>Veon's POV<
"Veon!" Sinigaw ni Shannara ang pangalan ko at napatingin ako agad sa kanya. "Binigyan ako ni Tito John ng extra bullets para sa training. Itong mga hindi effective na bullets fit for training para hindi masayang ang ibang bullets," dagdag sabi pa niya at kinuha ko sa kanya ang mga bullets at ni-reload ko ang dalawang pistol gun ko.
"Thanks, Shan," pasasalamat ko sa kanya at nginitian niya ako at ni-reload niiya rin ang dalawang pistol guns niya.
"Nga pala… may news ako. 'Di ba sabi ni Tito John na kailangan ng Sniper Team? Si Ashley kasama na," sabi niya sa akin at medyo nagulat ako.
Buti naman sumali si Ashley. Since knowledgeable siya sa mga ganito at sa tingin ko magaling siya mag handle ng complicated weapons since matalino siya at interested siya sa ganitong mga bagay kahit medyo tamad siya.
"I guess, mayro'n nga kay Tito John ang hinahanap niyang baril, ang Barrett M82," sabi ko naman at ngumiti si Shannara.
"50 cal sniper rifle. Pinakita sa akin ni Tito John ang picture no'n and siguro one hit, multiple zombies ang mapapata no'n," dagdag sabi pa ni Shannara at tinutok ko yung baril ko sa target na minarkahan namin ni Shannara sa puno.
"Long-ranged ang dalawa or tatlong tao na naka-assign sa Sniper Team. Dalawa na sila ni Tito John. Sino kaya ang isa," tanong ko naman at nag shrug si Shannara sa tanong ko.
"I dunno," sabi niya at tinutok niya rin ang baril niya sa mark na ginawa namin sa puno. "From what I heard, baka si Dannie ang kasama since tinuruan siya ni Tito John dati," dagdag sabi pa niya at tumango lang ako.
Siguro nga pwede si Dannie since may experience siya sa training dati na binigay sa kanya ng papa niya.
Tiningnan ko ang paligiran ko at at pansin ko na lahat kami seryoso sap ag training namin ngayong araw na ito. Si Tito Jun at si Sir Erick pinag uusapan kung paano kukuha ng resources sa Pampanga. Magaling sa critical thinking si Sir Erick at mabilis siya makapag isip ng plano. Effective halos lahat mga plano niya. Yung iba naman, seryoso sap ag aral ng paraan kung paano sila makakatulong, mapa healer man, support or attacker.
Naalala ko nanaman ang sinabi ni Sir Erick kanina.
Hope keeps us going but if you hope too much, you will end up disappointing yourselves and hope may be the reason of your downfall.
Pag umasa ka masyado at hind nangyari, malulungkot ka lang at mawawalan ka ng inspirasyon to keep on going. Totoo nga ang hope ang isang rason kung bakit tayo successful, pero nasa atin kung paano natin ito gawing reality.
Hope may be our rise or downfall.