NOTE TO REMEMBER:
"Sometimes, someone comes into your life, so unexpectedly, takes your heart by surprise, and changes your life forever."
*****
"You're not listening to me at all, Ma! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyong hindi kayo pwedeng manatili rito sa Maynila? Those goons will hunt you down unless we pay them off! Gusto niyo ba'ng tambangan kayo?"
Kanina pa mainit ang ulo ni Miyu. Kaninang-kanina pa. At kanina pa niya gustong ibagsak ang cellphone sa inis sa kausap. Pero hindi niya magawa dahil ang kausap niya sa kabilang linya ay ang nag-iisa niyang ka-dugo, ang mama niya, na wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng sakit ng ulo.
"Pero nabu-buryong na ako rito sa probinsya, Miyu. Wala man lang mapag-libangan dito, gusto ko nang bumalik sa Maynila," anang Mama niya, nasa tinig din ang inis.
"Wala pa sa kalahati ng inutang mo kay Mr.Cheng ang nababayaran ko. Malinaw niyang sinabi na huwag kang magpapakita hanggang sa hindi pa nababayaran lahat ng perang hiniram ninyo sa kaniya, otherwise, his men will hunt you down."
"He's just bluffing, gusto lang kasi niyang mabilis mong mabayaran ang—"
"Have you had no shame at all, Ma?" Nananakit na ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak, pero hindi niya hahayaang marinig siya ng ina na pinang-hihinaan ng loob. Hindi dahil masasaktan ito kung hindi dahil sisitahin siya nito at sasabihang mahina ang loob.
Her mother never really cared about her. At simula pagkabata ay alam na niya iyon.
Her mother, Luca, used to be an entertainer in Japan. At the age of twenty, she got pregnant by one of her Japanese clients. Umuwi ito sa Pilipinas nang mabuntis at doon na siya ipinanganak. Makalipas lang ang ilang buwan ay iniwan siya nito sa matalik na kaibigang at muling umalis para magtrabahong muli sa Japan.
Lumaki siyang alam ang tungkol sa tunay niyang ina. Sa kabila ng lahat ay tumatawag ito sa kaibigan para kumustahin siya at kausapin. Kahit papaano ay nagpapadala rin ito sa kaniya. She was lucky somehow, dahil ang kaibigan ng Mama niya, ang Tita Riza niya, ay ubod ng bait at maaruga.
She was seven when her mother came back and took her. Bagaman masama sa loob ng Tita Riza niya ay ipinaubaya pa rin siya nito. Luca took her to Japan at sa loob ng ilang taon ay doon siya tumira kasama ito. Noong una'y nanibago siya sa pagkakaiba ng kultura sa bansang iyon kaya madalas siyang mag-isa at walang kausap, lalo na sa ekwela. Kahit ang pakikisama niya sa ina noong una ay mahirap, pero kalaunan ay nakasanayan na niya at tinanggap ang malaking pagbabago sa buhay niya.
She was always quiet and polite, ganoon siya pinalaki ng Tita Riza niya, kaya hindi sila gaanong nagkaroon ng problema ni Luca. During those times, she was hoping to meet her father. Pero nang banggitin niya iyon sa ina ay hindi man lang ito nagdalawang isip na sabihin sa kaniyang hindi nito alam kung sino sa mga naging lalaki nito ang naka-buntis dito. Sa batang edad ay hindi pa niya gaanong naintindihan kung gaano ka-sakit ang katotohanang iyon. Overtime, she accepted the fact that she was only born in this world because her mother didn't have a choice.
She was ten when they came back to the Philippines. At simula noon ay hindi na silang muli bumalik ng Japan. Nang magka-edad siya ay nalaman niya ang dahilan kung bakit; Luca was involved in an illegal gambling. Tumakas ito kasama siya bago pa man mahuli at makulong.
Since then, ay nagbago ang buhay nila. They were living with her Tita Riza, na tumandang dalaga nalang kaka-hintay kay Forever.
Riza was working as a bank teller whilst her mother applied as a hair dresser in a high-end salon. Somehow ay naging maayos ang buhay nila, subalit habang lumalaki siya ay lalo niyang naiintindihan ang ugali ng inang nag-luwal sa kaniya.
