Nanigas si Kaye ng pumitik ang mahiwagang lalaki. Sa isang pitik, lumutang ang butcher! Doon nawala ang kalasingan nito at napasigaw. Nagpapapalag-palag sa ere. Pero hindi rin iyon nagtagal dahil muling pumitik ang mahiwagang lalaki. Napanganga si Kaye ng biglang magdikit ang labi ng butcher at parang damit na tinahi!
"Give me your soul. It's dark. I want it," malamig ulit na saad ng mahiwagang lalaki at muling pumitik.
Impit na napatili ang butcher at nagkikisay-kisay ito sa ere. Nangilabot si Kaye ng biglang tumirik ang mga mata ng lalaki. Ilang segundo ang lumipas, mayroong itim na usok ang lumabas sa ilong at tainga nito habang nakatirik ang mga mata. Lahat ng usok ay nagpunta sa mahiwagang lalaki. Ngumanga ito at doon pumasok ang mga usok hanggang sa tuluyan naubos.
Matapos iyon at unti-unting natuyo ang butcher hanggang sa naging abo! Gulantang na napatitig si Kaye sa mahiwagang lalaki. Napaigtad siya ng pumitik ito at sa isang iglap, paraang mayroong kamay ang humila sa kanyang katawan para tumayo.
"S-Sino ka?" kinakabahang anas ni Kaye. Pambira. Papaano siya kakalma? Nakita niya ang lahat! Kung ibang tao lang ang nakakita noon, siguradong nahimatay na sa takot!
"You called me. Thanks for the meal. Now, it's your turn. You should die for disturbing me," malamig na saad nito saka nakakalokong ngumisi.
Napasinghap si Kaye. Isusunod siya nito! Hindi iyon puwede! Mukhang balak ding kuhanin ang kaluluwa niya! Tinawag niya ito para matulungan siya, hindi ang gawing meryenda! Pinaghandaan ni Kaye iyon kaya gagawin niya ang lahat para huwag mapahamak. Mabilis niyang pinagana ang isip. Inalala niya ang mga ritwal na kailangang gawin para sundin siya ng demon.
Dinaluhong niya ang isang maliit na mangkok sa gilid na naglalaman ng asin at isinaboy iyon sa mahiwagang lalaki. Napanganga si Kaye ng biglang umusok ito at napasigaw ito sa sakit. Gayunman, bago siya maunahan nito ay mabilis niyang pinagana ang isip.
"S-Signa eius magicis vires," kinabahang agad na dasal ni Kaye ng makitang pipitik na ang lalaki. Latin na encantation iyon na ang ibig sabihin ay 'seal his magical power'. Alam niyang sugal ang kanyang ginagawa pero wala siyang ibang choice. Iyon lang ang puwede niyang gawin sa ganoon pagkakataon: ang pagkatiwalaan ang mga nakuha sa internet na dasal.
Napaigtad si Kaye ng pumitik ang lalaki at mariing naipikit ang mga mata. Hinintay niya ang katapusan. Kinakabahan siya. Halos hindi na humihinga. Halos matawag na niya ang lahat ng santo dahil sa napipintong katapusan ng buhay.
"Fuck! What's happening?" takang tanong ng lalaki ng paulit-ulit itong pumikit. Nang walang mangyari, nagsalubong ang kilay nito at umakmang lapitan siya.
At natigilan ito pagdating sa dulo ng bilog. Nagtiim ang bagang nito at napayuko. Tumalon ang puso niya ng muli itong napatingin sa kanya at namula ang mukha sa sobrang galit!
At doon napagtanto ni Kaye na hindi magandang ginagalit ang ganitong klase ng nilalang. Tingin pa lang, gusto na siyang patayin! Ang sama-sama ng tingin nito sa kanya. Mabuti na lang talaga, mukhang nai-seal niya ang kapangyarihan nito. Siguradong hindi lang siya magiging abo kung nagkataon!
"You wicked bitch," naba-badtrip na anas nito. Nagpalakad-lakad ito sa loob ng bilog saka napasigaw sa sobrang asar ng wala itong makitang opening para makadaan! "Let me go!"
Napaigtad siya sa lakas ng boses nito. He was indeed demon. Walang galang. Ramdam niya ang itim ng budhi nito. Kita niya sa mga mata nito na hindi siya sasantuhin. Oras na mahawakan siya, siguradong mata lang niya ang walang latay.
"P-Pasensya ka na kung ginagawa ko ito. K-Kailangan ko ang tulong mo," pigil hiningang saad ni Kaye saka mabilis na pinaliwanagan ang lalaki tungkol sa paniniwala nilang magtiyahin at sa mga nangyari sa kanila. Kailangan niyang gawin iyon. Sayang ang oras. Baka sakaling mapakalma niya ito oras na marinig iyon.
