Chereads / You and Me, Together / Chapter 3 - YAMT | Chapter 2 - Finding A Solution

Chapter 3 - YAMT | Chapter 2 - Finding A Solution

"Ang bilis ninyong nakabalik, Boss ah?" Salubong ni Roy pagkapasok niya sa opisina. Kakabalik lang niya galing sa pagdeliver ng pizza sa tatlong magkakahiwalay na location.

"I beat the red light," aniya saka dumireso sa sofa at naupo roon.

"Nagkaubusan ng staff ngayon dahil sa dami ng orders, kaya pasensya na kayo, Boss."

"Don't worry about it. Mas maganda ang ganito kaysa walang benta," sagot niya saka sumandal sa sandalan ng couch. He closed his eyes and all he saw was the chinky-eyed maiden he had met that night. He smiled. What a fierce woman..

Hindi niya alam kung ano ang meron sa araw na iyon at napakaraming orders na natanggap ang branch na kinaroroonan niya ngayon. Madalas naman talagang marami ang nagpapadeliver ng pizza nila pero iba ang araw na iyon. Marahil dahil pay-day. Nagkataong bumisita siya sa Sucat branch kaya nagpresinta siyang maghatid ng order sa tatlong magkakaibang lokasyon nang ma-delay ang balik ng mga delivery men nila.

He owns a big pizzeria in town. Noong una'y napagkatuwaan lang niyang magtayo ng negosyo nang makapagtapos sa college at hindi niya inasahang papatok ang pizza and buffulo wings business niya sa masa. Sa loob lamang ng isang taon ay naging kilala na ang produkto nila sa buong Pilipinas hanggang dumami ang mga branches. After a few more years, ang Father Pio Pizza ay mayroon nang mahigit isang daang branches sa buong bansa.

"Aba'y parang may magandang nangyari sa pag-alis ninyo, Boss ah?"

He didn't bother to open his eyes as he answered, "Sort of." He smiled again. Hndi niya maintindihan kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya.

Bigla siyang napamulat nang maramdaman ang pagva-vibrate ng cellphone niya sa ibabaw ng mesa. Lorreen. Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tawag. "To whom do I owe this call, brat?"

"Oh, shut up. Lagi akong tumatawag sa iyo na lagi mo ring hindi sinasagot," anang kapatid sa kabilang linya.

He smiled dryly. Napasulyap siya sa pinto nang lumabas si Roy, "Anong oras na d'yan ngayon sa Atlanta?"

"Six thirty in the morning."

"Hmm. You woke up early."

"I have an early class. Anyway, gusto ko lang itanong kung anong petsa ang wedding anniversary nila Mom and Dad? I remember it's next week but I forgot the exact date."

"My heart bleeds for our parents. Ang bunsong anak nila'y nakalimutan ang isang mahalagang araw."

"I don't need your sarcasm, it's too early and I haven't had my coffee yet. At the moment, I'm searching for any seat sale ticket and I need to know the exact date of the event."

"Seat sale.." napailing siya. "The only thing I like about you is that you are too stingy despite the wealth."

"Are you going to give me the date?"

"It's on the 6th. Friday next week."

"Great. Want me to bring something for you, big brother?" Nasa tinig nito ang panunukso. Humigit kumulang ay alam na niya ang gusto nitong ipahiwatig.

"I don't need another match-making date so beat it. 'Wag kang magdala ng kaibigang ipapakilala, I don't want you to trigger Mom's excitement of having a daughter-in-law."

"Ugh. You're almost thirty, big bro. Natural na ma-excite sina Mom and Dad na makilala ang babaeng pakakasalan mo. I want to see your little munchkins running around the house kapag umuuwi ako. I don't understand kung bakit hanggang ngayon ay ayaw mo paring magseryoso sa mga nagiging babae mo. Pinakilala ko na halos lahat ng mga kaibigan ko sayo pero ni isa doon ay ayaw mong kilalanin ng husto—"

"Your friends are too boring for my taste."

Humagalpak ng tawa si Lorreen sa kabilang linya. Napangiti siya roon. He and his younger sister were really close at alam na nito kung gaano siya ka-tinik sa mga chicks.

