Chereads / You and Me, Together / Chapter 4 - YAMT | Chapter 3 - And They Met Again

Chapter 4 - YAMT | Chapter 3 - And They Met Again

"Hey! You in a turtle neck shirt!" sigaw niya. Wala siyang pakealam kung dumagundong ang lakas ng boses niya sa lobby.

The man who was about to exit the automatic sliding door turned around with a frown on his forehead.

Pinamilugan siya ng mga mata nang ma-kumpirmang iyon nga ang lalaking nagdeliver ng pizza nang gabing iyon! Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti. Damn, hindi niya akalaing mas gwapo ito sa liwanag!

Halos takbuhin niya ito at nang makalapit ay napatingala siya. He's probably over six feet and she was amazed. Maliban sa matangkad at maayos manamit ay ang pogi talaga nito. He could be a model or an actor, but he chose to be a pizza delivery man. What a waste.

"Naaalala mo pa ba ako?" aniya rito.

Sandali siyang sinuri nito ng tingin bago ngumiti, "Oh yes, ikaw iyong customer na may ma-dramang manliligaw. You still owe me my talent fee."

Natawa siya, "Keep counting. Can we talk?"

Muli itong kinunutan ng noo at sandaling nag-isip ng isasagot, "Tungkol saan?"

"About us."

Tumaas ang dalawang kilay nito, "There is no 'us', Miss."

Ipinaypay niya sa ere ang isang kamay, "This is about the fake relationship."

"Oh."

"Can we talk somewhere? Do you like coffee or tea? May cafeteria dito sa loob ng building at—"

"Whoa, would you mind giving me your name first?"

Kinunutan siya ng noo sa paraan ng pananalita nito. Pero pinili niyang hindi iyon bigyan ng pansin. "My name is Miyu."

"Japanese?" Hindi niya alam kung tama ang napansin niyang pagkadismaya sa mukha nito.

"Yes, half. You don't like Japanese women?"

He shrugged, "Doesn't matter. So, what do you want? Kailangan kong magmadali dahil may lakad pa ako."

"May kailangan lang sana akong ipakipag-usap sa iyo. If you can't right now, can you just give me your mobile number?"

Humalukipkip ito at lalo siyang nakaramadam ng inferiority. Susme, anong nangyayari sa kaniya? "I don't usually give my number to... strangers."

"Well, you already know my name. And my address."

Matagal muna siya nitong tinitigan bago sumagot, "Okay, give me your phone."

Mabilis niyang inilabas ang cellphone niya mula sa dalang sling bag at ibinigay iyon dito. Habang isini-save nito ang numero sa cellphone niya ay hindi niya mapigilang suriin ang mukha nito. Makapal ang mga kilay at pilik-mata, matangos ang ilong at magandang mga labi. May hawig ito sa Hollywood actor and model na si Nick Bateman, the only difference was the skin colour. This guy's dark.

Anong galing ng tadhana na pagtagpuing muli ang landas nila? Naisip niyang naroon siguro ito sa building para mag-deliver ng pizza.

"Here you go." Inabot nito pabalik sa kaniya ang phone.

Kinunutan siya ng noo nang makitang landline number ang numerong inilagay nito. At lalo siyang kinunutan ng noo sa pangalang naka-type doon.

"Kyle," aniya nang mabasa ang naka-save na pangalan nito.

"Nice to meet you," nakangising sambit pa ng binata.

"You have a pretty name."

Bahagya itong natawa at natulala na naman siya. Tumikhim siya para makabawi sa pagkatigalgal, "You really don't want to give me your mobile digits, huh?"

Nagkibit-balikat ito, "Family members lang ang may alam ng personal number ko."

Nagkibit-balikat siya at ibinalik niya ang cellphone sa loob ng bag, "May pasok ka ba sa Monday?"

"Pasok?"

"Sa trabaho."

"I.. don't.." Sandali itong tumigil at tila nalito sa isasagot.

"Hindi ba at sa Father Pio Pizza ka nagta-trabaho? May pasok ka ba sa araw na iyon o wala?"

Tumikhim ito, "Hindi ko pa.. alam."

