>Sheloah's POV<
Nakuha yung pansin namin dahil kinausap kami ni Dean. "Uh, guys… tawag kayo ng tatay ni Dannie sa lobby room. Kasama niya si Dannie, Isobel, at Tyler," sabi sa amin ni Dean and we nodded at him.
"Salamat sa pagsasabi na nakarating na kami," sabi ni Shannara sa kanya at pinigilan kami ni Dean. Mukhang may sasabihin pa siya.
"Nga pala… may bagong kasama na tayo. Sina Geof at ang kanyang grupo," dagdag sabi pa niya at medyo nagulat kami. It seems that kahit naghiwalay kami, marami ang nangyari. Gusto kong malaman kung paano napunta si Geof dito at ang kanyang grupo.
Tumaas kami ng 2nd floor at nang nakarating kami sa harap ng pinto ng lobby, biglang huminto si Kreiss.
Tiningnan namin siya. "Oh, ano'ng problema? Why are you hesitating," tanong ko sa kanya at tumingin siya sa sahig at hinihintay namin ang sagot niya.
Napabuntong-hininga siya at tiningnan niya kami and he gave us a faint smile. "I'm dead," sabi niya lang at tinaasan siya ni Shannara ng kilay.
"Ano ba ang sinasabi mo? Bakit ka ganyan," tanong naman niya at medyo tumawa si Kreiss and he just shook his head.
"Basta… makikita niyo na lang mamaya," sabi na lang niya sa amin at tiningnan namin ni Shannara at ni Veon ang isa't-isa tsaka ni Veon hinawakan ang doorknob.
Nang binuksan ni Veon ang pinto, nakita namin agad silang lahat nan aka upo sa couch. Nakaupo yung tatay ni Dannie sa gitna tapos si Dannie at Isobel sa left couch, at sa right naman si Tyler at Geof. Pumasok kami ng room at tumabi sa akin si Veon at si Shannara. Si Kreiss naman nasa tabi ni Veon.
I waved my hand at them at tiningnan ko sila with a smile. "Hello, guys… sorry po sap ag aalala—" pero hindi natapos ang sinabi ko dahil sa ginawa ng tatay ni Dannie. Agad siyang tumayo at nilapitan si Kreiss.
Tsaka niya siya sinuntok ng napakalakas at napatumba si Kreiss sa sahig.
Nagulat kaming lahat dahil sa ginawa ng tatay ni Dannie. Agad tumayo si Isobel, Dannie, Geof at Tyler. Lahat kami nakatingin sa kanilang dalawa. Nakaupo lang si Kreiss at nakatingin siya sa sahig. Hawak niya ang ilong niya dahil dumudugo ito. Napalayo kami agad sa kanilang dalawa at baka may mangyari pang masama.
Hinila ng tatay ni Danni ang shirt ni Kreiss. "Ipaliwanag mo nga sa akin ang lahat ng mga ginagawa mong katarantaduhan, Kreiss!?" Halos pasigaw na sabi ng tatay ni Dannie. "Sabihin mo nga ang rason, ano ang iniisip mo!?" galit na galit siya at nagulat kami dahil sinuntok niya nanaman si Kreiss.
Ano ba ang nangyari kaya gan'to katindi galit ni Tito John kay Kreiss?
Bakit sila magkakilala?
Agad pumunta si Dannie sa gitna nilang dalawa. "Dad, tama na! Nasasaktan na si kuya," sigaw niya at mas nagulat kaming lahat dahil sa sinabi niya.
Bakit kuya ang tawag niya kay Kreiss? Ano ba talaga ang relationship nila? Magkapatid ba?
Tiningnan ni Tito John ang kanyang anak. "Dannie, tinuruan kita na huwag makialam sa ano mang ginagawa ko," sabi niya kay Dannie at agad kumuha si Dannie ng panyo at pinunasan niya ang mukha ni Kreiss.
"Alam ko, pa… pero sumosobra na po kayo," sabi ni Dannie at tiningnan niya ang tatay niya. "Galit ako kay kuya at naiintindihan ko kung bakit din po kayo galit pero nag aalala parin ako para sa kanya dahil sa zombie apocalypse. Tayong tatlo na lang ang natitira sa pamilyang ito," dagdag sabi pa ni Dannie at lahat kami napatahimik dahil sa eksenang ito.
Nakatingin lang si Kreiss sa sahig at si Dannie at Tito John nagtititigan lang. Naka kalahating minute silang nagtititigan bago napabuntong-hininga si Tito John tsaka siya tumayo.
"Kreiss, tumayo ka na at mag uusap tayo ng maayos," sabi niya at tumayo si Kreiss nang dahan-dahan habang hinahawakan ang ilong niya gamit ang panyo na binigay ni Dannie. Tumayo rin si Dannie pero nasa gitna parin siya ni Kreiss at ng tatay niya.
Tiningnan niya si Kreiss. "Kuya, kahit pinagtanggol kita, galit parin ako sa'yo at kailangan mo paring magpaliwanag," sabi ni Dannie sa kanya at hindi umimik si Kreiss. Umupo si Dannie sa couch at napabuntong-hininga.
Hindi kami makapagsalita ni Veon, Shannara, Isobel, Tyler at Geof. Tiningnan naman kami ng tatay ni Dannie and he gave us an apologetic smile.