"Kristal, ikaw ay muli namang nakatanggap ng award sa galing mong pag-arte."
"Yes po. Ako po ay sobrang nagpapasalamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala po sa akin. Kung hindi po dahil sa kanila ay hindi ko po mararating ang narating kong tagumpay ngayon."
"Balita namin ay ikaw ay nagpapagawa ng bahay."
"Opo. Dream house ko po. Bata pa po kasi ako ay pangarap ko ng magkaroon ng sariling bahay. Ang isang tulad ko po na lumaki sa ampunan ay pangarap na magkaroon ng sariling bahay at ngayong nakapag-ipon po ako ay nagpapagawa na po ako."
"Masaya kami sa mga narating mo."
"Salamat po."
"Ngayon ay ang susunod kong itatanong sayo ay ang gustong itanong sayo ng iyong mga taga hanga. Ikaw ba ay may Boyfriend na?"
"Wala po akong boyfriend." Naka ngiting wika ni Kristal.
"Really!" hindi makapaniwala ang nag-iinterview rito sa narinig.
"Yes, po."
"Sa gandang mong yan ay wala ka pang boyfriend."
Isang ngiti ang isinagot niya.
"Totoo ba ang napababalitang nagdi-date kayo ni Mr. Ronald."
"Hindi po kami nagdi-date. Hindi naman ligid sa kaalaman ng lahat na ako ay matalik na kaibigan ni Anne. Nagkakilala kami ni Ronald dahil kay Anne. Si Ronald ay kanyang boyfriend kaya naman naging magkaibigan rin kami dalawa. Nang mamatay si Anne sa car Accident ay laging malungkot si Ronald. Alam ko na kung saan man naroroon si Anne ay ayaw niyang malungkot ang kanyang boyfriend at bilang kaibigan niya at kaibigan na rin ni Ronald ay ayokong malungkot si Ronald. Ang totoong kaibigan ay laging nasa tabi ng kanyang kaibigan sa hirap man o sa ginhawa. Kaya naman para mawala ang lungkot ni Ronald ay lagi kong inaaya na kumain kami sa labas."
"Napakabuti mong kaibigan."
May mga namuong luha sa mga mata ni Andrea. Mayamayay pumatak ang mga ito ng walang tigil sa kanyang pisngi. Kahit anong pahid niya ay hindi mawala wala ang kanyang luha dahil tuloy-tuloy ang luha sa pag-agos mula sa kanyang mga mata.
"Namimis mo ba ang iyong kaibigan."
"Sobra. Si Anne kasi ay isang napakabuting kaibigan. Lagi siyang nasa tabi ko kapag malungkot ako at siya ang nagchi-cheer sa akin na huwag ako bumitaw sa mga pangarap ko. Napakasweet niyang tao. Pinipilit kong magpakatatag at huwag malungkot sa pagkawala niya dahil sa alam kong ayaw niyang mamuhay ako sa kalungkutan dahil sa pagkawala niya." Pinapahid niya ang kanyang luha gamit ang bigay na tissue na ini abot sa kanya ng nag-iinterview rito."Sorry hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing naaalala siya."
"It's okay. Naiintindihan ka namin."
"Okay ka na ba?" Tanong ng nag-iinterview rito.
"Okay na po." pilit na ngiti nito sa nag-iinterview rito matapos nitong pahirin ang luha sa kanyang mga mata.
"May bago kang drama na ginagawa."
"Opo.Sana po ay suportahan po niyo ang dramang ito. Napakaganda po ng estoryang ng dramang ito-"
Galit na galit na ini-off n Andrea ang TV. Ang makita si Kristal sa TV na umiiyak at umaastang mabuting kaibigan ay parang gasolina sa nag-aapoy niyang puso.
"Sige Kristal. Maglaro ka ng Maglaro. Magsaya ka sa paglalaro para matuwa naman ako kapag nakipaglaro na ako sayo. Panatilihin mong maging mabuti sa lahat. Lumipad ka ng mataas na mataas para kapag hinulog kita ay hindi mo na kaya pang bumangon." nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit habang nakatingin sa TV na para bang nandoon ang dating kaibigan at balak niyang patayin.
"M-miss andrea, Pinapapunta po kayo ni Master sa library." Kinakabahang wika ng katulong kay Andrea.
Kanina pa ito kumakatok sa pintuan ni Andrea at dahil walang sumasagot ay binuksan na niya ang pinto at ang bumungad sa paningin niya ay ang galit na galit na mukha ni Andrea na nakatitig sa TV na parang papatay ito ng tao. Nagdadalawa pa siyang tawagin ito dahil ayaw niyang nagalit ito sa kanya.
Nakangiting tumango si andrea sa katulong. Dinig na dinig niya ang iniisip ng katulong tungkol sa kanya at dahil ayaw niyang mas lalo itong matakot sa kanya ay nginitian niya ito. Hindi niya akalain na mas lalong matatakot sa kanya ang katulong dahil sa pag ngiti niya rito.
Napabuntong hininga nalang si Andrea na tumalikod para puntahan ang nagpapatawag sa kanya.
Sa isip ng katulong ay mas lalong nakakatakot ang babae ng ngumiti ito. Nang ngumiti ito ay para itong isang anghel sa paningin niya ngunit ang mga mata nito ay nagsasabing kasalungat ng ipinapakita mukha nito.
"Nakakatakot." Wala sa sariling na sambit ng katulong habang nakatingin sa tumalikod na babae.