At sa haba ng paliwanag ni Kaye, isang matunog na halakhak lang ang napala niya sa lalaki. Napatitig tuloy siya rito.
"You think I'm a genie? I can do some magic and make you rich?" nakakalokong tanong nito saka napailing.
"H-Hindi pero naniniwala akong tutulungan mo ako. Tulungan mo akong maging matagumpay sa buhay," determinadong saad niya.
Nagkadatawa ang lalaki. Pailing-iling pa. Parang mayroon tuloy siyang nasabing nakakatawa. Maang niyang hinintay ang susunod na sasabihin nito.
"You know what? Hindi kita matutulungan. Kahit i-bargain mo pa ang kaluluwa mo, hindi ko tatanggapin. You have a weak soul. Ni hindi ako mabubusog d'yan. Ni hindi kita madadala sa underworld. Paano ko madadala doon ang kaluluwang malinis? You should be at least contaminated with disgrace. Try to think something corrupt. Think of fucking a demon like me or—"
"Hep! Sandali lang. Kailangan maging masama ako para lang tanggapin mo?" paniniyak niya.
Natawa na naman ito. "Of course! The greater abomination, tastier even better..." nakangising anas nito.
Napasinghap si Kaye sa uri ng titig ng lalaki. Pakiramdam niya, hinahawakan siya nito. Nanayo ang mga balahibo niya. Bumibilis ang tibok ng puso niya. Halos hindi siya makahinga! Hindi siya makapaniwala sa epekto ng lalaki. Kayang-kaya siya nitong apektuhan ng hindi man lang hinahawakan!
"If you can do it, then we'll have a deal. Pero habang hindi mo kayang gawin, uuwi muna ako. Unseal me and—"
"Hindi. Dito ka lang." agad niyang sagot.
"What?" naiinis na naman na tanong nito.
Huminga siya ng malalim. "Magiisip ako ng paraan para maging masama pero hindi ka aalis. Ang hirap mong tawagin. Baka hindi ka na magpakita. Ang masama, baka gawan mo ako ng masama kaya dito ka lang." determinadong sagot ni Kaye. Nakikita niya ang kislap ng mga mata nito. Ramdam niya na mayroon itong pinaplano!
"You are so gonna regret this," puno ng pagbabantang anas nito. Naniwala si Kaye. Pagsisisihan niya oras na makawala ito. Siguradong hindi lang mata niya ang walang latay. Hindi lang siya nito gagawing abo. Siguradong mas malupit ang parusang ibibigay nito kumpara sa ginawa nito sa butcher.
Pero hindi siya dapat magpakita ng takot dito. Nasa ilalim ito ng spell niya. Siya lang ang nakakaalam kung paano ito i-unseal. Hawak niya ito. Wala itong ibang magagawa tungkol doon.
At siya? Kailangang magisip siya ng ibang paraan para mapapayag ito. Hindi niya kaya ang sinasabi nitong magpakasama siya. Ni hindi niya kayang isipin iyon! Siguro ay dahil pinalaki siyang ganoon. Sa kabilang banda, naniniwala siyang may paraan pa. Hahanap siya ng way para mapapayag ang masungit na demon.
"Quit staring. Nakakainis." maangas na sita ng demon kay Kaye. Isang linggo na itong nakakulong sa loob ng holy oil at hanggang ngayon ay wala itong ibang magawa kundi ang sungitan at asikan siya. Gigil na gigil talaga ito sa kanya. Sa sobrang gigil, hindi siya sinasagot ng maayos. Panay sama ng tingin at pabalang na sagot ang napapala niya rito.
Hindi na magtataka si Kaye sa kasamaang ugali na ipinakikita nito. He was demon and it was normal to act that way. Gayunman, sa kabila ng ipinakikita nito ay hindi siya nakakaramdam ng takot. Aaminin niya, nandoon ang kakaibang ilag pero alam niyang hindi iyon takot.
Dahil alam niyang hindi ito kasing sama ng mga napi-picture niyang demon. Sa kabila ng kapintasan nito, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang iniligtas nito ang buhay niya. Kundi dahil dito, siguradong nagahasa na siya at pinatay.
Ang butcher ay nabalitaan niyang nasa missing list ng mga pulis ngayon. Inilagay niya ang abo nito sa isang garapon at hinukay sa likod ng unit niya. Ni-report ito ng mga kasamahan dahil ilang araw ng hindi nagpapakita. Nagi-guilty man dahil kahit papaano ay siya ang dahilan ng pagkawala, naisip niyang iyon pa rin ang nararapat na parusa dito. Kaysa naman napatay siya at nagahasa, mas maiging nawala na ito sa mundo.
