumahimik ka. Sino ba naman ang hindi matataranta?"
Natigilan siya. Kita ni Kaye ang spark ng concern sa mga mata ni Dem bagaman nandoon din ang inis. Hindi naman siya magtataka dahil lagi naman itong mukhang inis pero ang makitang may bahid ng concern sa mga mata nito? Nakakapanibago iyon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kaye sa ideyang iyon hanggang sa kinalma niya ang sarili. Hindi siya dapat ma-touch sa nakikitang concern nito. Baka mamaya, isang palabas lang iyon. Kunwari concer, tapos ay aakitin para makawala...
Dahil sa naisip ay naipagkrus niya ang dalawang kamay sa dibdib. "Huwag mo nang balaking akitin ako para mauto. Hindi mangyayari 'yan,"
Napabunghalit ito ng tawa. Napanguso tuloy siya. Muli, nakaramdam siya ng inis. Mukhang tinatawanan siya ng herodes!
"I don't have to do that. If I want to seduce you, it's easy. Watch me," anito saka inalis ang ipangitaas. Tumambad sa kanya ang perpektong hugis ng katawan nito na mukhang alaga sa ehersisyo.
Napanganga siya sa kagandahan ng katawan ni Dem at nabitawan ang unan. Tama ito. Hindi siya nito kailangang akitin! Nagtanggal pa lang ito ng pangitaas, binalot siya ng banyagang pakiramdam. Isang pakiramdam na nagpapainit sa kanya at nagpapawala ng huwisyo...
"See? You want to touch me. I know. I can read it in your eyes. You can do that... come here... touch me... feel me Kaye ..." mainit anas ni Dem. May halong gigil iyon at pagtitimpi. Obvious din na pino-provoke siya nito bagaman mayroong init din sa mga mata. Mukhang hindi lang siya ang inaakit nito kundi pati ito ay naapektuhan din.
Napalunok si Kaye. Nanuyo ang lalamunan niya dahil sa kakaibang init na bumabangon sa sistema. Ang lakas nang kabog ng dibdib niya. Aaminin niya, naaakit siya. Gusto niyang paunlakan ang imbitasyon nito...
No! Lumayo ka sa tukso!
Napaigtad si Kaye sa isinigaw ng isang matinong bahagi ng isip niya. Napailing-iling siya at kinalma ang sarili. Pakiramdam niya ay nagising siya mula sa pagkakahipnotismo kay Dem!
"H-Hindi ako naaakit!" bulalas ni Kaye saka kinuha ang unan at tumakbo sa kuwarto. Bago sumara ang pinto ay narinig pa niya ang malakas na tawa ni Dem. Mukhang pinaglaruan din siya! Inis na napasandal na lang si Kaye sa pinto. Taas-baba ang dibdib niya. Napahawak siya sa noo at napaungol siya ng makapang pawis na pawis siya!
It was a temptation, she almost gave in. Napailing siya sa sarili at minabuting ihanda ang sarili sa mga susunod na temptation ng demon. Nasisiguro niya, susubukin nito ang tatag niya hanggang sa bumigay siya at pagbigyan ito.
Pero hindi mangyayari iyon! Matigas siya. Kayamanan muna bago kalayaan! Period!
"Hindi ka papasok?" usisa ni Dem kay Kaye habang umiinom ng kape. Nakaupo ito sa dining table at si Dem ay nasa loob pa rin ng bilog. Magmula ng akitin siya ni Dem ay hindi na ito tinitingnan ni Kaye sa mga mata. Kung maaari, ayaw niya itong tingnan. Sigurado siyang gagawa ito ng paraan para mahulog siya sa bitag.
"Hindi," simpleng sagot ni Kaye at nagbasa ng diyaryo. Sa loob ng ilang araw na suspendido ay nakapagdesisyon ng dalaga na lilipat na lang ng trabaho. Hindi na rin niya gusto sa Controls. Hindi na rin kasi siya masaya. Alam din niya na simula na iyon ng kalbaryo niya sa supervisor. Pagiinitan na siya nito ng pagiinitan kahit pa ayusin pa niya ang trabaho. Pansin naman niya iyon sa mga agents nito na nagsisialisan. Once na pinaginitan ay hindi na tumitigil.
