Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 100 - Kasalanan Mo

Chapter 100 - Kasalanan Mo

>Sheloah's POV<

Nandito na kaming lahat sa dining room para kumain. Pinag dugtong ng tatay ni Dannie ang dalawang long rectangular tables at nilabas niya yung ibang oak chairs na nakatago sa may storage room nila at lahat na kami ay nagsikainan ng Arroz Caldo.

Naka upo yung tatay ni Dannie sa pinaka end ng table at sa kabilang end naman, si Dannie. Sinusunod niya yung tradisyon na kung sino ang pinakataas sa bahay, o yung may ari ng bahay, sila yung nasa dulo ng rectangular table at yung iba, guests or other family members sila yung naka-surround sa table. Kaya kaming magkaklase at yung ibang parents, naka-surround kami tapos nasa dalawang end si Dannie at ang tatay niya since sila yung may ari ng bahay.

"Masaya na kahit ganito ang pangyayari ngayon, parang isang buong pamilya tayo." Sabi ng tatay niya at tiningnan namin siya. "Isang malaking pamilya." He added finally at nginitian namin siya.

Totoo ang sinabi ng dad ni Dannie. Despite all the bad things that are happening now, kumakain kami ng sabay-sabay sa harap ng lamesa at nagkukwentuhan. Sayang nga ang at wala yung ibang importanteng tao sa buhay namin. Yung ibang parents namin, yung ibang kaibigan namin.

Siguro, ngayon lang ito mangyayari. Ang pagtitipon ng ganitong karami at sabay-sabay kumain sa harap ng lamesa. I can't deny the fact na pag alis namin dito, may mawawala nanaman. Paano na kaya pag dating namin ng Manila at kaunti na lang ang matitira? Ayaw ko ang ganung pangyayari pero hindi namin ito maiiwasan.

Let's just hope for the best.

Natapos na kaming lahat kumain at may sari-sariling buhay nanaman kami. Yung iba, pumunta sa kanilang kwarto, at yung iba nakatambay sa living room either sa 1st floor or 2nd floor. Yung iba nasa waiting room, naglalaro ng spin the bottle. Yung parents naman nagkukwentuhan sa dining room at yung iba nasa backyard garden ng bahay.

"Sheloah!" tinawag ako ni Dannie at nakita ko siya. Agad niya akong ngitnitian at nilapitan niya ako. "Pwede na ba tayong mag usap?" dagdag tanong niya and I nodded at her as my answer.

"Oo. Saan tayo mag uusap?" sagot at tanong ko naman sa kanya at tumingin siya sa backdoor ng dining room.

"Doon tayo sa backyard garden." Sagot niya naman sa tanong ko at lumabas kami at naglakad kami papunta sa garden nila.

Habang naglalakad kami sa garden, I examined my surroundings at nagandahan nanaman ako. Paano naman kasi 2 years itong hindi piansin at ang ganda parin ng kalagayan niya. May mga ibang flowers na wilted na tapos may mga weeds na lumalabas, pero ang ganda niya parin tingnan. Ang yaman talaga nila.

Nakarating kami sa garden at umupo kami sa garden bench nila. Huminga si Dannie ng malalim at tsaka niya ako tiningnan ng seryoso. "Sheloah, sorry…" sinabi niya agad sa akin at nagulat ako.

"Sorry? Bakit ka nagso-sorry?" tanong ko naman sa kanya at tumingin siya sa sahig.

"Hindi mo kailangan tanungin pa. Alam kong galit ka sa akin dahil sinakripisyo ni Josh ang sarili niya para sa akin." Sagot niya sa tanong ko at nakatitig parin ako sa kanya. "Halata naman sa'yo, eh. Kahit hindi mo sabihin sa akin." She said finally at napabuntong-hininga ako.

"Okay lang. Nung una, galit talaga ako pero nag calm down naman ako. At isa pa, tanggap naman namin na handing-handa si Josh na isakripisyo ang buhay niya para sa'yo. Mahal na mahal ka niya kasi." Sabi ko naman sa kanya at hindi niya na alam kung ano ang isasagot niya.

Tumingin uli siya sa sahig at ngumiti siya. Yung ngiti na may halong lungkot. "Sa totoo lang, nagi-guilty ako. Bago siya namatay, umalis ako ng camp." Sabi niya at medyo nagulat ako.

"So kasalanan mo. Umalis ka ng camp, at hinabol ka niya para sure siya na ligtas ka." I was reassuring at nadulas ako sa unang sinabi ko na kasalanan niya. Hindi ko sinasadya. Nalaman ko lang kasi na dahil sa ginawa niya, nangyari ang lahat ng ito.

Nawala si Josh.