"DEMONYO! MAGPAKITA ka!" pinal na sigaw ni Kaye Raymundo habang nakataas ang dalawang kamay at nakaluhod. Nasa loob siya ng isang malaking ritual pentagram na isinulat pa niya gamit ang uling na mayroong dugo ng itim na pusa. Nakasuot din siya ng itim na cloak. Bukod doon ay sinigurado niyang kumpleto ang mga materyales na kailangan niya para gamitin sa pag-summon ng... demon.
Wala siyang matawag na anghel kaya demon naman ang susubukan niya. Ayon sa isang site ng internet na nabasa niya, mas madali daw tawagin ang mga demons. Iyon nga lang, mas delikado. Demons are evils. Natural na peligro ang dala noon sa buhay ng isang tao.
Pero nakahanda si Kaye. Kumpleto na siya sa ritual kit. Kapag nakapag-summon siya ng demon, sisiguruhin niyang hindi siya masasaktan noon dahil sa loob ng pentagram na niluluhuruan niya ay nandoon din ang malaking bilog. Seal iyon na naisulat niya gamit ang holy oil na nabentidisyunan ng pari para hindi makaalis ang demon na masu-summon niya. Demon naturally hates holy objects. Dahil sa holy oil ay siguradong hindi ito lalabas doon. May nakahanda din siyang asin. Handa siyang isaboy iyon sa demon oras na makagawa ito ng paraan para masaktan siya. Nabasa din niya sa internet na ayaw ng mga demons o ng kahit na anong masasamang elemento ng mundo ang asin. Salt purifies them, that's why.
Bukod sa seal para hindi ito makaalis ay may nakahanda rin siyang spell para mai-seal din ang kapangyarihan ng demon. Memoryado na niya iyon. Huwag lang siyang mauunahan ng takot. Baka mahimatay siya bago pa siya masabi iyon.
Salamat sa mga orasyong nakita niya sa internet. Salamat na rin sa mga gamit na inihanda niya para madasalan ang seal. Umaasa siya at nagtitiwala na kaya noong i-seal ang isang demon.
Siguro, sa paningin ng iba ay nasisiraan na siya. Sino ba naman ang matinong tao ang gagawa noon? Sila lang yatang magtiyahin. At ngayong wala na ito, siya na lang ang gagawa noon.
Ang tita Mildred niya na bunsong kapatid ng ina ay isang psychic. She believes in immortality, fountain of youth, demons, angels, vampires and anything superstitious. Dahil dito siya lumaki at nakikita ang mga paniniwala, naging normal na lang iyon sa kanya. Bukod doon, fascinated din si Kaye. Anything superstitious, she found it cool.
Hindi na nakagisinan ni Kaye ang ama. Ang kwento ng tita niya, nabuntis lang daw ng isang kaklase ang nanay niya. Hindi inamin ng nanay niya kung sino ang nakabuntis dito. Namatay ito sa panganganak ng hindi iyon nalilinaw sa tiyahin.
Dahil ulila na ang nanay niya, si Tita Mildred ang nagpalaki sa kanya. Binuhay siya nito sa paraket-raket. Sa Quiapo ang puwesto nito para manghula tuwing umaga, sa hapon naman ay kung saan-saan ito nagpupunta depende kung saan ito ipapatawag ng mga kliyente para kausapin ang mga kaluluwang gumagambala sa mga kliyente nila. Sa tuwing may pagkakataon, sumama siya para assitehan ito.
Namatay lang ang tiyahin niya dalawang taon ng nakararaan dahil sa sakit na breast cancer. Ginawa nila ang lahat para isalba ang buhay nito hanggang sa maubos ang ipon nila at nabaon sila sa utang. Tumigil na rin siya sa pagaaral. Hindi niya ikinasama ng loob iyon dahil inabot na siya sa edad na beinte otso dahil sa kakahinto sa pagaaral. Kapos na kapos kasi sila sa pera. Kung siya ang masusunod, magtatrabaho na lang siya. Pero ayaw iyon ng tiyahin. Ang gusto nito ay igagapang nito ang pagaaral niya.
Nang masimot ang savings nila ay doon na ito nagsimulang sumubok na mag-summon. Iyon ang sinandalan nila para mabuhay ang tiyahin. Umasa sila sa himala. Umasa sila sa isang anghel hanggang sa binawian ng buhay ang tiyahin isang taon ng nakararaan. Gayunman, bago nalagutan ng hininga ang tiyahin ay binilinan siya: ipagpatuloy niya ang nasimulan nito. Oras na maka-summon siya ng anghel o demon, humingi siya ng tulong. Kontrolin kung kaya niya para maisalba siya nito sa kahirapan.
