>Sheloah's POV<
"So, kamusta ang pag uusap niyo?" tanong ko at nginitian niya rin ako tapos nag stretch siya ng arms.
"Sakto lang naman." Sabi niya at niyakap niya yung dalawang knees niya at sinandal niya yung ulo niya sa tuktok ng tuhod niya. "Masaya na ngayon nagkita ulit kami after three years." Dagdag sabi pa niya and I nodded at her.
"Buti naman at nag usap kayo ngayon. Three years? Medyo matagal na 'yon. Maslalo na pag mahal mo ang isang tao." Sabi ko sa kanya at tumawa siya ng unti. "So nasaan na si Veon?" tanong ko at tiningnan niya ako.
"Pumasok sa bahay. Titingnan daw kung okay lang si… Tyler ba yung name?" sabi at tanong niya at tumango ako.
"Yeah, Tyler. Okay naman na siya siguro. Aalis tayo in a while pag gising na siya." Sagot ko sa sinabi ni Shannara at tumingin ako sa kamay ko.
"Aminin mo. Nagulat ka nung nalaman mon a childhood friend ko siya at mahal ko siya, no?" tanong niya habang tumatawa siya at natawa ako ng unti.
"Oo." Sagot ko sa kanya at tiningnan ko siya. "Gulat ka rin, 'di ba… nung nalaman mo na siya yung bestfriend ko at in love rin ako sa kanya." Sabi ko naman sa kanya at natawa nanaman kaming dalawa.
Buti naman at kahit paano, nandito pa ang friendly atmosphere namin. Hindi kami nagtatanim ng sama ng loob. After all, ngayon lang kami nagkakilala at ang pangit naman kung nag aaway naman kami kaagad, right? Maslalo na pag maganda yung conversation namin nung una. Parang waste naman ang time na 'yon kung sa susunod, bigla na lang kami nag away.
Nakita namin na bumalik si Veon at Geof at tumayo na kami ni Shannara. Pareho nilang sinusuportahan si Tyler sa paglalakad. Masaya ako na conscious na siya kahit alam kong nasasaktan siya. Mabuti naman at buhay siya kaysa sa patay, 'di ba?
Agad kong nilapitan si Tyler. "Uy, sorry. Dahil sa akin, ganito ang nangyari sa'yo." Sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.
"No biggie, ate Sheloah. Basta okay na ako na safe ka. Nag alala po ako para sa'yo." Sabi niya at nginitian ko siya ng unti.
"Basta sorry, Tyler. And thank you rin." Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya ng unti. Pero agad akong kumiwalay nung naramdaman ko yung pag twitch ng katawan niya. Medyo masakit parin kasi yung katawan niya.
"Babalik na tayo sa hotel. Pag dating natin doon, gagawa na tayo ng panibagong plano. Kailangan na nating umalis." Sabi ni Veon and we nodded at him.
"Veon. Napagdesisyonan namin ni Shannara na sumama siya sa atin since mag isa niya lang. Ayos lang ba?" tanong ko at tiningnan siya ni Geof.
"Itong multo na ito, sasama sa grupo niyo?" tanong niya at binatukan siya ni Shannara ng malakas sa ulo.
"Kanina ka pa, ha! Ano ginawa ko sa'yo?" mataray na pagsabi ni Shannara sa kanya at natawa kami sa kaning dalawa. Ang kulit kasi nila.
"Sige. Pwede naman siya sumama sa atin. Buti nga at sasama siya, eh kasi mag isa lang ni Shan." Sabi ni Veon at ngumiti si Shannara.
"Thanks, ha?" pasasalamat ni Shannara at niyakap niya ako. "Kung hindi kita nakilala, mag isa parin ako siguro hanggang ngayon." Sabi niya at niyakap ko rin siya.
"Alis na tayo." Sabi ko para hindi na ako mag isip ng something bad about Shannara. "Kailangan nating magpahinga at kailangan din nating mag plano para sa susunod nating gagawin papuntang Manila." Dagdag sabi ko pa at tumango sila and we both started walking pabalik ng hotel.