Chereads / YOU will BE SAFE Under my Control Just let me in / Chapter 6 - First Fight: What are you doing in my house?!

Chapter 6 - First Fight: What are you doing in my house?!

Nag-eco sa loob ng CR ang sinabi ni Morena. At Tila ba tumigil ang mundo ni Ram sa nasabi ng babaeng ito sa harapan nya. Sa oras na iyon ay tila ba tumigil syang magisip ng kung paano lalampasan ang eksenang nagawa nilang dalawa.

Don't touch me let's break up!

Nagpaulit-ulit sa isipan nya ang boses ni Morena sa isipan nya sa loob ng isang minuto kasabay ng di nya mawaring biglang pagtibok ng napakabilis ng kanyang puso.

Pero hindi rin nagtagal ay nabalik din sya sa realidad dahil sa pagkwelyo sakanya ng isang lalake sabay sabi ng "ikaw ba'ng gagong nobyo ni Moren?!" tanong nito sa tagalog na hindi naintindihan ni Ram.

Hindi sya nagsalita hindi rin sya gumalaw, He let the guy trying to mess up with him.

Na-alarma naman si Morena sa sumunod na pangyayare akala nya ay lalaban ang lalakeng iyon sakanila Kurt-mga katrabaho nya rito sa company.

Tama, nagtratrabaho dito si Morena or should I call 'Moren' bilang assistant ni Quinn Yan Yan. At isa lang si Kurt sa mga ka-close ni Morena dito.

Nakita nyang hindi parin tumitigil si Kurt at mukhang naghahamon pa ng away habang tahimik lang ang lalake na nakatingin lang ng walang kaemo-emosyon sakanya.

Na-gi-guilty tuloy sya, tama Bang ginawa nya iyong kanina? Nakwento kasi nya kay Kurt na may nang-gago sakanya at totoo yon pero di naman totoong nobyo nya iyon eh.

Naku sobra yata ginawa ko?

Kinakabahan na sya ng biglang makisawsaw ang kabilang sarile nya...

Hindi, ayos lang yan, ilang beses ka na nyang chinansingan eh, hayaan mong bugbugin sya nila Kurt! Sila ng bahala...

Biglang nawala ang kaba nya, paano ba naman eh May point naman ang isang sarile nya.

Pero biglang nagising ang isa pa nyang sarile na nagsasabing...

Morena huwag...mali iyan kasalanan ang pagsisinungaling. Dali sabihin mong hindi totoo ang sinabi mo at mag-sorry...

Tama din naman ang isang sarile nya, anong gagawin nya?

Ahh!!! Anong gagawin ko?!

Sa punto namang iyon ay hinigpitan ng lalake ang pagkahawak sa kwelyo ni Ram dahilan para mas lalo nyang kinontrol ang sarile para hindi ito masuntok.

Hindi sya pwedeng gumawa ng eksena, may iba syang pakay dito kaya hindi nya dapat pagukulan pa ng pansin ang walang kwentang bagay na ito.

As to Morena? Na-realized na nya ngayon na hindi na dapat nya pagukulan pa ng pansin, hahayaan nalang nya ito sa susunod at iisiping hindi sya nage-exist para di na lumala pa ang pagkainis nya sa tuwing nagkakasalubong Sila sakanilang landas.

Tinitigan lang nya si Morena ng biglang "stop!" nagsalita narin si Morena "he can't understand Tagalog Kurt" sabi nito...

Hindi alam ni Ram pero biglag lumambot ang pagkatitig nya kay Morena sa pagsabi nito ng 'stop' na parang ise-save sya sa gulo? Pero mukhang there's something wrong dahil parang binigyan rin nya nito ng alas ang lalakeng nagngangalan ng Kurt na hindi sya makaintindi ng tagalog! Which can make them easily manipulate him with their advantages.

At sa sumunod na minuto ay may binulong si Morena sa Kurt na iyon bago tuluyang lumabas na sunod namang nagpa-let go din sakanyang kwelyo.

Nagmadali na si Morena dahil baka hinahanap na sya ni Xiao Daw...binilisan nyang maglakad pa lalo ng makitang dapat nagsisimula na ngayon ang trabaho nya, patay paniguradong lagot sya mamaya.

"bwiset kung di lang sana nagpakita ang lalakeng yon Aysht!"

While si Ram naman ay naglalakad na pupunta sa nasabi sakanya ni Rico na update kung saan gaganapin ang pagpapractice-an ng rival nyang si Quinn Yan Yan.

