Chereads / YOU will BE SAFE Under my Control Just let me in / Chapter 4 - Fourth Encounter: Please help me act like we're dating!

Chapter 4 - Fourth Encounter: Please help me act like we're dating!

Natigilan si Ram sa binulong ng babae sakanya ni hindi nya napansing nglakad na Pala ito papuntang Front gate sa kumpulan ng mga students nanaman ang babaeng iyon.

What? Me? A perverted man?

So embarrassing! Bakit sya tinawag na perverted man ng babaeng iyon? He then felt embarrassed the next seconds after realizing na ininis nanaman sya ng babaeng iyon!

Hindi rin nagtagal ay sinundan nya ang babae na saktong malapit na ang turn sa pag-touch ng I.D nya while maingay ang mga babaeng naroroon.

"ayan na yong babae kahapon!"

"oo nga sya yon tignan nyo Oh yong kadiri nyang sugat!"

"nakakatakot, guys lumayo layo kayo baka maghiganti yan at itulak din kayo randomly!"

Nakita at narinig ni Ram Kung paano mandiri ang mga students sa paligid ng babae saka nilayuan na para Bang gagawin talaga nya ang iniisip nilang gaganti sya.

Tumayo sya don at pinanood ang sunod na galaw ng babae.

Narinig ni Morena ang Mga judgments nila hindi sya binge, pero as usual eh inignora nalang nya saka nag-touch na ng I.D nya at may 10 mins nalang sya before mag-start ang klase nya.

Matapos mapanood ni Ram ang eksenang iyon ay walang pake syang naglakad sa ibang daan, hindi na kasi nya kaylangan pang gawin ang ginagawa ng ibang students sa I.D reader na iyon. Pagmamay-ari naman nya ang university na ito kaya kahit ano pwede nyang gawin.

Pinanood nyang naglakad ang babae papunta sa right papuntang new building. Ng biglang "Ram!" si Rico, nangangamoy mangaasar nanaman.

"again that was so intimate! Who's that girl? I saw the two of you hugging like--" di na nya natuloy pa dahil naglakad na si Ram.

Pero di pa nakakalayo si Ram ay biglang nagsalita ng katuturan si Rico na ikinatigil rin into.

"I found the culprit!"

Saktong 5 mins nalang ng makapasok na si Morena sa first subject nya Kung saan ibang Class nanaman ang makakasama nya. Irregular kasi sya hindi ba't nag-transfer lang sya dito. Kaya ayon.

Wala syang permanenteng room, classmates at lalo ng wala syang kahit hindi permanenteng friends.

Walang nakikipagkaybigan at kung meron man ay halata namang wala syang pake. Lagi kasi syang tahimik at may sarileng mundo pero nakikinig naman lagi sa prof. In short Kung ano lang ang sa tingin nya'y obligasyon nyang gawin ay iyon lang ang gagawin nya isa na ang pakikinig ng maigi sa lessons ng profs nila.

Hindi sya nakikipagusap, hindi sya nagsasalita Kung hindi kaylangan. At Kung magsasalita Man sya ay hindi malinaw parang bulong lang na walang interes.

Kaya sinong magkakagustong makipagkaybigan sakanya? Wala.

Well bakit nga ba sya nag-transfer? Hmm sa pagkakaalam ng karamihan ay isa syang outstanding na infamous student sa DMMMSU-SLUC at binigyan ng malaking opportunity na makapagaral sa Famous at International pang university na ito ng mga Klinton. Alam din nilang Mahirap ang pamilya nya, chumambang maging teacher sa private ang unang kapatid. At unemployed ang parents. Suki ng mga bully-ng tao. Niloko at pinaasa ng mga manliligaw nya resulta para maging NBSB parin hanggang ngayon. At higit sa lahat ay alam nilang hindi sya mahilig magsalita pero kinuha nya ang kursong Bachelor of Arts in Communication?

Tama naman ang lahat ng mga alam nila tungkol sakanya, magaling silang mang-stalk pero sa mundong ito totoo nga namang hindi lahat ng bagay sa mundo ay alam ng tao kaya masasabi kong hindi pa nila alam ang lahat tungkol kay Morena...