Iyong nga lang ay hindi niya iyon masabi sa mga tao. Alangan naman sabihin niyang pinatay ito ng demon? Siguradong pagtatawanan lang siya o baka ikulong pa sa mental hospital kaya minabuti niyang manahimik na lang.
Maging ang kusina ay naiayos na ni Kaye. Sinira ng butcher ang bintana niya at doon ito dumaan. Hindi lang niya iyon narinig dahil sa bukod sa abala siya, mukhang expert din sa panloloob ang butcher kaya ni wala siyang napansing ingay. Gayunman, sinigurado niyang wala ng makakapasok doon kahit pusa. Tinakpan na niya iyon ng plywood at pinakuan ng bongga.
Sa kabilang banda, sa katagalan ay napansin ni Kaye na isang magandang lalaki ang demon bagaman barumbado ang dating ng kaguwapuhan. Nakakatulong iyon para hindi siya matakot dito. Kamukha pa nito si Keith Urban. Itim nga lang ang buhok at dilaw nga lang ang mga mata. Kakaiba iyon dahil hindi lang buong retina ang dilaw kundi maging ang sclera. Hindi naman ito mukhang may hepa. Matingkad ang pagkakadilaw noon at makinang. Dahilan para mahipnotismo siya sa tuwing napapatitig siya rito.
Sa pagkakaalam ni Kaye ay pula ang mata ng mga demons pero kakaiba ang mata nito. Pakiramdam tuloy ni Kaye ay nakatawag siya ng kakaibang demon—bagay na hindi niya masiguro dahil hindi naman siya nito sinasagot ng diretso.
"I said stop staring! Geez!" naiinis na asik nito ng hindi pa rin niya ito lubayan ng tingin.
Napakurapkurap tuloy siya at kinalma ang sarili. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan dito. Ni hindi nga siya nito magalaw! Katunayan na ligtas siya kahit anong singhal nito.
"Iniisip ko lang naman kung ano ang pangalan mo. Hindi mo pa rin sinasabi hanggang ngayon at—"
"It's Demetineirre." angil nito at napahagod sa buhok. Napatitig tuloy siya rito. Pakiramdam tuloy niya ay lalo itong naging guwapo sa paningin.
Agad niyang ipinilig ang ulo. Mukhang hinahangaan pa niya ang pisikal na kaanyuan ng ng demon. Nababaliw na siya kung ganoon! Ah, hindi iyon puwede. Pinagsabihan ni Kaye ang sarili. Mayroon siyang misyon. Iyon ang dapat niyang pagtuunan ng pansin at hindi ang i-entertain ang banyagang pakiramdam na iyon.
Demetineirre... lihim na anas ni Kaye. Tunog-sosyal ang pangalan ng demon. Hindi niya mapigilang mamangha. Pero sa kabilang banda, nahahabaan siya. Hindi naman siguro nito ikagagalit kung isho-short cut niya iyon.
Tumikhim siya. "Dem, ako si Kaye. Gaya ng sinabi ko noong una tayong nagkakilala, gusto kong tulungan mo ako. Alam kong may paraan. Sabihin mo lang at—"
"You called me Dem." naiiritang putol nito. Mukhang hindi makapaniwala.
Tumango siya. "Wala akong nakikitang masama—"
"I am the leader of 66th legion in underworld! You should call me my true name, bitch!" naiinis na asik nito. Nagpalakad-lakad ito sa loob ng bilog. Mukhang naghahanap ng paraan para makaalis at masakal siya hanggang sa inis na lang itong napasigaw!
"Ugh! You are so gonna regret this! Shit! I hate this!" gigil na asik nito. Nagiigtingan ang mga ugat sa noo.
Napamaang si Kaye sa nakitang reaksyon nito. Hindi makapaniwala na gustong-gusto na siya nitong sakalin. Sa kabilang banda, namangha siya. Hindi ito basta demon! He was a leader! Was she doomed or lucky?
"K-Kaya ba iba ang kulay ng mata mo?" kinakabahang usisa niya at pinagmasdan pa itong maigi. Naghanap pa siya ng indikasyong iba ito sa lahat ng demon.
"Yes!" bulalas nito.
"K-Kaya ba... wala kang buntot at sungay?" kinakabahang usisa pa rin ni Kaye.