"Tatawagan kita mamayang gabi at sabihin mo sa akin kung libre ka sa araw na iyon. I will also discuss what I need from you through phonecall." Nilingon niya ang elevator at nakitang nagsilabasan na ang sakay niyon at wala nang gaanong pila. Ibinalik niya ang pansin sa lalaki, "I gotta go now. Talk later."

Nang gabing iyon ay tinawagan nga niya ang numerong inilista nito sa phone niya subalit ang nakasagot ay nagpakilalang customer representative ng Father Pio Pizza. Halos ibagsak niya ang phone sa inis. Nalamangan siya ng kumag, customer service number pala ang ibinigay nito sa kanya!

Ibinagsak niya ang sarili sa higaan. Sa Lunes ay siguradong naroon sa kanila ang mag-anak Regis para suportahan si Armand sa pagnanais nitong maging kasintahan siya. Hindi siya pwedeng tumakas sa araw na iyon, kawawa naman ang Tita Riza niya sa mga aasikasuhing bisita. Akala niya'y matutulungan na siya ng lalaking ipagtabuyan si Armand.

Ang yabang mo por que pogi ka? Family members lang ang may alam ng personal number.. tse! Humanda ka pag nagkita ulit tayo!

Tinakpan niya ng unan ang mukha. Isa nalang ang paraang alam niya ngayon para tigilan na ni Armand ang araw-araw na pagbisita sa kaniya. Bigla siyang napabangon nang may maisip.

*****

"Pittbull, Chow-chow, Husky, St. Bernard, Golden Retriever..." Naghuhugis-puso ang mga mata niya habang nakatingin sa mga tutang nasa kanya-kanyang cage. Hindi siya makapili, gusto niya ang Poodle at Chow-Chow dahil ang ku-cute ng mga ito, pero gusto din niya ang Pittpull at Husky para may kakayahang ngatngatin si Armand.

"Nakapili na ba kayo, Ma'am?"

Nilingon niya ang lalaking staff ng pet shop, "Alin dito ang mas mabangis?"

Natawa ang staff, "Ang bangis ay naka-depende lang naman po sa pag-train niyo sa aso."

"Hmm." Tingin niya ay kailangan niyang bumili ng dog training manual. Matagal na niyang gustong magkaroon ng alagang aso at pinag-ipunan niya iyon. Kapag nalaman ng mama niya na gumastos siya ng pera para sa aso ay siguradong pag-aawayan na naman nila.

"Choose Husky. They can be a lovable pet and a brave protector at the same time."

Napasinghap siya nang marining ang pamilyar na tinig. Mabilis siyang lumingon. "You!"

Kyle smiled at her, "I didn't expect to see you here."

"You dumbass! Tumawag ako kagabi at nakausap ko ang customer representative ng Father Pio!"

Natawa ito at nilampasan siya. He totally ignored her!

"Why, you—" Nahinto siya nang pumunta ito sa counter at kinausap ang babaeng staff na halata ang pagpapa-cute.

"Hi Dahlia. Can I get two bottles of vitamins for Thunder and Speed?"

Lumapit siya sa lalaki, "Who's Thunder and Speed?"

"My dogs. They're both Syberian Huskies. I bought them here three years ago and their Vet owns this shop."

"Oh. That's why you're here.."

"Yeah. Bakit, iniisip mong sinusundan kita?"

"O-of course not! Nagtataka lang ako kung bakit sunud-sunod ang pagkikita natin.." We're probably meant for each other... Gusto niyang kurutin ang sarili para magising sa pantasya niya.

Hinarap siya nito at nakahalukipkip siyang niyuko. Pakiramdam niya ay unano siya sa height niyang five feet six inches kapag si Kyle ang kaharap niya. "Kung sa internet ka nag-search ng maayos na pet shop, siguradong ito ang unang mag-a-appear sa landing page. That's probably why you're here. Are you planning to buy a dog?"

Tumango siya. "But I changed my mind. Can I buy you a coffee?"

Ohhs and ahhs ang narinig niya mula sa mga staff ng shop na kanina pa pala nakatingin sa kanila. Ngumisi si Kyle at bumaling sa mga ito, "Another one who was charmed by me."

"Excuse me?!"

Hindi siya nito muling pinansin nang inabot ng staff ang vitamins na binili nito. Matapos nitong bayaran iyon ay muli siyang hinarap, "Where to? I have thirty minutes to spare."