Nasa America ang kapatid para mag-aral at nasa huling taon na sa kursong Commercial and Advertising Art. She's been living alone in Atlanta for five years now, subalit kada anim na buwan ay umuuwi ito ng Pilipinas. At sa bawat pag-uwi nito ay lagi itong may dalang kaibigan na ipinapakilala sa kanya. There were Caucasians, Latinas and pretty black women. Hindi siya interesedo sa mga ipinakilala ng kapatid sa kaniya dahil maliban sa ayaw niya sa mga may dugong banyaga ay hindi siya na-i-impress sa personality ng mga ito. Pinagbibigyan niya ang kapatid na dalhin sa dinner ang mga ipinakikilala nito sa kanya pero hanggang doon lang. The next day, he would disappear in their house and stay at his condo unit until his sister goes back to the states.

Ngayong pauwi na naman ito para daluhan ang wedding anniversary ng mga magulang nila ay kailangan na naman niyang maghanap ng dahilan para hindi umuwi sa mansion. Siguradong hindi siya tatantanan ng ina at kapatid na i-date ang ipapakilalang bagong babae.

Oh, he's getting tired of that. Hindi naman niya kailangan ng kasintahan. He knows where to find someone who would fill his satisfaction without him getting into a relationship. There were girls willing to hook up without any commitments, kaya bakit niya kakailanganin pang magkaroon ng kasintahan?

"Anyway, I'm going to be late in my class. I'll call you again once I have booked my flight. See you, big bro."

Nang mawala sa linya ang kapatid ay napabuntong hininga siya. May palagay siyang isa sa mga araw na ito ay mapapapayag siya ng ina at kapatid na patusin ang babaeng ipapakilala ng mga ito sa kaniya. Napasandal siya sa couch at ipinatong ang ulo sa mga braso.

I need to do something to stop Lorreen from pestering me with her recommendations. But how..?

*****

"Nabalitaan ko ang tungkol sa pagpapakilala mo ng boyfriend kay Armand."

"Pati ba naman iyon ay nakakarating sa inyo?" aniya sa ina na nasa kabilang linya. Pagod siya galing sa trabaho. Bilang isang Graphic Artist na nagta-trabaho sa isang malaking magazine company ay kinakailangan niyang mag-overtime para maihabol sa deadline ang mga files na pino-process niya, at kung kinakailangan ng OT ang hindi pagkain at pagtulog ay ginagawa niya. Katulad na lang ng araw na iyon, it's past ten in the evening at pauwi pa lang siya.

"Naging kaibigan ko ang Mommy ni Armand at mabait siya sa akin kaya alam ko ang—"

"Yes, alam kong nakakasama mo siya sa casino." Hinagod niya ang sentido para matanggal kahit papaano ang sakit ng ulo, "Kaya nagtataka ako kung bakit kay Mr. Cheng ka nanghiram ng pera samantalang mas mayaman si Mrs. Regis sa kaniya."

"Gusto kong mag-usap tayo tungkol sa inyong dalawa ni Armand at hindi tungkol sa utang ko."

"Totoong may boyfriend na ako. Then, what?"

"Saan mo nakilala ang lalaking iyon? Sa loob ng mahabang panahon ay umasa kaming si Armand ang makakatuluyan mo."

"Hindi na mahalaga kung saan ko siya nakilala, ang mahalaga ay mahal namin ang isa't isa at iyon ang kailangang tanggapin ni Armand."

"Na-de-depressed daw ngayon si Armand—"

"I don't care! Why do you want to make me feel like he is my responsibilty? I love someone else, at seryoso kami sa relasyon namin." Gusto niyang tayuan ng balahibo sa kasinungalingan.

"Ano ba ang ayaw mo kay Armand, anak?" Sandaling lumambot ang tinig ng ina. She rolled her eyes upwardly. Here comes the drama...

"For starters, pangit siya—"

"Miyu!" Suway ng ina na lalong ikina-ikot ng eyeballs niya.

"Pangalawa, pangit ang ngipin niya. Pangatlo, ayoko ang pagiging obssesive niya masyado sa akin. Darating sa puntong masasakal ako sa relasyon namin kung siya ang makakatuluyan ko."

