>Sheloah's POV<
Nakarating ako sa gate ng sementeryo at totoo nga ang sinabi ni Geof sa kwento niya. Ang foggy rito. Nakakatakot tuloy at mas natakot ako no'ng naalala ko yung kwento niya na may babaeng naglalakad na kumakanta.
Huminga ako nang malalim at tiningnan ko yung gate bago ko binuksan. Ito na ang training ko. Nasa akin naman yung katana ko at may baril ako in case something happens.
Binuksan ko yung gate at pumasok na ako ng sementeryo. Biglang may humawak sa ankle ko. Medyo nagulat ako, pero agad kong pinutol yung kamay niya gamit ang katana ko at niyugyog ko yung paa ko para matanggal yung kamay. No'ng pagkalingon ko, may zombie agad at pinutol ko yung ulo niya at nalaglag siya sa sahig.
Pinapanood ko yung zombie na nasa harapan ko na nakahiga sa sahig. Gumagalaw yung kamay niya. Lumaki yung dalawang mata ko no'ng nakita ko na may pagbabagong nangyayari sa ulo niya. Totoo nga ang sinabi ni Geof na nagta-transform ang zombie.
No'ng lumabas yung ulo niya, natakot ako kasi hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Agad kong pinutol yung panibagong ulo niya at kinuha ko yung baril ko tsaka ko binaril ng dalawang beses para mamatay. No'ng tinanggal ko yung panibagong ulo ng zombie, wala nang lumabas. Parang yung sa Resident Evil ang mga zombies dito sa sementeryo.
No'ng lumingon nanaman ako, napansin ko na mas maraming zombies at ginamit ko yung techniques na ginawa ko kanina pero no'ng sabayan ko silang pinugutan ng ulo, sabayan ring tumubo ang panibagong ulo nila.
Shit… wrong move.
Nagpanic ako dahil pito ang nasa harapan ko at basta pag tumatakbo ako, nahahabol nila agad ako dahil sa bilis ng paglalakad nila. Naubos na ang bala ng baril ko kaya ang tanging natitira na lang para sa akin ay ang sword ko. Nadapa ako sa sahig at hindi na ako makatayo agad dahil nahabol ako ng pitong zombies.
Ang reckless ko. Masyado akong impatient. Baka ito na yung huling araw ko. Ang pasaway ko talaga. Hindi ako natututo, matagal na akong pinagsasabihan. Kanina pa. Letche. Pinipilit ko ang sarili kong gusto palagi.
Tumayo ako at sinubukan ko silang patayin pero nagulat ako no'ng natumba sila paisa-isa sa harapan ko. May bumabaril sa kanila at nakita ko sa fog na may babaeng nakatayo na dalawa ang hawak niyang baril. Hindi ko masyado makita yung mukha dahil sa fog dito sa sementeryo.
Dumadami yung zombies kaya tinulungan ko rin siyang umatake kung sino man yung tumutulong sa akin.
Ito ba yung sinasabi ni Geof na babae? Teka… multo nga ba ang tumutulong sa akin? Takot nga ako pero wala na akong pakealam. Tinulungan na ako, eh. Siguro, hindi naman siyang masamang multo.
Nung napatay na yung mga zombies, agad may humila sa kamay ko at nagulat ako kaya sumigaw ako nang napakalakas pero patuoy niya parin akong hinihila at napansin ko na palabas na kami ng sementeryo. Bakit ganito yung nangyayari ngayon?
No'ng pagkalabas namin ng sementeryo, nakita ko na yung humila sa akin ay isang babae na may mahabang buhok. Agad niyang sinarado yung gate at hindi na kami mahabol ng zombies. Nakatitig lang ako sa kanya at lumingon din siya para titigan ako.
Ang haba ng buhok niya at parang ang lungkot niya. Naka uniform din siya, pero hindi same sa uniform ng Army of True Salvation at Weapons of Massive Destruction. Dual wielder siya ng baril kaya natulungan niya ako kanina pero parang mas magaling siya mag handle ng baril kaysa sa mga kasama ko sa Army of True Salvation kasi ang dami niyang napatay na zombies kanina.
"Salamat sa tulong," pasasalamat ko sa kanya and she nodded at me pero hindi parin nag iiba yung expression ng mukha niya.
"Doon ka ba palagi," tanong ko sa kanya.
"Oo. Kaso nakatago ako sa simbahan doon," sagot at explain niya sa akin at biglang lumamig yung pagiliran namin. "Ano'ng pangalan mo," tanong niya sa akin at tiningnan ko siya.
"Sheloah," sagot ko at tumango siya at nakatingin parin siya sa akin seriously. "Ikaw, ano ang pangalan mo," tanong ko naman at inayos niya yung buhok niya.
"Shannara. Nice to meet you," sabi niya at nilapitan niya ako.
"If you don't mind me asking… paano ka nagtagal doon? You need to go out of church, right? Paano ka naka-survive," tanong ko at pinakita niya sa akin yung necklace na nakatago sa loob ng blouse niya.
Ang ganda. Isa siyang rose na metal. Kahit maliit siya, ang cute itong tingnan dahil sa chain niya. Yung chain niya may mga thorns ng roses. So ito yung nag protect sa kanya? Lucky charm?
"His gift… has protected me," she said finally at biglang lumakas yung hangin sa paligid namin.