Chereads / You and Me, Together / Chapter 5 - YAMT | Chapter 4 - Returning The Favor

Chapter 5 - YAMT | Chapter 4 - Returning The Favor

Kanina pa nagpipigil ng inis si Miyu habang nakatingin sa see-through curtain nila na tumatakip sa pinto ng kusina. Mula sa kinatatayuan ay natatanaw niya ang mga bisita ng Tita Riza niya sa sala. Lahat ng mga ito'y ka-trabaho nito sa bangko at mga matagal nang kaibigan. Kilala niya ang lahat ng iyon, subalit hindi niya magawang makisalamuha dahil naroon din si Armand at ang Mommy nito.

Pananghalian nang dumating ang mag-ina at si Armand ay may dalang malaking bouquet ng bulaklak para sa kaniya. Sa buong hapon ay nagkunwari siyang abala para hindi siya lapitan ni Armand subalit kabaliktaran iyon sa nangyari. Naroon ito sa likod niya upang itanong kung ano ang maitutulong nito at na magpahinga na siya. Sinenyasan siya ng Tita Riza niya na habaan pa ang pasensya and she did. Hanggang sa dumating ang Mama niya nang bandang alas sinco ng hapon na nagpa-iksi lalo ng pisi niya.

Hindi niya inaasahang luluwas ito ng Maynila para lang dumalo sa fiesta. Hindi man lang ito natakot sa banta ng inutangang intsik na itutumba kapag nakita ito. Her mother dyed her hair sa pag-asang hindi ito makilala ng mga tao. Gusto na sana niyang hilahin ang ina papasok sa silid niya para pagsabihan kung hindi lang siya pinigilan ng Tita niya.

Overall.. that day was a mess. As expected. Na hindi sana mangyayari kung dumating ang kumag.

Huminga siya ng malalim saka sinulyapan ang oras sa relo. It's already seven in the evening, maya-maya ay mag-uumpisa nang mag-karaoke ang mga bisita ng Tita Riza niya sa maliit nilang terrace sa labas. Wala nang pag-asang dumating si Kyle para isalba siya sa pinagdadaanan niya sa mga oras na iyon.

Muli siyang napasulyap sa mga taong nasa sala. Ang Mama niya at ang Mommy ni Armand ay magkasundo at may pinag-uusapan habang naka-upo sa sofa. Si Armand naman ay saglit siyang nilubayan para kausapin din ang Mama niya. Syempre, alam niyang nililigawan nito ang ina niya para kumbinsihin na naman siyang makipag-date dito.

Bumuntong-hininga siya at nilingon ang CR. May maliit na bintana roon at anumang oras ay maaaring siyang tumakas. Kapag na-highblood na siya ay lulusot nalang siya doon at magpapakalayu-layo sa gabing iyon.

"Good evening. Is Miyu here?"

Napatuwid siya ng tayo nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon sa labas. Hope rose from her chest. Kumag!

Napansin niya ang biglang pagtahimik ng mga bisita. At sa pamamagitan ng see through curtain ay nakita niya ang paglingon ng lahat sa kusina.

Bumilis nang bumilis ang kabog ng dibdib niya. Anong nangyayari sa akin? Ilang beses siyang humugot ng malalim na paghinga bago humakbang palabas ng kusina. Hinawi niya ang kurtina at sa kaniyang paglabas ay nagtama kaagad ang mga mata nila ni Kyle.

Pinigilan niya ang sariling huwag mapasinghap nang makita ito. Kyle was standing there with a bunch of roses in his hand. Nakasuot ito ng light blue na longsleeve polo at itim na slacks. Sa paa ay ang makintab na black leather shoes.

Aba, iba ang arrive...

Ngumiti sa kaniya si Kyle, "Sorry, I'm late. I got stock in the meeting."

Perpek! Poging-pogi na ang arrive, poging-pogi pa ang rason! Tumikhim siya, "I-its okay. K-kumain ka na ba..?"

Tumango ito, "Yes, I did. I just came here to see you and fullfil my promise."

Gusto niyang pumadyak sa sobrang kilig. Ang galing ng pakner nya, effective!

Natauhan siya nang marinig ang pagtikhim ng ina. Nilingon niya ito at nahagip niya ng tingin si Armand at ang Mommy nito na nakasimangot. Ipinakilala niya sa lahat si Kyle.

Bumilib siya sa binata, dahil nakita niya ang pagiging magalang nito sa lahat sa kabila ng malamig na pakikitungo rito ng Mama niya. Sa tingin niya ay boto pa rin ang Mama niya kay Armand. Ang Tita Riza naman niya ay tuwang-tuwa na makilala si Kyle, ibinida nito sa mga kaibigan ang 'syota' niya.

