"Nasaan ako?" tanong ni andrea sa sarili ng maimulat niya ang kanyang mga mata.
Ang natatandaan niya ay tumalon siya sa dagat para makatakas sa dalawang lalaking nagtangka na gahasain siya. Wala na siyang choice kundi ang tumalon nang macorner siya ng dalawang rapist na yon. Sakay siya ng barko para lumayo sa buhay ng dating may-ari ng katawan at dahil agaw pansin ang kagandahan ng may-ari ng katawan ay nakaka-akit ito ng mga tao lalong lalo na sa mga rapist.
Iginala ni andrea ang mga mata sa paligid niya.. Isa lang ang pumapasok sa isipan niya at yon ay ang salitang Nakakahindik.
Ang mga dingding ay may mga bahid na dugo. Masangsang ang amoy. May mga ipis pa siyang nakikita. Ang dingding ay may kadena pang nakalagay. At siya ay nakaupo sa silya at nakagapos.
Bumukas ang rehas sa kinaroroonan niya at pumasok ang tatlong tao. Kilala ni Andrea ang dalawa sa tatlo.
Luke Roque. Isang Sikat na artista. Marami ang humahanga rito sa galing nitong umarte. Bawat pelikula nito ay nakakatanggap ito ng pagkilala. Laging patok sa masa ang pelikula nito. Maraming kababaihan ang nabibighani rito kahit na nababalita ito sa pagiging suplado nito. Sa taglay nitong kagwapuhan Sino ba namang hindi mabibighani rito. Maraming artista ang gustong madikit ang pangalan nito sa lalaki at isa na roon si Kristal. Ang laging bukambibig nito noon sa kanya ay nais nitong makatrabaho ang lalaki.
Cindy Abalos. Isang ka akit-akit na babae. Nagtataglay ng napakaamong mukha ngunit ang mga mata nito ay nagsasabing hindi ito ganon. Ang katawan nito ay parang katawan ng isang modelo. Isa itong Personal Secretary ng napakayamang tao. Nakilala ito ni Andrea sa noong siya pa si Anne. Laging si Cindy ang dumadalo sa mga party kung saan iniimbitahan ang boss nito. Ang boss nito ay hindi pumupunta sa mga party kaya laging ito ang dumadalo.
Takot agad ang naramdaman ni andrea ng magtama ang mga mata nila ng isa sa mga ito.
Condrad Rich. Isang napakayamang tao ngunit kukunti lang ang nakakakilala sa kanya. tanging pangalan lang niya ang alam ng mga tao kahit minsan ay hindi ito nabalita.
Kilala si Andrea bilang nag-iisang apo ng mayamang negosyante pero kung ikukumpara ang yaman ng lolo ni Andrea sa yaman Condrad Rich ay para lamang itong isang butil ng bigas.
Iniyoko ni Andrea ang kanyang ulo. Hindi niya matagalan ang titig ng lalaki na walang iba kundi si Condrad
He's very dangerous man. Yon agad ang pumasok sa isipan ni andrea. Kahit na hindi ito kilala ni andrea ay batid niyang isa itong mapanganib na tao. Ang aura nito ay sumisigaw ng kapangyarihan.
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa isla ko?" Tanong ng Condrad kay andrea.
"Andrea. Andrea Trinidad ang pangalan ko. Hindi ko sinasadya na mapadpad ako rito. Tumakas lang ako sa dalawang tao na may masamang loob. Balak nila akong gahasain. Tumalon ako sa dagat ng macorner nila ako. Akala ko katapusan ko na. Nang magising ako narito na ako. Sa silid na ito. Nakakulong. " mabilis na sagot niya rito. Sa isip niya di siya dapat magsayang ng oras para magpaliwanag sa taong kaharap niya. Lalo pa't sa isip nito isang pagkakamali lang niya ay papatayin na siya nito.
Tinitigan siya nito sa mga mata. Inoobserbahan siya kung nagsasabi siya ng totoo.