Huminga ng malalim si Luca sa kabilang linya, "Nakausap ko kaninang umaga ang mommy ni Armand at sinabi niyang handa niya tayong tulungan sa naging utang ko kay Mr. Cheng basta ba pumayag ka lang na makipag-date kay Armand—"

"Binubugaw mo ba ako, Ma?" Lalong lumaki ang hinanakit niya sa ina.

"Hindi naman sa ganoon—"

"Kung magkaibigan kayo ng mommy ni Armand ay tutulungan ka niya nang walang hinihinging kapalit. At tigil-tigilan niyo na ako d'yan sa pagma-match make niyo sa akin kay Armand. Kung magugustuhan ko siya ay sana noong college days pa." Tinapos niya ang tawag at pinatay ang cellphone. Naha-highblood siya kapag kausap lagi ang ina. Napa-sulyap siya sa taxi driver, "Kuya, sa Father Pio Pizza niyo nalang ako i-drop. Sucat branch."

Tumango ang taxi driver at binilisan ang pagpapatakbo. Isinandal niya ang ulo sa sandalan at ipinikit ang mga mata. All she needed at that moment was a hot Bacon and cheese pizza and a cold, cold root beer.

*****

Natigilan si Miyu nang isang umaga ay may makitang malaking bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng coffee table sa sala. She frowned. Naglakad siya patungo sa kusina at inabutan ang Tita Riza niya na nagpi-prito ng hotdog at itlog. Sabado ang araw na iyon at pareho silang walang pasok.

"Morning, Tita. Anong meron at may bulaklak sa sala?"

Bahagya lang siya nitong nilingon, "Hindi mo ba tiningnan? Galing kay Armand ang bouquet na iyon."

Naupo siya sa harap ng mesa at nangalumbaba, "Ayaw talaga akong tigilan ng isang iyon kahit alam niyang may kasintahan na ako."

"Hanggang hindi ka ikinakasal ay hindi siya titigil sa pagsuyo sa iyo. At hindi siya naniniwalang kasintahan mo ang lalaking iyon." Lumapit ang Tita Riza niya sa kaniya bitbit ang coffee maker at sinalinan ng kape ang mug niya na kanina pa nasa mesa.

"Paano mong nasabi iyan, Tita?"

Napangisi ito, "Iyon ang nakalagay sa sulat na naka-ipit sa bouquet. Sorry, pinakealaman ko na."

"He's desperate." Napailing siya. Buti at hindi siya ang nakabasa sa sulat dahil kung hindi ay baka nilakumos niya iyon.

"He also said he's going to find out who the guy was. Hindi ko alam kung declaration of love o death threat ang letter na iyon." Binalikan nito ang mga niluluto, "pero sino nga ba talaga ang sinasabi mong boyfriend mo? Bakit hindi ko alam na maliban kay Armand ay may iba ka pang manliligaw? Ang buong akala ko ay binakuran ka na ni Armand at wala nang ibang lalaki ang nagawang makalapit pa sa iyo."

"He's just someone I met at my work."

"Akalain mo iyon, hindi umabot sa work-place mo ang mga galamay ni Armand Regis." Natawa ang Tita Riza niya. Tapos na itong mag-prito at inilapag na nito sa mesa ang mga niluto.

Hindi siya sumagot. Ayaw niyag magsinungaling sa Tita Riza niya pero naisip niyang mas makabubuting hindi muna nito malaman ang totoo ngayon. She started to eat her breakfast.

"Tumawag ang Mama mo at nagtanong kung bakit laging nakapatay ang cellphone mo sa tuwing tumatawag siya."

"Naka-call forwarding ang phone ko."

"Why did you do that?"

"Nabibingi na ako sa kaniya. Kahit nasa malayo ay gusto pa ring kontrolin ang buhay ko."

Bumuntong-hininga ito. "Sinabi niyang pahiramin daw kita ng—"

"I knew she'd say that. Hinanapan ka lang niya ng timing." Bumuntong hininga siya, "No, hinid ko tatanggapin ang perang inipon ninyo para lang sa kaniya. Antayin niyang matapos kong bayaran ang utang niya bago siya bumalik dito sa Maynila."

"Pero kawawa naman siya—"

"Let her be, Tita," aniya na tuloy lang sa pagkain.