Luca never really cared to anybody, let alone her child. Tama lang na bilhin nito lahat ng mga pangangailangan niya pero hanggang doon lang ang pagiging ina nito. She never cooked her anything, never asked how her day was, was always not home dahil parating nasa casino para mag-waldas ng sahod, and never really cared if she was doing good at school or not. Para rito, ang pagiging ina ay ang pagbigay ng materyal na pangangailan sa anak. And nothing more.
Pasalamat talaga siya at naroon ang Tita Riza niya. Ibinigay nito ang lahat ng kailangan niya, pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina, pagpapayo, at oras. Lahat ng iyon ay hindi kayang ibigay ni Luca sa kaniya. Pero kasabay ng paglaki niya ay natatanggap niya ang katotohanang iyon, and she was okay with it.
She was eighteen when Luca came home from staying all night in casino and was really drunk. Iyon ang unang pagkakataong nagkaganoon ito kaya inasikaso niya ang ina. Subalit habang lango ito sa alak ay hindi nito alam ang salitang nabibitawan. Sinabi nitong hindi na ito magugulat kung sa pagdating ng araw ay magiging katulad siya nito. Disgrasyada. Dahil hindi naman daw nagbubunga ng santol ang mangga.
She was hurt, pero hindi niya pinatulan ang sinabi ng ina. Naiintindihan niya kung bakit nagkakaganoon ito. Luca had never met her own father, too. Dahil anak lang din ito sa pagkadalaga. She never met her grandma, pero ayon sa Tita Riza niya ay nag-asawa itong muli matapos ipinanganak si Luca. Her Aunt Riza also said that Luca's father was an American soldier, na umalis ng Pinas bago pa man nito nalaman ang tungkol sa pagdadalantao ng noo'y kasintahan.
Her family has a lot of drama to tell. So she chose to live a simple life. Ayaw na niyang dumagdag sa dami ng drama ng pamilya niya. Hanggang maaari ay ayaw niyang magkaroon ng kakaibang mga karanasan katulad ng sa ina at sa lola niya.
But she was certain in one thing. She'd never follow the path her mother and grandmother walked through. Hindi niya hahayaang may isang sanggol na namang mabuhay sa mundo nang walang ama. At dahil doon ay nangako siya sa sarili na mananatiling birhen hanggang sa panahong makilala niya ang lalaking pakakasalan niya. The worse thing that could happen was her ending up like her Tita Riza. Pero naisip niyang mas mainam iyon kaysa sa maging katulad ng ina.
"Narinig mo ba ang sinabi ko, Miyu? Paubos na ang grocery ko at bukas makalawa ay baka magbunot na ako ng damo dito para i-adobo."
Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili.
"Pabalikin mo na ako sa Maynila, anak. Hindi na ako makatagal dito, hindi ako sanay sa buhay probinsya."
"So mas pipiliin ninyong itumba ng mga tauhan ni Mr. Cheng, ganoon ba?"
"Gaano pa ba ka-laki ang kulang sa babayaran natin sa mabahong insik na iyon?"
"Sixty-five thousand. Ibig sabihin ay mahigit dalawang buwan kong sahod." Her voice laced with sarcasm at sana ay napansin iyon ng ina.
"Iyon lang din pala, baka kaya mong mag-loan kay Armand at—"
"Bakit hindi niyo muna itanong kung nitong mga nakalipas na buwan ba ay nakakabili pa ako ng panty ko, Ma?" Napailing siya. Gusto niyang umiyak para i-labas ang sama ng loob sa ina pero naisip niyang hindi siya magsasayang ng luha para rito.
Wala na itong magandang ginawa kung hindi ang pahirapan siya nitong nakalipas na mga taon, hindi niya alam kung may amor pa siyang nararamdaman para sa ina. "Sa loob ng limang buwan ay walang pinuntahan ang sahod ko kung hindi doon sa perang inutang niyo sa mabahong insik na iyon na ginamit niyo para lang iwaldas sa sugal. Hindi ba kayo nahihiya sa akin? Kahit ang mag-aalala o magpasamalat, wala. Gusto niyo pa ngang iparamdam na parang kasalanan ko pang matagal na mabayaran ang utang niyo na iyon. Why do you have to be so selfish?"
Matagal bago muling nakasagot ang ina, "Gusto mo na ba akong sumbatan ngayon?"
Huminga siya ng malalim, "All I need from you is to show me a little bit of care because I am doing my best for you."
