Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 185 - Pertaining to His Dream

Chapter 185 - Pertaining to His Dream

>Sheloah's POV<

Hindi matanggal sa isipan ko sa nangyari kahapon. Nag training ulit kami no'ng alam na ang grupo. Pag dating ng gabi, pumunta ako sa kwarto at tinanong ko kay Veon kung ano'ng problema niya pero hindi niya ako sinagot.

Ano ba ang kinakatakutan niya? Was it about what he said na mangyayari na raw ang panaginip niya? What's that dream anyway? Wait…

Was he pertaining to his dream the other night?

Gusto ko sana tanungin kay Veon kung ang ibig niyang sabihin ay 'yong napanaginipan niya no'ng isang gabi, pero umiiwas siya mostly sa lahat ng mga tao na lumalapit sa kanya. Magsasalita lang siya pag importante and I'm kind of scared to ask him about this. Halata sa kanya na he doesn't want to talk about it dahil dati tinatanong ko kung ano ang panaginip niya, ayaw niyang sabihin sa akin.

Papunta na kami sa Pampanga. Nagmaneho kami pero no'ng malapit na kami, we parked the car somewhere and decided to walk on foot malaput sa mall dito para mas madali kaming makakuha ng resources at mas mabilis kaming makapunta sa kotse.

Gamit namin ang pick up ni Veon at ang grupo ngayon sa pagkuha ng resources ay ako, si Kreiss, Geof, Shannara, Veon, Tito John, Isobel, Tyler, at Sir Erick. May dinagdag na isang healer para may kasama si Isobel so they added my mom.

Ginawa na ang groups. There are seven groups in all, 14 supports, 17 attackers at 11 healers pero since kulang ang healers, may inalis na tatlo sa attackers to take the role of healers. Pero group, there are 2 supports, 2 attackers, and 2 healers; 6 members per group and the number of groups are 7, 42 people in total and the extra 9 people have special roles. Ang mga tinanggal no'ng ginawa ang group ang may special role.

Tahimik kaming naglalakad dito sa Pampanga. Hindi na namin mahintay ang kasunod na araw kaya ngayon na gabi na, doon kami lumabas para kumuha ng resources. Sir Erick changed the plan. Sabi niya kasi it's better na mas maaga kaming umalis kaya bukas, papunta na kaming Manila. Gagawa pa siya ng plano kasi pag nakarating kami sa NLEX, maglalakad na kami papunta Manila.

Wild at active ang mga zombies sa gabi. Kailangan lang namin maging safe kasi kukuha kami ng resources. Sabi rin ni Sir Erick na parte ng plano namin na wag umatake masyado sa zombies. As much as possible, tatakbo na lang kami.

If we attack, we waste a lot of time. Marami ang zombies ngayon at baka maka-encounter pa kami ng mga zombies na iba ang kind tulad ng nakita ni Tyler at nakita namin nina Veon, Kreiss at Shannara.

Tumigil kami sa kakatakbo nang makita nmain ang kamay ni Sir Erick. Lumingon siya sa aming lahat and he put his finger in front of his lip. Tumango kaming lahat at nagtago kami sa likod ng isang kotse at sumilip si Sir Erick. Tiningnan niya ang walkie talkie sa bulsa niya.

"Sir John," tinawag niya ang tatay ni Dannie at nakakuha si Sir Erick ng feedback. "Wala ako masyadong makita rito. Nasa taas kayo ng isang building malapit sa kotse, 'di ba," tanong niya at narinig namin ang reply ni Tito John, saying na nasa taas nga sila ng isang building.

Hindi lang kami ang nandito. Kasama rin namin ang Sniper Team. Ang members ng Sniper Team ay si Ashley, Tito John at si Dannie. Naiwan sila sa isang building malapit sa kotse ni Veon. Plano rin kasi ni Sir Erick na they take this as a training for killing zombies using the sniper rifle that they brought.

Habang papunta na kami rito, pinapatay nila ang zombies na nasa building para makatakbo sila papunta sa rooftop ng building. Nagdala rin sila ng kanilang pistol para pagdating nila sa taas ng rooftop, gagamitin nila ang sniper rifle. Sabi kasi ni Sir Erick na alanganin daw kaya sumama ang Sniper Team. Pag nakakuha na raw kami ng resources at maraming zombies ang papunta sa min, it's the Sniper Team's job to clear our way.

"Sir Erick, may mall malapit sa inyo. Nakikita ko kayo from where you are standing. Take north, at makakarating kayo roon," sabi ni Tito John sa kanya at tumango si Sir Erick kahit hindi siya masyado nakikita.

"Sige. Thank you," sabi naman ni Sir Erick at tinago niyia ang walking talking sa kanyang bulsa at binalik niya ang tingin niya sa amin.

"For now, we have to look at our directions," dagdag sabi pa niya at tumingin siya sa paligid namin. Tumingin din ang tito ko at umupo kami sa sahig to hid ourselves from the zombies.