>Sheloah's POV<
Tapos na akong maligo at tinigil ko na ang shower. Agad kong kinuha ang towel ko tsaka ko pinunasan ang buhok ko, at katawan ko. Sinuot ko na ang mga damit ko at tsaka na ako lumabas. Agad tumayo si Veon at dumeretsyo siya sa bathroon para maligo. Nagpahangin muna ako sa labas para makarelax ako.
Pagkatapos ng ilang minuto, tapos na ring maligo si Veon. Tinawag niya ang attention ko at tiningnan ko siya. "Sa loob na tayo mag usap," sabi niya sa akin and I narrowed my eyes at him.
"Sabi mo sa akin dito tayo sa balcony mag uusap tapos ngayon gusto mo sa loob?" tanong ko and he just shrugged at me and I just rolled my eyes at him.
"Gusto ko na sa loob, eh," sabi niya na lang sa akin and I just rolled my eyes at him again at pumasok na kami at umupo kami sa kama.
Niyakap ko ang unan ko. "So ano ang gusto mong pag usapan?" tanong ko at uminom din si Veon ng tubig. Pareho kami ng baso na ginagamit. Well, since close kami, we share things like using the same glass for drinking. Even the spoon and fork that we use sometime.
"Yung panaginip ko," deretsyohan niyang sabi at nakuha niya agad ang pansin ko.
"Yun ba yung sinasabi mo na masasaktan kaming lahat, tapos mas lalo na ako? Nga pala... Ano ang ibig mong sabihin? Na mas lalo na ako masasaktan?" tanong ko sa kanya at umiinom ulit siya ng tubig.
"Yung susunod na plano natin. Doon siguro mangyayari ang panaginip ko. Na maraming masasaktan sa atin. Maraming mamamatay. Unti na lang tayo ang makakapunta sa Australia. At pagdating natin sa plane..." hindi niya matuloy ang sinabi niya. Huminga na lang siya nang malalim at tiningnan niya ako nang deretsyohan sa mata.
"Ano?" tanong ko at hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko na naman sa expression ng mukha ang takot na nararamdaman niya at mas hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
"Sa panaginip ko naging zombie ka, Sheloah," sabi niya as akin at bigla akong nagulat at kinabahan sa huling sentence na sinabi niya.
---
"Sheloah... Sheloah!" paulit-ulit tinawag ni Kreiss ang attention ko. Napatingin na lang ako sa kanya kasi agad niyang hinawakan ang balikat ko. "I've been calling your attention!" dagdag sabi pa niya at nakakatitig lang ako sa kanya. Tumatakbo pa rin kami papunta sa meeting place at tumingin na lang ako sa harapan ko.
"Sorry," sabi ko na lang sa kanya at tumingin siya sa harapan niya at patuloy pa rin kaming tumatakbo papunta sa meeting place namin.
I didn't notice that I was remembering what happened last night.
"Why aren't you answering when I was about to call your attention?" tanong ni Kreiss sa akin at inirapan ko na lang siya. "What if there were zombies and you were still stuck in your fantasies?" dagdag tanong pa niya at hindi ko na lang siya sinagot. "You would be injured or killed!" dagdag sabi pa niya at nainis na ako.
"Pwede ba, Kreiss? Just shut up!" sigaw ko at agad kong kinuha ang sword ko at habang tumatakbo kami, pinugutan ko yung ulo ng zombie na nasa right ko. "Nakakabwisit na yang pagsesermon mo, eh. It's as if you're my boyfriend, but you're not!" dagdag sabi ko pa ang Kreiss glared at me.
"Well, excuse me for being concerned. Being worrisome and showing care to a woman is often mistaken as disprespect, it seems," sabat niya sa akin at hindi ko na lang siya sinagot.
"Tumigil nga kayo sa pag argue niyo!" sabi naman ni Dannie at napatingin kami sa kanya. Tumawa na lang si Ashley dahil natatawa siya sa argument namin ni Kreiss. Damn... I feel like a kid being scolded right now.
"Sorry, Sheloah," nag sorry si Kreiss sa akin pagkatapos ng 5 seconds at tiningnan ko agad siya. Napabuntong-hininga ako and I showed him a slight smile.
"It's okay. Sorry din, Kreiss. Wag lang kasi masyadong overprotective minsan," sabi ko naman sa kanya at nag nod siya sa akin at medyo nginitian niya rin ako. "Besides... I can handle myself," dagdag sabi ko pa at tumatakbo pa rin kami papunta sa meeting place namin.