Nakaginhawa si andrea ng maluwag. Naniwala ang lalaking kaharap niya sa kanyang sinabi pero ang ginhawang naramdaman niya ay agad ding naglaho at napalitan ng panic.
"Luke, alam mo na ang gagawin." Wika ni Condrad kay luke at agad na tumalikod para umalis.
Nanlaki ang mga mata niya. Kahit na nagsabi siya ng totoo ay papatayin pa rin siya ng mga ito. Takot agad ang naramdaman niya.
Hindi ako puweding mamatay. Hindi pa ako nakakapaghigante sa pagkamatay ko. Wika ni andrea sa isipan niya.
"Huwag mo akong ipapatay. Parang awa mo na. Matutulungan kita sa mga problema mo." Desperadong wika ni andrea sa papalabas na si Condrad.
Dahil sa sinabi niya ay nakuha niya ang atensyon ni Condrad. Bumalik ito sa harap niya.
"At ano namang tulong ang maitutulong mo sa akin? Anong kaya mong gawin para sa akin? Anong kaya mong gawin kapalit ng buhay mo?" tanong sa kanya.
Tiningnan ni Andrea ang dalawang kasama nito saka muling ibinalik ang tingin sa lalaki sa kanyang harap.
"Pwede bang mag-usap tayo ng tayo lang dalawa."wika ni andrea. Sasabihin niya ang isa sa sekreto niya para lang mabuhay. Wala sana siyang pagsasabihan sa kakayahan niya dahil ikakapahamak niya pag nalaman ng iba pero dahil nasa bingit na siya ng kamatayan ay gagawin niyang ticket ito para mabuhay. Isusugal na niya ang buhay niya.
Agad na pinalabas ng lalaki ang dalawang kasama nito.
"May kakayahan akong marinig ang iniisip ng mga tao. Matutulungan kita na malaman kung sino ang nagtraydor sayo." Agad na wika ni andrea ng maka alis ang dalawa.
"Kung talagang naririnig mo ang iniisip ng mga tao, ano sa tingin mo ang iniisip ko ngayon. Patunayan mo sa akin. Yan iniisip mo ngayon. Siguro naman maniniwala ka na sa akin." Wika ni andrea sa lalaki.
Kailangan niyang patunayan ang kakayahan niya sa lalaking kaharap at ang sabihin ang iniisip ng lalaki ang pinakamadaling gawin para patunayan rito ang kaya niyang gawin.
Hindi nagsalita si Condrad ngunit ang iniisip nito ay rinig na rinig ni andrea. Kailangan niyang makumbinsi ang lalaki. Para rito Hindi sapat ang matulungan ito na malaman kung sino ang nagtraydor rito dahil kayang kaya nitong malaman kung sino ang nagtatraydor rito.
"I can be your great weapon laban sa mga kalaban mo. Lahat gagawin ko. Lahat ng gusto mo ay gagawin ko kahit na maging alila mo ako habambuhay. Just dont kill me. Kailangan kung mabuhay. Kailangan kung mabuhay para makapaghiganti sa mga taong may atraso sa akin." Desperado siyang mabuhay para makapaghiganti sa dalawang tao na nagtaksil sa kanya. Hindi niya namalayan na may mga luha na lumalabas sa kanyang mga mata habang naiisip ang araw na naaksidente siya.
"Mamatay ka na." Nakangiting wika ni kristal sa kanya. Habang si ronald naman ay nakatayo lang sa tabi ni kristal. Nakatunghay lang sa duguan niyang katawan.
"H-help.....save me...please...."
Isang palad ang naramdaman niya mula sa kanyang mukha.
Ang lalaki kanina na nakatayo sa harap niya ay kasalukuyang pinapahid ang luha sa kanyang mga mata.
"Kapag lumabas ka sa kulungan na ito ay pag-aari na kita. Ang buhay mo ay pag-aari ko. Pag-aari kita. Naiintindihan mo." Wika nito sa kanya.
Isang tango ang isinagot ni Andrea kay Condrad . Kasabay ng pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi ay ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.
Ligtas na siya.