"What?!" naiiritang tanong ni Dem. Nang makitang seryoso pa rin siyang naghihintay ng sagot nito ay natawa ito ng nakakaloko. "This is my human form, okay? Automatic na lumalabas ang human form namin kapag lumabas kami ng underworld. Sa underworld, nasa demon flesh ako at kagaya ng sinasabi mo, oo, iyon ang itsura ko. May sungay, pangil, namumula at nangingintab ang balat dahil sa init ng underworld. Ah, oo nga pala. Ang kalahati ng katawan ko ay katawan ng itim na kambing. Ang buntot ko? Buntot ng ahas. Ang sungay ko?" pambibitin nito saka nakakalokong ngumisi. "Are you sure you really want to know these things? If you really want to know, I can show you my true form. Just unseal me and—"
"Tama na!" awat niya rito at iwinasiwas ang dalawang kamay. Hindi kinaya ng powers niya ang deskripsyon nito sa sarili. Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan! Pilit sumisiksik ang demon image nito sa isip niya at sa totoo lang, hindi niya kinakaya. Hindi naman sa nandidiri o natatakot siya pero kung ikukumpara sa human form nito, parang hindi yata kayang tanggapin ng isip niya na ganoon ito.
"Let. Go." seryosong anas ni Dem saka tumigil sa paglalakad. This time, nakatayo na ito sa tapat niya at mataman siyang tinititigan.
Nahigit ni Kaye ang hininga ng makatitigan si Dem. Hayun na naman ang banyagang pakiramdam, nagpaparamdam! Bumibilis ang tibok ng puso niya at hindi siya makahinga...
"H-Hindi," nagi-stammer na sagot ni Kaye saka pinilit na kumalma. Tumikhim siya at huminga ng malalim. "Makipag-cooperate ka para magkasundo tayo,"
"That's not gonna happen! I am the leader! No one dares do this to me!" galit na singhal nito. Mukhang napatid na ang pagtitimpi.
Napaigtad tuloy siya. Nang makabawi ay napabuga ng hangin! "Pamamahay ko ito! Huwag mo akong sigawan!" ganti din niya. Aba, wala pang gumawa noon sa kanya at hindi siya makakapayag na sigawan nito. Teritoryo niya iyon. Nasa ilalim niya ito ng kapangyarihan. Dapat lang na umayos ito.
Natahimik si Den at napamaang. Mukhang hindi inaasahang gagantihan niya ito ng singhal din. Aaminin niya, nainis na talaga siya sa ginawa nito. Nakakapikon. Aba, isang linggo na itong ganoon! At tao lang siya, nauubusan din ng pasensya kaya hayun siya, sumabog na rin.
Nagpupuyos ang kaloobang tumayo si Kaye at pumasok sa kuwarto. Nagbihis na siya para pumasok sa trabaho. Bahala ito sa buhay nito. Manigas ito doon.
Lumabas na siya at inirapan ito. Napabuga ito ng hangin. "Where are you going?" naasar na tanong nito.
Hindi niya ito kinibo. Dire-diretso siyang naglakad papuntang pinto. Nagpalakad-lakad ito sa loob ng bilog at napamura na lang ng buksan niya ang pinto saka ito iniwanan.
Naitirik niya ang mga mata pagkasara ng pinto. Dinig pa rin niya ang mga tungayaw nito. Mabuti na lang talaga, malayo siya sa mga kapitbahay. Walang nakakarinig ng boses ni Dem.
Napabuntong hininga siya at pumasok na lang sa call center. Mukhang minamalas talaga siya ng araw na iyon dahil pagdating sa Buendia, napaka-traffic. Na-late tuloy siya ng thirty minutes kaya pagdating niya sa trabaho at bunganga ng supervisor nila ang sumalubong sa kanya. Sa init ng ulo nito, napagsabihan siya ng kung anu-ano.
Mabigat tuloy ang kalooban ni Kaye na nagtrabaho.
"FUCK! DAMN!" inis na bulalas ni Demetineirre ng wala siyang magawa para makakaalis sa loob ng bilog na iyon. Pati kapangyarihan niya, hindi niya magamit! Badtrip na badtrip siya! Ilang beses na siyang umusal ng mga incantation at mga summoning spell pero wala. Ni hindi siya makatawag sa underworld. Hindi na niya sinabi iyon kay Kaye. Damn, he'll never give her satisfaction.
Hindi siya makatawag sa underworld para humingi ng rescue. Ultimong mahihinang demon na nasa mundo, hindi niya matawag. Ni hindi niya iyon maramdaman! Well, thanks to that holy oil scribbled on the floor. He couldn't make any communications.
