Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 126 - Akala Ko Ba Na Mahal Mo Ako?

Chapter 126 - Akala Ko Ba Na Mahal Mo Ako?

>Veon's POV<

Napabuntong-hininga ako. Saglit lang itong pagpapahinga namin. Pagkatapos, lalakbay na ulit kami para mahanap si Sheloah. Malapit na. Kunting tiis na lang at makikita ko na siya. At pag nakita na namin siya ulit, hindi ko na siya papakawalan. Ayaw ko siyang masaktan. Ayaw ko siyang mawala.

Tiningnan ko si Shannara na katabi ko ngayon. Tinatali niya ang buhok niya. Whole tie ponytail at nag hu-hum pa siya ng tono. Bakit parang nagbago si Shannara? Parang mas naging matapang siya? Hindi ko ma-explain pero parang hindi na siya tulad ng kagabi na masyadong malungkot. Ano kayang meron?

Tiningnan ako ni Shannara. Nahalata niya siguro na nakatingin ako sa kanya. "Bakit, Veon? Ano'ng problema?" tanong niya at umiwas ako ng tingin.

"Wala." Sagot ko na lang sa kanya at tapos na niyang ayusin ang buhok niya at niyakap niya ang tuhod niya at pinatong ang ulo niya rito.

"Talaga bang wala? Ang alam ko meron, eh." Tanong at sabi niya at tiningnan ko ulit siya. Tiningnan namin ang isa't-isa. May nagbago nga kay Shannara.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay at tumawa siya.

"Oo naman! Bakit sa tingin mo hindi ako okay? Ano naman ang rason? Baliw ka talaga." Sagot ni Shannara sa akin at binunggo niya ako gamit ang kanyang balikat.

"Hindi kita maintindihan." Sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin. "Noong nag confess ka sa akin, ang lungkot mo." Dagdag sabi ko pa sa kanya at paunting-unti nawawala ang ngiti niya sa kanyang mukha at tumingin ulit siya sa kanyang harapan.

"Bakit ka ba nagtataka?" tanong niya at hindi niya parin ako tinitingnan. Bigla na lang naging seryoso ang atmosphere.

"Wala lang." sabi ko na lang sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko minsan kayang i-explain ang sarili ko. Kung ano ang iniisip ko. 'Yon ang isang trait na nakakainis sa akin. Ang hindi ko ma-express masyado ang sarili ko. Nakakairita lang.

"Ano'ng 'wala lang'? Kung wala lang, edi sana hindi mo tinanong kung okay lang ako. Bakit pa naging ganito ang topic natin?" sabi niya at tiningnan niya ako ng deretsyohan sa aking mga mata. "Sabihin mo na kasi ang iniisip mo. Hindi yung tinatago mo." Mataray niyang sabi at medyo natakakot ako. Hindi ito yung Shannara na kilala ko. O kaya ganito pa siya dati pa ngayon ko lang nakita.

Well, kung gusto niya malaman ang iniisip ko edi sabihin ko. "Shan…" sinabi ko ang usual na tawag ko sa kanya. "Hindi ko lang kasi gets ang mood mo. Ang lungkot mo, tapos bigla ka na lang magbabago na parang walang nangyari." Sabi ko sa kanya at inirapan niya ako.

"Ano'ng gusto mo? Na magmukha akong malungkot? Na mag mukha akong tanga, gano'n?" sunod-sunod na tanong niya at halatang naiirita na siya.

"Hindi ko naman sinasabi na gusto kitang malungkot. Yung pagkilos mo kasi as if parang walang nangyari. Hindi ko lang gets." Sabi ko sa kanya at napabuntong-hininga siya.

"It's better to ignore things. It's better to forget what happened para hindi magbago ang atmosphere o kaya ang friendship natin." Sabi niya sa akin at tiningnan niya ako. "Kung kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin, ayos lang. Kalimutan mon a ang lahat ng nangyaro noong nag usap tayo tungkol sa nararamdaman ko." Dagdag sabi pa niya at tumingin ulit siya sa harapan.

"Akala ko ban a mahal moa ko?" tanong ko at nabigla siya. "Hindi ko naman sinasabi na hindi moa ko mahal, pero bakit ito pa ang pinili mong gawin? Na kalimutan mon a lang ang nararamdaman mo?" dagdag tanong ko pa at hindi siya makasagot. "Ano ba kasi ang—" hindi niya ako pinatapos at nagulat ako sa ginawa niya.

Agad niya akong sinampal.