Sa harap ng lahat ay inabot sa kaniya ni Kyle ang bitbit nitong mga rosas at anong gulat niya nang bigla siya nitong dampian ng halik sa mga labi. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras nang gawin iyon ng binata. Wala sa usapan nilang gawin nito ang bagay na iyon pero nakapagtatakang hindi siya nagalit. Bagkus ay nadismaya pa siya dahil dampi lang ang ibinigay nito sa kaniya.

Oh, it was her first kiss, too. Dahil NBSB siya at sa matagal na panahon ay binakuran siya ni Armand.

Namamalikmatang napatitig siya kay Kyle nang matauhan. Alam niyang wala pang tatlong segundo ang halik na iyon pero ang pakiramdam niya ay lumipas na ang isang linggo.

Impit na tili ng Tita Riza niya ang tuluyang gumising sa diwa ni Miyu.

"Enebeyen, Miyu!" anang Tita niya na pulang-pula sa kilig. Katulad niya ay NBSB din si Riza at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na maligawan.

"Kayong mga kabataan..." pumalatak ang Mama niya. Sinulyapan nito si Kyle, "Ano nga ulit ang pangalan mo, hijo?"

"I'm Kyle Padrepio, Ma'am."

"Padrepio?" ani Armand na masama pa rin ang tingin kay Kyle. "Hindi ba at sila ang nagmamay-ari ng Father Pio Pizza chain? Kaano-ano mo sila?"

"My family owns a food processing company in Palawan, but I am the sole proprietor of Father Pio Pizza."

Ohhh.. Iyon ang narinig niyang reaksyon ng mga bisitang naroon sa sala nila. Subalit siya'y tila nabingi sa narinig. Hindi makapaniwalang napalingon siya kay Kyle.

Nakita niya kung papaanong nadagdagan ang yukot ng mukha ni Armand. Bumaling ito sa kaniya, "Now I understand," anito, puno ng pait ang tinig, "gusto mo pala ng mas mayaman." Tumayo ito at tinapunan ng masamang tingin si Kyle bago humakbang palabas ng pinto.

Tumayo din ang Mommy nito at sa naghihinakit na tinig ay niyuko ang Mama niya, "Your daughter caught a bigger fish, Luca. You must be so proud. Mababayaran mo na ang utang mo." Iyon lang at nagdadabog din itong lumabas ng bahay nila.

Si Luca ay tumayo at nagpaumanhin sa mga bisita bago sumunod sa labas. Ang Tita Riza naman niya ay humingi ng paumanhin kay Kyle saka kinuha ang pansin ng mga bisita.

*****

"What was that all about?" ani Kyle nang hilahin niya ito papasok sa kwarto niya. Gusto niyang i-iwas muna ito sa mata ng lahat.

"H'wag mong pansinin ang Mama at si Armand. Masaya akong umalis na sila ng Mommy niya, matatahimik na ako." Hinampas niya ito sa braso, "Bakit hindi mo sinabi sa aking pagmamay-ari mo ang Father Pio Pizza?"

He shrugged, "Hindi ka naman nagtanong."

"Because I thought you were only an employee!" she hissed.

"It's not my fault. And besides, does it matter?" Nananantiya nitong tanong.

Huminga siya ng malalim, "It was just unexpected, but it didn't really matter. Wala akong pakealam kung ikaw pa ang may-ari ng Pilipinas." Hinagod niya ito ng tingin, "kaya pala may kakaiba akong pakiramdam sa iyo. You are too poised and well-spoken para maging isang delivery boy. Not that I degrade them, I have lots of respect to hardworking people, but—"

"I know what you mean, no need to explain." Masuyong ngumiti si Kyle.

"Kung ikaw ang may-ari ng malaking pizza chain na iyon, bakit ikaw ang nag-deliver ng pizza noong gabing una tayong nagkakilala at doon din sa building na pinagta-trabahuan ko?"

"We were out of staff that night and since dala ko ang motorbike ko ay ako na ang naghatid ng ibang orders. The second time we met, I just went there to attend a meeting. Nasa building din na iyon ang opisina ng business partner ko." Inikot nito ang tingin sa kaniyang silid, "Cute room. What do you want us to do here?"

Napasinghap siya sa sinabi nito at nang may maalala ay muling hinampas sa braso ang binata, "You idiot, why did you kiss me? Hindi kasama sa usapan iyon!"