May makukuha naman siyang back pay sa pagalis at iyon ang naisip niyang ibayad kay Sing. Bukod doon ay may separation pay siyang makukuha. Siguro naman ay bago iyon maubos ay makakahanap na siya ng trabaho. Ang tungkol sa upa ay pakikiusapan na lang niya ang landlady na pinaglihi sa dragon. Lulunukin niya na lang muna ang mga pangiinsulto nito dahil sa pagiging kapos sa pera. Lihim siyang napabuntong hininga.
"Why? Four days ka na dito. May sasahurin ka pa ba?"
Doon siya napatingin kay Dem. "Wala kaya tulungan mo na lang kasi ako. Ibigay mo ang hinihiling ko para matapos na tayo at makauwi ka na sa inyo,"
Napailing-iling ito. "I am a demon. I don't help people." anito saka napabuga ng hangin. "You shouldn't try your luck on me or in any spirits. Tao ka. Dapat alam mong hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa ganito. There's no such short cut in success, Kaye. You should work hard for it," anito. Sa unang pagkakataon, nagsermon ang demon.
"Aba... may alam ka pala'ng mga ganyan." naaliw na sagot ni Kaye. Hindi niya mapigilan. Kahit papaano ay bumago iyon ng kaunti sa pagtingin niya rito. She discovered that he's not that bad after all.
Sa kabilang banda, napahiya siya. Tama ito. Dapat ay try lang siya ng try. Sa bawat pagsubok ng buhay, kapit lang hanggang sa makabangon. Hindi ba't ganoon naman siya noon? Kaya nga rin siya hindi sumukong magaral sa kabila ng kakapusan ng pera at edad. Naniniwala siya dati na matatapos siya sa pagaaral basta magsikap lang.
Malungkot siyang napangiti. Aaminin niya, napagod siya sa buhay at ginustong maging abot-kamay lang agad ang tagumpay samantalang wala namang ganoon.
"Oo naman. I know a lot of things. I've been living for a hundred years. Hindi ko nga lang man alam ang sistema dito sa mundo, base sa observation ko sa'yo ay iyon ang maganda mong gawin. Hindi mo naman puwedeng gawin ang mga ginagawa namin sa underworld. We kill to live. Can you do that?" seryosong tanong ni Dem.
Agad siyang umiling. Ni ang magisip nga ng masama sa iba ay hindi niya magawa, pumatay pa kaya?
Sa kabilang banda, hindi niya maiwasang malungkot para kay Dem dahil sa mga narinig. Paano na lang ang buhay nito sa underworld? Araw-gabi, nakikipaglaban? Hindi ba ito napapagod? Ah, isa nga naman itong demon. Normal na ang ganoong takbo ng buhay nito pero... nakakalungkot. Hindi nito nararanasang maging masaya. Sana lang talaga ay habang nandoon ito sa mundo ng mga tao ay mag-enjoy ito kahit papaano.
Huminga siya ng malalim. "Okay. Ano ba sa tingin mo ang magandang gawin?" tanong niya.
"Damn it. Ako pa talaga ang tinanong mo?" napapantastikuhang tanong nito saka napaisip. Pinigilang mapangiti ni Kaye. Nagreklamo pa ang herodes pero nagisip naman. Gayunman, hinintay niya itong magsalita. "Tingin ko ay dapat kang magtrabaho ng maayos. Tuwing sahod, magtabi ka para makabayad ka sa mga utang hanggang sa matapos iyon. After that, magipon. Magtipid para may maitabi. Kapag nakaipon, kung gusto mong mag-negosyo, doon mo dalhin ang pera mo. Life is a changing process. Hindi mo dapat hayaang magbago ang buhay mo pababa kundi paangat. Well... that's what I think,"
"Alam mo, kung naging tao ka lang, sa tingin ko magiging mabuti kang tao." komento ni Kaye. Naaliw na talaga siya sa demon na ito. He thinks simply and that what made him adorable.
Napasinghap siya sa naisip. She thought Dem was adorable! She's doomed! She was starting to see Dem differently!
Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Nakita niya ang unti-unti nitong pagbabago. Bukod sa panlabas na kaanyuan, hinahangaan din niya ang reasoning nito—dahilan kung bakit nagbabago ang pagtingin niya kay Dem...
Mukhang nalito si Dem sa sinabi niya hanggang sa nagkadailing-iling. "Hell no. I don't want to be human,"
"Dem—"
"I said no! Don't push it, okay?" naiinis na naman nitong sagot saka napabuga ng hangin.