Sa muli ay hindi kaagad nakasagot si Luca sa kabilang linya. Sandali itong natahimik. Kung hindi niya naririnig ang tilaok ng mga manok sa kabilang linya ay iisipin niyang ibinaba na nito ang telepono. Hanggang sa.. "Subukan mong manghiram kay Riza, siguradong may ipon iyon. Kapag nakabalik na ako sa Maynila ay maghahanap ako ng trabaho at babayaran kita. That way, you won't need to be so bitchy towards me."
Iyon lang at tinapos na ng ina ang tawag. Umikot ang mata niya sa ere. Bitchy ba iyong nanghihingi siya ng kaunting kalinga rito? Kung tutuusin ay hindi dapat hinihingi ng isang anak sa magulang iyon, dahil ang kalinga ay kusang ibinibigay.
Huminga siya ng malalim. Siguradong bukas ay magte-text na naman ang ina o tatawag na parang walang nangyari. Ganoon naman na kasi talaga ito kahit dati pa, magtatampo ngayon at bukas ay okay na ulit.
Inihagis niya ang cellphone sa ibabaw ng sofa. Tumaas yata sa ulo lahat ng dugo niya matapos ang pag-uusap nilang iyon. Oh, she wished she was never born kung ganitong buhay lang din naman ang pagdadaanan niya.
Ibinagsak niya ang sarili sa sofa at saka sumandal. "I need some time off.." she murmured.
Sa mahabang sandali ay naroon lang siya, nakasandal at nakapikit. Napaigtad na lamang siya nang marinig ang maingay na tunog ng doorbell. Mabilis siyang tumayo, it could be the pizza she ordered. It's been almost an hour since she called the pizza station and she's starved. Subalit nang buksan niya ang pinto at makitang hindi iyon delivery ng pizza ay na-dismaya at napasimangot siya.
"Hi Miyu," nakangising sabi ni Armand.
Lalong nag-init ang ulo niya. Si Armand Regis, her rich, not-so-good-looking suitor since college. Ka-klase niya ito noon sa unibersidad at noong bata ay may ADHD kaya hindi na siya magtataka kung habang-buhay itong nakabuntot sa kaniya para manligaw. He has been her avid suitor for six years now, at napapagod na talaga siya sa kakulitan nito. Kung kaya lang turuan ang puso ay pipilitan niyang magustuhan si Armand. Bakit hindi? Mayaman ang pamilya nito. Nag-mamay-ari ang mga magulang nito na napakalawak na tubuhan sa probinsya at kilalang magaling na negosyante. Kahit si Armand ay nagmamay-ari na ngayon ng isang malaking lending company. Kaya wagas kung itulak siya ng ina dito. Alam nitong may pera si Armand at may mapapala ito kung sasagutin niya ang lalaki.
She thought of loaning a cash from his company, pero nag-aalala siyang baka may hinging kapalit ang lalaki. Isa pa'y ayaw niyang magkaroon ng utang na loob dito.
"May pinuntahan akong kaibigan malapit dito sa apartment ninyo, kaya naisipan kong dumaan sa'yo." She almost cringed when he smiled at her. Armand's buck teeth turned her off.
"I appreciate you taking the time to visit pero—"
"I love you, Miyu. Alam mo kung gaano ka-laki ang pagkakagusto ko sa iyo at hindi ako kailanman mawawalan ng pag-asang magugustuhan mo rin ako."
I doubt it. Pilit siyang ngumiti, "At malinaw ko ring sinabi sa iyo na haggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sa iyo, Armand."
"Miyu—" Humakbang papasok ng pinto si Armand at napa-atras siya. Oh, she could smell the alcohol from his breath. Naka-inom ito at siguradong mahihirapan siyang paalisin ito. Napasulyap siya sa maliit na gate ng apartment nila. Hiniling niyang dumating na sana ang Tita Riza niya. Mag-a-alas siete na ng gabi at siguradong paparating na iyon.
"Bakit ba kay hirap sa iyong tanggapin ako bilang kasintahan? I could give you everything you want and need. I can give you all my love, too," pagsusumamo nito.
Muli siyang napa-atras. Hawak-hawak pa rin niya ang door knob at handa na siyang ibagsak pasara ang pinto nang muling mapasulyap sa gate. Sa harap niyon ay pumarada ang isang motorbike at bumaba roon ang isang matangkad na lalaki. She frowned.
