Dahan-dahan na ikinilos niya ang kanyang katawan. Hindi siya makakilos ng maayos dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay isang napakalusog na mukha ng batang lalaki ang nakita niya.
"Ate!!!Buti gising ka na." Niyakap siya nito ng mahigpit na nagpasakit pa lalo sa sakit ng kanyang katawan.
Sino to?nasaan siya?di ba naaksedente siya dapat nasa ospital siya?
"Ang sakit!" Bigla niyang sigaw dahil sa sobrang sakit na kanyang ulo. Hawak niya ang kanyang ulo habang sumisigaw. Kasabay ng sakit ng kanyang ulo ay ang pagpasok ng mga alaala na hindi naman kanya.
Nawala ang sakit ng kanyang ulo ng matigil ang mga alaala na play sa isip niya.
"Salamin... kailangan ko ng salamin. Bigyan mo ako ng salamin" utos niya sa batang namulatan niya.
Agad naman itong kumuha ng salamin. At ng kanyang masdan ang mukha sa sarili ay ibang mukha ang kanyang nakita.
Maamong mukha ang kanyang nasilayan sa salamin na may mga pasa. May sugat ang mamula-mulang labi nito at may tuyo pang dugo tapos may bakas na kamay ang Magkabila nitong pisngi. Tanda ng pagsampal rito. Maikli ang kanyang buhok ngunit ang nasa salamin ay may mahabang buhok.
Napagtanto niya na ang mga alaala na nag-play kanina sa isipan niya ay alaala ng taong nag mamay-ari ng katawang kanyang gamit.
Namatay ako at nabuhay sa ibang katawan.
Sa katawan ng ibang tao na nagtataglay kakaibang kakayahan.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Ayaw na ayaw ng may-ari ng katawan sa taglay nitong kakayahan pero siya ay gustong gusto niya. Kung may taglay siyang kakayahan tulad nito ay hindi siya maloloko ng mga tao sa paligid niya. Hindi sana siya namatay.
Andrea Trinidad, 20 years old. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakayahang taglay nito. Walang naniniwala rito na maykakayahan siya. Sa tuwing sinusubukan nitong tumulong sa ibang tao ay napagkakamalan siyang baliw. Kaya naman itinigil niya ang pag-aaral at nagLagi itong nagkukulong sa kwarto at nag-iisa.
Dahil sa taglay nitong kakayahan ay wala itong boyfriend. Hindi pa nakakalapit ang mga nagtatangkang manligaw ay iniiwasan na nito.
Ang ina nito ay isang manggagamit na tao. Sa edad nitong 45 ay napakaganda pa rin nito. Ang kagandahan nito ang ginagamit para makapanloko ng tao. Nakikipagrelasyon ito sa mga lalaki para mahuthutan. Matapos makuha ang nais nito ay iniiwan na nito ang karelasyon nito.
Isa sa mga naloko nito ay ang ama ni manuel na si mang Dado. Nang wala na itong makuha kay mang Dado ay iniwan na nito ang lalaki.
Iniwan nito ang anak nitong si andrea kaya laging si andrea ang napagbubuntunan ng galit ng lalaki lalong lalo na paglasing. Hindi nito pinapaalis si andrea dahil umaasa itong babalikan si andrea ng ina nito.
Andrea Trinidad, akin na ang katawan mo ngayon. Salamat dahil sa katawan mo ay nabuhay ako uli. Promise ko sayo hinding hindi ko sasayangin ang buhay mo.
"Ate, umalis ka na rito. Mamaya magigising na naman si papa at saktan ka na naman." Wika ng batang lalaki na ayon sa mga alaala ng may-ari ng katawan ay anak ng lalaking nanakit sa kanya. Ang lalaking iniwanan ng kanyang ina na nang iwan naman sa kanyang anak sa lalaking iniwan nito na nambubugbog na naging dahilan pagkamatay ng tunay na may-ari ng may katawan.
Kitang kita sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya.
Kahit na hindi sila tunay na magkapatid ay kung ituring siya nito ay higit pa sa tunay na kapatid. Mas gusto pa nito na makasama siya kaysa ama nito.
Dahan dahan ay tumayo siya at naglakad papuntang kusina habang tinatali niya ang kanyang buhok gamit ang lastiko na nakasuot sa kanyang kamay.
"Ate umalis ka na baka magising pa si papa" wika ni manuel sa kanya.
For 10 years old, masyado ito bata para umastang matanda.
"Matagal magigising ang tatay mo dahil lasing na lasing. Bago ako umalis ay kailangan ko munang kumain. Kagabi pa ako hindi kumakain."
Simula ng iwan ng kanyang ina ang tatay ni manuel ay araw-araw itong naglalasing. Laging tanghali ang gising nito.
Magluluto muna akong aking kakainin saka ako aalis. hinding hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataon na mabuhay uli.