Dahil sa kababawan ni Kaye ay hayun siya, nakakulong sa bilog. Masisisi ba siya kung kababawan ang tingin niya sa kahilingan ng dalaga? Sa tingin niya ay hindi. He was a demon after all. He couldn't feel any remorse, empathy or fear.
Galit ang nararamdaman niya para sa dalaga. Alangan matuwa siya? Nakakaaliw man ang kainosentihan, iniiginora na lang niya. Hindi siya dapat matuwa sa dalaga. Dapat ay pinagiisipan niya ito kung papaano ito gagantihan oras na mawalan ng bisa ang ipinataw nitong seal sa kanya.
Napagaralan ni Demetineirre iyon. Lahat ng orasyon laban o pabor sa kanilang mga demons ay inaral niya para alam niyang kotrolin o kontrahin. Hindi man niya narinig ang orasyon, ramdam naman niya ang epekto noon kaya alam niya kung anong klaseng sumpa iyon. Sumpang sisikilin ang kapangyarihan niya at mawawalan iyon ng bisa pagdating ng ikatatlumpung araw.
At ayaw niyang maghintay ng ganoong katagal kaya kinakausap niya si Kaye. Kung maaari lang ay pakawalan siya nito. Siguradong magtataka si Deumos kung bakit wala siya. Mabuti sana kung mararamdaman nito ang presence niya. Kaso ay hindi. Naka-seal siya kaya imposible iyon.
Sa kabilang banda, aminadong nabilib si Dematineirre din kay Kaye. Sa lahat ng tao, ito lang ang nakatawag sa kanya. Nakayanan pa nitong pasukin ang inthoughts niya sa underworld. Mukhang magaling sa spell ang babae. Imposible namang tinuruan ito ni Baldassare. Ito kasi ang bihasa sa mga pagsasa-summon-summon ng mga evil spirits at kung anu-anong summoning technique.
Nainis na naman si Demetineirre ng maalala ang kalagayan. Siguradong pati ang mga kasamahang legendary devils ay hilong talilong na ring kakahanap sa kanya. Naisip na naman niya ang magandang babae na walang ibang ginawa kundi ang iwanan siya nito doon. Datnan-panawan lang siya ng dalaga. Bagot na bagot siya.
"Shit!" inis na singhal niya saka napahagod sa buhok.
Napaigtad siya ng bumukas ang pinto at iniluwa si Kaye. Pagagalitan na naman sana niya ito pero natigilan siya ng makitang namumugto ang mga mata nito at dire-diresto sa kuwarto.
"What's wrong with her?" wala sa sariling tanong ni Demetineirre. Hindi niya mapigilang mapaisip. Kahit isang linggo pa lang niya itong nakakasama, nakilala na niya ito. Alam niyang simple minded ito. Kaya nga siya nandoon dahil naniniwala itong maka-summon lang ng demon ay yayaman na. Pansin din niya na hindi ito masamang tao. Sinulsulan na niyang gumawa muna ito ng masama bago niya tulungan pero hayun pa rin, wala pa ring ginagawa.
Pero sa nakita niya? Mukhang may problema ito. Siya kaya ang iniiyakan nito?
Kumabog ang dibdib niya at labis siyang nagtaka sa naramdaman. Takang napahawak siya sa parteng dibdib. Sinuri niya iyon kung bakit siya nakaramdam ng ganoon. It was his first time. He never felt that way before...
Naipilig niya ang ulo. Mukhang may banyagang pakiramdam ang binuhay ng babae sa kanya. Ah, hindi iyon tama. Kailangang burahin niya iyon sa sistema. Ang dapat niyang asikasuhin ay kung papaano mauuto ang babae. Hindi naman kasi niya puwedeng ibigay ang gusto nito.
He was a demon. He's not supposed to help human. He was created to spread evil, not to grant wishes. Kung natulungan niya ito noong nanganib ang buhay nito, para sa kanya ay hindi tulong iyon. He was just an accidental hero. It was a pure coincidence. He just loves to have the rapist's soul as his meal and so he did. Gusto rin niyang kuhanin ang kaluluwa ng taong nag-summon sa kanya pero naunahan siya. Hindi rin niya inaasahang magiging handa ito.
Aaminin niya, nabilib siya kay Kaye dahil doon. Isa pa itong babae. Ni hindi niya kinakikitaan ng takot. Imagine? She summoned a demon! Baliw lang ang gagawa noon.
Napailing-iling si Demetineirre sa naisip. He just hoped that Kaye would give up on him. Iyon na lang ang pagasa niya. Pero kung mamalasin siya, siguradong aabutin siya ng ilang linggo doon. And if that time comes, he'll get even. Hindi niya sasantuhin si Kaye kahit maganda pa ito.
He sighed.