Si Riza ay nagkibit lang ng mga balikat saka nag-umpia na ring kumain. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita, "Fiesta ng bayan natin sa Martes, maghahanda ako para sa mga bisita. Pupunta ang mga ka-trabaho ko kaya mag-imbita ka din ng mga ka-trabaho mo."

Oh yes. Fiesta ng Sto Niño sa makalawa.

"And knowing Armand, siguradong narito na naman iyon sa araw na iyon. Sa nakalipas na mga taon ay nandito iyon tuwing fiesta kasama ang mga magulang."

Napabuntong hininga siya at binitiwan ang mga kubyertos. "Pwede ba tayong mag-alaga ng Pitbull, Tita? Ite-train ko siyang habulin at ngatngatin pag nahuli si Armand nang sa gayon ay tigil-tigilan na niya ako. Pagod na pagod na ako sa pangungulit niya, nakakasira ng mood ang araw-araw na pagmumukha niya ang nakikita ko, hindi na niya ako pinatahimik sa loob ng anim na taon eh!"

"Well.. bakit hindi mo papuntahin dito ang boyfriend mo sa araw na iyon para hindi ka niya kulitin?"

Natigilan siya. Oh, she would definitely do that, only if she knew where to find him. Sa dami ba naman ng branches ng Father Pio Pizza, hindi niya alam kung saan naka-assign ang antipatikong iyon. At kahit pa hanapin niya, hindi niya rin naitanong ang pangalan nito.

"Samahan mo ako mamaya sa supermarket, mamimili tayo ng mga ihahanda natin."

Tumango lang siya at hindi na sumagot. Nasa isip pa rin ang mukha ng delivery boy na iyon at kung papaano ito mahahanap para tulungan siyang tuluyang itaboy si Armand.

*****

"Kanina ka pa tulala sa ere, Oneechan. Doshita? (What's wrong)?"

Sinulyapan niya ang katrabaho at kaibigang si Yuya nang marinig ang sinabi nito.

Katulad niya ay may dugong Hapon din si Yuya, ang pagkakaiba lang nila ay puro ito samantalang siya ay may halong Luca Alcantara.

Yuya has been living in Manila for almost eight years, doon ito nag-aral ng kolehiyo at nang makapagtapos ay nanatili na sa bansa upang magtrabaho. She was married to a Filipino.

Bumuntong hininga siya. "Parang ayokong dumating ang bukas."

"Bakit naman, 'di ba bukas na ang fiesta sa lugar ninyo?"

"Iyon na nga eh..." Gusto niyang maiyak. Bukas ay siguradong naroon na naman ang mga Regis para ligawan siya. At dahil mabait siyang bata, ay mapipilitan siyang harapin ang mga ito.

Si Yuya ay hinila siya para hindi siya mabangga ng mga empleyadong nag-uunahang makasakay sa elevator. Naka-pila sila sa isa sa mga elevators ng building kung saan naroon ang office nila at dahil lunch time ay napakaraming taong naroon at nag-uunahan. Kagagaling lang nila sa isang fastfood chain at doon nananghalian.

"Naku, parang alam ko na kung ano ang problema mo. Si Bugs Bunny 'no?"

Tumango siya. Iyon ang tawag nila kay Armand. "There's no way na maiiwasan ko siya bukas o maipagtatabuyan. Pahinging lubid, Meme Yuya. Magbibigti nalang ako."

Tinapik nito ang balikat niya, "Alam kong nagbibiro ka lang pero kahit wala nang ibang option, h'wag mo pa ring gagawin iyon. You will be fine."

Bagsak ang balikat na tumango lang siya. Sinulyapan niya ang kabilang elevator nang bumukas iyon at akma sanang yayain si Yuya na doon na pumila sa kabila dahil walang gaanong pila doon nang mapatda siya sa kinatatayuan.

Kabilang sa mga taong lumabas mula sa bumukas na elevator ay ang pamilyar na bulto na hindi niya inaasahang makita roon.

Wait... is that.. the pizza delivery man?!

Ang kaninang tila paupos na kandila niyang pakiramdam ay biglang nabuhay.

Mabilis siyang kumilos. Iniwan niya sa Yuya sa pila at umalis doon para habulin ang lalaking naglalakad na palabas ng building.

"Hey! You in a turtle neck shirt!"

*****