"we'll be having a surprise quiz bring out 1/4 paper, hurry!" pag-aannounce ng prof nila na hindi naman ikinataranta ni Morena di gaya ng mga classmates nyang puro reklamo nanaman.

Naka-ready na kanina pa sa desk nya ang 1/4 at pen nya, nakikinig lang sya palagi hindi na sya nagsusulat madalas. Maganda ang listening skills nya kaya naaalala nyang nagsabi ang prof nila last week na magpapa-surprise quiz ito ngayon.

Plus! No need to review all night para makasagot dahil nakinig na sya at malinaw ang photographic eyesight nya! Yes iilan lang yan sa mga skills nya. Kaya walang labis walang kulang na makakapasa sya at Kung minsan nga eh nakaka-perfect sya kaya madalas eh exempted sya sa reporting.

Sa reporting sa subject naman ni Ms. Hidalgo eh classmate nya si Julia the kontra bida? Sus gawa yon ni Julia, pinilit nyang mapasali si Morena kahit automatically exempted na siya rito dahil madalas syang highest or perfect sa quizzes at exams!

Napilitan lang din si Ms. Hidalgo na pagreportin sya pero luckily eh hindi na natuloy haha. At hindi rin naman sya na-Zero.

Nga Pala sa isang subject lang nya kaklase si Julia, buti naman diba haha! Kaya apat sa limang araw na pasok nya ay peaceful. Monday lang talaga ang hindi.

"as I always say pag naka-perfect or highest score kayo sa quiz there's no need for you to report already. So this is the result of your quizzes this day!" pagsisimula ni Mr. Gomez.

Tila natigilang huminga ang mga classmates nya habang sya naman ay nakatanaw lang sa window ng biglang...

"No one of you Got the perfect score" announcement ni Prof na ikinakantyaw agad ng mga classmates nya directly sakanya na tahimik lang doon na parang walang pake.

Magpupunyagi na sana Sila ng "magrereport si Roaquin alright!" ng biglang "shut up Class! You don't get it I said no one of you got the perfect score, coz the usual, Ms. Roaquin Got the highest score"

pagco-correct ni Mr. Gomez sa lahat na ikinalumo ng mga classmates nya.

Kasabay non ay ang pagtayo na kasama ang bag nya si Morena, masakit narin kasi sa pwet yong upuan for two hours.

"Class dismissed" sabi naman ng Prof at umalis na,pero and mga classmates nya ay hindi lumabas well they're bound to still stay there to plan about their reports. Unlike si Morena na sunod na lumabas na para makakain narin ng miryenda.

Afternoon that day ay hindi tinigilan ni Rico si Ram na i-treat sya ng burger sa simpleng kainan sa labas ng university. Prize daw nya sa magandang nagawa nya ang pagkahanap nya sa 'culprit' kuno ng foreigner nyang pinsan.

"come on let's try their burgers here! Take this as my prize from helping you, don't you forget if it's not because of my---"

"enough! Just... Just buy your dirty burgers and let's go already tsk!" sabi ni Ram na naiinis na sa kaingayan ng pinsan nya.

"ok ok let's go then!" pagaaya ni Rico.

Hindi naman agad na-gets ni Ram si Rico ng biglang "don't tell me I'm gonna accompany you inside like we're here dating? Rico you're the only gay here then!"

"what?! I'm not a gay! I'm a straight man! Ugh! I'm not expecting this but still let's go inside just accompany me to eat burger here please, just that!"

Makulit talaga si Rico Kaya hinayaan nalang nya at sumunod nalang sa Gusto nya at ilang minuto Pa'y nasa loob na sila at pumunta narin sa counter si Rico at naiwan syang naghanap ng mapupwestuhan ng biglang...

Oh look who's here...What a great time!

Nakita Nya sa may gitnang magisa na nakaupo sa pang-apat na upuan at isang table ang babaeng nanginis sakanya mula kahapon till kanina!