"Dem—"
"Nilito mo ako!" bulalas nito saka nagpalakad-lakad sa loob ng bilog. Panay ang buga ng hangin at napapahagod sa buhok. Naaliw talaga siya sa itsura ni Dem. Mukhang hindi matanggap na mayroon itong magandang katangian. "Okay. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. Instead, commit suicide when you are devastated in your life. Right. That's what you should do, Kaye. Come on. Magbigti ka na." bulalas nito.
Napahagalpak ng tawa si Kaye. Napahawak siya sa tiyan. Ni hindi niya kasi makuhang mapaniwalaan ang mga sinabing huli ni Dem. Pakiramdam ni Kaye ay sinabi lang Dem iyon para panindigang maging masama. Tawang-tawa talaga siya sa ginagawa nitong pagbangon ng image nito.
"Kaye! I am serious!" bulalas nito.
"Oo na!" tatawa-tawang sagot na lang niya para pagbigyan si Dem. Tumayo na siya at nang mapatingin dito, natawa ulit siya.
"You don't believe me," desperadong konklusyon ni Dem.
Umiling siya. "Alam mo kung bakit? Because I know you don't mean it," nakangiting sagot niya saka ito iniwanan sa sala.
Pagpasok niya sa kuwarto at napangiti na lang si Kaye. Hindi makapaniwala sa gaan ng kalooban na nararamdaman. Ah, dahil iyon kay Dem. Ang demon na parang nagpapanggap na lang na masama na nasa sala niya.
Napabungisngis siya sa naisip.
Napangiti si Kaye habang pinagmamasdan ang sarili. Maaga siyang naligo at nagbihis. Nakapag-ayos na rin siya. Araw ng interview niya at excited siya. Iba ang araw na iyon sa mga araw na dati siyang naga-apply ng trabaho. Ngayon ay nakakaramdama siya ng kakaibang pagasa.
Dahil iyon sa words of wisdom ni Dem na hanggang ngayon ay hindi nito matanggap na sinabi nito sa kanya. Natatawa na lang si Kaye sa demon. Kinakantyawan niya ito at binibiro tungkol sa pagiging mabait. Mukhang kinikilabutan ang lalaki na ikinatatawa na lang niya.
Tuluyan na siyang nag-resign sa Controls. Matapos ang suspension ay nagpasa siya ng resignation letter isang linggo ng nakaraan. Tinanggap naman iyon ng kumpanya at matapos ang clearance, may nakuha naman siyang maliit na halaga at backpay. Iyon ang ginamit ni Kaye para makahanap ng ibang trabaho at para mabayaran din si Sing. Iyon nga lang, ang na-sacrifice ay ang utang sa upa. Siguradong kapag dumating ang landlady niya next month ay masasabon din siya with banlawan at kula!
Gaya ng sinabi ni Dem, nagtabi din siya ng kaunti. Nagbukas siya ng account sa isang banko at sumumpa siya sa sarili na buwan-buwan ay huhulugan iyon. Kahit kaunti, kailangang may maihulog siya para kahit papaano ay madagdagan ang ipon niya.
Lihim siyang napabuntong hininga siya. Hindi niya naisip ang mga ganoong diskarte noon dahil aminadong nilamon siya ng insecurities at tampo sa sitwasyon. Napagisip niyang tama si Dem. Hindi niya dapat iaasa sa iba ang pagunlad. Kailangan ay pagsikapan niya iyon. Aba, mas nakaka-proud din naman na ipagmalaki sa iba na naabot niya ang tagumpay na walang tinatapakan o hinihingan ng tulong.
Kaya hayun si Kaye sa harapan ng salamin. Punung-puno ng pagasa. Sana lang talaga ay makapasok na siya sa ina-apply-an na call center.
"Kaya ko 'to. Fighting!" pampapalakas loob niya sa sarili saka tumayo na. Kinuha na niya ang bag sa kama at lumabas ng kuwarto.
Napangiti siya ng makita si Dem na napaligon sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ni Kaye ng magtagpo ang mga mata nila ni Dem. Nahigit niya ang hininga ng hagurin siya nito ng tingin at nanayo ang mga balahibo niya ng makitaan ito ng paghanga.
Hindi maintindihan ni Kaye ang sarili. Araw-araw niyang nakakasama si Dem at sa pagtakbo ng mga araw ay ramdam niya ang kakaibang damdaming nabubuo para dito. Damdaming pigilan man niya ay sumisingaw pa rin dahil na rin sa natutuklasan niyang katangian nito...