"Please, Miyu? Give me a chance."
Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi ni Armand dahil ang buong pansin niya ay sa lalaking pumasok sa gate nila at naglakad palapit bitbit ang dalawang box ng pizza na in-order niya kanina. She frowned. Ilang beses na siyang um-order ng pizza sa sikat na pizzeria na iyon pero ngayon lang may nag-deliver doon nang hindi naka-uniporme.
"Well?"
Napatingin siyang muli kay Armand. Tumikhim siya. "Sorry, I can't."
"You can't give me a chance? Why?"
"M-may boyfriend na ako."
Ito naman ngayon ang kinunutan ng noo, "You're kidding—"
Humakbang siya palabas ng pinto at nilampasan si Armand. Sinalubong niya ang lalaking bitbit ang in-order niyang pizza. Pabor sa kaniya ang tadhana ngayon, dahil maliban sa hindi delivery bike ang dala ng lalaki ay hindi din ito naka-unporme. Maaari niyang magamit ang pagkakataong iyon.
Nang makita ng lalaki na papalapit siya ay nahinto ito.
"Good evening—"
"Hi, babe." Kumunyapit siya sa braso nito at hinarap si Armand na tulalang nakatingin sa kanila.
"Babe?"
Napatingala siya sa lalaki. "Just play along," bulong niya rito. Sandali siyang natigilan nang mapatingin sa mukha nito. Since when did they employ someone as handsome as this one?
"Miyu.." Nasa mukha ni Armand ang pagkadismaya habang pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ng estranghero, "In the past six years ay walang tigil akong nanligaw sa iyo, umaasahang darating ang araw na magugustuhan mo rin ako. You've known me for six years now but why was it so hard for you to love me back?" Tinapunan nito ng masamang tingin ang lalaking katabi niya bago muling ibinalik ang pansin sa kaniya. Sandali siya nitong tinitigan bago yumuko at naglakad palabas ng gate.
Hanggang sa makaalis si Armand sakay ng kotse nito ay hindi bumitiw si Miyu sa pagkakahawak sa lalaki.
"He's gone, you can let go of me now."
Tila napapasong napabitaw siya rito.
"S-sino ka?'
"A sudden amnesia, eh?" Namamanghang sambit nito sa kaniya, "Ako si 'Babe', di ba?"
Inirapan niya ito saka humakbang papasok ng bahay. Kinuha niya ang wallet niya sa hand bag at mabilis na muling lumabas. Inabutan niya ang lalaking nakatayo sa labas ng pinto. "Magkano?"
"Yung pizza o yung talent fee ko sa biglaang stage play?"
"Maniningil ka ng TF samantalang wala ka namang naging linya sa drama ko kanina. Magkano ang pizza?"
Bahagyang natawa ang lalaki saka sinabi ang halaga ng dalawang box ng pizza. Pagkabigay niya ng bayad ay kaagad niyang kinuha mula rito ang bitbit at akmang isasara ang pinto nang muling itong magsalita.
"May sukli ka pa—"
"Keep it." Muli niyang isasara ang pinto nang masulyapan ang suot nitong hapit na poloshirt at pantalong maong. "Bakit hindi ka naka-uniporme?"
Nagkibit ito ng balikat, "Hindi ba't naging pabor naman sa iyo ang hindi ko pagsuot ng uniporme, Ma'am?"
Antipatiko 'to ah? "Gusto mo bang i-report kita sa opisina niyo?"
Umiling ito saka ngumiti.
Aba, iba rin. Makakain ko pa ba 'tong pizza na 'to kung nabusog na ako sa pagpapa-cute ng kumag na 'to?
"Thanks for the tip." Kinindatan siya nito bago tuluyang tumalikod. Hindi siya nakaalis sa kinatatayuan hanggang sa maka-alis ito sakay ang dalang motorbike.
Nang maisara niya ang pinto ay napatili siya sa inis. Tatlong sunud-sunod na tao ang naka-usap niya sa gabing iyon na talagang nagpa-init ng ulo niya. Hindi niya maintindihan kung bakit mas mainit ang ulo niya sa panghuli samantalang wala naman itong ginawang masama. Sirang-sira na ang gabi niya, may gana pa ba siyang kumain?
Inilapag niya ang dalawang box ng pizza sa ibabaw ng mesa, bahala na ang Tita Riza niyang ubusin iyon.
*****