He shrugged, "I know. Pero nakita mo naman, it drove your suitor away. Problem solved."

Huminga siya ng malalim saka napayuko. "It's just that..."

"What, was it your first kiss?"

Sinulyapan niya ito ng masama at sapat na iyon para masagot ang tanong nito.

Kyle laughed, "How old are you now?"

"Twenty three."

"At ngayon ka lang nahalikan? Your life must have been boring."

"It is."

Tumigil ito sa pagtawa nang mapansin ang pagbabago sa mood niya. Totoong hindi naging masaya ang buhay niya and she hasn't found something that would fill the loneliness she felt inside.

"I'm sorry."

Napatingala siya nang marinig ang sinabi ni Kyle. Pilit siyang natawa, "Hindi mo kasalanan kung wala akong ginawa para pasayahin ang buhay ko, 'no. Anyway, papatawarin kita sa pag-nakaw ng first kiss ko. Pero bilang kabayaran, forfeited na ang TF mo."

Ngumiti ito, "I can live with that."

She smiled back at him. Habang lumilipas ang mga oras ay natutuwa siya kay Kyle. Kung tutuusin ay apat na beses pa lang silang nagkita at nagkausap nito pero may pakiramdam siyang tila kilalang-kilala na niya ito. Not to mention that he was really attractive at marupok siya.

Sunud-sunod na katok sa pinto ang narinig ni Miyu na nagpagising sa pantasya niya. Lumapit siya at binuksan iyon. Ang nakangiting mukha ng Tita Riza niya ang napagbuksan niya.

"May inihanda akong dessert para kay Kyle."

"Thank you, Tita," ani Kyle saka humakbang palabas.

Umikot ang mga mata niya nang kindatan siya ng Tita Riza niya. Mapanira ng moment!

*****

Masakit ang ulong nagmulat ng mga mata si Miyu nang marinig ang malakas na tunog ng ringtone niya. Kinapa niya sa uluhan ang cellphone at sinagot iyon.

"What do you want.." she asked in a sleepy voice. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Matindi pa ang antok na nararamdaman niya. Alas-dos na ng madaling araw siya nakatulog dahil tinulungan pa niya ang Tita Riza niya sa pagliligpit ng mga kalat at paghuhugas ng mga pinagkainan sa fiesta.

"Rise and shine, Japanese lady. We gotta go somewhere."

She frowned, "Go where?"

"Batangas, remember?"

"Batangas?"

"Damn, you forgot?"

Hindi siya kaagad nakasagot. Hindi pa sumasanib ang espirito niya sa kaniyang katawan sa mga oras na iyon at hindi niya kilala kung sino ang kausap sa kabilang linya.

Beach Resort in Batangas... My sister's having a party there with her friends from the States..

I told her I have a girlfriend... I need you to pretend for me, too.

Mabilis ang pagmulat niya nang may mapagtanto. Tiningnan niya ang screen ng cellphone at nakitang hindi pa registered contact ang kausap niya. Ibinalik niya ang cellphone sa tenga, "Who's this?"

"It's me."

Napasinghap siya, "Kyle?"

"Gising na ba ang diwa mo?"

Napatapik siya ng noo. Naalala niyang may usapan sila ni Kyle na magkikita sa araw na iyon.

Bago umalis si Kyle noong gabi ng fiesta nila ay nagsabi itong kailangan din nito ang tulong niya. He explained that his sister was coming home with some friends at kailangan siya nitong magpanggap na girlfriend nito para iwasan ang pagma-match make ng kapatid. She agreed without second thoughts. Bakit hindi? She was just returning the favor. Maliban pa doon ay mukhang exciting ang gagawin nila, lalo at makakasama niyang muli si Kyle. Natutuwa siya sa lalaki at bago iyon sa pakiramdam niya. She's never been that close to a guy and she thought she had found a friend in him.

Shut up, Miyu. Hindi bilang kaibigan ang tinging inuukol mo kay Kyle!

Napabuntong hininga siya. Isang araw pa lang ang lumilipas nang huli silang magkita ni Kyle at pakiramdam niya may kulang na sa pagkatao niya.

"Saan kita susunduin? Sa bahay niyo o sa trabaho mo? Also, don't forget to bring some clothes and a swimwear."

Nag-inat siya, "Dito na sa bahay, I applied for two-days leave."

"Ok, catch you later then." Iyon lang at tinapos na nito ang tawag.

Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung tama itong ginagawa nila, pero sana ay manatili silang magkaibigan pagkatapos ang pagpapanggap nila.

*****