"cuz that girl again?" pago-open ni Rico ng reaction nya sa mga nasaksihan nya sa laptop nya sakto kasing nahack nya ang cam sa mismong kinalalagyan ni Ram kanina.

"She's so annoying, now I know tsk!" naiinis narin sya ngayon, ganon Pala kalala ang babaeng iyon sa landas ng kanyang pinsan.

No one dared to do that! Yong kwelyohan sya? Naku magdasal na sila ngayon palang.

"shut the fuc* up Rico and do your job!" Ram finally scolded Rico again. Ang ingay nanaman kasi saka imbes na bawasan nito ang inis nya eh dinadagdagan pa nito tsk!

"ok ok...you're near them already, there's a glass window you'll see the manager and Quinn Yan Yan who's wearing a mask and a cardigan"

At saktong nakarating na sya mismo sa saktong spot kung saan nasisilip na nya ngayon ang babae sa likod ng naka-mask at nakasuot ng cardigan na parang nakikipagsagutan ngayon sa... mom ni Ram?

Sound proof yata ang glass window na pinagsisilipan nya kaya Hindi nya marinig ang pinaguusapan nila sa loob. Pero malinaw sa paningin nyang mukhang binabastos ng Quinn Yan Yan na ito ang Mom nya dahil binato nalang nito basta basta ang dress na inabot nito sakanya.

"we're wrong, Quinn Yan Yan wasn't a guy, Ram. She's a woman!" komento ni Rico na nakakapanood din ng napapanood ni Ram.

Kapareho sa pinapanood ni Rico ay wala syang marinig na sound, mukhang naka-on ang mga cameras ng company at madaling i-hack ngunit mukhang bino-block naman nito ang sounds nito. Kaya mute ang napapanood nila.

Habang sa loob naman ng room na iyon ay binato ni Quinn Yan Yan ang dress na inabot sakanya.

"plagiarizing isn't my thing, Madame K. Mark my word." sabi nito bago tuluyan ng iniwan sila Xiao Daw at Madame K. Sa loob ng room na iyon.

Pinulot naman ni Xiao Daw ang dress at humingi ng tawad sa ginang. "I'll apologize on Xiao Yan's behalf Madame K. I think she just need space..."

Matapos ang mga pangyayare sa buong araw sa company ay mabilisan ng pumara ng taxi si Morena papuntang bus terminal. Malayo din kasi kaunti ang bus terminal mula sa company.

Gusto lang nyang makauwi muna ngayon, makauwi sakanila...

Pero Ng makasakay sya ay nalaman nyang hindi pala sapat ang kanyang pera para makaumuwi sa bahay nila kaya nag-decide nalang syang bababa ng Gold City at Siguro'y uuwi muna sa Richo hotel.

Habang si Ram naman ay nilisan din agad ang company at nag-drive pauwi na sa bahay nya sa Gold City.

Hindi parin napuputol ang connection nila ni Rico kaya iniingayan parin sya nito.

"if it's not because of that girl aysh, we should have seen more of that tsk! See? We should have stopped that Quinn Yan Yan manipulating your mom! She's not just a rival she's a devil tsk! She dared hurting tita Jing!"

Nanatiling tahimik si Ram, pagod na sya sa buong araw na ito para lang sa wala.

"don't worry Ram, take a good rest later on and I'll take care of that girl I'll take revenge on your behalf!"

May binabalak na plano si Rico sa tono nya pero wala roon ang attention ni Ram. Nakikinig sya pero hindi sya interesado kaya inalis nalang nya ang wireless headset at binato sa Kung saan.

Naglalakad na ngayon si Morena matapos makarating ng Gold City. On the way sa Richo hotel ay may magandang Park, may bench doon na ngayon lang nya natyempuhang walang nakaupo kaya tinakbo nya ang distansya nito saka umupo.

Tumingin sya sa paligid at nakitang walang mga couples ngayon sa Park na ito, nakakapanibago.

Tumingin sya sa mumurahin nyang relo at nakitang pasado 10 na pala?

"and bilis ng oras..." nasabi nya sabay tingin sa langit at nabaon nanaman sya sa malalimang pagiisip.

Nabalik sya sa panahong bata pa sya at tumakas sya sa magulang nyang pinagbabawalan syang lumabas to the point na gusto nila ay sa kastilyo na lamang sya.

They're rich back then when she was just a kid, batang bata pa sya non. Batang bata palang sya nong naramdaman na nyang hindi sya mabibigyan ng oras ng kanyang magulang lalo na ng mama nya dahil sa mahinang kapatid nya.