*****

Sa isang coffee shop sa loob ng mall niya niyaya si Kyle. Pagkalapag ng mga orders nila sa mesa ay kaagad siyang nagsalita, "Can you pretend as my boyfriend tomorrow?"

Nabitin sa ere ang pag-higop ng kape ni Kyle. Saglit itong nagulat sa sinabi niya hanggang sa ang pagkagulat ay nauwi sa halakhak. Napahalukipkip siya sa inis pero hindi siya nagsalita. Somehow, she found his laughters really attractive.

Ilang sandali pa'y tumigil na sa pagtawa si Kyle at sa nagningning na mga mata ay tinitigan siya nito, "You will need to pay my fee this time."

Umikot ang mga mata niya, "Do-doblehin ko ang kinikita mo sa Father Pio. Are you in minimum wage?"

He laughed again. Hindi niya alam kung bakit sa halip na mainis ay nagagalak siyang napapatawa niya ito. Sa mga oras na iyon ay nais na lamang niyang mangalumbaba at pagmasdan ito habang humahalakhak.

Ilang sandali pa'y huminto ito sa pagtawa at umiling, "Nah." Dinala nito ang tasa ng kape sa bibig at marahang humigop.

Oh, God. Please, gawin mo nalang akong tasa ng kape sa susunod kong buhay.. Gusto niyang batukan ang sarili sa mga naiisip.

"Hindi ako effective sa acting kaya hindi mo ako mapapakinabangan d'yan. Unless — nakatayo lang ako tulad ng ginawa ko noong gabing iyon."

Huminga siya ng malalim, "Hindi mo naman kailangang maging ala-theater actor eh. All you need to do is smile and answer their questions. Please, I really need your help."

"What kind of question are they going to ask?"

"Like.. saan tayo nagkakilala. Gaano na tayo ka-tagal na magkasintahan, saan ka nakatira.. All the basic questions."

"Why me?"

"Dahil nagkataong naroon ka ng mg oras na iyon. Sa katunayan ay hindi ko alam kung bakit iyon ang sunod kong ginawa. Pero nangyari na and here we are.."

Sumandal ito sa kinauupuan at humalukipkip, "Ano'ng meron bukas?"

"Fiesta sa amin at pupunta na naman si Armand sa bahay, but this time, kasama na ang mga magulang niya. They'll probably force me again to have a date with him. Pinag-bigyan ko na sila noon, it didn't end well."

Natawa ito, "What happened?"

"He brought me to a fancy dinner and ordered a bottle of red wine. Hindi siya pumayag na umalis kami doon hanggang sa hindi namin nauubos ang laman ng bote."

"And then?" Nakakalokong ngumisi si Kyle habang hinihintay ang karugtong ng kwento niya.

"He got drunk after the second glass and started to throw up on the table. I had to bring him home after that."

Muling tumawa ng malakas si Kyle.

"You see.. I can never be with that guy. Magdadala lang siya ng kahihiyan sa buhay ko."

Nakita niyang nagpahid ng mga mata si Kyle sa dami ng tawa nito. Umiling siya, "Quits na tayo, nakakarami ka na ng tawa. Mahal ang entrance fee sa mga comedy bar kaya dapat lang na wala ka nang TF bukas."

He shrugged, "Iyon eh kung papayag akong mag-participate sa gusto mo."

She sighed heavily, "What do you want me to do for you to participate? Tandang-tanda ni Armand ang itsura mo, kaya hindi ako pwedeng maghanap ng iba para magpanggap bukas."

"You can just tell them that your boyfriend is busy. End of story."

"The main reason why I need you there is for Armand. Ayokong bubuntot-buntot siya sa akin buong araw at pestehin ako."

Sandaling natahimik si Kyle at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Alam niyang nag-iisip ito at hiling niya ay positibo sana ang maging desisyon nito.

"I'll think about it tonight."

Laglag ang balikat na tumango na lang siya. Hanggang sa magpaalam na ito at naunang umalis ay hindi mawala sa isip niya ang lalaki. There was something mysterious about the man. Kung ano man iyon ay sana malaman niya bukas. Iyon—-ay kung lulusot ito sa kanila.

*****