"Wow..." anas nito. Bumakas ang init sa mga mata nito habang nakatitig sa labi niya. Palibhasa, namumula ang labi niya dahil sa lipstick. Nakaayos siya. Manipis lang ang make up niya. Simpleng dress ang suot niya. Kulay peach iyon. Maigsi ang mangas. Hindi naman revealing ang neckline na umabot lang sa ibaba ng collar bone niya. Sakto lang ang hapit noon sa kanyang katawan na umabot sa ibabaw ng tuhod. Simpleng sandals na walang takong ang sapin niya sa paa pero kung makanganga si Dem ay parang siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!
"Bagay ba?" nakangiting tanong ni Kaye bagaman nagiinit na rin ang pisngi dahil sa ilang. Nakakailang ang mga titig ni Dem. Sabihin pang dilaw ang mga mata nito pero hindi niya mapigilang maapektuhan sa mga titig nito.
"Yes..." anas nito at natigilan. Natawa siya ng mukhang hindi nito nagustuhan ang sariling sagot.
"Ayaw mo pang maging honest," biro niya.
Natigilan na naman ito at natawa na siya ng makitang nagtatalo ang emosyon sa mukha nito. "I can't be honest, okay!" desperadong bulalas nito saka napabuga ng hangin. "O-Okay. You're beautiful. Bagay mo ang simple dress at ayos mo. Damn... I am really saying these things on you..." desperadong dagdag nito at natutop ang noo.
Napangiti si Kaye sa nakitang struggle ni Dem. Pinaglalabanan pa nito ang ugaling demon sa ugaling makatao. Alam niyang hindi madali para kay Dem iyon dahil isa itong demon. Hindi normal para ritong makaramdam ng ganoon kaya naiitindihan niya ang paghihirap nito.
"Okay. Aalis na ako. Be good," biro na lang niya.
Napaungol ito. Natawa na lang si Kaye na umalis. Nagpunta na siya sa Makati. Pagdating sa gusali ng call center na a-apply-an, nag-retouch ulit siya. Matapos iyon ay magaan ang kaloobang hinarap niya ang magi-interview.
Matapos iyon ay pinaghintay muna siya sa waiting area. Positibo talaga ang pakiramdam niya dahil hindi siya nahirapang sumagot sa interview. Palibhasa ay may experience na siya. Balita niya ay urgent din iyon. Tingin niya, kaya siya pinaghintay ay para na rin makapag-training na siya agad.
"Miss Raymundo?" tawag sa kanya ng secretary ng HR. Tumayo siya at agad na siya nitong pinapasok sa opisina. Agad siyang ngumiti ng makita ang nag-interview sa kanya kanina pero kinabahan siya ng mapansing tila nawala ang pagkagiliw nito.
"Miss Raymundo, I'll be very honest with you. We did some back ground check and we found out that you have past issue on your previous employment," panimula nito.
Lalong kinabahan si Kaye. Tumango siya at naisipang maging honest. "Yes, ma'am. But I settled it before I resigned..." aniya saka ipinaliwanag ang mga nangyari noon.
Pero nanghina si Kaye ng makita ang lungkot sa mga mata ng matandang babae. Bagaman nakangiti, alam na niyang tagilid siya.
"I am so sorry, Miss Raymundo. We'll call you back, okay?" seryosong sagot nito.
"O-Okay..." anas niya. Ngumiti pa rin siya kahit durog na durog na ang pagasa. Mukhang binigyan nito ng timbang ang naging performance niya sa ibang kumpanya at doon nagbase kung tatanggapin ba siya o hindi. Lumabas na siya at lutang na naglakad hanggang labasan.
Ni hindi na niya nalamayang nakauwi na siya dahil lutang siya sa depresyon. Pagdating niya sa bahay, napatingin na lang siya kay Dem. Hindi napigilan ni Kaye na maiyak ng makita ang lalaki...
"Hey... ugh... w-what happened? Are you—"
"Dem..." anas niya at natagpuan na lang ang sariling yakap-yakap ito. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Aminadong amoy sulfur ito dahil isa iyon sa katauhan ng isang demon pero wala siyang paki. His sulfur scent was combined with his personal scent. And his scent was telling her that she's not alone... she has Dem... she has this demon...
Nanigas ang katawan ni Dem. Mukhang hindi inaasahan ang ginawa niyang pagyakap dito. Gayunman, sa paglipas ng segundo ay kumalma dito ito. Napabuntong hininga si Dem at marahang hinaplos ang likuran niya.
Napapikit siya ng maramdaman ang pagtugon ni Dem sa yakap niya. There. Kaye felt better. She felt secured and not alone anymore...