Sakitin si Maria nakakatandang kapatid nya, nasa kanya lahat ng attention ng magulang nila habang sya eh nakakulong lang sa kastilyo parang prinsesang walang kakayahang lumabas para makita ang mundo. But then... Without her parent's knowings...

One day she skipped and tried to run.

T'was one time on the night with the setting sun. She went in the woods away

So afraid, all alone. They always warned her "don't go there, There's creatures who are hiding in the dark"

And well they're right!

There's something came creeping.

And once told her "don't you worry just follow everywhere I go, top over the mountains or valley low. Give you everything you've been dreaming of, just let me in...Everything you wantin' gonna be the magic story you've been told and you'll be safe under my control, just let me in..."

Like the song "Lily" by Allan Walker, that's her past.

After that what happened in that night? She knew a friend! her first friend whom was a boy named...

She then blinked at nabalik sa realidad ng di nya maalala ang pangalan ng batang lalakeng iyon.

"ano ng pangalan nya?... Nakalimutan ko na yata?"

Inalis nya ang paningin sa langit at sinubukang alalahanin ang pangalan nong bata pero...

"aysh nakalimutan ko na yata talaga tsk!"

It's been 8 years already by the way...

Tinignan nya ang oras at 11pm na Pala kaya nag-decide na syang tumayo para umalis ng biglang SCRITCH! may nabasag na paso? na lilingunin na sana nya ng may biglang may nagtakip ng panyo sa kanyang ilong.

And everything went black...

Ram woke up as early as his alarm clock woke him up at 6am. Ganon parin ang suot nya dahil wala na syang oras pa kagabi para magpalit dahil sa pagod.

Thursday ngayon and based sa schedule nya ay maaga ang class nya at 8am so una nyang inalis ang sarile sa bed nya at diretcho sa banyo para maligo.

After 20 mins ay Nakaligo na sya nakapalit na sya lahat lahat kaya kinuha na nya ang phone nya sa table, meron nalang syang 1 and 40 mins, magda-drive pa sya ng 40 mins dahil malayo ang bahay nya sa RKIU. Saktong 1 hour nalang pag nasa university na sya.

Wala na syang sinayang pang Segundo at lumabas na sya ng room nya.

Pagkababa nya sa sala ay dumiretcho sya sa table malapit sa sofa kung saan nya iniiwan ang car keys nya.

Ng biglang natigilan sya dahil sa babaeng nakahilata sa sofa?

Who's this woman??

Pagtataka nya sa babaeng nakahilata doon, natatakpan kasi ang mukha nito ng buhok nyang kulot kaya hindi nya makita ang mukha nito. Kaya lumapit sya rito at maingat na inalis ang nakatakip na buhok sa mukha nito at ng maalis na nya ay agad nyang namukhaan kung sino ito.

Naramdaman naman non ni Morena na may humawi sa buhok nya sa mukha kaya unti unti ay binuksan nya ang mga mata nya at...

Ha? Bakit ko nanaman nakikita ang mukha ng lalakeng to??

Nakita nya ang mukha ng lalakeng lagi nalang sumusulpot sa landas nya this passed 3 days!

Yong...yong... Foreigner na hindi nya alam ang pangalan!

"What are you doing in my house?!" sigaw ng lalakeng mukhang inis na inis nanaman?

Ha? Bakit sya ang nagtatanong? Dapat ako ang nagtatanong Kung bakit...nasa Bahay Nyan ako?! Diba?

Agad syang nagising ng tuluyan ng ma-realize ang nangyayare, agad nyang tinignan ang katawan nya at natagpuang iyon parin ang suot nya mula kahapon sabay tingin uli sa lalakeng nasa harapan nya.

"as if I'll bother touch you? Woman you better left my house before I get back here later. Tsk! I gotta be late already tsk!" huling sabi nong lalake at nagmadali ng umalis.

"ha? Huh! Kasalanan ko pa kung male-late sya? My God!" nasabi nalang nya.

Bumangon sya sa sofa at napatingin sa napakaganda at napakalawak na bahay nito.

Wow ang laki naman ng bahay ng kanu na yon?

Pero nabalik sya sa questions uli nya...

"bakit ba ako andito sa bahay nya? Aysh!"

At naglakad uli sya habang inaalala ang nangyare kagabi...

"hmm paano ba ako napunta rito?"

Ng biglang SCRITCH!

"oops hindi ako nakabasag nyan!"

Related Books

Popular novel hashtag