Nasa harapan na ni Morena ang inorder nyang burger with veggies, chine-check nalang nya ang mga messages sa phone nya. Hindi nga pala sya natuloy mag-miryenda kanina dahil sa mga dumukot sakanyang Mga bully nanaman Sa university. Dinala sya kanina sa abandonadong building saka pinagkaisahan doon pero di naman nila sya natalo eh dahil lumaban sya kaya heto nandito na sya sa kainan para kumain.

Pero nadaplisan din sya kanina kaya dumudugo nanaman ang sugat nya sa pisngi, tamaan ba naman ng kuko ng mga babaeng yon ang sugat nya tsk!

Pero ulit, wala syang pake basta makalayo na roon at makakain narin. Hindi pa sya nag-break fast anong aasahan nyang energy sa susunod Kung haharangin nanaman sya ng mga yon? Kaya ayan.

Matapos nyang ma-check ang phone nya ay makakakain narin sya sa wakas, binuksan na nya ang paper bag ng burger nya at kakagat na sana ng biglang lumitaw nalang ang lalake sa hotel at kanina sa gate!?

What the---huwag ngayon please!

Pero nakaupo na ang lalakeng ito na di nya kilala.

Kaya hindi na nya tinuloy ang pagkakagat.

Nagsalita naman ang lalake "remember me? I'm the one you've offended several times, woman..." pagsisimula nya na hindi namn pinansin ni Morena.

Nagsisimula nanamang mainis si Ram sa pinapakitang ugali ng babae. Pero kinontrol nya ang inis. Gusto lang naman nyang paaminin ang babaeng May nagawa syang hindi maganda sakanya na dapat ay maging aware na sya mula ngayon na dapat di nya sya ino-offend.

"so you're eating here?" smooth na topic ang inopen nya sa muli nyang pagsasalita sakanya.

Hindi nagtagal ay tumingin narin ng buo si Morena sa mukha ng lalake na ngayon ay malinaw na nyang nakikita.

Habang si Ram naman ay natigilan ng makita nya ng tuluyan ang dumudugong sugat nito sa pisngi.

Blood?... Why was this woman so... Err

Pero di nalang nya pinansin at tinignan nalang sya sa mata. Pero mukhang nakaka-ano ang mata nya, nakakapangunot ng noo dahil nakita nanaman nya ang napaka-familiar na mata nito. Oo nakita na nya sa bus nong una pero iba eh, feels like noon pa nya ito nakita? That eyes were so familiar!

Did I... By chance saw her before already?

Hindi tuloy nya maiwasang tanungin sa isip nya.

But...this was my first time visiting this country. And if I had met her in my country before? That's impossible? I can see that she can't afford to travel abroad. And Rico's research about her are too messed up. She's a poor woman who just got a great offer from my university. Why do I feel her eyes were so familiar then?...

Naguluhan na sya, oo nga Pala pina-research nya si Rico about sa babaeng ito na si Morena Yan Roaquin pala na one of the outstanding scholar of his university. Mahirap lang pero masipag.

Napansin ni Morena na kanina pa nakatitig ang lalakeng to sakanya kaya sa wakas ay binara Na nya ito "why? Yes I'm eating here, the hell you care?" sabi nya sabay tingin sa ibang direction ng biglang.

"ayon sya!"

"asan? Daming magaganda dito eh ni wala akong makitang panget na sinasabi ng girlfriend mong panget na Morena ang name"

"tanga ayon oh nagiilusyonadang may kadate na foreigner!"

Rinig na rinig ni Morena ang conversation ng dalawang lalakeng yon sa May pintuan ng kainan. Buti nalang talaga at malakas ang pandinig nya at mabilis narin syang nakaisip ng paraan para maiwasan ang mga lalakeng iyon sa susunod na Segundo.

Hinarap nya uli ang lalakeng nakatitig parin sakanya saka inayos ang burger na hawak nya para gawing props.

"Have you eaten already?"

Nabalik sa realidad si Ram ng marinig nya ang soft yet hard voice ni Morena sakanya na nagpabukas ng labi nya para sumagot pero hindi na natuloy pa dahil isinubo na nito sakanya ang burger na hawak nya sa bibig nya!

Sabay sabi ng...

"Please help me act like we're dating!"