Kaya hayun si Kaye. Isang taon nang nagmumukhang tanga. Hindi na lang niya iniisip iyon dahil naniniwala siyang nage-exist din naman ang mga ganoong klaseng nilalang. Malas lang na hindi siya 'gifted'. Wala siyang third eye para makita sila. Gayunman, salamat pa rin dahil mayroong internet. May mga pakalat-kalat pa rin na impormasyon tungkol sa kanila. Ibig lang sabihin ay posible sila. Kakapit pa rin siya. Kahit ilang itim na manok ang kailangan niyang ialay, gagawin niya.
"Demonyo! Lumabas ka! Ngayon din!" sigaw na ulit ni Kaye. Tumuwid pa siya sa pagkakaluhod at itinaas maigi ang dalawang kamay na magkahiwalay. Tumingala siya at mariing ipinikit ang mga mata. Paulit-ulit niyang dinasal ang orasyon na nakuha sa internet hanggang sa napaigtad siya ng mayroong pumatak sa noo!
"Shit naman, oh..." naiinis na bulong ni Kaye ng makapa ang likido. Napatitig siya sa kisame at nakita niya ang isang butiki. Mukhang nangaasar pa dahil nagtitiktik iyon ng tiktik saka mabilis na gumapang sa kisame at nagtago!
Napabuga na lang ng hangin si Kaye saka pinagmasdan ang kalat sa maliit na sala. Lahat ng maliit niyang sala set, nasa gilid para magawa ang malaking bilog na iyon. Napabuntong hininga na lang siya at tumayo. Nilinis na lang niya iyon at pinatay ang mga itim na kandila. Nawalan na rin siya ng gana. Ni ang kumain ay hindi niya magawa.
Matamlay siyang nagayos at pumasok sa Controls—ang call center na pinagta-trabahuhan niya. Nakapasok siya doon walong buwan ng nakararaan bilang technical support. Kahit undergraduate sa kursong Computer Science, suwerteng nakapasok pa rin siya. Idinaan na lang sa training at exams ang lahat. Suwerteng nakapasa naman siya. Kailangan niya ng mapagkakakitaan dahil siguradong mamatay siyang dilat ang mga mata kundi niya iyon gagawin.
Napabuntong hininga na lang si Kaye matapos makapag-time in gamit ang biometric. Lihim siyang nanalangin na sana, may ma-summon na siya habang binabagtas ang mahabang pasilyo papasok sa department nila. Aaminin niya, napapagod na siya sa takbo ng buhay niya. Gusto naman niyang guminhawa. Sinisingil na sila ng mga pinagkakautangan nilang magtiyahin. Tatlong buwan na siyang hindi nakakabayad ng renta. Ang mga city services ay dalawang buwan na niyang hindi nababayaran. Hindi na niya alam kung papaano pagkakasyahin ang kinikita. Kahit yata hindi siya kumain ay hindi rin lang iyon magkakasya. Ganoon katindi ang pangangailangan niya kaya sana lang ay pagbigyan siya ng demon na matatawag niya.
Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Bata pa lang, lugmok na sila sa kahirapang mag-tiyahin. Namatay ito ng wala silang nagawa para sa sakit nito. Naka-ilang sessions lang sila sa chemo, sumuko agad sila sa gastos. Sumuko na nga sila, sinisingil pa agad ng mga hiniraman. Kung makasingil pa ang bumabay na inutangan nila noon, parang walang sakit ang tiyahin. Naiintindihan niyang business ay business pero naman... nakakapanghina na minsan ay walang konsiderasyon ang iba. Kaya naiintindihan niya ang tiyahin kung bakit hanggang mamatay ito ay ginusto nitong ituloy niya iyon.
Alam nitong wala itong naiwan kundi mga utang at naawa ito. Siya naman ay gusto ring makaahon. At hindi iyon mangyayari sa normal na paraan. Isa lang ang makakasagip sa kanya sa kahirapan: ang anghel o demon...
Kaya gaya ng kahilingan niya, sana lang talaga ay pagbigyan siya ng kunsinumang matatawag niya. Napabuntong hininga na lang si Kaye at naupo sa swivel chair na nakatalaga sa kanya. Itinuon niya ang atensyon sa trabahong mabigat ang pakiramdam.